Download App
27.77% I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 70: Sideline

Chapter 70: Sideline

Laine's Point of View

" Ms.Dang may problema po ba?" tanong ko sa executive assistant ng art director ng Montreal.

Kanina ko pa kasi napapansin na parang balisa sya na naghihintay.

" Eh kasi yung kapalit ni Dustin hanggang ngayon wala pa, tinawagan ko naman kahapon ang sabi darating sya.But until now he's not here, he's almost one hour late, mainit na nga ang ulo ni boss.Ayaw naman nyang mag-pack up tayo dahil mahihirapan tayo pare-pareho sa schedule." mahabang paliwanag nya.

I sighed deeply.Oo nga, last photo shoot na ni Dustin yung nakaraan, siya at ang pamilya nya ay nag-migrate na sa Canada a month ago.Sanay na ako kay Dustin bilang partner sa mga photoshoot, hindi na kami nagkaka-ilangan kaya lang nagpasya na ang pamilya nya na manirahan na ng Canada,kaya kahit successful na sya dito bilang model sinunod pa rin nya ang gusto ng magulang na manirahan na sa ibang bansa.

" Paano yan Ms.Dang kung hindi dumating yung kapalit nya? What are we gonna do?" tanong kong muli sa kanya.

" Naku ewan ko Ms.Laine, baka humila na lang si boss dyan sa loob na pwedeng mag pose para hindi lang masira ang preparations natin ngayon." sagot nya.

" Dang!" tawag ni Sir Paul mula sa loob.

Mukhang mainit na nga ang ulo.Ano ba kasi nangyari dun sa kapalit ni Dustin?

Nag-excuse si Ms.Dang sa amin at nagmamadaling pinuntahan ang amo sa loob.

" Babe anong nangyayari?" tanong ni Nhel na nakaupo sa kabilang couch na para sa visitors.

" Wala pa yung kapalit nung dating partner ko, mukhang hindi na darating kaya problemado sila sa loob." sagot ko.

He just nodded at bumalik na sa pagbabasa nung magazine na nandun sa side table.

Sana wag mainip si Nhel, sa isip-isip ko.Nakakahiya naman sa kanya kung matagalan kami o ma- pack up, sayang effort nya.Nagpaalam sya dun sa boss nya sa OJT na sasamahan ako.Pumayag naman dahil ninong ko naman yun.Sumama na lang syang mag-overtime sa mga employee dahil wala nga sya kinabukasan.

Mukhang kulang pa naman sya sa tulog.Maaga nya akong sinundo sa apartment namin kanina. Medyo malayo kasi yung apartment nya sa amin.Mga 20 minutes ride kung walang traffic.Pero malapit lang dun sa pinag-oojt-han nya yung apartment nya. Walking distance.

Sinama nya na ako nung isang araw dun sa tinitirhan nya. Maayos naman,studio type. May isang room,maliit na sala,magkasama na yung dining room at kitchen then katamtamang laki ng CR. Sakto lang sa nag-iisang tulad nya.Kumpleto naman sa gamit, si ate Merly ang bumili lahat.Pwede raw akong tumambay dun kung gusto ko at binigyan nya pa ako ng duplicate key kung sakaling pumunta raw ako at wala pa sya.

Napangiti ako ng maalala ko nung iabot nya sa akin yung duplicate key. Paano akong pupunta dun sa kanya kung araw-araw dun sya sa amin tumatambay? Gabi na nga sya kung umuuwi sa bahay nya.Binibiro nga namin na dun na lang sya sa amin tumira tutal maluwag pa naman yung sala.Tinatawanan lang nya kami.

Naputol ang pag-iisip ko nung lapitan akong muli ni Ms.Dang na tila problemado na.

" Ms.Laine, wait lang ha? nagpapahanap na si boss sa akin ng pwedeng ka-partner mo, hindi ko nga alam kung saan ako hahanap nito." nag-aalalang sabi ni Ms.Dang at tumalikod na.

Hindi pa sya masyadong nakakalayo ng bumaling uli sya sa amin at bumalik.

" How old is he?" tanong nya.

" He? Who?" tanong ko rin na naguguluhan.

" Siya!" sabay turo kay Nhel.

" He's 21. My God Ms.Dang, don't tell me you're serious!" hindi ako makapaniwalang sambit sa kanya.

" Why not, he's good looking, has the height and oh so hot body, really fit for the job.Kanina pa ako nag-iisip eh andyan ka lng pala." turan nya sabay lapit kay Nhel.

Tinignan sya ni Nhel ng naguguluhan.

Nagulat na lang din sya ng bigla syang hilahin ni Ms.Dang.

" Halika dali, malaking tulong ka sa problema namin ngayon at para mawala na ang init ng ulo ng boss ko.Sumama ka na rin Ms.Laine." nagmamadaling sabi nya at wala na rin akong nagawa kundi sumunod sa kanila.

Tuwang-tuwa si Sir Paul ng makita si Nhel.He's really fit for the job nga raw at mas maganda raw kung sya ang ka-partner ko dahil wala ng ilangan pa.Pinapirma kaagad sya ng 1 year contract at ora mismo ay mag-uumpisa na sya.Tumawag daw kasi yung kapalit sana ni Dustin, nag back-out dahil may natanguan na ibang company.

Luck is really on Nhel's side.May instant sideline sya ng hindi nya inaasahan.

God is good.

The shoot went on smoothly at sobrang satisfied ng photographer ng makita nya ang kinalabasan ng aming mga kuha.Mas bagay daw kami kesa nung si Dustin pa ang kapareha ko.

Gabi na kami halos nakauwi ni Nhel dahil yung trabaho para sa tatlong araw ay hinati lang sa dalawa.Bukas pa uli ang balik namin.Naiintindihan ko naman yon dahil ako naman yung may problema sa schedule dahil sa pag-aaral ko.Inaalala ko rin si Nhel, dapat pahinga na nya ito pero nagkaroon pa sya ng instant sideline.

" Beh are you alright?" tanong ko nang makarating na kami sa amin.Wala si Rina at Candy,umuwi ng Sto.Cristo dahil weekends.

" Oo naman babe,I'm fine.Infact masaya ako dahil magandang sideline yun, malaki ang maidadagdag ko sa savings natin at magkasama pa tayo.Hindi naman din masyadong pagod." masayang sagot nya.

Napangiti ako, pareho lang kami ng pagdadalhan ng kinita namin.Nagulat nga sya nung mag-check kami nung isang araw sa bank. Pwede na raw pala kaming magpakasal sa naipon namin.

" Matagal pa naman bago tayo magpakasal beh,hihintayin pa natin na maka-graduate ako.Pero tama lang na mag-ipon tayo para hindi na natin iasa sa kanila yung mga kakailanganin natin sa hinaharap." sabi ko.

" Yeah right, magta-trabaho naman ako habang hinihintay kitang makatapos.Gusto ko rin magkaroon ng sarili nating bahay bago tayo magpakasal para naman may uuwian na agad tayo."seryosong sabi nya.

Well, maganda yung mga plano nya para sa future naming dalawa.Sana matupad namin yon at wala na sanang hadlang pa na darating.

Hinawakan nya ang magkabila kong pisngi at dinikit nya ang noo ko sa noo nya.

" You know what, I can't wait for the day na mapalitan na yang surname mo ng surname ko.Then, yun bang bago ako matulog ikaw yung makikita ko at gigising ako na ikaw agad yung masisilayan ko.Ikaw yung magiging ina ng mga anak ko at makakasama ko hanggang sa pagtanda ko."

madamdaming sabi nya.

" Haha, ang seryoso natin ah.Pero honestly, yun din naman ang pinapangarap ko but for now focus muna tayo sa kasalukuyan and let God do the rest." sabi ko sabay ng mabilis na smack sa labi nya.

Napangiti sya sa ginawa ko at walang sabi-sabi na hinila nya ako at niyakap ng mahigpit.

" Beh dito kana lang matulog,tutal gabi na at nag-iisa lang din ako.Tsaka maaga rin tayo bukas para sa huling shoot." untag ko sa kanya.

"Hmm.gusto mo lang akong makatabing matulog kasi na-miss mo ako ng todo.Aminin!" nang-aasar na naman sya.

" Hindi ah!asa ka pa.Dun ka kaya sa kabilang room noh! " kunwa'y sabi ko pero sa totoo lang gusto ko syang katabi dahil natatakot akong mag-isa.

" Sus babe parang hindi kita kilala.Takot ka kayang matulog mag-isa lalo na hindi ka pa masyadong pamilyar sa lugar.O ano tama ba ako?" nangingiti sya habang sinasabi yon.Kilalang-kilala talaga ako ng mokong.

Isiniksik ko yung mukha ko sa dibdib nya,nahiya kasi ako dahil aminado ako na tama sya sa sinabi nya.

Maya-maya sumapi na naman ang pilyang pagkatao ko.Tuwang-tuwa na inamoy amoy ko yung dibdib nya.

Hmmm.bango ng bebeh ko ah.

Hindi ko namalayan na dahil sa ginawa ko,naramdaman ko na parang nanigas sya sa kinatatayuan nya.

Hala Laine,ano yang ginawa mo?

Nang tignan ko sya ay mataman pala syang nakatingin sa akin na parang lasing ang mga mata.

Kasi naman ikaw napakapilya mo sukat mong halikan yung dibdib nya eh sensitive part ng mga lalake yun.

Without a warning,he grab my nape and kiss me on the lips.

Well, alam nyo na ang kahahantungan nito, naumpisahan ko na naman kase ang gwapong lolo nyo.

Torrid o gentle?

Hahaha...alam na this, si Nhel pa!


CREATORS' THOUGHTS
AIGENMARIE AIGENMARIE

Nasa parehong larangan na sila ngayon, yung modelling. Ano kaya ang kahihinatnan nila sa mga susunod na kabanata? Abangan!

Thank you for reading!

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C70
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login