Download App
46.03% I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 116: Somewhere Down the Road

Chapter 116: Somewhere Down the Road

Laine's Point of View

GABI na nung makauwi kami nila Anton at Lianna mula sa pamamasyal. Talagang nilibot namin ng husto ang mga lugar ng Sto.Cristo. Ngayon lang kasi na-enjoy ng husto ni Anton dahil nung unang umuwi kami dito nung kasal nina Pete at Rina ay hindi kami nakapamasyal, dun lang kami naglagi sa resort.

Nang makapasok kami ng bahay ay dinatnan na namin ang pamilya ko na nasa dining room at naghahapunan na.

" O nandyan na pala kayo.Kumusta ang pamamasyal?" tanong ni dad sa amin. Lumapit naman kaming tatlo sa kanila para magmano sa kanya at kay mom.

" Great po dad. Sobrang nag-enjoy kami especially the food." sagot ni Anton.

" Ah oo, masarap talaga ang pagkain dito,lalo na yung mga kakanin." segunda naman ni mommy.

" Where's Aliyah mom?" hinanap ko kaagad ang anak ko.

" Nandun na sa room mo pinapatulog na nung yaya nya, napagod kakalaro." sabi ni mom.Tumango na lang ako.Naalala ko na naman yung gitara na dapat ipapasalubong ko sa kanya.Naunsyami dahil sa kamalditahan ni Marga.

" Kumusta naman Lianna ang adventure nyo dito, nag-enjoy ka ba?" nakangiting tanong ni mom kay Lianna. Good thing is they had a good relationship towards her kaya hindi mahihirapan si Anton magbigay ng oras sa amin kahit na hiwalay na kami because Lianna is also like a family to us.

" Sobra po tita.Namili na nga po kami ng kakanin na maiuuwi sa Manila pati na rin po yung mga souvenir items, ang gaganda po kasi." turan naman ni Lianna.

" Bakit uuwi na ba kayo?" tanong ni mommy na sa akin naman nakatingin.

" Eh mom may appointment po kami ni Anton sa lawyer namin bukas tumawag po kasi sya kanina, mukhang ayos na po yung divorce papers namin." sagot ko.

" Uhm.mukhang mabilis ah. Sabagay may lawyer din kasi na nag-aasikaso dun kaya ganon kabilis. Nasabi nyo na ba yan kay Aliyah?" biglang tanong ni dad.

" Hindi pa nga po dad, parang wala po kaming lakas ng loob na sabihin sa kanya. Baka hindi nya po kami maintindihan." si Anton ang sumagot dahil parang nahulog ako sa malalim na pag-iisip. Noon kasing hindi pa kami nagdi-divorce, lagi naming sinasabi ni Anton na matalino ang anak namin at maiintindihan nya ang magiging sitwasyon namin kung sakali. Pero ngayon na narito na kami sa sitwasyong ito,tila naduduwag naman kami na sabihin sa bata sa dahilang ayaw namin syang masaktan.

" Alam nyo mga anak..." umpisa ni dad, " habang maaga pa ipaintindi nyo na sa kanya ang tunay na sitwasyon nyo. Sa una maaring masaktan sya pero mas masasaktan sya kung patatagalin nyo pa at magdudulot lang yun ng kalituhan sa kanya. Kung ngayon pa lang ipapaunawa na ninyo sa kanya, habang lumalaki sya hindi na sya magtatanong at maguguluhan dahil alam na nya sa una pa lang."

Nagkatinginan kami ni Anton. I felt relief when he nodded at dad. Dad was right, maaaring masaktan si Aliyah sa katotohanan pero kung patatagalin pa nga namin mas lalo lang yung makakasakit sa kanya. Habang bata pa sya mas magandang malaman na nya ang totoo. Mas madaling makaunawa ang mga bata at hindi nagtatanim ng galit basta't sabihin lang ang totoo.

" Yes dad, matapos lang po lahat ng inaayos namin kakausapin namin agad si Aliyah para malaman na nya ang totoo." turan ni Anton.

" That's good. We will support you with that."

" Thanks dad."

KINABUKASAN bumalik na nga kaming tatlo sa Manila. Iniwan na muna namin si Aliyah kila dad dahil doon muna raw sila sa Sto.Cristo maglalagi para magbakasyon.

Hinatid muna namin si Lianna sa bahay nila ni Anton bago kami tumuloy sa law firm ng lawyer namin.

Pagdating namin sa law firm, agad naman kaming inestima ni atty. Villegas.

Inabot nya sa amin ang tig-isang brown envelope na naglalaman ng  divorce papers namin mula Switzerland.

" Congratulations, you are both free now!" saad nya while shaking our hands.

" Thank you very much attorney!" sabay na sambit namin ni Anton.

Matapos pirmahan ang ilang dokumento, nag-usap lang kami saglit  nung lawyer then niyaya ko na si Anton na umuwi na.

Pauwi na kami nang napagkasunduan namin na dun tumuloy sa bahay nila ni Lianna at nag-request pa sa akin na ipagluto ko sya ng favorite nyang mga putahe.

" Siguradong mami-miss ko ang mga luto mo kaya ipagluto mo na ako ng marami."

" Sira! Di ba sabi ko naman sayo na kapag gusto mong kumain ng luto ko eh tawagan mo lang ako at ipagluluto kita."

" Eh paano pag naging ok na kayo ni Nhel? Hindi mo na magagawa yon, alam mo na matindi ang selos sa akin non."

" Hindi naman ganon si Nhel lalo na kapag nalaman na nya ang totoo.I know you could be the best of friends kapag naging maayos na ang lahat."

" Yeah I know, Nhel is a good man and I can feel that we could establish a good friendship someday."

" Yeah right. But how about Aliyah? Ipapakilala na ba natin sya kay Nhel pagbalik natin ng Sto.Cristo?"

" Kung ako lang, ang gusto ko kapag naayos na yung birth certificate nya,siguro one of this days lalabas na yun.Mas maganda rin siguro kung sabihin muna natin sa kanya ang totoo para hindi na sya mabigla kapag pinakilala na natin sya sa ama nya.But of course, it's up to you now. Ikaw na ang magpapasya para sa mag-ama mo basta susuportahan kita ano man ang maging desisyon mo."

I heaved a sigh. Kailangan ko na talagang magdesisyon ng para sa sarili ko ngayon. Dati kasi siya ang palaging nagdedesisyon at support lang ako pero ngayon baligtad na dahil divorce na kami.Pero alam ko hindi naman nya ako pababayaan gaya ng pangako nya. Kailangan ko na lang talagang magsanay na hindi na namin sya kasama sa iisang bubong ngayon.

I held his right hand and looked straight in his eyes.

" Thanks for everything Ton. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa akin sa loob ng limang taon kung wala ka sa tabi ko. Ngayon kailangan ko ng magsanay na hindi kana namin kasama."

" Laine marami rin akong dapat ipagpasalamat sayo. At isa pa divorced lang naman tayo. Hindi pa rin ako mawawala sa inyo ni Aliyah. I'm just a few drive away, a one call away. I'll be there if you need me. Hindi tayo nagtapos dahil sa divorce kundi umpisa pa lang ito ng mas malalim na friendship between us  with Lianna."

" Alright, promise yan ah!"

" Promise! Ikaw pa eh malakas ka sa akin."

After two days ay bumalik na uli kami ni Anton ng Sto.Cristo. Hindi na namin kasama si Lianna dahil may duty na ito bilang intern sa isang ospital malapit sa bahay nila ni Anton.

That day, we decided to talk to our daughter.Itinaon namin na katatapos naming mag-anak na mag-lunch at nagpapahinga na sa living room.

" Sweetie come here." tawag ni Anton kay Aliyah na nuon ay nakakandong sa tito Rogen nya.Patakbo syang lumapit kay Anton.

" Why papa?" tanong nya habang umuupo sa lap ng papa nya.

" I have something to tell you but promise me first that you won't get mad."

Tumingin sya kay Anton ng may pagtataka.

" Why papa? Is it something serious that I'm going to get mad about?"

" Well, it's quite a serious matter and I don't know if you could accept it right away. "

Tumingin si Aliyah sa akin na para bang humihingi ng saklolo sa kung ano man ang maari nyang marinig.

Tumango lang ako na tila ipinauunawa sa kanya na naririto lang ako gayun din ang ginawa nila mom at dad ng sa kanila naman sya tumingin.

Ipinaliwanag ni Anton sa kanya ang tunay na estado ng pamilya namin at pati na rin ang tunay na relasyon nito kay Lianna. Nung sasabihin na nya kay Aliyah na hindi sya ang tunay na ama nito, parang may bumikig sa kanyang lalamunan.Alam kong hindi nya kayang sabihin sa bata dahil mahal na mahal nya ito pero pinilit nyang ipaintindi dito kahit na lumuluha na sya. Tahimik na nakikinig si Aliyah at nang mag sink in na sa kanya ang sinabi ni Anton ay bigla na syang pumalahaw ng iyak.

Nilapitan ko sya at umiiyak na rin ako ng aluin ko sya. Alam kong masakit sa kanya na malaman ang totoo dahil saksi ako kung paano sya inalagaan at minahal ni Anton. And she loves Anton so much.

Pati sila mommy at daddy ay tumutulong din na magpaliwanag sa kanya.

At dahil matalino nga ang anak ko at pinalaki namin sya na malapit sa Diyos, unti-unti na nyang naunawaan ang katotohanan at walang anumang galit na mababakas sa kanya. Tama si dad, mas maagang malaman nya mas madali nyang matatanggap.

" Shhh..hush now sweetie. Papa will not totally leave us. He maybe living now with tita Lianna but that doesn't mean you won't see him anymore. He's still a father to you. He'll visit us regularly and you can also visit him anytime you want. And tita Lianna promised that she will take care of you whenever you're with them." malumanay na turan ko.

" Really papa tita Lianna will do that?" tanong nya kay Anton.Medyo humupa na ang emosyon na nararamdaman nya kanina.

" Yes sweetie,you know how much she loves you too."

Nakangiting yumakap sya kay Anton at hinalik-halikan naman nito sa ulo ang bata. I saw relief in Anton's eyes when he hug her tight. Nakahinga na rin ako ng maluwag ngayong nasabi na namin sa bata ang lahat.

Natapos na namin ni Anton ang first step at susunod na hakbang na ang sa amin ni Nhel.

Alam ko hindi magiging madali ito pero umaasa ako na kahit gaano kahirap ang daang tatahakin ko ay magtatagpo kami ni Nhel sa dulo.

Somewhere down the road

I know that heart of yours

Will come to see

That you belong with me....


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C116
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login