Download App
18.18% 3 IN 1 ROOF

Chapter 2: CHAPTER 2: HOUSEMATES

WON

Naghahagilap ako ng kahon sa bodega. Narinig kong nagbukas ang pinto.

"Anong kinakalkal mo dyan?" - Bum

"Naghahanap ako ng kahon."

"Para saan?"

"Lilipat na ako."

"Ha? Saan naman?"

Hinila ko siya papunta sa taas kung saan ko natatanaw ang bahay nina Shin. "Nakikita mo ba yun?"

"FOR RENT ..."

"Dyan ako titira." Napatingin siya sa akin. Kinindatan ko siya.Siniko nya ako. "Aray."

"Ako tigil tigilan mo Won ah."

"Nakabayad na ko ng upa."

Lumingon siya sa akin. "Ano?"

"Kaya maglilipat na ako ngayon. Dadalhin ko pati yung alaga kong halaman."

"Tsk. Akala mo ang layo layo ng lilipatan." Kumuha siya ng pagkain sa ref.

Nailipat ko na ang mga gamit ko. Iniwan ko munang bukas ang ilaw saka ako bumalik sa bahay ni Bum para kunin ang halaman ko. Nadatnan ko siyang nagluluto. "Hoy! Kumain ka muna bago ka bumalik dun sa bahay ng labidabs mo."

Tumawa ako. "Oo kakain talaga ako."

"Mag ayos ayos ka dun ah."

"Ikaw din mag ayos ayos ka dito."

Di nagtagal ay bumalik na ako dun. Medyo late nga lang kasi napahaba ang kwentuhan namin ni Bum. Sa tagal kong nanirahan sa kanya mukhang malulungkot to'. Di bale ... konting kembot lang naman ang bahay na lilipatan ko. Nadaanan ko ang bahay nila Shin at napansin na andyan na ang sapatos nya. "Baka tulog na yun." Umakyat na ako. Laking gulat ko nang makita ko siya.

"Ikaw yung ...

Speechless ako.

"Ikaw yung uupa dito?!"

"Ahh.... ehh... " ano won? Anong sasabihin mo? "Dito ka pala nakatira?" Boom! Ayos ang palusot.

Tumaas ang kilay nya. "Oo. Ako ang may ari ng bahay na to."

"Ahh... so... nice to meet you?" Ngumiti ako habang siya naka meme face. Cute hahaha!

"Nagkita na tayo eh... pero hindi ko maalala." Nag isip siya. "AH! TAMA! IKAW YUNG NASA CONVENIENT STORE."

Wow. Naalala nya.

"Ano pa?" Lumapit ako ng konti.

"T-Teka! Bakit ka lumalapit?!" Lumayo siya ng konti.

"Wala na?" Ngumiti ako sabay kagat labi para di ako matawa.

Nagsalubong naman ang kilay nya.

"Meron pa ba?"

Ngumuso ako. "Siguro?"

Hinampas nya ako sa tyan.

"Ah basta! Alis dyan!" Tumakbo siya pababa tapos tumingin sa akin. Kumindat ulit ako. Pumasok siya sa loob.

Tumawa ako ng malakas. Ganun pala itsura nya kapag inaasar.

"Hoy! Iho!" Tawag sa akin ng isang matanda na nakadungaw sa bintana. "Malala ka na ata!"

Agad akong tumakbo papasok sa loob. Inayos ko na ang higaan ko at tumitig sa kisame. Naalala ko yung mukha nya kanina. Actually, hindi ko pa naiisip na magkikita kami agad. Akala ko kasi makakapagtago pa ako eh. Ang tadhana nga naman ... minsan pasaway.

* knock knock knock ... *

Nagising ako sa kumakatok.

"Won..." boses ni Adan yun ah. Agad akong tumayo.

Pupungaspungas pa ako. Hinawi ko ang kurtina sa bintana. Maliwanag na pala. Pinagbuksan ko siya ng pinto. "Ano yun?"

"Goodmorning! Baka gusto mong mag almusal? May pagkain ka na ba dyan?"

"Ha?"

Napatingin siya sa loob ng bahay. "Hindi ka pa pala nakapag set up. Sa bahay ka na kumain."

"Ahh... sige."

Hinila nya ako papunta sa kanila. Nadatnan kong nakaupo sina Tinay at Shin. Nanglaki ang mata ni Shin ng makita nya ako. Naupo si Adan. "Dito ka sa tabi ko pogi."

Sinipa nya ang binti ni Adan sa ilalim. Sabay pinandilatan. "Bakla! Anong ginagawa nyan dito?"

"Hindi pa siya nakapag set up ng bahay nya kaya dito muna siya kakain sa atin."

Tinaliman nya ako ng tingin. Naupo ako sa harap nya with a smiling face. "Goodmorning." Bulong ko

"Heh..." bulong nya.

"Hayaan mo na yan. Allergic yan sa mga gwapo." Bulong ni Adan pero nakatawa.

Nagulat ako. "Di nga..."

"Joke lang hahaha."

"Won, Marunong ka bang magluto?" Tanong ni Tinay

"Hindi po. Actually ... nagtitake out lang ako-"

Pinandilatan ako ni Shin ng mata. Tanga mo. Bakit ko sinabi? Hayst... napapikit ako. Pagkatapos naming kumain ay nagprisinta akong maghugas ng plato. Nagkatinginan kami ni Shin.

"Bakit?" Tanong ko.

Kumuha siya ng towel nya at pumasok sa CR.

"Mauuna na kong maligo!" Sigaw nya

"Sige." Sagot ni Tinay.

Natapos na akong maghugas. Naliligo pa din si Shin. Nagpunas na ako ng kamay. "AH! NASAN YUNG SABON?!" bumukas ang pintuan ng CR. sumilip siya pero ulo lang ang nakalitaw. Nagkatinginan kami.

"Saan ba nakalagay yung sabon nyo?"

Nagblush siya. " sa lamesa " pero masungit pa din. Kinuha ko yung sabon sa lamesa at inabot sa kanya sabay sara ng pinto.

Natawa ako.

SHIN

Papasok na ako sakto namang bumaba si Won galing sa taas. Nagkatinginan kami. Hinawi nya ang buhok nya. May itsura pala to kahit mahaba ang buhok. Naglakad na ako. Sumunod siya. Kumakanta siya ok naman ang boses nya kaya lang naiirita ako. "Sssshhhh..." saway ko. Agad namang siyang tumahimik. "Magkakilala ba tayo noon?" Out of the blue kong tanong. Bakit pakiramdam ko nagkita na kami dati? Nilapit nya ang mukha nya sa akin.

"Tingin mo?" Nakangiti siya.

Nilayo ko ang mukha nya. "Bakit ba kapag kinakausap mo ko nilalapit mo yang mukha mo?"

Tumawa siya. "Gwapo ba ko?"

"Kapal mo. Sabunutan kita eh."

Tumawa pa lalo siya ng malakas. Pang asar. Nauna akong maglakad sa kanya. Huminto siya. Lumingon ako sa kanya.

Kumaway sia. Baliw na ata yun.

"INGAT KA!" Sigaw nya kaya tumakbo ako. Baka isipin nila magkakilala kami. Mygaddd...

RESTO

"Chef, tikman nyo po yung luto ko." Sabi ni Jordan.

Kumuha ako ng kutsara at tinikman ito. "Matabang. Timplahin mo pa."

"Chef, may bisita po kayo sa labas." Sabi ni Grace

Agad akong lumabas at nagulat sa di inaasahang pagbisita nya. "Mr. Sen."

"Hello ... maupo ka."

Naupo ako sa harap nya. Iniwan naman kami ng mga bodyguards nya at ni Ms. Kim.

"Ano pong ..."

"I want to make thing up with you..." tumaas ang kilay ko "I mean... may kasalanan ako sayo nung nakaraan so... gusto kong bumawi."

"Ahh... "

"By having a dinner?"

"Dinner? Wag na po. Ok lang po."

"Gusto ko din kasi ... I mean ... I like you from the first time I saw you."

Nagulat ako. Ha? Ako? Bakit?

Kinagabihan ay Naglalakad ako. Malalim ang iniisip. Anong problema ng CEO na yun? Nadatnan ko si Won na nakaupo sa may hagdan. "Hoy!" Tawag nya sakin.

"May pangalan ako."

"Alam ko. Samahan mo ko." Tumayo siya. Lumapit sa akin.

"Close ba tayo?"

"Magiging close..." kumindat siya. "Housemates nalang tawagin natin gusto mo?" Inakbayan nya ako

"Yuck."

Tumawa siya. "Lika na..." hinila nya ako.

"Saan ba tayo pupunta?"

"Basta ..."

Nagpunta kami sa convenient store. Namili ng mga pagkain at maiinom. Naglalakad na kami pauwi nang mag open siya ng topic.

"Sumasali ka ba ng mga cooking contest dati?"

Tumango ako. "Oo pero natigil nalang bigla."

"Bakit?"

"Naaksidente kasi ako."

"Ha?"

"Yun ang dahilan kung bakit may mga tao ako na hindi ko matandaan kahit pa nagkita lang kami kahapon."

Natahimik siya.

"Bakit Won?"

"Ahh... eh... wala."

Nang dumating kami sa bahay ay may nakahambalang na isang plastic ng pineapple juice.

"Kanino galing yan?" Tanong ko.

Nagkibit balikat si Won.

Pinasok namin lahat ng binili namin. Pinasok naman ni Won ang pineapple juice.

"Ang dami nyo namang binili." - Tinay

"Ewan ko dyan kay Won." Tumingin siya kay tinay "Sino nagbigay nitong pineapple juice?"

"Hindi ko alam. Baka may admirer ka." - Tinay

"Uso pa ba yun?" Sabi ko

"Malay mo biglang mauso." Kumindat siya.

"Ohhhh... gwapo talaga siya diba?"

Tinignan ko si Tinay. "May sakit sa mata yan."

Tumawa lang siya.

-

Mahimbing akong natutulog dahil walang alarm. Wala kasi akong pasok ngayon nang biglang pumasok si Adan. "Baklaaaa! Gising na maglinis tayo ngayon."

Hindi ako dumidilat. "Bakit wala ka bang pasok ngayon? May sakit ka ba at naisip mong maglinis?"

"Wala naman talaga akong pasok ngayon. Shoonga ka na naman linggo ngayon friend."

Napaigtad ako. "Linggo?" Nagkatinginan kami.

"Bakit may lakad ka?"

"Hindi. Pupuntahan ko yung alaga kong cactus."

Napa meme face ang lola nyo. Lumabas ako ng kwarto. Nagluluto pa si Tinay.

"Oh... gising ka na pala..."

"Oo. Dadalawin ko yung alaga kong cactus."

Umakyat ako sa rooftop at agad na tinignan ang cactus ko. Ito ang isa sa mga kaweirduhan ko sa buhay ang mag alaga ng ganito. I mean ... katulad ng aso't pusa kinakausap ko din ang alaga kong halaman.

"Buti nalang nabubuhay ka kahit walang nag aalaga sayo nu?"

Narinig kong may nagbukas na pinto. Lumingon ako. Nakita ko si Won na naglilinis ng electric fan nya. Nang mapansin nya ang presenya ko.

"Oh... gising ka na pala." Sabi nya.

"Ahh... oo. Hindi ka pa naka set up ng bahay?"

"Naka set up na kaya lang yung iba kong gamit hindi pa." Tumitig sya sa akin. "Gusto mong makita yung loob?"

Pinapasok nya ako sa bahay nya. Black and White ang paborito nya. Elegante ang mga ilaw at maganda ang mga decor nya. Napansin ko ang isang box sa gilid.

"Ano yan?"

"Paintings ..."

"Mahilig ka sa paintings?"

Tumango siya. "Mahilig pero hindi ako marunong."

Napansin ko rin ang isang malaking painting na nakaharap sa pader. Nakasulat sa likod nito ang PRIMER AMOR. "Anong ibig sabihin nyan?"

"First love." Tumingin siya sa akin

"Pwede ko bang makita?"

"Makikita mo din yan soon."

May mga ilang picture frames pa na nakataob. Halatang hindi pa talaga siya naka set up sa lahat.

Bakit ganito ang pakiramdam ko? Alam ko talaga nagkita na kami pero hindi ko alam kung saan. Lumabas na ako ng bahay nya susunod nalang daw siya para kumain. Pagbukas ko ng pinto ay may tinamaan na lalaki. "Aray!" Sigaw nya

"Ayy... sorry-"

Napatingin siya sa akin. "Shin?"

"Ha? Kilala mo ko?"

"Sino yan?" Lumapit si Won. Nanlaki ang mata sabay hila sa damit ng lalaki papasok sa bahay. "Anong ginagawa mo dito kumag ka?"

"Ahh... eh.. kayo-" tinakpan nya ang bibig ng lalaki. Tinulak nya ako palabas.

"Pupunta nalang ako dun."

Sinara nya ang pinto. Sino yun ? Bakit kilala nya ako?

WON

"Anong ginagawa mo dito?"

Ngumiti siya ng nakakaasar. "Nakita na ba nya lahat ng tinatago mo o kayo na?"

"Anong akala mo sakin?" Meme face ako sa tanong nya.

"Sus... won, ang bagal mo ... baka maunahan ka nyan."

"Tigilan mo ko." Inayos ko na lahat ng picture frames na nakataob. "Nandito ka ba para mang asar."

"Hindi. Nandito ako para makikain."

"Wala akong pagkain dito."

"Namalengke ako. Sa labas ko iniwan akala ko kasi may ginagawa kayo-" tinakpan ko ang bibig nya

"Puro kamanyakan yang bunganga mo."

Naupo siya sa sofa. "Ang ganda ng bahay mo ah."

"Wala akong ibang inasikaso kundi ito." Sabi ko habang inaayos ang mga kahon. "Iayos mo na yung mga lulutuin ko. Sasabihan ko lang sila na hindi ako sasabay kumain."

"Sige." Tumayo na siya at nagtungo sa kusina.

Nadatnan ko naman sina Tinay, Adan at Shin na nakaupo na.

"Oh... umalis na yung bisita mo?" Tanong ni Shin

"Ah...eh... hindi pa eh."

"May bisita ka?" - Adan

"O-oo... kaibigan ko."

"Dito na kayo kumain." - Tinay

"Hindi na. Namalengke din kasi siya eh... siya daw magluluto."

"Ah... ganun ba? Kunin mo nalang din tong pagkain mo." - Tinay. Inabot nya sa akin ang ulam at kanin. "Dagdag din yan." Ngumiti siya.

"Sige."

Bumalik na ako sa taas. Nilapag ko sa lamesa ang pagkain.

"Oh... bakit may pagkain kang dala?"

"Bigay nila yan na pagkain ko."

"Hindi ba nila alam na marunong kang magluto?"

Sumignal ako ng quiet. "Hindi nila alam." Oo tama. Hindi nila alam at ayokong malaman nila. Gusto kong makasamang kumain si Shin kaya ganun.

Lumabas ako saglit para mamili ng mga stock kong groceries sa bahay. Papasok na ako sa grocery nang biglang may bumangga sa akin na lalaki. Nagkatinginan kami pero agad kong binalik ang atensyon ko sa loob ng grocery.

"Oh... saan ka galing?" Salubong sa akin ni Shin nang makita nya akong bumaba sa bike ko.

"Nag grocery lang. Wala na kasi akong gamit pang ligo."

Medyo mainit ang panahon. Magdamag akong nakahiga sa bahay. Ano kayang ginagawa ni Shin? Binuksan ko ang TV. Headline padin si Sen kaya agad kong pinatay. Minsan talaga hindi ko alam kung nananadya ba ang tadhana o ano.

10 PM. Nagbabasa ako ng libro about sa FILM MAKING. Nang maalala ko ang sapatos ko na sinampay sa labas. Lumabas ako para kunin ito nang makita ko si Shin na nakaupo sa papag.

"Gabi na ah." sabi ko

Lumingon siya. "Bakit gising ka pa?"

"Nagbabasa ako. Ikaw?"

"Hindi ako makatulog." Naupo ako sa tabi nya. "Magkwento ka nga ..."

"Tungkol saan?"

"Sa buhay mo..."

Tumawa ako ng bahagya. "Puno ng sekreto ang buhay ko."

"Bakit naman?"

Nilapit ko ang mukha ko sa kanya. "Sasabihin ko kapag handa na ako."

"Tsk... yung first love mo nalang."

"Ha? Bakit yun?"

"Kahit hindi ko pa nakikita yung picture nya sa loob ng bahay mo. Naimpress ako kasi talagang nagpa frame ka pa ng picture nya.."

"Kung ikaw ba yun? Matutuwa ka ba?"

"Oo naman! Bibihira ang lalaking ganyan nu."

Ngumiti ako. "First Love nya rin ako."

"Ha?"

"Ikaw may first love ka ba?" Tanong ko

"Meron. Pero hindi ko maalala ang saktong mukha nya."

"Pwede mo ba siyang idescribe? Kung anong naaalala mo."

Bumuntong hininga siya. Pumikit. Inalala ang mukha ng first love nya.

"Tama lang ang taas nya. Tama lang gupit. Medyo natatakpan ng bangs nya ang mga mata nya... hindi lang masyadong maaninag dahil sa salamin nya. Gwapo ngumiti. Matangos ang ilong ... at ..." dumilat siya. Tumingin siya sa akin. "Kamukha mo siya?"

SEN

Umuwi ako sa mansion para bisitahin sina Mama at Papa. Sinalubong ako ni Mama.

"Hello anak." Niyakap nya ako at hinalikan sa pisngi. "Kamusta ka na?"

"Ok lang naman po. Kayo po dito ni Papa kamusta?"

"Ok lang naman."

"Halika magdinner tayo. Nagpahanda na ako."

Nagtungo kami sa dining area at sabay sabay na kumain.

"Wow... namiss ko ang luto mo ma."

"Kailangan mo ng mag asawa." Biro nya "Marami magkakandarapa sayo anak, maliban sa CEO ka ... gwapo ka pa."

"Si Mama talaga oh..."

"Wala ka pa bang nagugustuhan?"

Ngumiti ako. "Meron... pero hindi siya yung tipo ng babae na basta basta sa tingin ko. "

"Oh... sounds good."

Nakipagkwentuhan pa ako kay Mama nang mapansin kong 10 PM na pala. Nagpaalam na ako sa kanya. Pinuntahan ko naman si Papa sa study room pero wala siya sa table nya kung saan siya madalas maglagi. Nakita ko ang picture ni Hae Won sa table nya. "Bakit nya to' tinitignan?"

Pagdating namin sa Parking Lot ng apartment ko ay nagpasalamat ako kay Ms. Kim. "Thank you for taking me to Ms. Shin.

"You're welcome po."

"By the way ... may gusto sana akong ipahanap sayo."

"Sino po yun?"

"Jung Hae Won ang pangalan nya pinsan ko siya. I want you to do a background check."

"Sige po."

"Ito ang picture nya." Ibinigay ko sa kanya ang picture ni Hae Won nung first year highschool.

Maghapon akong nasa meeting nang sumunod na araw. Namili na ako ng mga board members ko at ng mga magiging head ng bawat departments. Matapos lahat ng yun ay nag end up ako sa resto kung saan nagtatrabaho si Shin. Sakto namang Out nya na.

"Ms. SHIN..." Tawag ko paglabas nya.

"Mr. Sen..."

"Hatid na kita."

"Ah... eh... hindi na magbubus nalang ako. Saglit lang naman ang byahe ko eh."

"Please?"

Kumain muna kami sa labas. Habang kumakain ay pinagmamasdan ko siya. Maganda pala talaga siya kahit walang make up.

"Ok ka lang ba sa pinagtatrabahuan mo?" Tanong ko

"Ah... eh... o-oo."

Ramdam ko na medyo awkward pa ang pag uusap namin dahil na rin siguro sa sinabi ko nung huling nagkita kami.

Hinatid ko siya sa bahay nila.

"Dito nalang." Sabi nya kaya agad kong hininto sa gilid ang kotse.

"Saan dito ang bahay nyo?"

"Yun... yung may for rent."

"Sainyo nyan? Seryoso?"

Tumango siya.

WON

Nagdidilig ako ng halaman nang makita ko si Adan na paakyat na dito.

"Won, mag almusal na tayo." Aya nya

Nagpunta na ako sa kanila pero si Tinay lang ang nadatnan ko.

"SHIN! GUMISING KA NA!." Tawag ni Tinay

Lumabas si Shin na gulo gulo pa ang buhok nang makita nya ako. Inirapan nya ako.

"Ano ba naman yang itsura mo Shin ... nakakahiya kay Won." Sabi ni Adan

"Hindi ok lang. " tumayo ako at nagpunta sa likod ni Shin. Sinuklay ko ang buhok nya gamit ang kamay ko

"Anong ginagawa mo?" Iritable siya.

"Itali natin yang buhok mo para makita namin yang mukha mo."

Hindi ako marunong magtali pero sinubukan ko para sa kanya.

"Wow... ang sweet ha." -Adan

Ngumiti lang ako. Pinuntahan ko si Bum sa bahay nadatnan ko siyang boring na boring sa buhay. Makalat ang mga gamit nya di katulad nung magkasama kami.

"Hayst ... ikukuha na kita ng katulong ..." sabi ko habang pinupulot ang mga basura nya.

"Namimiss na kita."

Inubo ako sa sinabi nya. "Magtoothbrush ka na kung ano ano ng masamang elemento lumalabas dyan."

"Sus... susundan kita dun." Sabay tawa ng malakas.

"Hoy! Tigilan mo ko!"

"Direk, kunin mo naman akong action star." Biro nya. Binato ko siya ng popcorn.

"Ayoko."

Nilabas ko ang basura ni Bum nang mapansin kong may kotseng nakaparada sa tapat nina Shin. Lumabas dito ang isang babae. "Siguro may mangungupahan na sa kabila."

"Hoy! Anong tinitignan mo dyan?" Tanong ni Bum habang nag aahit. Muka na kasi syang bilanggo eh.

"May titira na ata sa kabilang bahay."

"Sino?" Lumingon si Bum. "Aba! Ang ganda ha- aray!"

Binatukan ko siya. "Malisyoso ka na naman."

Pumasok na ako sa loob ng bahay at naglinis ulit.

▪▪▪▪▪▪▪

Nagtungo si Ms. Kim sa bahay nina Shin kung saan nakita ni Sen ang naka post na FOR RENT. Pinagbuksan naman siya ni Tinay.

Tinay : Sino po sila?

Ms. Kim : Good morning. Ako si Ms. Aileen Kim ng Great Hotel. Gusto kong mag inquire about sa For rent na nakapost dyan sa labas.

Tinay : Ahh... sige po. Pasok po kayo...

Inilibot ni Tinay si Ms. Kim sa bahay at ipinaliwanag dito kung kailan ang bayaran ng upa. Napansin ni Ms. Kim ang isang bahay.

Ms. Kim : Occupied na ba yan?

Tinay : Ah... Opo. Nung nakaraan lang lumipat yung nakatira dyan.

Ms. Kim : Ahh.. lalaki?

Tumango si Tinay

Tinay : ilan po kayong titira?

Ms. Kim : Actually ... Hindi ako ang titira.

Tinay : Ha ? Sino po?

▪▪▪▪▪▪▪

Bumalik na ako sa bahay nang makasalubong ko ang babaeng nagpunta kina Shin. Nagkatinginan kaming dalawa pero nagtuloy tuloy lang ako sa pag akyat. Sopistikada siya at maganda mukhang galing siya sa malaking kompanya. Hanggang makaayat ako kay tila para pa din siyang nakatingin.

Nakaupo ako sa may hagdan. May pumarada na kotse sa harap ng bahay. "Sino yun?" Bumaba mula doon si Shin. Tama ba yung nakikita ko si shin ba yun? Agad akong bumaba.

"Won..." tawag nya sa akin nang makita nya ako

"Shin..." lumapit ako sa kanya. Lumabas naman ang lalaki na nakakotse. Nagkatinginan kami. Medyo madilim pero naaaninag ko ang mukha nya.

"Thank you Sen." Sabi ni Shin

Ano? Sen? She mean...KO HI SEN?

"You're welcome." Napatingin sya sa akin.

Inusisa namin ang isa't isa mula ulo hanggang paa.

"Nagkita na ba tayo dati?" Maangas nyang tanong.

"Sigurado akong hindi pa." Anong ginagawa nya dito? Bakit sila magkasama? Bakit nya hinatid si Shin?

Kilala ko siya. Kilalang kilala.

"Ah... eh... by the way ... siya si Won... kasama ko siya sa bahay. Nangungupahan siya." Pakilala ni Shin sa akin.

"Ano? Kasama mo siya sa bahay?"

Tumango si Shin.

"Bakit may problema ka dun?"

Tinaliman nya ako ng tingin. Ngumisi naman ako.

"Siya naman si CEO KO HI SEN ... I'm sure kilala mo siya won..."

"Hindi."

Napatingin sa akin si Shin.

"Sira kasi yung TV ko. Tara na gutom na ako eh."

"Ah... sige. Papasok na kami." Paalam nya kay Sen.

Nagising ako dahil sa ingay na nangyayari mula sa labas. Sino ba yun? Tumingin ako sa wall clock. 9:30 na pala. Lumabas ako ng kwarto at sumilip sa bintana. May mga gamit na nasa labas. Siguro nandyan na yung kapitbahay ko na bago... nagtungo ako sa kusina at binuksan ang electric kettle ko para magkape. Dahil medyo curious ako... lumabas ako para tignan anong itsura ng magiging butihing kapitbahay ko.

Nadatnan kong nakatayo sina Tinay, Adan at Shin sa labas. Lumapit ako sa kanila.

"Bakit kayo nandito?"

Nakanganga silang tatlo. Lumabas ang lalaki mula sa kabilang bahay. "NGEE!"

"GOOD MORNING MY DEAR NEIGHBORS!" Sigaw ni SEN.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login