Download App

Chapter 3: Kabanata 2

~Mahiwaga~

Isang napakaganda at kaakit kait na maliit na manika na lalaki ang bumulagta sa akin.

Di pangkaraniwan ang ganda...

Napaka pula ng labi at mala porselana ang balat, malambot at kulay puti ang buhok at ang pinaka magandang bahagi sa lahat ay ang mysteryosong kulay abong mga mata. Sa ganda ng pagkakagawa tila ito ay tunay na nilalang.

At nang mapansin ko na may hawak itong papel na eroplano ay kinuha ko ito at may nakasulat na "Tila tala sa langit at damo sa lupa ang ating agwat. Malayo man tayo sa isa't isa hinding hindi kita nakalimutan at patuloy na aalagan aking munting kapatid. Naway iyong alagaan at mahilin ang pinaka espesyal at munti kong regalo sa iyo alam ko mahilig ka sa manika nagmamahal -Celevine."

Sa ilalim ng mabituing gabi, malamig na simoy ng hangin, eto na yata ang pinakamalungkot at madamdaming pasko na aking madarama.

Maligayang kaarawan mahal kong nakakatandang kapatid na Celevine.

Dahil sa labis na pagkalungkot, buong gabi umiyak ang dalaga habang mahigpit na yakap ang mga liham at manika.

Tuwing walang ginagawa si Sarah ay lagi lang itong nasa kanyang kwarto katabi ang munting manika.

Pinupuno niya ito ng pagmamahal at maingat na pag aalaga kinakausap na tila parang buhay ito. Masayang masaya siya at satingin niya ay biyaya ang mysteryosong manika na dahil raw rito, nakakatulog siya ng mahimbing at kung minsan ay napapanaginipan niya ang kanyang nakakatandang kapatid.

Ilang linggo ang lumipas, ang munting manika unti unting lumalaki at bumubigat bagay na ikagulat ni Sarah dati rati ay kasing laki lang ito kalahati ng kanyang braso na ngayon ay kasing laki ng buo niyang braso.

Lingid ang misteryong ito sa kaalaman ng kanyang mga tagasilbi sapagkat maraming collection na manika ang dalaga na bigay ng mga mahahalagang tao sa buhay niya na kabilang mga taong nagpalaki sa kanya lalong lalo na ang kanyang kuya.

Nagdaan ang mga araw hindi magkaugaga sa dami ng importanteng lakad at gawain ang dalaga. Dahil sa sobrang pagod, nakakaligtaan na niyang mag ayos masyado at kumain ng sapat na dami.

Habang nagsusulat ng liham at impormasyon ay di na mapigilan ang labis na pagod at nakatulog ito sa kanyang lamesa. Sa ilalim ng maliwang na buwan ay muli napanaginipan niya ang kanyang kuya.

Naglalakad kami sa isang malawak sa lupain sa ilalim ng makinang na kalangitan at maliwanag na buwan. Napapansin ko na napapadalas ang tawa niya. Tinanong ko kung bakit siya masaya.

Sa lahat ng panaginip, sa unang pagkakataon ay hinawakan niya ang aking mga kamay habang sinasabi ang mga katagang "pasensya na sa paghihintay." nagulohan ako sa sinabi ni kuya ngunit tila nagmamadali na ito at biglang tumakbo tinanggal ko ang aking mga sapatos at hinabol ko siya habang papalapit na ako sa kanya ay tumalon ako ng malakas paabante at sinunggaban siya.

Nag tatawanan kami habang yakap yakap ko ang aking kuya. Napaka sarap sa kalooban na parang nahahawakan ko siya. Ngunit naputol ang aming magandang oras ng unti unti nagising ako sa lakas ng tunong ng kamapana hudyat na napapatunay na umaga na.

Nag taka si Sarah dahil tanda niya sa mga huling sandali ng kangyang kamalayan bago nakaidlip ay nagsusulat siya sa kanyang lamesa pero nagising siya na nasa kama.

Dama pa rin niya ang sobrang pagod at dahil kaunti nalang ang dapat tapusin sa kanyang mga gawain muli siya ay humiga upang muli ay umidlip. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita habang hinihila ang kanyang malapad na balumbon...


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login