Download App

Chapter 3: Chapter 2: Touch of Death

Inutusan nila Summer ang mga estudyanteng nasa ilalim ng aming kapangyarihan na papasukin ang munting bisita.

"Bitawan niyo ko!! 'Di niyo ba ko kilala?! Ha?!!!" nagpupumiglas ang babae mula sa hawak ng dalawang lalaking estudyante.

"Hindi eh... sino ka ba?" nakangising tanong ni Frost na nagpagalit ng todo sa babaeng bisita. Pinipilit naman ng kambal na hindi matawa.

"Aaarrgh!! Ikaw..Autumn!!! Alam kong kilala mo ako! Bakit mo pinatay ang boyfriend ko?!! Magbabayad ka!!!" napataas naman ang kilay ko sa narinig. Pinatay?

"Nagtataka ka pa!! Madaming nakakita sa pagpatay mo! Sabi ng kaibigan ko ikaw daw yung pumatay!"

"Daw? Ibig sabihin HINDI mo nakita." tiningnan ko siya ng maigi sa kanyang mga mata. "Tama ba ako, Binibining Marquez?"

Nagulat siya ng marinig ang kanyang apelyido mula sa aking bibig.

"So kilala mo ko?! Anong ginawa mo sa bf ko?!"

"Teka nga muna!! Kanina sinabi mo pinatay niya bf mo... tapos ngayon magtatanong ka ng 'anong ginawa niya sa bf mo?' Pinaglololoko mo ba kami?" nakapamewang na tanong ni Summer.

"Summer, tumahimik ka muna." sambit ng kanyang kapatid.

"Maaari na kayong umalis." utos ko sa mga humahawak sa dalawang estudyante na nagdala sa babaeng ito. Agad naman nilang binitawan.

"Aaaaah!! Ba't niyo ko binitawan?!"

Napatampal naman sa kanyang noo si Frost. "Weirdo.."

Inutusan ko ang isang estudyante na kumuha ng isang ibon.

"Hoy!! Hindi ako Weirdo!! Hindi ak-"

Inalis ko ang guwantes sa aking mga kamay.

"Pagmasdan mo ang gagawin ko sa ibong ito. Sabihin mo kung ganito ko ba pinatay ang kasintahan mo." seryosong pahayag ko.

Binuksan ko ang seradura ng hawla gamit ng susing binigay ng estudyanteng nagdala ng ibon. Palipad-lipad naman ang ibon tila alam niya na ang nalalapit na kapahamakan. Hinawakan ko ang pakpak at bigla na lang itong nagiging kulay itim. Nagiging abo na ang mga pakpak ng ibon. Pagkaraan ng ilang segundo unti-unti ng nagiging abo ang lahat ng parte nito. Tiningnan ko ang mukha ng babaeng may apelyidong Marquez. Labis ang kanyang gulat sa nasaksihan.

"Ha.. Halimaw!! Halimaw kayo!!" Agad siyang tumakbo papalayo sa amin kaya lang nadapa siya.

"Napakaganda ko namang halimaw... kung halimaw ako, paano ka pa kaya?" masungit na pahayag ni Summer.

Ramdam ko ang pagbabago ng mga mata ko nagiging kulay abo. Sunod-sunod naman ang pagbabago ng kulay ng mata nila Frost, Bloom at Summer.

"MGA HALIMAW!! Paalisin niyo ko dito!!" pinilit niyang makatayo kaya lang hindi kaya ng kanyang mga paa. Pinagalaw naman ni Bloom ang kanyang mga halaman. Gumagapang na ang mga ito mula sa iba't ibang direksyon papunta sa mga kamay at paa ng babaeng walang tigil sa pagsigaw para hindi na makagalaw.

"Ang ingay mo." sambit ni Frost. Pumitik siya sa hangin gamit ng kanyang kanang kamay at nagkaroon ng takip na yelo ang bibig ng babae.

"Kayo na ang bahala sa kanya." Sunod-sunod naman silang tumango. Bago ako pumunta na sa aking sariling silid para makapagpahinga narinig ko ang sinabi ni Summer.

"Magkaiba man kami ng kapangyarihan magkapareho naman ang magiging resulta. Nagiging abo rin ang lahat ng bagay na masasagi ng aking kapangyarihan. Mas mainit nga lang."

Napatigil naman ako sa paglalakad at agad na lumingon sa direksyon ni Summer.

"Tama ka. Mas mabilis nga lang yung akin. Gusto mo bang subukan?" Natahimik naman siya. Alam niyang hindi ako tinatablan ng kanilang mga kapangyarihan dahil nagiging abo rin ito.

"Summer, humingi ka ng tawad kay Autumn." nag-aalalang utos ni Bloom sa kapatid.

"Wag kang mag-alala, Bloom. Pagsabihan mo na lang ang kapatid mo kung ano ang tamang sasabihin." Agad naman akong umalis sa lugar na iyon.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login