Download App
42.3% My Epic Love

Chapter 11: Ganda Problems

Maaga akong nagising kinabukasan.Kailangan kong magpaganda at mag-ayos ng mabuti.

Bakit nga ba?

Ngayon ko lang naman uumpisahan  yung operation maglaway ka sa akin ngayon at babangon ako at aagawin kita.

Ang weird ko di ba? Pero kung hindi ko gagawin to paano na ang lovelife ko.It's better to have love and lost than never to have love at all.

Hugot di ba? Narinig ko lang yang salitang yan sa teacher namin sa Bible nun na si Ate Aileen.

Well, tama naman sya, pag nagmahal ka, kaakibat na nun yung masasaktan ka talaga.Kaya yung mga takot masaktan, hindi sila makakaranas ng totoong pagmamahal.

Kaya ngayon heto ako, bahala na ang powerpuff girls, susugod ako sa ngalan ng pagmamahal at pangarap ko na si Icko.Hindi man ako sigurado na mamahalin nya ako pabalik atleast I tried.

Sabay-sabay kaming pumasok ng school.Nung nasa loob na kami nagyaya si Cheska na mag-CR muna kaya sinamahan ko sya at yung dalawa naman ay nauna na sa room.

Bago makarating ng CR ay madadaanan yung garden ng school.Maraming tumatambay dun pag vacant at kapag maaga pa para sa class.Presko kasi dun dahil maraming malalaking puno.

Pumasok na si Cheska ng CR at naiwan ako sa labas ng pinto para dun na lang sya hintayin.

Nang mapadako ang tingin ko sa isang concrete bench malapit sa Engineering department, parang kinurot na naman ang puso ko.Nakaupo si Icko at si Abby na nakahawak pa ang mga kamay kay Icko.

Putek naman oh.Hindi pa nga ako nag-uumpisa sa operation ko eh sawi na agad.

Kalma lang Aubrey.Hindi ba ang isang operation mo ay babangon ka at aagawin mo sya?So, ano ang aagawin mo kung wala kang kaagaw aber?

Oo nga ano? Tama kana naman dyan.

Tandaan mo, hindi ka magiging maligaya kung hindi ka masasaktan.

Kaya tiisin mo lang yan.Ginusto mo yan eh.

Mabilis na natapos ang oras dahil marami kaming ginagawa.Lunch break na pala ng hindi namin namamalayan.

" Ano kakainin nyong dalawa? Kami na lang ni Cheska ang bibili." tanong ni Angel sa amin ni Gwen.

" Kung ano na lang yung dati nating kinakain, bahala na kayo." sagot ko sabay abot ng pera sa kanya.

Nang makaalis sila Angel ay sakto namang pagpasok ni Vaughn kasama ang dalawang kaklase nya.

" Hi Aubrey,Gwen! Pwedeng maki-share na lang sa inyo mahaba naman yang table." tanong ni Vaughn.

" Sure, tatlo lang naman ata kayo eh." sagot ni Gwen.

" Actually, lima kami susunod pa yung dalawa." sabi nya uli.

" Kasya yan, sobra pa nga ng isang chair kung sakali." sang-ayon ko.

" Sige salamat." sabi ni Vaughn sabay abot ng pera sa dalawang kaklase para bumili ng pagkain.

Halos magkapanabayan na dumating sila Angel at yung dalawang kaklase ni Vaughn.

Kumakain na kami ng magsalita muli si Vaughn.

" O heto na pala sila Icko.Brod dito na kayo wala ng bakante dyan." tawag ni Vaughn sa kanila.

Nung umupo na sila ay sa tapat ko pa mismo sila nakapwesto.Kapag minamagnet ka nga naman ng malas oh.Kanina sa garden ngayon naman sa mismong harap ko pa.

Ano ba Icko! Trip mo ba talaga akong saktan?

Sira! Anong malay nya sa feelings mo.

Hindi kumikibong itinuloy ko na lang ang pagkain.Bukod tanging ako lang yata ang tahimik sa kanila.

Palihim kong sinulyapan ang dalawa sa harap ko.

Putspa, pinaghihimay pa ng ulam ni babae si Icko.Pero si Icko parang deadma lang, tuloy lang sa pagkain habang nakikipag-usap sa mga kaklase nya.Parang may mali ah.

Nang biglang bumaling ng tingin si Icko at nahuli nya yata akong nakatingin sa kanya.Bigla ko namang iniwas ang tingin ko.At sa peripheral vision ko parang ngumiti sya sa biglaang reaksyon ko.

Nice one Aubrey! Muntanga kana naman.Haissst! bakit kasi hindi ka nag- iingat eh.

Mabilis kong tinapos ang pagkain ko para makaalis nako sa nakakaasar na tanawin dito sa harapan ko.Kung maka-arte kasi itong Abby na to kay Icko parang KSP.

Hmp! Ewan! Basta nagseselos ako.

And why do you have to be jealous, when he is not even yours in the first place?

Oo nga! Tama kana naman.Itong maliit na boses na bumubulong sa akin ang lagi na lang tama.Ano ba ang dapat na itawag ko sayo ha?

Epal na konsensya.

Epal pero laging tama di ba?

After 1234567 years, lumayas na rin kami sa cafeteria.Nagmamadali akong lumabas para hindi ko makasabay yung Inigo Christopher na yun.

Pagdating ng room ay katakot-takot na kantyaw ang inabot ko sa mga lekat na kaibigan ko.

" May operation maglalaway ka sa akin ngayon ka pa dyan, eh first day pa lang butata ka na! " asar ni Angel.

" Gel, ano nga yung isa pa? Ah babangon ako at aagawin kita.Tama yun nga.Anyare ateng?" segunda pa ni Gwen.

" Waaahh! Kainis kayo! Buti wala si Cheska dito kundi asar-talo rin ako dun.Nasan na yung we got your back nyo? Eh umpisa pa lang inaasar nyo na ako." sabi ko na naaasar.

" Girl, joke lang.Wag ka sumuko, ganun talaga sa umpisa, pag may tiyaga may nilaga.Pinapalakas lang namin loob mo.Pag naasar ka talo ka." sabi ni Gwen.

" Oo nga, fight lang ng fight!" sabi naman ni Angel sabay yakap nila sa akin.

" Salamat mga kapatid, lumalakas ang loob ko dahil sa inyo."

Nakahiga na kami ni Gwen para matulog ng may nag- text sa akin.

Unregistered number.

From: 0915876~~~~

( Hi Aubrey! Tulog ka na?)

Me: Who u?

From: 0915876~~~~

( Just a friend.)

Me: A friend? From where?

Ang tagal nyang mag-reply ha?Sino kaya to? A friend daw eh.

From: 0915876~~~~

( Uhm.let's say from school.We're on the same school.)

Me:How did you get my number?

From: 0915876~~~~

( Mutual friend I guess.)

Mutual friend? Sino kaya sa mga friends ko ang friend nya? Pa-mysterious effect pa to.

Me: Sige, I want to sleep na.Goodnight.

From: 0915873~~~~

( Okey, gudnyt too Aubrey.See u in school.)

Haay sino nga kaya ito? Mukhang kilala nya ako eh.

Ah ewan, isa pang nakakagulo ng utak ko yan.

Si Icko nga lang okupado na ang buong  nervous system ko, iisipin ko pa ba yang mysterious mutual friend kuno na yan.

Hay nako, ganda problems talaga.Makatulog na nga.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C11
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login