Download App
88.46% My Epic Love

Chapter 23: I Love You

Aubrey's Point of View

Na~shocked ako ng malaman ko ang totoo mula kay Icko.

Pwede ba talagang mangyari yun na pareho kami ng panaginip.At nung mga panahon na napapanaginipan ko sya ay ganun din sya, nanaginip din sya na kasama ako.At pareho lang na natigil ang mga panaginip na yon nung magkakilala na kami.

Soul mate ba ang tawag dun? o maaring tama sya, I'm his destiny.

Lahat ng pagkikita namin, yung mga tingin nya sa akin,yung pagpapakilala nya sa akin sa mommy nya, yung pag~alok nya sa akin na maging friends kami, yung nangyari nung party nya.Si I at si A.. Lahat ng yun ay nangyari dahil sa pinanghawakan nyang posibilidad na makikita nya talaga ako.At kasali talaga ang tadhana sa pagtatakda ng mga nangyari sa pagitan namin.

Nagkamali sya nung una ng inakala nyang si Abby na yun pero puso pa rin nya ang nagdikta kung sino nga ba talaga yun.

Ang weird.Ang hirap paniwalaan.

Pero nagkatotoo.

At kinikilig ako ngayon sa katotohanan na nalaman ko.

Na hinanap nya talaga ako at minahal sa kabila ng walang kasiguraduhan kung nag~eexist nga ba talaga ako.

Pero nanatili pa rin syang kumapit sa posibilidad na isang araw magkatotoo ang lahat.

Ganun din naman ang nangyari sa akin di ba? And I must believe na destiny na nga ito.

Paano kaya kung sabihin ko rin sa kanya ang tungkol sa dreams ko? Ano kaya ang magiging reaction nya?

Pero may isa pa nga pala na problema. Si Abby.

Hindi nya bibitawan si Icko ng ganun~ganun lang.

Bigla akong nanlumo sa naisip ko.Isa iyong katotohanan na hindi pwedeng kalimutan.Maaring mahal nga ako ni Icko gaya ng sabi nya, pero paano kung may isang tao naman na kayang gawin ang lahat para makuha nya ang gusto nya.

Kaya ba naming harapin yun?

Malungkot akong tumayo mula sa sofa kung saan ako iniwan ni Icko kanina.

Pagkatapos nyang sabihin lahat sa akin yung totoong pangyayari, iniwan nya ako para pumasok na sa susunod nyang klase.Sinabi nyang babalik na lang sya kapag naayos na nya yung sa kanila ni Abby.

Kaya hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na sabihin sa kanya yung tungkol din sa mga panaginip ko.Marahil saka na lang kapag hindi na komplikado ang lahat.

Pumasok na uli ako ng school para sa dalawa ko pang subject.Itinuon ko ang atensyon ko sa itinuturo ng prof namin. Ayaw kong isipin muna yung mga revelations  na nalaman ko kanina.

Pagdating ng uwian, nagkita~kita kami ng tatlong mga kaibigan ko sa cafeteria. Usapan kasi namin na pupunta kami ng mall para bumili ng damit namin para sa Acquaintance Party ng school next week.

Sobrang excited silang tatlo na bumili ng gown na isusuot nila. Samantalang ako, wala lang parang wala ako sa mood na bumili.

Nakarating kami sa mall at nakahanap naman sila ng boutique  na may magagandang yari ng gown at affordable pa.

" Hoy girl parang wala ka sa mood pumili ng gown  mo? " tanong ni Gwen sa akin habang sinisipat ang gown na kulay blue na napili nya.

I just heaved a sigh at hinawakan ko lang yung gown na hawak nya.Pati pagsasalita parang wala akong gana.

" Heto oh try mo to, bagay tiyak sayo to." untag uli nya habang itinataas sa harap ko ang gown na kulay peach na may belt na gold.

Napilitan akong pumunta sa fitting room para isukat ang gown.

Well, maganda at bagay naman sa akin.It's  just that wala lang talaga ako sa mood dahil dun sa kanina nga, parang hindi pa kasi totally nagsi~sink in sa akin yung nalaman ko.

" O ano nagustuhan mo ba?  Nakapili na rin yung dalawa kaya kung okay na yan sayo halika na bayaran na natin." saad muli ni Gwen.

I just nodded at sumunod na sa kanila sa counter.

Excited sila sa mga napili nila at kinuha nila mula sa akin yung hawak ko para daw picturan muna bago bayaran.

Hay nako talaga naman! Lahat na lang kailangan may picture pa.Ultimong pagkain na isusubo mo na lang kailangan kuhanan din.Ano ba kasi yang nausong selfie na yan.

Palabas na kami ng boutique ng may pumasok naman na magkapareha na bibili rin marahil.

Bigla akong nakaramdam ng kakaibang kirot ng magtama ang tingin namin nung isa sa magkapareha na pumasok.

Nagpapaunawa yung tingin nya sa akin at nakaismid naman yung kasama nya.

Nagbaba ako ng tingin.Ayokong makita nya yung sakit na bumalatay sa mukha ko pagkakita ko sa kanila.

Putspa! Mahal nga daw nya ako pero iba naman ang kasama nya.

Sabi nya aayusin nya yung sa kanila ni Abby bago nya ako balikan pero bakit mukhang okay naman sila.

Magpakatatag ka Aubrey.Ngayon ka pa ba susuko ngayong alam mo na ang buong katotohanan.

Mahal ka nya at yun ang panghawakan mo.Maaring may dahilan kung bakit sila magkasama ngayon.

Tuloy~ tuloy na kaming lumabas ng boutique ng hindi ko na sila nilingon.

Pinili ko na lang na unawain sya.

Wala eh.Mahal ko kasi.

____________

Kinagabihan nagre~ready na ako para matulog ng mag~ vibrate ang CP ko.

Dreamboy Icko: hi! tutulog ka na?

Ako : hindi pa naman.. why?

Dreamboy  Icko : hindi  ako makatulog.. naiisip kita.

Nag~ blush ako sa text nya.Gusto kong sumigaw sa sobrang kilig kaya lang baka magising si Gwen.

Nag~ type ako ng reply ko.Grabe bakit nanginginig ang mga daliri ko.

Ako : at bakit mo naman ako naiisip?

Dreamboy Icko  : dapat ba hindi?

Jusko Lord ano ba dapat ang sabihin ko? Icko naman kasi eh...

Ako : ewan sayo.

Dreamboy Icko : galit ka ba dun sa kanina?  nung nakita mo kami? Sorry  na.Wag ka na magalit.

Hindi ako makasagot.Ano ba dapat ang isagot ko? Nakakahiya naman kung sabihin kong oo, eh wala pa naman akong karapatan.

Kring... Kring....

Nakita ko yung mukha nya sa screen ng phone ko.Napangiti ako.

Nainip siguro sa reply ko kaya tumawag na.

( Bakit hindi kana nag~ reply?  Nakatulog kana yata.)

( Hindi pa naman.Hindi ko kasi alam ang isasagot ko.)

( Ano ba mahirap dun sa tanong ko?  Siguro galit ka nga.)

( Hindi ako galit ok? )

( Eh ano? Alam ko na!  Nagseselos ka noh? )

( Sira bat naman ako magseselos eh wala namang tayo.)

( Sa ngayon wala pa pero malapit na.)

Nag~init ang pisngi ko sa sinabi nya at napangiti ako ng malapad.

My Gosh! hindi ko ma~imagine pag naging kami na nga.

( Hindi kana nakakibo dyan.Kinikilig ka ano? )

Sira talaga to.Paano nyang nalaman?

( Hoy!  Inigo Christopher tigilan mo nga ako.Napaka~assumero mo.Kung nasa tabi lang kita malamang na~pektusan na kita.)

( I love you too Aubrey.)

( Hoy bakit ka nag i love you too eh hindi naman ako nag~ i love you sayo? )

( O hayan malinaw ha, nagsabi ka ng I love you.Wala ng bawian. )

( Hoy teka lang Icko! )

Toot.. tooot....

Ay grabe sya.Naisahan ako dun ah...


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C23
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login