Download App

Chapter 2: 2nd Grading

"Magandang umaga klase" bungad ng first subject namin na Mathematics.

Oo umagang umaga Math ang bungad. Sino ba naman sisipagin na umagang umaga Math ang unang aaralin? Syempre ako. Dahil kailangan kong makuha ang matamis na oo ni Shelley.

"Good Morning Ma'am" sabi naman namin aba syempre kailangan kong maging mabait at makakuha ng line of 8 kay Ma'am para makuha ko ang natamis na oo ng mahal kong si Shelley.

"Okay lets proceed to our lesson yesterday and what is it all about?" Walang nagtataas maliban sa mahal kong si Shelley kaya nagtaas ako.

"Nakakatuwa naman at nagbabagong buhay na si Mr.Cameron. Ano ang lesson kahapon?" Tanong nya

"Syempre Ma'am para sa future ko at para sa future wife ko" sabi ko at tumingin kay Shelley na ikanapula ng pisngi nya. Ang ganda talaga nya.

Nagtilian ang mga kaklase naming babae at pinaulanan namana ako ng mga kaklase naming lalaki.

"Improving Mr. Cameron. Dati ang paggawa mo ng ingay kinawowalkout ko" natatawang komento ni Maam kaya nagtawanan din ang lahat. Napakamot na lang ako sa ulo. "So what was about our lesson yesterday??" Si Ma'am

"Its about Pythagorean Theorem " sabi ko

"Can you explain what it is??" Si Ma'am

"Ma'am nakalimutan ko eh!" Tapos tawanan naman silang mga kaklase ko

"I expect your answers...Okay its about blah blah blah blah blah blah..."

Natapos ang klase at nakinig pa rin ako hanggang sa huli. Kahit na halos pumikit na ang mata ko sa antok.

English naman ang sunod

Lesson

Lesson

Lesson

"Okay...Do you love your seatmate? How will you change it base on my lesson" nagtaas ako ng kamay

"Does You loved you seatmate?"sabi ko

"Wrong" sabi ni Maam napakamot ako ng ulo kainis mali pagupo ko nakangiti sakin si Shelley kaya napangiti din ako

Natapos ang English Science naman kasunod ..

SUNOD SUNOD NA MAJOR hayyy

Pero okay lang. Para matamis na Oo ni Shelley!

"Who can differentiate the Solid Liquid and Gas??" Si Ma'am nagtaas ako ng kamay

"Ma'am solid has molecule it has no space while liquid has space but not that big while Gas has more space " sabi ko

"Correct and..Blah blah blah blah ..." natapos ang science pinuri pa ako ng teacher dahil nakikinig at pala recite na ako wala yung adviser namin dahil nasa meeting daw kaya Vacant na namin..Imbis na after kong kumain mangbubully ako ngayon naman after kumain nasa library kami ni Shelley tinuturuan nya ako sa Math dahil dun ako mahina at may quiz daw bukas dun

"Ah Shelley pwede tayong lumabas sa linggo??" Tanong ko

"Date? HMmmmm sige date tayo pero pag nakapasa ka bukas sa quiz sa math" sabi nya napangiti naman ako.

"Tara na magaral tayo" halos lahat ng tinuro nya sakin

"Eh eto Shelley paano to?" Tanong ko pero hindi sya nasagot kaya tiniganan ko sya nakapikit na sya nakatulog! Pagod siguro si Shelley.

Nasa may dulo kami ng library nakaupo sa sahig umayos ako ng upo tas inihiga ko sya sa lap ko tas timingin sa relos ko may 1 hour and 30 minutes pa kami nagbasa lang ako ng nagbasa self study kasi yung magandang teacher ko nakatulog eh..

Ang ganda nya ang sarap titigan.

Nilapag ko yung libro at hinaplos ko yung pisngi nya may tumulong luha kaya pinunasan ko yun matangos na ilong mahabang pilikmata kissable lips pa! Nakakatempt!

Aba improving na ako may english english na ah!

Nang 25 minutes na lang ay ginising ko na sya at pupungas pungas pa sya ang cute talaga

"Sorry Matt nakatulog ako" paghingi nya ng tawad.

"Okay lang...Ganda nga ng view eh" sabi ko

Inayos ko na yung librong ginamit namin habang sya inayos yung gamit nya at yung akin. Napangiti ako sa ginawa nya at inalalayan ko sya sa pagtayo lumabas kami ng library tapos diretso sa classroom

"Uuhh..May nangyare sa inyo?" Salubong ni Chase

"Anong nangyare?" Ako

"Para kayong nag s*x" nanlaki ang mata ko. Siraulo talaga to.

Oo nga pala binukas ko yung polo ko dahil mainit tas magulo yung buhok kasi sinabunutan ko kanina dahil di ko magets tas sya din magulo ang buhok at uniform at buhok...Binatukan ko si Chase

"Loko wala...Nasa library kami kanina...Wala kang A.C dun kaya mainit eto " sabi ko

"Eh bat magulo buhok mo at pati sya tignan mo oh" tas ngumuso oa sya kay Shelley

"Nasa library kami di ko gets yung lesson na tinuturo nya ginulo ko yung buhok ko sa sobrang inis. Tsaka habang nagsosolve ako nakatulog sya kaya ganyan..." sabi ko

"Ahhh Kala ko naman nakascore ka na!" Sabi nya napailing na lang ako inayos ko ang sarili ko at lumapit kay Shelley

"Shelley..Ano kasi ayusin mo yung Uniform mo at yung buhok mo" sabi ko kumunot naman yung noo nya.

"Bakit naman??" Sya

."akala kasi nila nag ano tayo.." ako

Napaiwas ako ng tingin

"Anong nag ano??" Sya na sobrang inosente ang mukha

"Akala nila nags*x tayo" bulong ko sa kanya nanlaki yung mata nya tas namumula yung pisngi nya tumayo sya at inayos yung uniform nya at nagsuklay

"WALA NA DAW KLASE" sabi ng kaklase namin

"YAHOOOO YIPPIIIEE YEHEY" sigaw ng mga kaklase ko

"Ahhh Shelley hatid na kita" ako

"Sa sakayan na lang ha." sabi nya tas nagpout pa

"Tara na nga" hinawakan ko sya sa kamay magkahwak kami hanggang sa sakayan

"Ahh Matt thank you" tapos sabay kiss sa pisngi ko

Aba naman oh kay gandang pabaon pauwi nakasakay na sya at ako naman nakangiti lang pauwi samin

"Oh anak..Ganda ng ngiti ah" si Mama

"Ma you know inspired" ako

"Ang sabihin mo expired" si Papa

Nagtawanan naman silang dalawa

"Oo na lang sige Ma Pa pasok na ako" tawa parin silang dalawa pumasok na ako kailangan kong magaral you know kailangan kong makapasa sa quiz bukas para sa date namin

Kinabukasan

"Get one whole sheet of paper and start answering the questions. Passing score is 20 out of 35" sabi ni Ma'am okay kaya ko to.

"Ah Ma'am kelan malalaman yung score??" Ako

"Mamaya din papaannounce ko na lang. Dahil sabado naman bukas eh.! Sige na start na!" Nagtest na ako seryoso pa ako dahil para to sa date namin ni Shelley pinagipunan ko pa man din yun.

"Pass your paper" nanginginig yung kamay ko habang pinapasa yun kay Ma'am kasi naman eh kailangan kong makapasa.

Lumabas si Ma'am tas pumasok yung sumunod na subject hanggang sa adviser namin na wala na naman.

"Okay iaannounce ko na yung score sa quiz sa Math" sabi ni Joan na class president namin kinakabahan ako. Ayan na. Sana talaga

"Shelley 33" nagpalakpakan naman sila ako nagdadasal na sana kahit 20 ang score.

"Ako 26

Chase 26

Matt 19 " tumigil sya at parang tumigil din ang mundo ko.

"+4 =23

Marcus 22 blah blah blah"

Tama ba yung narinig ko?

"Shelley 23 ako pasado ako" sabi ko sa kanya nakangiti sya sakin

"Nagaral ka talaga para sa date natin ah" sabi nya

"Oo naman no! Basta para sayo" sabi ko. Grabe lang natapos ang mga klase nalalapit na ulit ang week test namin.

At malalaman ko na din kung magiging kami ni Shelley oh hindi

"Ahh Shelley sunduin na lang kita sa bahay nyo" ako huminto sya

"Wag na sa sakayan na lang tayo magkita.Mapapalayo ka pa!" Sabi nya

"Sige" hinatid ko sya ulit sa sakayan tapos umuwi ako

"MAMA PAPA..."ako

"Oh bakit? Aba masaya ka nanaman" si Papa

"Oh!" Pinakita ko sa kanila yung papel ko sa quiz ko

"Aba magaling wala ng bilog" sabi ni Mama oo dati kasi laging itlog score ko pero ngayon ng dahil kay Shelley tumaas to

Masaya talaga ako na nakilala ko si Shelley nagkaroon ng direksyon ang pagaaral ko naging responsable naman ako sa pagaaral nagbago ako sa mabuting paraan..

Linggo

Gaya ng napagusapan namin ni Shelley sa sakayan kami nagkita.

Nandun na ako 30 minutes bago mag ala una na usapan namin mag alauna na wala parin sya

Baka na traffic lang

Naupo muna ako sa waiting shed

Alas dos na ng hapon at wala pa rin sya.

"Hindi ba nya ako sisiputin" sabi ko sa sarili ko

"MATT" napalingon ako

"Shelley akala ko di ka na dadating" sabi ko

"Sorry..Maraming pinatapos sakin si Papa eh pasensya na!" Sabi nya

Nakadress syang pula at flat shoes lang

"Sige tara na!" Hinawakan ko sya sa kamay

"Saan tayo?" Tanong nya

.

"E.K" sabi ko sumakay na kami sa Jeep papuntang E.K aba nagipon talaga ako para sa date namin ni Shelley no.

Pagdating namin bumili ako ng ticket na ride all you can

Pumasok kami at kung saan saan kaming ride nag punta.

"Ahhh Magkano po ito kuya?" Tanong ko dun sa nagtitinda ng couple necklace

"150 lang po" binili ko yun habang si Shelley nagpapahinga dun sa bench

"Ahhh Shelley kain na tayo!" Sabi ko

"Dun tayo!" Sabi nya

Sa may mamihan nya ako hinatak

"Masarap dto.! Dto na lang tayo" sabi nya

"Oo naman.Kahit saan pa " sabi ko umorder na kaming dalawa tas nagsimulang kumain

Nang matapos kami nagpahinga kami saglit .

"Shelley" ako

"Bakit??" Tanong nya.

Tumayo ako at pumunta sa likod nya at sinuot yung kalahati ng puso

Tas umupo ulit ako sa tabi nya at sinuot ko yung kalahati ng puso

Nakangiti sya sakin tas bigla nya akong niyakap

"Salamat..Salamat Matt Salamat" paulit ulit nyang sinasabi yun

"Ikaw pa ba!" Tas niyakap ko sya pabalik mag 6 na ng yayain nya akong umuwi dahil baka pagalitan naman sya ng Mama at Papa nya

Makalipas ang isang linggo.

Kuhanan na ng report card at kinakabahan naman ako.

Hawak ko yung envelope tas hawak naman nya yung envelope nung kanya halos lahat ng grades nya 85 pataas 96 ang pinakmataas.

Bigla akong niyakap ni Shelley pggkatingin nya ng card ko siguro may line of 7 nanaman ako. Nakakainis. Babawi na lang ulit ako sa 3rd grading.

"I guess tayo na!" Sabi nya pagkabitaw sakin kinuha ko yung card

80

81

83

80

82

81

82

81

Yan ang grades ko. Hindi mataas pero sapat na para masulit ang Oo nya.

"YESSSS CLASSMATE KAMI NA NI SHELLEY" sigaw ko

"Naks Matt nagiimprove" si Chase

"Pare kami na" sabi ko ulit

"Oo narinig ko " sigaw nya pabalik sakin

Hinatid ko sya ulit sa sakayan

Gusto ko syang ihatid sa kanila kaso parang ayaw naman nya.

Okay na yun atleast kami na

"MAMA PAPA"

"Anak naman...Palagi kang nasigaw" si Papa

"Oh Card ko!" Sabi ko sabay abot sa kanila yung Class Card ko at

"Wow Anak wala ng line of 7 at 6 inspired ka na nga hindi na expired" tawanan nanaman silang dalawa ang saya pala ng ganito proud sayo ang magulang mo at ang taong mahal mo


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login