Download App

Chapter 2: Chapter One

9:15.

Sinilip nya ang relong pambisig na suot at nakita niya ang oras. Maaga pa, aniya sa sarili. Sinadya nya talagang agahan ang alis sa bahay nila sa Cavite para naman hindi siya ma-late. Alam niyang trapik sa EDSA at malayo pa ang panggagalingan niya.

"Kuya, saan po yung Training Room 1?"

"Pasok ka sa pinto niyan, at yung pinto sa tapat ng pantry, yun ang training room 1. Pero kailangan mo ng badge para makapasok dyan sa loob."

"A, sige po. Salamat."

Pumasok na siya sa loob matapos siyang pahiramin ng temporary ID ng guard. Sarado pa ang pinto ng Training Room kaya naman nagtungo muna siya ng pantry para doon tumambay. May mangilan ngilang tao, na sa tingin nya ay mga papasok na sa kani kanilang mga shift at sadya lang na dumaan muna roon para kumain.

Wala pa akong nakikitang mga pamilyar na mukha, ani niya sa sarili. Wala rin siyang mga kakilala kaya naman naupo siya sa isang bakanteng upuan na nasa sulok. Sakto namang nandoon din sa tapat ng kinauupuan niya ang TV, kaya naman napagpasyahan na lang niya na manood para magpalipas ng oras.

Napaaga yata ako masyado, wala pa rin sila. Sinilip niya uli ang oras sa relong pambisig nang wala pa siyang makitang kakilala niya, matapos ang ilang minuto. Inikot niya ang paningin sa loob ng pantry nang may babaeng nakaagaw ng kanyang atensyon. Kahit simple lang ang suot nito ay malakas ang dating nito. Nakaka-intimidate ito kaya nagulat siya nang bigla siyang ngitian at pansinin.

"Hi, sa Technical Department ka rin ba?" tanong nito pagkalapit.

"Oo,"

"May nakaupo ba dyan?" anito habang turo ang isang bakanteng upuan sa harap niya. Umiling naman siya bilang sagot. Umupo ito, at matapos ay sinubukan uli siyang kausapin nito.

"Trainee ka rin ba?" tanong nito sa kanya. "Anong batch ka?"

"Oo. Batch 26 ako."

"Annamarie Iris Lozada, Iris na lang for short," anito uli at inilahad ang palad para makipagkamay. Tinanggap naman niya ito at ngumiti rin. "Louisse Arevalo, nice meeting you, Iris."

Ngumiti ito uli, saka inilibot ang tingin nito sa paligid. "Tayo palang, no?"

"Oo nga, e. Wala pa akong nakikitang pamilyar na mukha. Kahit yung mga kasabay ko sa orientation last Friday, di ko pa nakikita. Maaga pa naman kasi."

"Sabagay."

Nagsimula na silang magusap ng kakikilala niyang si Iris. Bagamat intimidating ang dating nito sa kanya ay madali naman itong kausap, at sa tingin naman niya ay isa ito sa mga makakasundo niya sa bagong trabahong ito. Habang naguusap sila ay napadako ang tingin niya sa pinto at nakita niyang pumasok ang isa sa mga nakasabayan niyang mag orientation noong nakaraang linggo - si Daddy Roberto. Kinawayan niya ito at nakita naman siya nito kaagad.

"Daddy Robert!" aniya, sabay kaway dito. "Dito po,"

"Uy, Louisse. Andito ka na pala. Kanina ka pa?"

"Medyo, po. Inagahan ko na ng alis sa amin, e. Alam mo na, sa Cavite pa ako mangagaling. Mahirap matraffic. Ay, oo nga pala, dad. Co-trainee natin, si Iris."

"Iris Lozada po," at inilahad nito kay Daddy Robert ang kamay. "Nice meeting you, po."

"Roberto Robles, pero Daddy Robert na lang. Yon din kasi ang madalas na tawag sa akin ng mga ka team mates ko."

Bago pa matapos magsalita si Daddy Robert ay may lumapit uli sa upuan nila. Si Sheryl pala iyon, ang isa rin sa magiging teammate nila. Nakasabayan niya rin itong mag orientation kaya alam niyang magiging kasama niya rin ito sa parehong department.

Ngumiti ito pagkakakita sa kanya at kay Daddy Robert. Doon na rin ito umupo sa tabi niya. "Nandito na pala kayo, guys. Kanina pa kayo?"

"Medyo," sagot niya. "Uy, ka team pala natin, si Iris."

"Hello, Iris. Sheryl Garcis nga pala." anito kay Iris.

"Hi, Sheryl. Nice meeting you."

Nagsimula na silang magkuwentuhan nang unti unti nang dumami ang tao sa paligid. Maya maya ay tiningnan niya ang relo at nakita niyang ilang minuto na lang bago mag alas diyes kaya nag aya na si Iris na pumasok na sila sa training room, na sinang ayunan nila.

Bagong company, bagong pakikisama. Aniya sa sarili habang tinitingnan ang kabuuan ng bagong paligid kung nasaan siya. Saan ka na naman ba dinala ng mga paa mo, Louisse? Nilayasan mo yung billing at sales, napunta ka naman sa Technical ngayon, e mas mahirap to. Kung bakit naman kasi hindi ka pa nakuntento, ganoon din pala ang babagsakan mo. What's the use?

Pero wala ka nang magagawa, nandyan ka na. Might as well deal with it hanggang makahanap ka ng iba. Hindi ako tatagal dito.

"Miss, your turn," ani ng lalaking nasa harap niya habang naiisip niyang hindi siya tatagal sa trabahong napasukan niya. Tumayo na siya mula sa kinauupuan para magtungo sa harapan, para magpakilala sa mga bagong makakasama niya. With the skills and confidence, she gained from working in the industry, nagsimula siyang magsalita.

"Hi, I am Louisse Arevalo, and I have been working in this industry for four years now. I have handled sales and telecommunications, banking and financial, and the last six months for billing and cable. This is my first time for a Technical account, so I hope we could work together."

"You're good," ani ng lalaking nasa kaliwa niya, si Russel. Ngumiti siya rito kahit pa medyo nakaka-intimidate ang itsura nito. Nagsusumigaw ang pagiging pormal nito, sa kilos at pananalita.

"Hindi naman, nadaan lang sa practice 'yan," sagot niya rito. "But thanks, though."

Lumipas pa ang oras at namalayan niyang lunch break na pala nila. At dahil nga kaunti pa lang ang kakilala niya sa mga ka-batch niya ay naupo siya sa tabi ng mga ito, ngunit pinili niya ang upuang nasa gilid. Nakikinig lang siya sa mga ito na nag uusap usap na.

"Ayos ka lang, Louisse?" ani Daddy Robert, ang isa sa mga kasama niya. Pinaka una niya itong nakilala dahil nakasabayan niya itong mag orientation noong nakaraang linggo, kaya naman kumportable na siya rito.

"Ayos lang po, Daddy. Wag nyo po akong intindihin." Nakangiting sagot niya.

"Ang tahimik mo kasi,"

"Ganito lang po talaga ako," aniya at nagpatuloy na nakikinig sa pagkukuwentuhan ng mga ito sa tabi niya. Iginala niya ang tingin sa paligid nang nagtama ang mga mata sa isang lalaki sa kumpol nila. Tulad niya ay tahimik din itong nakikinig sa usapan ng mga kasama nila, tila nagoobserba sa mga taong naroon.

Siya yung cute na lalaki kanina, she said to herself while looking at him. Deep set eyes, thick but curvy eyebrows, pitch-black irises. May katangusan ang ilong nito, mapula ang mga labi. As if this wasn't enough, ngumiti ito, dahilan upang umabot sa mga mata nito. But then she remembered that he is three years younger than her - making him just a year older than her brother, kaya inalis niya ang pagtingin sa itsura nito.

Ano ka ba naman, Louisse. Child abuse 'yan! At saka isa pa, hindi ka nagpunta dito para may mapansin ka na naman. Nakalimutan mo bang trabaho ang ipinunta mo rito kaya itigil mo na 'yang iniisip mo!

Tumango na lang siya rito, at ibinaling na lang muli ang atensyon sa mga kasama niyang naguusap pa rin. Nakikinig siya sa mga ito nang may nagsalita sa tabi niya. Nilingon niya ito at sa gulat ay iyon ang lalaki kanina!

Susme naman. Papatayin mo naman ata ako sa gulat at bigla bigla ka na lang na sumusulpot. Kunot ang noo, hinarap niya ang binatang nasa tabi na niya ngayon upang itago ang pagkagulat niya.

"Tingnan mo, lumilindol." Anito sabay turo sa hanging lamp na nakabitin lang sa ibabaw lang ng TV. "Gumagalaw yung lamp, oh."

Dala ng kuryosidad ay sinundan niya ng tingin ang itinuturo ng daliri nito. Nakita niya ngang totoo ang sinasabi ng lalaking nasa tabi niya ngayon.

"Shucks, oo nga. Di ka nga nagbibiro."

"Sabi sa, yo, e."

"Kinabahan naman ako. Hindi pa naman ako nakaka-experience ng ganito."

"Ngayon, naniniwala ka na."

Nakatingin pa rin ito sa kanya habang nag-uusap sila ngunit hindi naman siya nakaramdam ng pagkailang. Kahit kakilala pa lang niya rito ay magaan ang loob niya sa binata. Hindi niya alam na ang pagkakaibigang iyon, ay ang simula ng lahat ng bagay para sa kanilang dalawa.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login