Download App
40.9% When the Sunset’s Gone / Chapter 9: Chapter 8

Chapter 9: Chapter 8

First Task

"Anong inlove? Anong mag I love you? Ga*o ka ba? Kahit kailan di nga kita magugustuhan tapos mainlove pa?"

"Edi wala kang takas sa akin."

"Don't I have any ways para makawala dito?" Inis kong sinabi sa kanya.

"Just say the magic word, Sweetie."

"Fvck You?"

"You want to fvck me? You sure?"

"No way!" Sigaw ko.

"I'll go now, Ms. Llorente."

"Mabuti nga at lumayas ka ng hudas ka."

"Oh, Before I forget. Tomorrow's your first day. Please unblock my number?"

"What number?"

"My phone number. You blocked me the other night."

"Ikaw yun? You texted me?"

Nakakalaglag ng panga iyong sinabi niya. Hindi ako makapaniwala na napapayag niya ako. Totoo na nga siguro talaga ito, wala ata talaga akong takas.

Nagpahinga na lang ako at hindi na muna inisip. Baka sakaling panaginip o imahinasyon lang ito. Sa pag-gising ko eh sana hindi totoo.

"Ma'am Carmen?"

"Ma'am Carmen! May naghahanap po dito sainyu."

"Ma'am?" Isa pang katok mula sa kahoy na pintuan.

"Manang bakit po? Linggo po ngayon ah?"

"May naghahanap po sayo labas eh. Boyfriend mo daw po."

"Huh? Sinong boyfriend?"

"Ako. Good Morning, Sweetheart."

"What are you doing here?" Sigaw ko sa pagkabigla ko.

"To pick you up."

"Maiwan ko na kayo, Ma'am." Paalam ni Manang sa akin.

"Can I come in, Sweetie?"

"Stop calling me sweetie, Alec."

"Okay."

Binuksan ko ang pintuan ko para makapasok siya. Naghilamos at toothbrush muna ako dahil nakakahiya naman dito sa hudas.

"Ang aga aga pa! Anong oras na ba?" Sigaw ko.

"11 am."

"Huh? 11 na ba? Teka nga, Ano ba kasing ginagawa mo dito?"

"Sasama ka sa akin. May meeting ako sa office ng Dad ko."

"At bakit? Para gawin mo akong alalay mo? No way, Sir."

"Nope, It's your first task."

"Task? What task?"

"As my doll girlfriend."

"Do I look like a doll in your sight?"

"Nope. But you get to do what I want you to do. Do you wanna leave? You have a choice."

"Not in any case and time!!"

"Well, Get ready. I'll wait for you. Kakain lang ako. Wear corporate."

"Lumabas ka na nga ng kwarto ko! Doon ka maghintay!"

Hay! Ang aga-aga panira ng araw. Kasisimula pa lang ay parang basag na basag na ang araw ko.

Naligo ako at nag-suot ako ng white na tank top na ipinares ko sa black na square pants. Papatungan ko na lang ito ng itim na blazer. Nag black pumps din ako.

Nag nude lipstick din ako. Hindi naman ako mahilig sa mga makeup na makakapal kaya nag pressed powder na lang ako.

Kinuha ko rin ang Yves Saint Laurent ko na itim na handbag. Sinuklay ko ang buhok ko na maikli pa rin hanggang ngayon.

Lumabas na ako ng kwarto ko at hinanap kung nasaan si Alec. Nandoon siya sa kusina namin at nakaupo sa counter habang kumakain ng bacon and eggs.

"Sinong nagsabing pwede ka kumain dito, huh?"

"Yaya mo. Tinanong niya ko kung gusto ko kumain. Edi sinabi ko gusto ko."

"Ano? Hindi pa ba tayo aalis?" Tanong ko.

"Wala ka bang juice dyan?"

"Hayy." Bumuntong hininga ako.

Kumuha ako ng juice sa fridge at ibinigay ito sa hudas na nakaupo sa counter.

"Thanks, Sweetie." He winked.

"Shut up. Can we leave now? Ayaw ko na nasasayang ang oras ko."

"Alright, Sweetie." Dinampot niya ang susi na nakapatong sa lamesa.

Naka corporate attire din siya. Naka white chinese collar siya at black slacks. Pero naka puting vans siya.

Ang sasakyan niya ay sumisigaw ng Peugeot RCZ. Sa tansya ko ay sobra sa dalawang milyon ito.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan at umupo ako sa tabi ng driver's seat.

"HOY! ANONG GINAGAWA MO?" Sigaw ko nang lumapit siya sa akin.

"Seatbelt mo." Masungit niyang sabi.

"Ah."

Putcha! Bakit ba ako napapraning, huh? Ganoon ba ako naiilang sa kanya?

Nakarating kami sa opisina ng Daddy ni Alec. Binati kami ng guwardya at ng mga nagtatrabaho doon.

Sumakay kami ng elevator at doon ay wala kaming kasabay. Lumabas kasi ang mga nakasakay doon nang nakita nila si Alec. Ano ba kasing meron sa lalaking ito?

"Sir Alec, You came?" Bungad ng isang lalaking naka corporate attire din.

"Do I look like i'm only an image, hmm?" Masungit niyang sagot.

Pumasok kami sa isang kwarto at nakaupo na ngayon si Alec sa swivel chair. Ako ay nanatiling nakatayo sa pintuan.

"Anong ginagawa mo dyan? Sit down, Carmen."

"Anong gagawin ko dito?" Tanong ko.

"Review these documents." He tapped the clear book on his table.

"At bakit?"

"Diba MassCom student ka? You're good in using extensive vocabulary so use it in my client meeting."

"Ano ba itong meeting na 'to?"

"We are proposing a project. So if they ask questions, you answer some of it."

"So ano secretary mo na rin ako ngayon?" Umirap ako.

"Just fvcking do it, okay?" Sinabunutan niya ang sarili niya.

Sige lang g*go ka, sabunutan mo sarili mo hanggang sa mag-mukha kang tanga.

"Fine!"

Binasa ko ang bawat page at inalala ang bawat detalye nito. Hay! Bakit ba kasi ako pa ang kailangan na gumawa nito eh siya itong boss.

"Sir Alec, The client's ready." Kumatok ang isang babae.

"Alright." Tumayo si Alec.

"Let's go, Sweetheart." Tinawag niya ako.

Tumayo na ako at sumunod sa kanya. Pumasok kami sa isang kwartong may apat na sulok at may mahabang lamesa. Naroon na ang mga lalaking may edad na rin base sa kanilang itsura.

"Shall we start?" Tanong ni Alec at tumango ang mga kliyente.

"If you have questions, you may ask my secretary."

"Good Afternoon, Sir."

"I didn't know you have a beautiful secretary, Mr. Alvidrez." Puri ng isang lalaki.

"Thank You, Sir." Ngumiti ako.

"What's your name, Hija?" Tanong pa ng isa.

"I am Liv Cameron Llorente, Sir." I smiled genuinely and offered my hand which they accepted.

"Let's skip this introduction and proceed to the proposal."

Base sa pakikinig ko kay Alec at pagbabasa sa powerpoint presentation, Isa palang kumpanya ng intelligence agency ang hawak nila Alec. Sila pala yung may kinalaman sa pagiging spy.

"Ms. Liv? Am I right?" Tanong ng isang ka-meeting ni Alec.

"Yes, Sir." I answered.

"As a normal citizen in our community, Do you think the plan of Mr. Alvidrez will work? Do you think that we'll be able to improve our security services if we agree to this proposal?"

Woooh! Nakakatanga yung tanong pero sasagutin ko.

"In my opinion based on my view when it comes to security, Everyone wants to feel safe and protected and sometimes when a person is protecting us, we only see the overreacting part they do. But overreacting is sometimes the key to security. We tend to think of what's ahead of us and be able to prepare for it. This proposal's maybe a little too much, but nothing will ever be too much and little with protecting our love ones and the clients that gave their trust."

"Impressive, Ms. Llorente."

"Well then, I think we have a deal."

"Wow! Thank You, Sir!" Kinamayan ako ng mga kliyente.

"You're gonna be a great boss in the future. What's your educational attainment, Ms. Llorente?" Tanong nila.

"I am currently a third-year Mass Communication student po."

"Wow! You're still studying? I'm sure you'll really be a good reporter or announcer someday. I can't wait to watch your documentary." Dagdag pa nila.

"Thank You, Sir."

Naiwan na kami ni Alec sa conference room. Naupo siyang muli sa swivel chair.

"Ano? Tapos ka na ba?" Masungit niyang tinanong.

"Anong tapos na?"

"Tapos ka ng makipag-socialize? Galing mo makisama ha. Tuwang tuwa sila sayo eh." May pagka-sarkastiko niyang sinabi.

"Kliyente yun eh. Dapat maramdaman nila na welcoming ang kumpanya."

"So welcoming ka na ganon? Di mo ba nararamdaman? Trip ka ng mga yun!"

"A-Anong trip yang sinasabi mo, huh?"

"Type ka nila. Kung yumuko ka kita na yang dibdib mo."

"Oh talaga? Pati ikaw tumingin eh. Ano?"

"Malamang nakikita eh. May mata kami!"

"Oo na! Ano ba yang pinuputok ng buchi mo, huh? Ano ba yan! Makauwi na nga." I walked out.

"You stay!" Sigaw niya.

"Hoy ikaw! Hindi ako aso ah!"

"Sige, Ming ming, Dito ka."

"Bwisit ka talaga! Tigilan mo na iyang pang-aasar mo!"

Nakita kong bahagyang umangat ang labi. At nakarinig ako ng isang tawa. Kahit kailan itong mokong na ito.

"Let's have dinner, Sweetie?" Tanong niya.

"Libre mo ba?" Masungit pa rin ako.

"Of course, Sweetheart."

"Saan tayo?" Tanong ko.

Hindi naman niya sinagot ang tanong ko. Kinuha lang niya ang bag niya.

Kinuha niya ang kamay ko at hawak hawak niya ito paglabas namin ng opisina. Kita ko ang pagtataka at pagka-gulat sa mga mukha ng empleyado niya.

"Ano pwede na?" Tanong ko nung narito na sa lobby ang sasakyan niya.

"Pwede ng alin?"

"Bitiwan ang kamay ko."

"Oh, Sorry, Sweetie."

Sumakay na kami sa kanyang Peugeot at pinatakbo ang sasakyan patungo sa daan.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C9
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login