Download App

Chapter 6: Some Memories

Sam's Pov

Nagising nalang ako sa malapot na higaan, naaninag ko ang isang babae na nag aayos ng mga gamit. Mabilis akong tumayo para malaman kung nasan ako, wala akong maalala kung bakit ako nandito.

"Hey Sam are you okay? Dinala ka dito sa clinic ng kaibigan mo? Anong nararamdaman mo?" Sabi ng babaeng ngayun ko lang nakita, hindi ko siya kilala, wala akong maalala na nakita ko na siya.

"I know na may Amnesia ka. I can see to your face na confuse ka. Ako nga pala si Nurse Aileen dito ako nag tratrabaho sa clinic na to. Kilala na kita dati pa."

"Ano pong nangyari? Bakit ako nandito nasan si Ezra?" Tanong ko kay Nurse Aileen wala kasing tao dito bukod sa aming dalawa.

"Nahimatay ka kasi kanina kaya dinala ka dito wala kang malay kaya pina-higa muna kita dito. Si Ezra pumasok sa next class niyo, sabi niya dito ka muna daw, babalik daw siya after class niyo hahatid ka daw niya sa bahay niyo." Bumalik na naman yung sakit ng ulo ko hindi ko masyadong pinahalata kay Nurse Aileen baka mag alala siya, tumango nalang ako at humiga ulit iniwan naman niya ako para makapag pahinga daw ako ng husto.

Hindi ko matandaan kung bakit ako nahilo, may mga memories akong naalala ng konti kasama ko si Seth sa isang park nag pipicnic ata kami nun tapos wala na ayun lang naalala ko. Mamaya ko nalang iisipin pag dating ni Ez

Narinig ko ang malakas na pag bell sa buong school, ibig sabihin uwian na kaya naman nag ayos na ako ng gamit ko. Nagulat nalang ako ng may pumasok na matangkad at matipunong lalaki hindi ako pwedeng mag kamali si Seth to.

"Okay ka na ba?" Sabi niya habang naka tingin saakin walang emosyon ang mukha niya habang sinasabi lahat yun saakin. And I feel pain in my heart katulad kanina nung nakita ko siyang may kahalikan.

"Mag pagaling ka." Ayun lang ang sinabi niya bago siya lumabas sa clinic, ako naiwan akong tulala after all this time ayun lang sasabihin niya saakin. Hindi nag tagal dumating din si Ezra bitbit ang bag ko.

"Sam are you okay? Sabihin mo lang saakin kung may nararamdaman ka pa ha? Wag ka muna kaya pumasok bukas?" Agad naman akong tumingin sakanya at nag taka sa mga kinikilos niya, parang kahapon excited siyang pumasok ako.

"Okay lang ako. Papasok ako bukas nahilo lang ako ng konti." Sabi ko sabay hablot ng bag ko nauna na akong lumabas ng clinic hindi na ako nag paalam kay Nurse Aileen kasi mukhang wala naman siya dun.

Pag pasok ko ng bahay agad naman akong sinalubong nila Mommy at Dad. Alam ko naman na alam na nila syempre si Ez binalita na ang nangyari sakanila.

"Baby are you okay? Ez call us, nahimatay ka daw kanina? Why baby?" Mom said habang hinihimas ang ulo ko si Dad naman kinuha yung bag ko sabay kaming tatlo nag lakad sa living room at umupo sa sofa.

"Yeah medyo sumakit kasi ulo ko kanina e, hindi ko alam kung bakit." Pag sisinungaling ko, ayoko na sila mag alala pa saakin.

"Okay Sam i will call your doctor para pumunta dito at ipa-check ka" Sabi namn ni Dad saakin habang naka hawak sa kamay ko. I get it naman nag aalala sila pero okay na naman ako.

" It's fine Dad, don't worry okay na naman po ako." Ayoko lang muna mag pa-check baka kasi itanong kung may naaalala ba akong memories. Itatago ko muna sa ngayun kung ano yung naalala ko.

Nag paalam na ako sakanila, at umakyat sa kwarto ko, hindi na rin ako kumain ng dinner sabi ko lang gusto ko na mag pahinga hindi naman sila umangal dun.

--

Pumasok ako ngayun mag-isa ang sabi ko kay Ez kaya ko naman pero ayaw ko lang talaga pag usapan yung kahapon kaya napag isipan ko na humiwalay muna. Umupo agad ako sa upuan ko at binuklat ang ang notebook ko kahit wala naman akong gagawin. Mag sasalita na sana si Ez nang biglang dumating ang prof namin kaya naman umayos nalang siya ng upo at tumingin sa unahan ganun din ang ginawa ko.

After ng class namin lunch break na. Niyaya ko na agad si Ez na lumabas hindi naman siya pumalag saakin. Nag patuloy lang kami sa pag lalakad na walang imikan alam ko naman na kating-kati na siyang tanungin ako.

"Nakita ko pumunta si Seth sa clinic nag usap ba kayo?" Diko alam kung ano sasabihin ko sakanya kaya nag oo nalang ako kahit di ako sure kung usap ba talaga yun.

"May sinabi ba siya sayo?" Ha? Ano naman sasabihin nun?

"Wala naman bakit may dapat ba akong malaman?" Sabi ko habang naka tingin sakanya.

"Wala na-naman nag tanong lang ako baka kasi may naalala ka pag may sinabi siya." Meron nga kaso hindi dahil sa kinausap niya ako, kundi dahil sa nakita ko.

"Sam I know nasaktan ka kahit di mo sabihin saakin, alam ko nasasaktan ka na naman, ramdam ko Sam." Sabi niya sabay alis sa harap ko. Tumayo siya at hindi na ako nilingon.

Ang hirap pala mag tago ng nararamdam lalo na pag dating kay Seth feeling ko kasi ang baba ng luha ko pag nasa tabi ko siya. Hindi ko nalang pinansin si Ez after kong kumain dumiretso na ako sa room. Nakita ko yung babaeng kasama ni Seth yung hinalikan niya kausap yung prof namin. Tumingin agad ako sa upuan ni Seth pero wala siya bakit wala nga pala yun kanina din kasi wala siya

Nag patuloy ang discussion, pero ako wala akong maintindihin pre-occupied yung utak ko sa lahat ng bagay, may naalala kasi akong memorize pero di malinaw saakin kahapon nung kinausap ako ni Seth bigla nalang nag pop-up sa utak ko. Nasa mataas kaming lugar I dont know kung nag hiking kami or what basta naka upo kami dalawa dun tapos hinawakan niya kamay ko may sinabi siya pero diko maintindihan after nun umalis siya at umiyak ako ng umiyak. Tapos ayun wala na nakakainis nga bakit ganun bitin lagi.

Ang bilis ng oras hindi ko nga pansin na wala na yung prof namin buti hindi ako napansin, patay ako nun panigurado. Kinalabit naman ako nung dalawang bruha, syempre sino pa ba yung dalawang putok na putok ang make-up.

"Bakit na naman ba Natalia at Amber? May kailangan kayo?" Tanong ko habang naka tingin ng masama. They roll their eyes at sabay pa ha. Pathetic! Bitch

"Wala lang naman, we just want to inform you na layuan mo si Seth wag kana maki sawsaw sa kanila ni Angel, past kana at siya na ang present. Kaya pwede ba wag kang malandi." Aba bruha ba to, anong gusto niya away!

"Okay! tapos na ba kayo? Pwede ba wag nga kayong haharang harang sa daanan ko!" Sabi ko sabay tabig sa kanila dalawa agad naman akong hinila ni Amber.

"Hoy wag mo kaming talikuran ang bastos mo naman hindi porket may Amnesia ka kakalimutan mo na ang manners nakakahiya ka naman ito ba yung ex ni Seth talaga palang dapat iniwan ka niya walang delikadesa!" Hindi na ako nag dalawang isip hinablot ko agad yung buhok niya sumosobra na siya ha!

"Ano ba stop it para kayong mga bata! Let's go Sam wag mo na sila pag aksayahan ng panahon." Agad binato ni Ez ang kamay ni Natalia na ngayun ay nakikisali sa pag sabunot saakin ni Amber. Binato ko din ang ulo ni Amber tapos kinurot ko yung kamay niya na mahigpit na naka sabunot sa buhok ko. Agad naman siyang napatili at bumitaw. Hinila na ako ni Ez palabas ng room.

"Ikakasal na si Seth kay Angel. You lose bitch! and You will never have Seth again. Hindi pa tayo tapos." Sabi niya habang nanginginig sa galit at nakita ko pang ngumisi siya habang naka tingin saakin na mala-demonyo. Tumigil ako saglit at tumingin sakanya ng naka ngisi.

"I never lose Amber...to someone like you and definitely to someone like Seth or even Angel. Siya ang talo kasi pinakawalan pa niya ang isang tulad ko at pinalit sa isang tulad ni Angel. Kaya wag mong kong sabihan ng dapat kong gawin hindi tayo mag ka-level matagal na kitang nahigitan. Kahit ilang beses mo ko kalabin you still not the best to defeat me." Sabi ko sabay talikod sakanila wala akong ibang gustong gawin kundi maka-uwi ng bahay. Talaga bang mag papakasal kana Seth bakit? Ano bang naging mali ko? It's time to finally hear the truth behind our break up.

End of chapter 6! Keep reading!


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C6
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login