Download App

Chapter 3: Midnight Episode

7th day of February-Thursday,

2018

Manila, Philippines

Earth

Yael Zed Oria's POV

"Hmm...."

*mulat mata* *blink* blink*

Ang sarap ng tulog ko. Ang ganda pa ng panaginip ko. Napanaginipan ko si Nar my loves! Si Nar yung crush na crush ko sa school. Sa panaginip ko ang sexy ko daw, naka blue dress daw ako at sinayaw ako ni Nar babes.

I know right! Ang feelingera ko lang. Hahaha, but who cares? It's my dream, I can dream whatever my dream is without anyone knowing it.

Napahagikhik naman ako sa kalandian ko.

"YZOOO!!!"(Read as Izo) I heard someone shouted na nagpatalon ng puso ko.

"Ay palakang bugnutin!" I blurted out, ouch, nabasag ang day dream ko! Hinanap ko naman ang salarin ng pagkakabasag ng daydream ko.

"Ikaw lang pala manang, ginulat nyo naman ako" Nakita ko naman si Manang Cands short for Candelarya, na nakapamewang sa harapan ko at nakataas ang isang kilay.

"Nakatulala ka kasi tapos bigla kang tumayo sa kama at itinakip sa dibdib mo iyang kumot pagkatapos ay sumayaw sayaw ng parang baliw dyan sa ibabaw ng kama habang nakangiti!" Ang bilis talagang mag salita ni manang, ang sakit sa tenga! Daig pa si Gloc 9 kung makapagsalita akala mo rapper.

"Para kang rapper Manang, kinabog mo pa si Gloc 9. Teka, ano kamo? Ginawa ko ang alin? " Woah? Did I just did that? Sumayaw talaga ako? Ganun kalakas imagination ko?

Eh kasi naman, si Nar na yun eh! Si Nar my bebe loves. Kung makasayaw ko man lang sya kahit sa panaginip lang ay okay lang sakin. Pa'no ba naman, kahit nga hibla ng buhok nya ay suntok sa buwan na, yung makasayaw pa kaya sya ng totoo.

"Oo! Oh sya sya, mag ayos ka na. Tama na daldal magagalit nanaman kuya mo, ang kupad mo pa namang bata ka. Kilos pagong." Si Manang talaga, nakuha pa mang asar. Take note with matching tulak pa sakin yan papuntang banyo. Si manang talaga oh.

Pagkatapos ko mag-ayos ay dali-dali akong bumaba. Paktay ka dihang bata ka, mag aalas otso na. Alas otso pa naman pasok ko.

"Anong oras na?" Kalmadong tanong sakin ni Kuya pagkapasok na pagkapasok ko ng kusina. Walang lingon lingon pa syang sumubo ng bacon at walang habas na ngumuya ng malakas.

Kumalam naman ang sikmura ko at naglalaway na ako sa gutom.

"Ahh, kasi.. kuya.. uhm, ganto kasi...-" I tried to explain myself habang nakatingin pa din sa bacon sa hapag.

"Ang sabi ko, anong oras na?" Kalmado pa din ito despite na malalate na ata sya dahil sakin. Pero mukha talagang masarap yung bacon at fried rice.

"Ahh, 7:45 po kuya" Nakayuko ako habang papunta sa mesa at pasimpleng sumulyap sa pagkain. Oo na, ako na patay gutom. Masarap kaya kumain!

"Anong oras ang klase mo?" How to explain po mga ateng or kuyang? Wait? Hindi galit si kuya?

"Huh? Di ka galit kuya?" Naguluhan naman ako dun? Akala ko galit si kuya. Akala ko sisinghalan nya ako at uubusin ang bacon bilang parusa.

"Don't make me repeat again Yzo, I'm warning you." Waahh, nakakatakot si kuya. Seryoso na talaga sya. Kung bakit naman kasi ang kupad ko kumilos.

"8:10 po kuya" Waaahh. Nakakatakot talaga kinakabahan ako kay kuya. Feeling ko pagnagalit sya buong taon akong hindi makakakain ng bacon.

"Kumain na tayo, gutom na ako." Halos manlamig ako sa malamig na sagot nito kaya tumingala na ako uli, only to find out kuya smiling widely at me. Nawala ang kaba ko kaya ngumiti na din ako.

"Alam mo kuya, you should smile often. Bawas beastmode na para gwapo ka." I said to kuya and he only beamed at me. Ang puti ng ngipin ni kuya, pwede syang commercial model ng toothpaste at mouthwash.

Pagkatapos namin kumain ni kuya ay nagmadali na kami para pumasok. Pareho kaming nag-aaral ni kuya sa Forde de Academia. 4th year college na sya samantalang ako ay nasa 2nd year college pa lamang. Tatlo kaming magkakapatid, si kuya Peds or Peter Joseph, ako, at ang bunsong si Clark.

"Yzo, ok ka lang?" Tanong sakin ni Kuya ng mapatulala ako sa labas bigla. Something disturbing is playing in me.

I'm thinking of, naramdaman nyo na ba yung feeling na parang may nakalimutan ka? You are feeling happy but your one hell of an empty can as well. That's what I'm feeling. Parang may nakaligtaan ako sa buhay ko. Aside from dreaming I'm always been a blank, like there was something controlling me. Ahh! Heck of a feeling!

"Hey? Yzo? Anything wrong?" Tinapik ni kuya Peds ang noo ko na nagpabalik sa akin sa realidad. Geez, did I space out again?

"Ah- wala kuya. Hehe." I tried to change the topic dahil ayoko ng pag usapan pa ang nararamdaman ko. It's just a one weird feeling. Dala lang siguro ng hormonal imbalance.

"Okay, sabi mo eh. Just don't space out again Yzo. Anyway we're here and your running late." Oh! I almost forgot! Sumulyap ako sa orasan ko at halos lumuwa na ang mata ko ng makitang alas otso na. Tae! Malalate na ako, ang layo pa naman ng building ko.

"Bye kuya!" Tumakbo na ako ng mabilis at sa pagmamadali ko di sinasadyang may nakabunggo pa ako. Shete naman, kung mamalasin ka nga naman. Ngayon pa talaga! Eff!

"A-ah, hindi ko s-sinasadya, PRINCESS? Ah, eh, sorry! Sorry po talaga." The man in front of me has a nerdy get up and he's freakin' stummering!

"Ah, I'm not a princess. Just a Potential, you know. Matalino lang ako but I lack the appearance." Yeah. Ganito kasi dito sa school, kapag maganda or gwapo ka, your crowned as princess or prince. Kapag pangit, crowned pa din, you'll be the so called OCT or outcasted thrones, pag matalino ka at may itsura, you'll be the Piece Master. Pero pag pangit at matalino ka hindi ka belong sa kahit ano, your not in OTC at mas lalong Piece Master. You'll be crowned as Potential Prince or Princess. Isa ako doon, and we in the middle class together with the higher class are respected by the OTCs.

Ang nerd na ito ay belong sa OTC, that's why he's this nervous.

"You're in the middle class for the least. Sorry. Please wag mo kong isusumbong." Nakayuko pa siya at nagpupumilit na patawarin ko. Tiningnan ko ang oras that made me sighed, I'm late. Tiningnan ko ang corridor, nakakita ako ng mga papel. Must be his. May mga drawings and researches ng mga fairy at kung ano pa. Nah! This guy! Is he childish or he's just like me?

"Bat may mga drawing kang ganto?" I asked while holding a portrait of a fairy looking woman.

"Safiara. Is this her name?" The portrait was elegantly drawn and is very good as well.

"Huh? Ah. Oo" Bakit ba hindi to makatingin sakin? Like ang ganda ko ba masyado? Tinulungan ko na sya na pulutin yung mga drawing nya, kakausapin ko pa dapat sya kaso.

*ting-ting-ting*

God! Second bell na! I'm really late! Tumingin ako sakanya, nakita kong natauhan din sya sa pagtunog ng bell.

"F*ck!" Hala! Nagmumura sya? Ang cute naman. Wait? Did I just find him cute?

"Your cussing?" Na amazed naman daw ako at nacutan talaga. Ganto ba ang mga type ko? Nerdy bad boy? I imagined him riding on a gangster motor, cussing loudly with his nerdy get up.

Natawa naman ako sa naisip ko. Gosh! My imagination is really something.

Bihira lang yan, kaya nakakamangha talaga. I tried to remove his glasses and found him really familiar.

"Your familiar." His thick brows, aristocratic features, dark eyes, and red lips. He is really familiar. Saan ko ba sya nakita?

"Am I?" Takang taka na sya, but then he smiled. Slowly naramdaman ko ang pag akyat ng dugo sa mukha ko na naging sanhi ng pamumula ng pisngi ko.

"Ah, I gotta go. Bye!" At kumaripas na ako ng takbo papuntang banyo para makaiwas sa pangyayari. Kung ba't naman kasi ang cute nya. Patawarin mo ako Nar babes, di ko sinasadya yun. Ikaw pa din talaga.

Pagkapasok ko, nakakita ako ng grupo ng mga Piece Master.

"Oh? A Potential? Eww, dapat dun kana sa OTC eh. Ang pangit mo kaya. Yuck!" Inirapan pa ako ng mga pangit na to. Tinitigan ko lang sila. Takang taka na ba kayo kung paano nila nalalaman kung anong standing namin dito sa campus? Well, we are wearing a designated I.D lace. That's all, and yep. Mapanglait talaga ang school na to. They are not striving for fairness. Ang sabi ng admin para daw mag strive ang mga students na tumaas ang grado at mag ayos ng sarili.

Di naglaon ay umalis na din ang mga Piece Masters na mapanglait. Humarap ako sa salamin and geez. ~tigyawat sa ilong, pati na sa pisngi~ hayy, pati sa noo. Kasi naman, makapal na kilay, chubby at kulot na buhok. Grabe, maybe may consideration lang sakin kaya di ako OCT kasi yung kuya ko ay Piece Master. Grabe lang talaga, bakit ba ako ganto? Kaya kahit hibla ng buhok ni Baby Nar ay impossibleng mahawakan ko eh.

Bigla namang sumagi sa ala-ala ko si Nerd kanina. Mabuti pa siya, gwapo pag walang salamin. Kamukha nya yung-

"YZOOO!!!!!" Napalingon naman ako sa boses na parang nakalunok ng megaphone.

"Laurencia??" Laurencia Guevarra, ang best friend kong madaldal.

"Yzo, late din ako. Lam mo na nag date kami ni Gino may labs." She said with a dreamy eyes na nagpatawa naman saakin. Napalabi naman sya sa ginawa ko.

Gino Gomez. Isang hearthrob na Piece Master. Na kinababaliwan ni Laurencia Martinez. Grabe. Si Laurencia ay isa rin PM, ewan ko ba kung ba't ko to naging kaibigan eh ang ganda ganda nya compared to me na napaka pangit.

"Hoy babae, ang lakas na naman ng imagination mo. Girlfriend na ni Gino si Kimmet no. Wawa ka naman." Si Kimmet Rodrigo ay isang Princess na napaka arte. Akala mo naman perpekto. Maganda lang pero bobo naman.

"WHAT?" Gulat na gulat si Laurencia at nanlalaki ang mga matang tinuro ako na akala mo naman ay niloko ng asawa.

"You-your lying." Tintigan ko lang sya habang mukhang malapit na syang magwalling at flooring. You know, yung gugulong sa sahig.

"Oo. Narinig ko sa mga PM dito kanina." Yung mga nanglait sa'kin kanina na mukhang mga clown.

"NO! It can't be." Ang drama talaga nito. Saan ba to nagmana? Lakas mag assume eh.

"Bakit ikaw? What would you feel kung si kuya Nar ay may girlfriend na? Don't judge me Yzo." Naaasar naman syang nagpapadyak at nanalamin. She's right, ano nga ba'ng pakiramdam ng malaman mong may girlfriend na ang crush mo?

I smiled bitterly habang inaantay si Laurencia na matapos mag-ayos. Nang matapos sya ay nagpunta kami sa likod ng College of Education building. Tahimik dito and kami lang ang madalas pumunta. Karamihan kasi mas trip tumambay sa field or sa court para magpacute sa mga crush nila.

Ibahin nyo kami, mas feel namin dalawa na mapag-isa. Though yung mga personal alalay ni Laurencia ay nasa paligid lang.

"So, should we ditch the class all day?" Napataas naman ang kilay ko sa suhestyon nyang iyon. Ditch? Nalate lang ng ilang minuto ay di na kami papasok? Ano namang gagawin namin?

"San naman tayo pupunta at anong gagawin natin?" Pero nginisihan nya lang ako bilang sagot. Nagloading ako ng onti ng marealize ang ibig nyang sabihin. There is no way na mapapayag nya ako.

"No way Laurencia! There is no freaking way!" Umatras naman ako agad pero isang pitik lang ni Laurencia ay nagsilabasan ang mga alalay nya at hinawakan ako sa magkabilang braso.

Kinaladkad nila ako papuntang parking lot at nagpupumiglas naman ako sa daan.

"Don't do this Laurencia please." Nagmamakaawa ako sa kanya samantalang tawa lang sya ng tawa. Napapalingon na ang ibang estudyante sa'min at nagbubulungan. Patuloy naman ang paglingon ko at nag hahanap ng makakatulong sa'kin nang makita ko si kuya Peds.

"KUYA PEDS!" Lumingon naman sa'kin si kuya pero inilingan nya lang ako. Gosh, bakit walang tumtulong sa'kin.

Tulala ako sa sasakyan ng muli akong daragin palabas ng alalay ni Laurencia. Kung kanina ay halos mag-amok na ako makawala lang kay Laurencia ay parang gusto ko na lang himatayin ngayon dahil sa nakikita.

Pumasok na kami sa isang facial and spa parlor. Yes, gusto nya akong isama sa pagpapaganda nya. Walang mali dun, alam ko pero kasi ayaw ko ng mga ganito. Ayaw na ayaw ko. Ilang beses na nila akong pinilit pero lagi akong nakakatakas pero mukhang pinagplanohan nya to.

"Welcome to Heaven and Earth Facial and Spa Parlor my dearest bestfriend." Ang lawak ng ngisi ni Laurencia ng makita nyang wala akong magawa kun'di ang manahimik at titigan sya ng masama.

"Oh come on Yzo, please. Sorry na." Nagpeace sign pa sya habang nagpapaamo ng mukha. Like may magagawa pa ako.

Para akong binugbog ng makauwi ako. Nagdirediretso ako sa kwarto at padarag na ibinagsak ang katawan ko sa kama.

Pagkatapos tusuk-tusukin ang mukha ko kanina ay pinisil-pisil naman ang katawan ko. Imbis na marelax ay parang nadagdagan ang stress ko.

Nagising ako ng makaramdam ng matinding uhaw. Sumulyap ako sa orasan and saw that it's 11:55 PM already. Nakasuot pa din ako ng uniform at ni hindi ko pa natatanggal ang sapatos ko.

Tumayo naman ako para magpalit ng pantulog, pabalik na ako sa higaan ng mapalingon ako sa bintana kung saan nasa last quarter na ang buwan.

Tumigil ako ng bahagyang mahilo at bumagsak sa sahig. Halos wala na akong makita pero nakagapang pa din ako papunta sa may paanan ng left ng higaan ko kung nasan ang emergency button.

Namimilipit na ako sa sakit ng ulo ko at nanlalabo na din ang aking mga mata ng madinig ang agarang pagbukas ng pinto.

"Yzo? Shit, I forgot about this monthly episode of yours." That's the last thing I heard before everything went black.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login