Download App

Chapter 4: Kabanata Isa [3]: Gabi ng Hapis

"Bakit mo siya binaril kaagad? Buti nadaplisan lang siya. Gago ka talaga."

Nagsikilos kaagad ang tatlong lalake at nagtulungan sila upang busalan at talian si Kariah. Ang binti niya'y pinagdikit gamit ang duct tape at ang kamay niya'y itinali rin sa likod. Pero wala pa rin itong tigil sa pag-iyak at napaka-agresibo nito sa pagpupumiglas.

"Sinadya ko siyang daplisan dahil siguradong tatakas siya't magsusumbong." Pahayag ng bumaril, "May suppressor ang baril ko, ako lang ang makakapigil sa kaniya, gago."

"Tumahimik na kayo," sita ng lider na nakaupo pa rin sa pwesto at hinihithit pa ang sigarilyong nangangalahati na, "Tignan n'yo sa labas, baka may nakarinig ng sigaw niya." Utos nito na inaksyunan kaagad ng isa.

Walang nagawa si Kariah nang marahas siyang hilain sa braso ng dalawang lalake at kinaladkad palabas ng kusina. Hindi siya nanlaban, bagkus hinayaan ang sarili na huminahon muna. At nanalangin na sana'y makakaisip siya ng plano at upang iligtas ang sarili kahit na napakalabo na nito.

Dinala siya ng mga lalake sa salas kung saan nakabulagta ang bangkay ng nga magulang at ng kapatid niya. Labis siyang nagimbal at naiyak nang ibagsak siya sa tabi ng ina dahil sa nagkaharap sila nito; nagkatitigan sila at wala siyang ibang nakikita sa mga mata ng ina kung hindi ang labis na pighati.

Napapikit na lamang siya dahil sa hindi niya kayang tignan ang mga mata nito; larang pinupunit ang puso niya at pinagsasaksak ng patalim. Pero kahit na nakapikit siya ay hindi niya kayang iwaksi sa kaniyang isipan ang hitsura ng kalunos-lunos na sinapit ng pamilya niya.

Para siyang pinapahirapan at pinaparusahan nito.

"Ililigpit ba natin 'to?"

"Bakit? May iba ka pa bang plano?"

"Sayang naman 'to kung papatayin na lang natin kaagad."

Hindi maipaliwanag ni Kariah ang panibabong takot na biglang sumibol at lumukob sa kaloob-looban niya dahil sa kaniyang narinig. Nasisigurado niyang may binabalak ang mga lalake na hindi niya gugustuhin, bagay na nagpatindi sa takot niya't nagdulot ng panlalamig.

Huli na para sa kaniya at wala na siyang kalaban-laban pa nang hawakan siya ng mga lalake at pinagtulungan; may pumutol sa duct tape sa kamay at paa niya at saka pwersahan siyang pinatiyaha sa malamig na sahig.

Hindi siya nito binitawan at hindi rin inalis ang busal sa bibig niya. May isang humawak sa magkabilang kamay niya't malakas na diniin ito sa sahig upang pigilan siya. Ang isa nama'y nakahawak sa binti niya't kahit anong pagpumiglas niya'y hindi talaga niya nagagalaw ang sariling binti.

Masyadong malakas ang dalawang nakahawak sa kaniya na kahit anong kilos niya'y wala talaga siyang nagagawa upang tulungan ang sarili, sa halip ay nauubusan na lamang siyang ng lakas.

Nakuha ang pansin ni Kariah nang biglang tumayo mula sa kinauupuan ang lider. Nangilabot siya sa takot nang itapon nito sa tabi ang upos niyang sigarilyo saka nagsimulang humakbang papalapit sa kinahihigaan niya.

Nang tumigil ito sa tabu niya ay nsaksihan ni Kariah kung paano kalasin ng lalake ang sariling sinturon mula sa pantalon nito. Mas lalo siyang naiyak sa takot nang makitang hinubad kaagad nito ang suot-suot na pantalon kasama na ang panloob.

Iniwas kaagad ni Kariah ang kaniyang tingin dahil sa takot at pandidiri. Ang mukha niya'y nakaharap sa kanan at ang mga mata niya'y mariing nakapikit habang walang tigil na lumuluha. Wala siyang ibang inisip sa mga oras na iyon kung hindi ang kagustuhang papatayin na lang sana siya kaysa sa dadaan pa sa ganitong paghihirap.

Hindi na niya kaya pa.

Hanggang sa sunod niyang namalayan ay biglaang pagdagan sa kaniya ng lalake at inupuan siya nito sa bewang. Hindi siya tumingin; nanatili siyang nakapikit at humihikbi habang diring-diri na sa pinaggagawa sa kaniya ng lalake. Pero kahit anong pikit at iwas niya ay ramdam niya pa rin ang nakakapanindig-balahibong paghaplos nito sa kaniyang mukha.

Napasinghap si Kariah nang maramdaman niyang marahas na pinunit nito ang kaniyang suot-suot na damit at inalis. Ramdam niya ang lamig na humahaplos din sa kaniyang katawan nang tumambad ang kaniyang dibdib sa lalakeng parang nababaliw na sa katawan niya. Wala itong sinayang na oras at hinawakan kaagad nito ang dibdib ni Kariah at saka nilamas-lamas.

Labis ang galit na namumuo sa kaloob-looban ni Kariah sa pinaggagawa sa kaniya ng lalake. Napagtanto niya sa pagkakataong iyon na siya lamang ang makakasalba sa sarili niya. Hindi na siya nakatiis pa sa kababuyan nito kung kaya't ginamit niya ang naipong lakas at nagpumiglas ulit upang alisin ang nakadagan sa kaniya.

Pero sa kasamaang-palad ay masyadong mabigat ang lalakeng nakaupo sa kaniyang tiyan at hindi man lang ito natinag, sa halip ay nakatanggap pa siya ng malutong na sampal mula sa magaspang na kamay nito.

Sa nasaksihan ng lalakeng nagkabantay malapit sa bintana ay agad itong lumapit sa kaniyang kagrupo, "Natitiyak akong kailangan n'ya 'to," presenta nito sa inilabas na panyo.

Walang umangal sa kaniya at hinayaan lamang siya ng kagrupo nang ilapat niya ang panyo sa ilong ni Kariah.

Nagsitigil sila't naghintay lamang sa susunod na mangyayari sa babae. Ilang saglit pa'y nasaksihan din nila ang unti-unting panghihina at ang dahan-dahang pagpikit ng mga mata nito hanggang sa hindi na ito gumalaw pa.

Sa likod ng bawat maskara ay agad na sumilay ang ngiti sa kaniya-kaniyang mukha ng lalake dahil sa sinapit ng babae. Binitawan na rin nila si Kariah at nagsimula na silang maghubad upang isagawa ang kanilang masasamang balak.

▪ ▪ ▪

"Didispatsahin na ba talaga natin 'to?" Tanong ng isa habang nakatingin kay Kariah na nakabulagta sa sahig na wala pa ring ni isang saplot na suot.

"Bakit, ano na namang plano mo?" Tanong ng lider na inaayos ang sariling pantalon.

"Pwede pa 'tong ibenta sa Black Triangle. Sigurado akong malaki ang ibabayad nila rito. Ito 'yong tipo nilang babae." Suhestiyon nito.

"Kailangan na natin itong isama sa magulang niya. Baka magiging sagabal pa ito." Singit naman ng isang nakaupo sa sofa na halatang 'di sang-ayon sa plano niya.

"Lalabagin natin siya kung gagawin natin 'yan." Tanggi rin ng lider sa kaniya.

"Pero papaano kung uutusan natin na sila na ang magliligpit? Nandoon naman ang kapatid ko, siya ang magsisigurong ililigpit talaga nila ito." Suhestiyon pa ng isa na inalis ang sariling maskara upang punasan ang pawisang mukha, "Pera na 'to na hindi natin pwedeng palagpasin. Sakto rin at ngayon ang selebrasyon nila para sa mga bagong recruits ng fraternity nila."

Saglit silang natahimik at nagkatinginan, animo'y dumaan ang kaniya-kaniyang isipan sa malalimang pag-iisip sa kung ano ang magiging desisyon.

Sa narinig ng lalakeng nakaupo sa sofa ay nagbago kaagad ang desisyon nito, "Oo nga, dagdag na 'to sa perang kikitain natin." Aniya.

"Sige," walang magawa ang lider kung hindi ang pumayag na lang nang makitang siya na lang itong hindi sumasang-ayon, "basta't siguraduhin mong malilinis talaga 'to. Dahil kung hindi, ako ang tatapos sa 'yo." Banta niya sa kamiyembro na nangakong ang kapatid nito ang magliligpit.

"Hindi pa ako pumalya," Aniya.

"Kontakin mo kaagad ang grupo nila. Aalis na tayo ngayon din."


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C4
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login