Download App

Chapter 2: Chapter| 2

----------------------

2 | Little things

----------------------

-------

Saturday night

Ano nga ba ang kadalasang gawin namin every saturday night?

PARTY!

-------

"Richie ang kamera?" tanong ni ate.

Nakangiti namang nag-thumbs up si bunso habang papaatras itong lumayo sa kamerang nagre-record.

Lumapit si ate sa stereo at binuksan niya ang CD player nito, at dahan-dahan niyang inilagay ang CD.

*click * tunong nang isara na niya ang CD player ng stereo.

Nagsimulang tumugtog ang laman ng CD.

[Look at you-- isa sa paburito naming kanta ng hanson]

*Instrumental*

Tumingin siya sa akin at kay Richie, ngumiti ito na kita ang ngipin, tinaas-taas niya ang kanyang kilay

.Siya'y tumango-tango na parang sinasayaw ang ulo at sinasabayan ang bawat ritmo ng kanta.Dinampot ang tambo, lumundag ako pa-akyat sa kama at binato niya sa akin ito; agad ko sinalo ng kanang kamay ang tambo.

"READY??!" sigaw nito na habang naka rack 'n roll ang kamay.

"REEEAAAADDDYY!!" sigaw namin ni Richie, napalundag-lundag ako sa kama.

"Edi simula na natin to! Rakrakan na!" sigaw niya at nag headbang pa.

"Look at you baby

Standing in the shadows wondering what I'm doing here

Wishing something would happen, maybe I could disappear

She walks in with that look in her eye

Somehow she doesn't even have to try

Just kick off your shoes, get on the floor"

sinasabayan namin ang bawat liriko ng kanta kahit sintunado at na pipiyok.

Gumagawa kasi kami ng music video cover.

"This is what we came here for

Oooooh, you've got to break it down

You've got to get it out

Just get on the floor

Everybody wonders when they look at you

Everybody wonders what you're gonna do

You got it all wrapped up you do

Everybody wonders when they look at, look at you

Look at you baby, look at you baby

In the middle of the dance floor lights shinin' in my face."

patuloy ako sa pagkanta, with headbang pa kaya yun, naging kamukha ko si slash ng guns 'n roses dahil ang kulot na kulot kong buhok na hanggang ibabaw ng balikat ko ay naging apro na!. ginawa kong gitara ang tambong binato sa'kin ni ate.

Ginawang tambol naman ni Richie ang mga baldeng kinuha niya sa banyo at lata ng gatas at biscuit.

Habang si ate naman ang umaarteng vocalist namin gamit ang suklay, dinadama niya ang pagiging vocalist.

"Twistin', shoutin' there was no doubt people dancing all over the place

Out of the corner of my eye she said why don't you come and give it a try

Get on the floor, just kick off your shoes

You ain't got a thing to lose

Oooooh, you've got to break it down

It's time to get it out

Just get on the floor"

Tulad ng Hanson, bumubuo rin kami ng banda.Pangarap naming magkakapatid na magkaroon din ng sariling album at mag-platinum ito.

Nagkaisa kaming tatlo habang nagrorolyo ang kamera at kinukunan ang bawat eksena.

Napatigil ako sa aking ginagawang pag-headbang at paggigitara sa tambo.Tumigil din ako sa paglundag lundag sa kama.

"Teka lang!" sigaw ko habang naghahabol ng hininga.

Ang pawis na nagbubutil sa noo ko at umaagos sa kilay at pisngi ay aking pinunasan, para na kong naligo.

"Bakit??" tanong ni Ate Lucy. Sila'y napalingon sa'kin. Napatigil na pagtambol si Richie.

"para yatang ang daya, ..." tumalon ako pababa sa kama. " Dapat ate, ikaw si Isaac at ako si Taylor."

"anong problema dun kung ikaw si Isaac?."

ang tambo na hawak ko'y, hinagis ko sa sahig. " dahil ikaw ang panganay sa'ting tatlo--- tulad ni Isaac." saad ko, at hinawakan ko ang suklay na hawak niya para kunin ito. "Ako ang pangalawa tulad ni Taylor. at si Richie ang drummer tulad ni Zack." hinatak ko ng bahagya ang suklay.

Nagsalubong ang kilay ko ng humigpit ang hawak niya sa suklay.

"Eh ano namang masama kung ako ang maging Vocalist sa'tin." saad naman nito at hinila niya ang suklay.

"ako dapat." hinila ko ang suklay at ginamitan ko na ng dalawang kamay.

Naghilaan kami. Gusto kong maging Vocalist. Mas madali kasing nakikilala ang mga Vocalist.

"ako dapat! hindi ikaw!." palitan namin ng salita.

naghilaan kami at para kaming tangang nagpaikot-ikot sa kinatatayuan namin.

"Guys?... GUYS!" sigaw ni Richie.

Napatigil kami sa pag-agawan at nabaling ang tingin sa kanya, He rolled his eyes then lumapit siya samin. "bakit ba kayo nag-aagawan maging Vocalist??" sambit nito,hinugot ang suklay na sa pagitan ng mga kamay namin ni ate. "hindi pa nga tayo sikat ganyan na kayo." sermon nito.

"kaya para walang away,... Ako ang magvo-vocalist sa'ting banda!" nakangising sambit nito.

nandilat ang aming mga mata ni ate.

"No Waaayyyy!!!" chorus naming sinigaw ni ate at agad hinabol si Richie patakbo palabas ng kwarto.

"Whaaaaa!!" sigaw nito, agad kong sinarado ang pinto para hindi ito tuluyang makalabas.

tumakbo siya papunta sa kama, sabay naming tinalunan ni ate si Richie at yun natumba kaming tatlo sa kama, nadadaganan namin si Richie na di binibitawan ang suklay.

"mama! mama!" sigaw nito na pumipiyok pa.

"akin na ang suklay!" unahan kaming dalawa ni ate makakuha ang suklay.

"Ma---" tinakpan ko ng aking palad ang bibig ni Richie para manahimik ito.

"Shut up Mama's boy!" tuya ko sa kanya.

"AAAHH!!" napasigaw ako at nahulog sa sahig ng kagatin niya ang kamay ko.

Nagbukas ang pinto.

"Bakit ba kayo nagsisigawan dyan? Gabi na, magsitulog na kayo." saway ni mama na nakatayo sa pinto at nakapamewang.

Napatingala ako kay mama, at ngayon baliktad ang tingin ko sa kanya. "tumayo ka na dyan at pumunta na kayo sa kwarto niyo." saad ni mama na naglakad patungo sa stereo at pinatay ang pagtugtog nito, maging ang rumurolong kamera. "hmm,... nagvi-video kayo? "

"music video cover." sabay naming tatlo.

"Oohh~."

" Ginagaya kasi namin ang hanson."dugtong ni Richie.

"Meron nang pangalan ang banda namin, ma!" 'singit ko. --nakangiti

"Sige ano yun?" tanong nito at sinimulang mamulot ng mga stuff toys na nagkalat sa sahig.

tumayo ako at pinalpagan ang pwet.

"The Martin Girls and a boy." sagot ko agad.

"Yaaaccckkk~~!!" sabay na reaksyon ng dalawa na nakangiwi pa.

"ang baduy ate." reklamo ni Richie. "The Girls and a Hansome, yun ang mas maganda." saad niya.

"The Martin Singers ." saad ni ate na nakangiti. Umayos siya ng upo sa kanyang kama.

Si Richie ay tumayo at inabot kay mama ang suklay.

"Maganda yan!" nakangiting pag sang-ayon lang ni mama sa mga sinabi namin.

"Pero... may oras para sa pagvi-video." dugtong ni mama,dala-dala ang mga stuff toys na halos tumabon na sa mukha niya. "alas dyis na, andito pa kayo sa kwarto ng ate niyo, naku dapat ganitong oras tulog na kayo,... Hindi ba ang Hanson brothers natutulog sila ng maaga para mapangalagaan ang kanilang boses, so dapat ganun din kayo kung gusto niyo maging tulad nila."

"Sorry ma." sabay naming sabi.

"Hmm.,... ok lang yun, basta sa susunod maaga na matutulog kahit sunday pa bukas, ok?" nilagay sa malaking pink basket ang mga stuff toys.

"opo mama~~" chorus naming sagot kay mama na napangiti.

Lumapit siya sa amin, hinagod niya ang gulo- gulo kong buhok, at napakunot ng noo." bakit--? bakit naging ganyan kakulot ang buhok mo,Anita?." patanong ni mama na sabi.

Napakunot din ako ng noo.

Hinawakan ko ang dulo ng aking buhok."dahil kulot din si papa?" patanong kong sabi sabay ngiti.

Natawa sila bigla.

"bakit?? kulot naman talaga ang buhok ni papa di ba?." sambit ko na napatingi sa kanila, nawala ang ngiti ko.

Natutuwa siguro sila dahil ako lang ang kulot at kayumangging kulay sa kanila.

Sa katunayan, laging napapagkamala si mama na panganay na kapatid namin dahil mukha siyang bata, ang hilig kasi magpabanat ng mukha, tapos kung anu-ano pang beauty product ang ginagamit.

Pakiramdam ko tuloy, sekretong lumalaklak ng glutathione itong tatlo.

Sa katunayan naka face-mask siya ngayon.

"Hay naku...."sabay hinagod ni mama ang braso ko at ni Richie. "mabuti pa matulog na kayo dahil bukas--" nakangiting sabi ni mama.

"Andito na ang papa niyo." masaya ang tono ng pananalita ni mama, na pati mata'y nakangiti.

"aaayyyiieeee~" asar naming tatlo.

"kaya ba naka-face mask ka ngayon mama." pagtutuya ni ate Lucy.

Napatakip naman ng bibig si Richie upang magpigil ng tawa.

"excited na si mama makita si papa~~aayyyiieee~~~! ." dugtong ko, "kinikilig ako." sabay taas ng balikat.

"hoy kayo,... wag kayong ganyan ha, ang babata niyo pa. naku naman..." tumingin kay ate. "pwera lang sa ate Lucy niyo." Napatakip ako ng bibig at ang mata naming tatlo ay nakatuon na kay ate Lucy, yung tingin na nag sasabing ... Si-Peter-na-ba-ang-future-brother(Son)-in-law-namin(ng-papa-mo)?

"Ayan na namaaannn~~~... Bakit ganyan kayo sakin~~?." sambit nito ng maintindihan niya ang tingin naming tatlo.She rolled her eyed "Uuurrgghhh... Bakit siya na lang lagi...." dugtong nito.

"Antok na ko, labas na kayo." [uy! change topic agad.] tumayo ito at pilit kaming pinalabas ng kwarto niya. "sige na... mag-aayos pa ko ng kalat."

Pero di nagbago ang titig namin sa kanya.

"Good night Guys~!" bati nito ng makalabas na kaming tatlo sa kanyang kwarto, sabay ngiting pilit si ate at agad sinarado ang pinto. "Oh my... Bakit ganun sila." pabulong nitong sabi.

"ok~! Night Honey!, sweet dreaaammmss ~~future Misis .." Patuloy na pangtutuya ni mama.

Iba rin umiwas si mama magisa.

"Ma!" Sigaw ni ate kahit nasa loob na siya ng kanyang kwarto.

Napabungisngis kaming tatlo.

"O siya, pumunta na kayo sa kwarto niyo." tugon nito na sa amin na ni Richie ang atensyon.

Hinalikan kami sa noo."Ooh! amoy pawis na kayo." nakangiwing sabi ni mama, agad inayos ang face mask na kumulubot. "Maglinis muna ng katawan bago matulog, ok?" dugtong nito.

Sinabit niya sa tainga ko ang buhok na nakaharang sa mata ko. "night, sweethearts."

"good night ma." sabay naming bati at saka kaming naglakad patungong kwarto.

"Gumising ng maaga!." pahabol nito.

"yes ma." chorus naming sagot.

Magkatapat lang ang pinto ng kwarto namin ni Richie, samantala kay ate ay sa tapat ng hagdan.

At sa kabilang bahagi ang master bedroom. [kila mama at papa]

-----------

Kinabukasan [Sunday morning]

-----------

"eeeewwww~~~!!" Nakangiwi ako, sa sobrang ngiwi kita na gilagid ko.

Halos ubusin na kasi ni Richie ang ketchap sa Itlog at kanin na nasa plato niya, namula na ito at kadiri talagang tignan.

Si Richie ang batang nag-aadik ng ketchap. Siya ang kapatid kong weird pagdating sa pagkain, kahit sinigang ang ulam lagi siyang nakaketchap, hindi siya mabubuhay na walang ketchap kahit sa ice cream at cereal.

"Rich, tama na yan...." saway ni mama "... kaya hindi umaabot ng kinabukasan ang ketchap dahil sayo." dugtong ni mama ng ilapag niya ang kakaluto pa lang na sunny-side-up.

kumuha ako ng isa, at hinawakan ang bote ng ketchap pero ng makita ko ang namumulang kanin ni Richie na hinahalo-halo at rinig ko yung kadiring sound na nililikha ng paghalo niya, bigla akong naumay at nakaramdam ng pamamaliktad ng sikmura.

Napainum na lang ako ng tubig.

"Morning!" bati ni ate na bagong ligo, nakabalot pa ang buhok sa twalya.

Naupo ito at agad kumuha ng makakain.

Naupo na si mama sa hapagkainan.

"Anie, Kumain ka na." saad ni mama ng mapansin niyang di ako kumakain.

umiling ako.

"ay hindi pwede yan, kailangan mong kumain... kaya kumain ka na." sabay subo ng kanyang kinakain. "bilisan niyo at baka naroro'n na ang papa nyo." dugtong ni mama.

Napangiti si Ate. "Ma, h'wag po magpaka-excited." pangtutuya ni ate kay mama.

"Ikaw talaga--"

Napatawa kaming tatlo.

"8:30 am pa lang, 10:30 ang dating ng eroplanong sinasakyan ni papa." dugtong ni Ate. "Halatang excited si mama makita si papa, uuy!!"

"kayong mga bata kayo, ... kumain na lang kayo dyan."sambit na lang ni mama at nagpatuloy sa pagkain.

Hinawakan ko ang kutsara at tinidor, upang simulan ang pagkain ng biglang ...

"RICHIE!" sigaw ko ng pinisitan niya ng ketchap ang plato ko.

Binato ko siya ng kutsara buti magaling siya umiwas at sa alababo dumeretso ang kutsarang binato ko.

Bumungisngis ito na tila ba inaasar ako.

"Anie ano ba yan?!."saway ni mama, napakunot ng noong tumingin sa'kin.

"Si Richie kasi, nilagyan niya ng ketchap yung ulam ko." dahilan ko agad at may diin sa pananalita.

"Naku, akin na lang yan, kakain ko." sabat ni ate at kinuha ang ulam na itlog sa plato ko na nalagyan ng ketchap.

"oh, kinuha na ng ate mo..., kumain ka na." tugon ni mama.

Inerapan ko si Richie ng mapatingin sa'kin.Di pa rin nawala ang pagkainis ko. "bwisit." mahina kong sabi, Kumuha ako ng hatdog at yun ang kinain ko at pinapak.

----------

Sa Airport

----------

Hawak ko ang malaking puting kartulina na may nakasulat na 'WELCOME BACK PAPA!!'

"Ma, relax lang, makikita tayo ni papa dito." wika ni ate Lucy.

Hindi kasi mapakali si mama sa kinatatayuan nito, panay lingon ng lingon at lakad ng lakad.

"Baka sa kabila siya dumaan." saad nito.

"Ma, dito lang ang labasan ng mga pasahero kaya---"

"Si Papa !!" sigaw ni Richie ng matanaw niya si papa, tinuro niya ito.

Nakangiting kumaway samin ang gwapong-gwapo naming papa.

"pa!... papa!" sigaw namin na para kaming nagkagulong palaka roon.

habang si mama...Humarap kay Ate. "Lucy, kamusta itsura ko? di ba over ang make-up ko o ano---"

"ma?... you are better the anyone, I swear!." nakangiting wika nito at inayos ang pagkakakulot ng dulo ng buhok ni mama. "relax." dugtong niya.

"Hon!"wika ni papa, napalingon naman agad si mama na abot langit ang ngiti.

"hon, I really miss you!" agad niyakap si papa.

Napangiti kaming tatlo na ngayo'y magkakatabi na.

Naghalikan sila na para bang bida sa romantic movies, yung tipong patapus na ang palabas.

"ew!"sabay naming sambit ni Richie sabay rin kaming napangiwi.

Naalala ko tuloy, ... kapag nanonood kami ng romantic movies, agad tatakpan ni mama ang mata namin ni Richie kapag naghahalikan na yung mga characters.

Pero ngayon nadungisan na ang inosente naming mga mata.

Tumingi ako kay ate. " Ate, Ini-imagine ko palang, kapag naging mag-asawa na kayo ni Peter, makikita ko kayong gan'yan ang eksena sa airport... Eeeww! Eeeww talaga!" sabi ko sa kanya.

Nakatanggap ako ng malutong na pektos sa kanya.

"Aaarrayyy~~!" napahagod ako sa ulo habang nakangiwi at damangdama ang sakit ng pagkakapektos sa'kin ni ate.

"yan kasi." tuya sakin ni Richie.

"Gusto mong mapektusan?" wika ko na nakaamba ang kamay kong mangpektos, natahimik si Richie.

"Pa! na-miss ka namin!" sabat ni ate ng magyakapan na si papa at mama. Lumapit siya upang makisalo sa yakapan.

"Hali kayo mga anak!" nakangiting tugon ni papa. agad kaming lumapit na dalawa at nag-group hug.Sa totoo nahihiya ako si ginagawa namin kasi pinagtitinginan kami, di ko alam kung weird ba kaming tignan o inggit lang sila sa amin.

------------------------------

featured song:

"Look at you ." by hanson.

[1997 Album Middle of nowhere]

#try niyong pakinggan upang makarelate kayo sa magkakapatid na Martin.

-----------------------------


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login