Sa isang big company such as ours napaka-rare na mag-set ng General Assembly ang top management, so lahat kami very excited at nervous sa kung anong i-a-announce. Usually ang chance lang na makasama namin ang General Manager is 'pag Christmas Parties and selected company events.
Palinga-linga ako sa loob ng room, parang pare-pareho kami ng reaction ng mga officemates ko. Nagbubulungan at may mga sariling theories kung bakit kami pinatawag, magkatabi kami ni Jem sa likod – standing room kami sa training venue namin.
Nginangatngat ni Jem ang kuko niya habang bumubulong, "Baka mawawalan na tayo ng trabaho."
Nag-eyeroll lang ako kay Jem.
"Napaka-morbid mo mag-isip, last week lang naka-book ang sales ng super laking account kaya malabo yan!"
Actually in my two years here naramdaman kong steady ng kompanyang 'to, marami kaming hina-hire every year and marami ring promotions. If ever naman na magkatotoo ang sinasabi ni Jem eh 'di move on 'di ba? Gano'n lang talaga ang buhay – buti pa dito madali maka-move on sa pag-ibig ang hirap.
Siniko ako ng very light ni Jem.
"Kaya bago pa tayo mawalan ng trabaho, tikman mo na si Sir Chuck, malay mo last chance mo na 'yan."
Tumawa si Jem nang hinampas ko ang braso niya.
"Loko ka, baka may makarinig sa'yo."
After ng aming encounter noong isang linggo hindi ko na siya nakausap. Hindi na rin ako tumawag sa IT kasi naibalik na rin nila ang laptop ko although hindi lahat ng files ko na-recover.
Hindi ko na rin siya nakikita sa office or canteen, hindi ko alam kung na-assign na ulit siya sa ibang area kaya hindi ko na siya nakikita.
"Speaking of…"
Siniko ako ulit ni Jem at ngumuso papunta sa unahan ng room.
Sinundan ko ang nguso ni Jem at nakita si Sir Chuck nakatayo siya sa stage at nakaharap sa amin, kasama niya ang mga executives and managers.
"Bhe, hindi ko alam kung paano mo natiis na hindi rape-in 'yan no'ng nagbrown out - pucha ang guwapo."
Namamaypay si Jem habang nanghahaba ang leeg kakatingin kay Sir Chuck.
Rape talaga?
Nagpakita ako ng mock offense kay Jem hawak hawak ang dibdib ko, "Me? Magkakandarapa at mame-mwersa ng lalaki? How dare you!"
Tatawa-tawa kami ni Jem nang tumingin ulit sa harapan. Noon ko lang nakita si Sir Chuck na kausap ang katabi niya nakangiti pero nakatingin siya sa amin. Teka, sa akin?
Napaatras ako sa kinatatayuan ko at hinahampas ni Jem ang likod ko habang kilig na kilig, "Bhe! Bhe!"
Pinipigilan ko ang kamay ni Jem habang bumubulong, "'Tado ka! Masakit!"
I'm sure ang pula ng mukha ko pero nagtitinginan pa rin kami ni Sir Chuck. Tinanggal ko lang ang tingin ko sa kanya nang nilingon ako ng babae sa harap ko – 'yung taga-HR. Yung maarte. Oo, mas maarte pa sa akin.
Nginitian ko siya kahit na bwisit ako't kinailangan kong sirain ang moment namin ni Sir.
"Hi May. Kamusta ka na?"
Nginitian niya ako, ngiting aso nga lang, "Hi Olga. Kilala mo si Sir Chuck?"
Paglingon ko kay Sir Chuck tapos na yung moment namin at nakatingin na siya sa babaeng tumabi sa kanya, at 'di nakatakas sa tingin ko ang kamay ni girl na nakakapit sa braso niya.
"Oh my God. Don't tell me akala mo ikaw 'yung nginingitian niya kanina."
Napalingon ako kay May at medyo speechless. Derecho naman ang mata ni Sir Chuck so I think sa akin talaga siya nakatingin.
"Syempre kay Olga nakatingin. Ano ba siya banlag?"
Napaka-catty na sagot ni Jem kay May.
Tumawa ng very light si May at tumingin sa akin.
"Huwag masyado mataas ang pangarap, girl. Nakita mo nang tumabi na sa kanya si Ms. Claire kaya ligwak ka na."
Lumapit kay May si Jem at in her face sinabi na, "Kapag taga-HR ba pwede rin ireklamo sa HR? Imbes na magchismis ka diyan ayusin mo kaya ang trabaho mo nang on time lagi ang sahod namin."
Hindi pa nakuntento si Jem at bumulong habang tumalikod na ulit sa amin si May.
"Shut up ka na diyan hindi ka naman tinatanong."
Ayan ang proof ng pagkakaibigan, 'pag ang kaibigan mo medyo tulala sa mga nagaganap sa paligid, to the rescue agad ang tunay mong friend wala nang tanong-tanong.
Lumingon ako sa harap at nakitang kausap pa rin ni Sir 'yong girl – Si Ms. Claire daw sabi ng chismosang officemate, pero parang he wants to be anywhere but there.
"Hello, is this on?"
Tinuktok ng VP ng HR namin ang mic at nag-feedback sa buong venue. Lahat tuloy ng chismis nag-die down.
"Good morning everyone!"
Nagsi-sagutan naman kami ng generic na "good morning".
"I know you're all probably wondering why we called for this General Assembly today but before we get to that, I want to introduce the Leadership Team to everyone. These are the people that make the big decisions and make sure we are all on the right track in improving our services and increasing our profit."
Bumulong sa tabi ko si Jem.
"Baka may bonus tayo, profit daw eh."
"Ssshh" lang ang nasabi ko sa kanya.
Ipinakilala na isa-isa ang mga bosses namin. Ang Marketing Group Director namin ay isang super guwapong beki, lahat kami nangangarap na magising siya isang araw at ma-realize niyang sawa na siya sa talong at pechay naman ang gusto niyang kainin. Gusto ko matawa pero syempre ang loko ko naman humalakhak dito 'no.
Baliw na talaga, grasa na lang ang kulang.
"Ayan na, siya na ang kasunod."
Bumulong sa akin si Jem at napansin kong karamihan ng mga girls nagbulungan din nang binanggit na ang pangalan ni Sir Chuck, itinaas niya lang ang kamay niya at ngumiti. Lumabas ng very light ang dimples niya, 'di rin nakatakas sa malupet kong observation skills na lumabas lang ang dimple niya noong nasa general direction na namin ang mata niya. Kailangan ko na yata talaga magpatingin sa doctor, masama na 'tong lakas ng loob ko at bilib sa sarili – kailangan ko ng pampakalma. Hala.
Short lived ang pangangarap kong gising nang binanggit na ang katabi niya.
Nagsalita ulit ang VP ng HR namin, "And here she is, the reason why we are all here, I am very proud to introduce our new Deputy General Manager, former VP for Sales Miss Claire Montes."