Download App

Chapter 17: Team Doranbalth III

Shoooog.

Maririnig sa tahimik na kuweba ang isang pag tunog na parang tila may napisa. Naging mince meat ang parte ng ulo ni Goblin Lord, lumatag sa sahig ang utak at mata nito na magkahiwalay. Nakakadiri ang tanawing ito, pati si Roan di maiwasan na halos masuka sa karumal-dumal na krimen na kanyang ginawa. Sa lakas at bilis ng hampas ni Roan hindi na nakasigaw ang Goblin Lord. Tanging lubos na pagkatakot sa mukha huling nagawa nito. Dilat na dilat ang mga mata na parang nakakita ng multo.

[You have killed the Goblin Lord, Jafazar]

"Congratulations for clearing the Bone Trove Cave!" Boses babae ang  narinig ni Roan na bumulong sa kanyang isipan. Boses ito ng system announcer.

[Aspect Bead Acquired.]

[Special Reward 'Personal Belongings' acquired.]

Level up.

Level up.

Level up.

Level up...

[You are now level 15]

Nang makita ni Roan ang successful news at level promotion ay sekreto siyang napangiti, ngunit muling nag seryoso ang kanyang mukha dahil wala siyang time para mag bunyi. Kailangan niyang maka aalis sa warzone na ito. The sooner the beter!

Run!

Itinodo ni Roan ang kanyang pagtakbo at hindi na lumingon, tanging nasa isip niya ang survival niya. Para bang dito nakasasalay ang kanyang buhay. Pag mahuhuli siya at mapatay ay siguradong mamawawalan siya ng valuable items na kanyang pag-aari. Penalty ito sa tuwing mapatay ng ibang player sa pamamagitan ng PK, mas mataas na item value mas mataas ang chance na ito ang mahuhulog. Sa case na'to, ang maari mahuhulog sa kanya ay ang aspect bead galing sa Goblin Lord.

Ngunit pano siya makakaalis unscathed kung ang ginago at binudol niya ay mga High Level Players?

Sikretong napamura si Roan sa maykapal kung bakit ipinanganak siya na dalawa lamang ang kanyang paa.

"Sinong may sabing makakaalis ka?!" Namamalat na sigaw ng Masked Player sa kanyang isipan.

Sa isang kaway lamang ng kanyang kamay, iilang sword mirage ang nag flash. Lumipad ito at pinuntirya isa-isa ang mga Illumi-Butterfly, ang iba naman ay dumiretso kay Roan para putulin ang kanyang katawan. Nagka pira-piraso ang mga Illumi-Butterfly at agad nawalan ng bisa ang stun effect ng nakakasilaw na ilaw.

Makikita na isa ngang expert high level ang Masked Player. Ang skill na kanyang ginamit ay isang Sword Mastery abilities na kapareho ng Truesight ni Roan na natamo niya matapos maitaas ang Bow Mastery. Bawat sword slices nito ay kayang humiwa ng level 40 players ng walang ka hirap-hirap.

Naramdaman ni Roan ang paparating na panganib na naka aim sa kanyang likuran. Buti nalamang ay mataas ang kanyang agility at evasion stats. Naka side step si Roan nung halos tumama na sa kanyang leeg ang sword slices ng Masked Player. Ang atakeng ito ay nagbigay ng matinding takot na bumalot sa kanyang katawan.

Whew.. muntikan na!!!

Nailagan rin ni Roan ang ibang Sword Slices na bumulusok sa iba't-ibang direksyon. Matagumpay na nakalabas ng Boss Room si Roan ngunit hindi parin siya tumigil sa pagtakas dahil sa takot na baka mabawi ang 'Pinaghirapan' niyang KS rewards!

Authors note: KS means Kill Steal.

Nang makitang hindi tumalab ang ang kanyang suprise attack, sinundan agad ng Masked Player ang tumatakas na si Roan. Pero bago pa makahakbang, napahinto ang Masked Player. Hinarangan ng Team ni Doranbalth ang kanyang daan.

Naka battle position ang buong team, lahat sila galit na galit. Kulang nalang, kakain na sila ng tao. Hinding hindi nila papayagan na makakaalis ng matiwasay ang kumuha sa kanilang rewards!

Sa pagkawala ng nakakasilaw na ilaw ay nakalabas na si Roan sa Boss Room kaya hindi alam ng Team Doranbalth na andito siya in the first place. Tanging nakikitang nilang salarin at nagnakaw ng kanilang spoils of war ay ang pinalilibutan nila ngayon, ang Masked Player.

"Walang hiya kang kupal ka! Ang lakas naman ng loob mong nakawin ang last hit ng Boss? di moba ako kilala! Huh?" Sirang sira ang mukha ni Doranbalth at nakalabas ang mga ugat nito sa noo, kunting kunti nalang ay sasabog na siya sa galit.

"Kung ayaw niyong masaktan. Tabi.." Calm na sabi ng Masked Player kay Doranbalth at sa team nito. Kailangan niyang magmadali kundi makakatakas ng tuluyan ang naka Hoody Player na si Roan.

Hawak-hawak ang espada sa mga kamay, hindi tumigil sa paglakad ang Masked Player. Puno ng prideful na aura ang pumapalibot sa kanyang katawan papunta sa direksyon nila Doranbalth.

Nang marinig ni Doranbalth ang boses ng Masked Player ay medyo na tulala siya saglit, "Bo.. Boses babae...."

Nagkatinginan ang buong Team dahil di nila inakala na ang Hoodlum na'to ay actually isa palang babae? Woah! Sa katunayan, napaka ganda ng Boses nito at ang sarap sa pandinig. Parang sa mga anghel.

Gayon paman, hindi parin nawala ang puot at pagkamuhi ni Doranbalth. Eh ano ngayon kung babae ka? Kasunod nito ay umilaw ang buong katawan ni Doranbalth at tumataas ng mabilis ang level aura niya. Isa-isang naglabasan ang mga Rings sa kanyang likuran at umikot sa buo niyang katawan.

[Battle Rings Activated]

Physical Attack increased.

PDef increased.

MDef increased.

Evasion increased.

Chanting -10%

Speed increased

May tatlong battle rings si Doranbalth, isang silver rings at dalawang bronze rings. Di man kalakasan kung ikukumpara kay Jozard, malaking tulong parin ito sa pag boost ng kanyang mga stats at battle prowess.

Gusto niyang i-intimidate ang kalaban gamit ang tatlo niyang Battle Rings. Pagkatapos ay matatakot ito at magmamakaawa at luluhod sa kanyang harapan. Dahil babae ito, ay gagawin niya itong slave. Paglalaruan niya ang katawan nito hanggang sa di na siya makikilala ng mismo niyang mga magulang. Napa lick si Doranbalth sa kanyang labi nang iniisip ito.

Nang makita ang paghahanda ni Doranbalth na uhaw na uhaw sa dugo ay napa shake ng ulo ang Masked Player, "Nyuu, patulugin mo nga yang idiot na yan."

"Meow... papatayin ba meow? Ah eh, bago ang lahat, baka naman may extra fishda kapa diyan meow. Kanina pako na gugutom meow?" Sabi ng familliar na pusa na si Nyuu. Kumikinang na parang mga bituin ang mga malalaking mata, di suguradong nag mamakaawa ba ito o nagpapa cute lang.

"Sabi ko patulugin lang, mahirap bang intindihin yon... tsaka, kakakain mo lang diba?"

"Meow? Damot naman.."

"Pag hindi ka tumigil sa kaartehan mo diyan, iiwan talaga kita kay Mr. Moren. Sige ka! "

Tumaas ang balahibo ng pusa nang marinig ang pangalan ni Mr. Moren. Sa tuwing naalala niya ang pangyayaring iyon ay nanginginig ang buo niyang katawan. Dahil dito, kahit ayaw niyang lumaban dahil tamad siya ay wala siyang sumbat sa pag babanta ng Masked Player sa kanya.

Tsk.

"Ok, ok sabi mo eh. Meow!" Umiiyak na puso ni Nyuu.

Biglang nawala parang bula ang pusa sa sa balikat ng Masked Player. Naramdaman na lamang ni Doranbalth na may paparating na panganib sa kanyang likuran. Naging alerto siya at hinanda ang sarili sa posibleng suprise attack. Subalit, kasing bilis ng kidlat ang paparating na cat paw na naka aim sa mukha ni Doranbalth.

Boom! Tumama ang cat paw ni Nyuu sa mukha ni Doranbalth na walang resistance. Lumipad ang buong pagkatao ni Doranbalth na parang isang Rag doll na pagulong gulong. Huminto lang ito nang mabangga ang katawan niya sa pader ng kweba at natabunan ng mga nag babagsakang bato.

Walang sinayang na oras, tinusok bigla ng Masked player ang dalang espada sa ground at nag activate ng Special Skills. Bumulong siya sa kanyang sarili ng [Gravity World]

Captain!

Sasaklolohan sana ng kanyang Team si Doranbalth ngunit biglaan silang di maka galaw sa kanilang kinatatayuan. Biglang bumigat ang kanilang katawan, infact, napuluhod at nadapa ang ilan.

"Ano anong skill to!?" Nakadapa at nakahalik sa lupa ang buong katawan ng Mage na si Yunchi. Sa grupo nila siya ang may pinaka mahinang katawan dahil isa siyang magic user na mahina sa physical.

"Wag mong sabihing... i..isa to'ng Domain?" di makapaniwala ang Archer na si Enton.

"Domain skills my god! na na-oobtain lamang sa pamamagitan ng Boss Raid ng isa Rank S Dungeons." Gulat na gulat na si Yunzu.

"Heh, napaka informed mo naman para sa mga pipitsugin katulad nyo meow.." Puri na may halong insulto na sabi ni Nyuu na lumundag at dumapo sa balikat ng Masked Player matapos niyang matalo si Doranbalth.

Di na pinansin ng Masked Player at ng pusa niyang si Nyuu ang team ni Doranbalth. Ito na ang pagkakataon na habulin ang tumatakas na si Roan ngunit ng biglang...

Swish swish swish swish.

Sunod-sunod na arrow ang kumawala sa bow ng archer na si Enton. Na caught off guard ang Masked Player at nadaplisan ang kanyang mukha. Ngunit ang kanyang pusa na si Nyuu ay di nakaligtas, natamaan ito at dinala ng arrow palayo. Di na ito makagalaw dahil sa Shock Status Ailments na nakakabit sa arrow na may element of lightning.

"Hehe pwede na kaya kami maging artista?" Nakangiting sabi ni Enton.

"Panong.." Takang taka ang Masked player.

Nang makita ang reaksyon ng Masked player, pina ilaw ng Tanker na si Jovlar ang kanyang Shield.

[Option Activate: Feast Skill]

Bumukas na parang bibig ang gitnang bahagi ng shield. Para itong isang buhay na halimaw na hinigop  na parang masarap na pagkain ang Domain skill ng Masked Player.

Kaya pala hindi gumana Domain ko, kagagawan pala ng Aspect Gear. Siguro sa simula palang ay pinahina na ang effect at nag panggap nalang sila na parang naapektuhan sa Gravity. Napagtanto ng Masked Player kung pano at anong nangyayari.

Sa kabilang banda, gumalaw ang mga batong nagkawatak watak at lumabas ang isang kamay sa gitna nito. Tapos biglang siyang sumigaw ng 'Hah!!' at nag si liparan ang mga batong nakatabon sa kanya. Makikita ang Player na nakatayo sa gitna ng mga bubog ng bato. Namamaga at namumula ang kaliwang pisngi ng player na ito. Wala na ang mala prinsipeng pustura, ang dating makinang at magarbong armor ay napuno ng di mabilang na gasgas. Ang player na ito na nag mumukhang taong grasa ay si Doranbalth.

"Walang hiyang pusa!" Hinihilot ni Doranbalth ang kanyang leeg. Pinuntahan niya agad ang pusang di makagalaw dahil sa shocking effect ng arrow ni Enton.

"Mamatay kang hayop ka!" Tinusok ni Doranbalth ang espada sa dibdib ng walang kalaban laban na pusa. Di naka react agad ang Masked Player dahil narin sa distansya nila kaya wala siyang nagawa.

Level up!

[You are now level 80]

"Nice! Wahahahaha! Akalain mo na High Level pala ang Familiar na ito?" Tuwang tuwa si Doranbalth. Si Doranbalth ang taong who took joy in the suffering of others. Nang makita niya ang sad look ng mga mata ng Masked Player, ramdam niya ang sense of schadenfreude.

Author's note:

Minsan magtataka kayo dahil may nabago sa past chapter dahil pinapalitan ko ito. Baguhan lang po ako sa pagsusulat kaya maaaring magkaroon ng ilang mga pagbabago tuwing binabasa nyo ang mga chapter. Ine-edit ko ang ilang bahagi nito kung sa tingin ko kailangan talaga palitan.

Itutuloy ang adventure ni Roan.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C17
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login