Download App

Chapter 2: Chapter 2

Valentines day, 2018

Kringgg! Kriiing!

Hinagis ko ang alarm clock na kanina pa sumisira ng eardrums ko. Umaga na naman at kailangan ko ng bumangon kahit na nga ayaw pa ng katawang lupa kong bumangon. Mahirap talaga maging teacher, kahit ayaw mo pang bumangon, wala kang choice kundi bumangon. What a life.

Madaling araw na ako nakatulog dahil tinapos ko pa ang periodical exam para sa fourth quarter. Masyado kasing mahigpit ang Principal ko pagdating ng exam kaya kahit a month before pa ang date ng exam ay pinapagawa niya agad kami.

Gigising-magdadasal-tatayo-maliligo-magbibihis-papasok-magtuturo-uuwi. Ito ang paulit-ulit na routine ng buhay ko. Nakakasawa.

"Good morning anak!" sabi ng Nanay ko habang naglalagay ng sinangag sa plato.

"Ang bangoooo! Waaah, sa totoo lang Mama, what can I do without you?" sabi ko sabay yakap dito at paglafang na rin sa hinain nito. Iba talaga kapag si Mama ang nagluluto, the best among the best!

"Naku nambola ka pa! Pati ako binobola mo kasi wala ka namang choice kung hindi kainin yan kundi yari ka sakin! Hahahhaha"

"Ay, nahuli mo ko... Hahaha! Osya, Mama alis na po ako. I only have 30 minutes bago ma-late. Hahahhaha." sabi ko rito sabay halik sa mga pisngi nito.

Okay. Panibagong pakikibaka sa buhay coming up!

--------

"How many times do I have to tell you that Noun is different from Pronoun? Okay, example of a noun, can anyone give me?" sabi ko habang naghihintay ng magbibigay ng example. Pero ilang segundo na ang lumilipas ay wala pa ding nagbibigay. Susq, give me some patience.

"Okay, can you go here at the front Donnie?" tawag ko sa isang estudyante ko. Lumapit naman ito na parang kinakabahan.

"Relax, I am not going to eat you. Hahahaha! Okay, can you describe him?"

Nagtaasan ng mga kamay ang mga estudyante ko at napakaraming example ang ibinigay ng mga ito. Ang ending, napuno na ng tawanan ang klase nila dahil may mga examples na nakakatawa talaga.

Ganito naman talaga sa pagtuturo, mahirap pero masaya. And I am so thankful that I am a teacher.

Tapos na ang klase ko ngayong araw at medyo masakit ang mga mata ko. Puro pula kasi ang paligid ngayon, Valentines day kasi. Kapag Valentines kasi, mas napapansin ang pagiging single ko. Lalo na ang pagiging NBSB ko. May mga nanligaw naman sa akin pero wala akong sinagot. I just feel that I don't need men in my life. I am okay on my own.

"Uwi ka na ba?" narinig kong sabi ng kung sino sa likod ko.

Paglingon ko, nakita ko ang bestfriend kong si Bernard, co-teacher ko din siya sa school na ito.

"Hey yow! Ikaw pala yan! Pauwi na din naman ako bakit?" sagot ko rito habang inaayos ko na ang mga gamit ko.

"Sasabay na kasi sana ako sa'yo. Saka kung wala ka namang lakad ngayon, aayain sana kita manood ng movie?"

"Hmmm, may practice kami mamaya sa Church ng 8:30."

"Ay ganun ba? So, hindi ka pwede?" sabi nito na makikita ang pagkadismaya sa mukha nito.

Medyo naguilty ako nung makita ang mukha nito. I know I said that I can live on my own but iba ito, he is my bestfriend after all.

"Kung aalis tayo ngayon, makakaabot pa tayo kahit isang movie." sabi ko na ikinaliwanag ng mukha nito.

"Talaga? Halika na! Gamitin mo na yung helmet na isa. Hintayin na kita sa baba."

"Aye aye! Captain!" sabi ko sabay baba na sa office para makapag time out.

Medyo mahaba ang pila ng magta-time out na ayoko sanang mangyari kasi mapag-iinitan na naman ako ng mga co-teachers ko.

"Hi Ma'am Jonnie! Happy Valentines day!" bati sa kanya ng isang kaguro niyang lalaki na hindi niya feel kasi may pagkamanyak ito.

"Happy Valentines day din po." bati niyang pabalik dito kahit na nga kitang-kita sa mukha niya na napakaplastik lang ng bati niya.

"Wala ka bang date ngayon? Baka gusto mo Ma'am na mamasyal tayo. Para naman maranasan mong mai-date tuwing Valentines." sabi nito sa akin na nagpataas ng kilay ko.

Pasagot na sana ako ng magulat ako ng may humila sa akin, and I don't need to look at the person to know who he is because she knows he is already.

"I don't think that is necessary Sir." narinig kong sabi ni Bernard sa impaktong kaguro namin. "And sana po maging sensitive po tayo sa sinasabi natin kasi minsan nakakabastos na po."

Tinitingnan ko ito habang nagsasalita at kahit napakakalmante ng way ng pagkakasabi nito, alam kong nagagalit na ito. Nakikita ko kasi kung paano nito pinipigilan ang sarili.

"Halika na." Aya ko rito. Kung hindi ko kasi aayain ito, malamang na mapaaway na ito.

Matapos ang nakakainis na pangyayari sa office, they tried their best to enjoy the day. They watched Black Panther kahit na nga gusto ko sanang panoorin yung Red Sparrow. Medyo marami rami din ang nanood pero mas marami doon sa cinema ng Fifty Shades Freed. Nung tanungin ko si Bernard kung bakit sa tingin niya e mas marami sa Fifty Shades, ang sagot niya lang sa akin ay,

"Di ka na bata. Alam mo na yun."

Andito kami ngayon sa KFC, halos kakatapos lang kasi ng movie at almost 7 na din kaya nagdecide na kaming kumain na din ng dinner. Habang hinihintay kong bumalik si Bernard sa pag-order, hindi ko napigilang tignan ang mga nasa paligid ko. Halos puro couples ang nakikita ko at meron din namang family.

Out of nowhere, bigla akong nalungkot. Feeling ko kasi napag-iiwanan na ako. Yung iba ko kasing kaklase nagsipag-asawa na. Yung iba, may anak na. Ninang pa nga ako e. Sa mga kasalan naman lagi na lang akong bridesmaid. As the saying goes, "always the bridesmaid but never the bride." Ilang beses na din akong nakakuha ng bouquet sa mga kasal pero wala pa rin effect. Di pa rin ako kinakasal. E pano ba naman ako maikakasal, e ni boyfriend nga e wala ako.

"Uy, ang lalim ata ng iniisip mo? Gutom ka na ba?" sabi sa akin ni Bernard habang tinatanggal sa tray ang inorder namin.

Chicken ala king ang inorder ko samantalang siya naman ay one piece chicken with one plate of gravy haha.

"Hindi naman ganun kalalim bhez. Pero naisip ko, Valentines nga pala ngayon, wala ka bang date ngayon?"

Natawa ito ng bahagya sa sinabi ko. "Kung may date ako ngayon, sa tingin mo ba magkasama tayo ngayon? Para kang timang."

"Ay salamat ha. Nagtatanong lang e nasabihan agad ng timang." sagot ko rito habang unti-unti ng nilalantakan ang inorder kong Chicken Ala King.

"Hahaha! Sorry na! Pero kasi naman, napaka obvious ng sagot e. Saka nakakahiya naman kung makikipagdate ako tapos ikaw tengga na naman. Kaya ako na nag adjust." asar nito sa akin.

"E di meow. Sabihin mo basted ka na naman sa niligawan mo kaya ako ang pinagtitiyagaan mo! Anyway, hindi ka ba naiinggit sa kanila?" sabi ko sabay turo sa mga couples na nasa paligid.

"Hindi naman. Wait, don't tell me naiinggit ka? Akala ko ba man hater ka? Na you don't need a man in your life? Na you are okay on your own?"

Napabuntung hininga ako sa sinabi nito."Akala ko din Bern e. Alam mo na I am against having a romantic relationship with men pero bigla kong narealized na I am not getting younger. Next month birthday ko na, 30th pa nga pero hanggang ngayon NBSB pa rin ako. Tatandang dalaga na ba ako?" litanya ko rito.

Sunod sunod na tawa lang ang narinig ko mula rito.

"Ang galing. Sige tawa lang, mabilaukan ka sana."

"Ikaw naman di na mabiro. Anyway, wait lang ha. CR lang ako " paalam nito sa akin.

Lord, wala na ba talagang pag-asa? Magiging matandang dalaga na ba talaga ako? Am I going to die alone? Nasa isip ko habang umiinom ng large iced tea ko. Ganito na lang Lord, can we have a truce? Okay, not truce, ahm ano na lang po wish hehe. Pipikit po ako, sa pagdilat po ng mata ko, ang unang lalaking papasok po dito sa KFC ang siyang itinadhana ninyo sa akin, deal? Okay ito na po ha, pipikit na po ako tapos bibilang po ako ng 1,2, 3 saka po ako didilat, game?

Ipinikit ko na nga ang mga mata ko, "1, 2, 3... Naku, Sana hindi kalbo, bungi o may asawa... Bang!"

Pagdilat ng mata ko, saktong-saktong lalaki ang namulatan ko. Ayun nga lang, kailangan ko pang kusut-kusutin ang mga mata ko kasi parang namamalikmata na ata ako. Pinaglalaruan ba ako? Naengkanto?

Sa pagmulat kasi ng mga mata ko, tila isang multo mula sa nakaraan ang nakita ko. Ang lalaking nakatingin din sa akin ngayon ay ang mismong lalaking dahilan kung bakit single pa din ako,hanggang ngayon. Ang lalaking nanakit ng dandamin ko, the man who broke my heart at Valentine's day.

Si Jimmy.

And he is staring back at me.

-----


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login