Nitong nagdaang araw, napapansin ni Tiya Belen na parang may nag iba sa pamangkin.
Madalas na itong nakangiti at laging nyang nahuhuling tulala na para bagang nangangarap.
At ngayon naman, pinanonood nya ang pamangkin, habang kanina pa pabalik balik sa aparador at papalit palit ng isusuot.
"Ano bang nangyayari sa'yo, iho?Bakit ang gulo ng silid at ang dami mo pang kalat? Parang lahat ng nasa damitan mo nailabas mo na!"
May halong pagka inis na tanong ni Belen.
Maayos sa kwarto si Edmund, hindi siya sanay na nakikitang magulo at makalat ang silid nito.
Pero ngayon, lahat ng parte ng silid nya may damit nya na nakakalat puros galing sa aparador.
"Pasensya na po Tiya, hindi po kasi ako makapamili! Siguro kailangan ko na pong bumili ng mga bagong damit!"
Sabi ni Edmund habang abala sa pagpili kung ano ang bagay na damit sa kanya.
Pero lahat ata hindi nya gusto.
"Kung wala kang mapili humanap ka sa damitan ng Papa mo! Marami syang bagong damit na hindi pa nya nasusuot!"
Suhestyon ni Belen hindi na maipinta ang mukha sa balunbon ng mga damit na nakakalat sa kama.
"Oonga pala, ang damit ng Papa! Salamat po Tiya!"
Lumabas si Edmund at pagbalik dala na ang mga bagong damit.
Napansin nyang nakatayo pa rin ang tiyahin at pinagmamasdan ang kilos nya. Parang gustong makipagusap.
"Tiya, ano po ba yun?
Pwede po bang pagbalik ko na lang tayo magusap nagmamadali po kasi ako, ayaw kong mahuli!"
Sabi ni Edmund.
"Eh, paano ka ba naman hindi mahuhuli, ang tagal mong mamili ng susuotin tapos halos isang oras mo pa inayos yang buhok mo!
San ba lakad mo? Linggo ngayon, akala ko sasamahan mo akong magsimba?"
Pagpapaalala ng tiyahin.
Noong nabubuhay pa si Luis nakaugalian na nilang tatlo na sabay sabay magsimba tuwing linggo at pagkatapos ay kakain sa labas.
"Gusto pa naman sana kitang makausap."
May halong tampo na sabi ni Belen.
"Pupunta po kasi ako kila Isabel, Tiya."
Sagot sa kanya ni Edmund.
Pakiramdam ni Belen kailangan na nyang mag usisa sa ikinikilos ng pamangkin. May sapantaha na ito sa mga kilos ni Edmund at kailangan nyang makasiguro kung alam ba ito ng binata.
"Edmund, tapatin mo nga ako, may gusto ka ba kay Isabel?"
Deretsahang tanong ni Belen.
Napatigil si Edmund sa ginagawa.
Gulat sya sa tanong ng tiyahin.
Gusto nyang matawa subalit, tila bomba ang tanong ni Tiya Belen na sumabog sa kanyang katauhan at nakaramdam sya ng pagkabalisa.
Unti unting nagbalik sa isipan nya lahat ng ginawa nya nitong nagdaang araw, pati na ang mga kakaibang nararamdaman nya sa buo nyang katauhan sa tuwing nakikita si Isabel.
Hindi nya nakalimutan ang mga ngiti nitong nakakabighani.
'May gusto nga kaya ako kay Isabel?'
tanong nya sa sarili.
'Hindi nga kaya....?'
Napansin ni Tiya Belen na sumeryoso ang pamangkin. Halatang nagiisip.
"Sa mga oras na ito nakatitiyak akong mas kilala mo na si Isabel ...at malamang nasagot na rin ang mga tanong mo!"
Pagpapatuloy ni Tiya Belen.
Hindi nagsasalita si Edmund. Patuloy pa rin sa pagiisip. Nadidinig ang tiyahin pero hindi pumapasok sa isip ang mga naririnig. Parang huminto ang diwa sa sinabi ng tiyahin na 'kung may gusto sya kay Isabel.
Kung kanina, tanong ang makikitang naka rehistro sa kanyang mukha, ngayon naman ay nangingiti na tila kinikilig.
Napansin ito ni Tiya Belen at malapit na syang mainis dahil tila parang wala syang kausap.
Kaya.
Tinapik nito ng malakas ang balikat ng pamangkin para magising.
"Hoy! Kanina pa ko nagsasalita di ne! hindi mo ko pinakikinggan! Pwede bang makinig ka muna kahit sandali lang!"
Singhal ni Belen.
Nagbalik sa realidad ang diwa ni Edmund. Pinilit inalala ang mga sinasabi ng tiyahin kanina tungkol kay Isabel. Saka naupo.
"Pasensya na po Tiya Belen. Ano po ba yun?"
Tanong nito.
"Nabanggit ba sa'yo ng Papa mo ang tungkol sa dalawangpung porsyento na shares nya?"
Tanong ni Belen.
"Opo! Isang buwan bago namatay si Papa ibinalik nya ito sa tunay na may ari, yung kasosyo nya.
Sinabi nya ito sa akin para daw aware ako. Kaya bale tatlumpung porsyento na lang ang naiwan na shares ni Papa sa akin."
Paliwanag ni Edmund.
'Mukhang pinaghahandaan na talaga lahat ni Kuya.'
isip ni Tiya Belen.
Napansin ni Edmund na tila nag alala ang tiyahin.
"Bakit po Tiya? May naging problema po ba?"
Tanong ni Edmund.
"Yung dalawang shareholders kilala mo ba? Kinakabahan ako baka kasi isa dun si Kuya Roland."
Sabi ni Belen
"Ang naalala ko po sabi ng Papa mga kaibigan nya yung dalawa at malaki ang tiwala nya sa mga yun. At hindi yun basta makikialam sa pagpapatakbo ng kompanya. Makikilala din daw natin sila sa tamang panahon."
Sabi ni Edmund.
Tila nabunutan ng tinik ang tiyahin.
"Noon pa man hindi na gusto ng iyong ama na magkaroon ng koneksyon ang mga kamag anak natin sa kompanya, lalong lalo na si Kuya Roland. Wala syang tiwala dito, kaya magiingat ka sa kanya!"
Paalala ni Belen.
"Tiya 'wag kang pong masyadong mag isip baka ma stress po kayo makakasama po sa inyo.
Huwag po kayong mag alala, akong haharap sa mga kamaganak natin.
Kahit ano pong mangyari hindi natin ibebenta ang kompanyang pinaghirapan ng Papa.
At hindi ko hahayaang may gawin sila kay Isabel. Pangako po yan."
Buong tapang na sabi ni Edmund.
*****
"Hmmmmn....."
"Akala ko ba hindi nanliligaw sa'yo yan?"
Sabay nguso ni Vanessa sa nakaupong binata sa sala.
May dala itong isang dosenang pulang rosas at isang kahon na mamahaling tsokolate.
Nakakunot na rin ang noo ni Issay. Nayayamot na sya. Hindi nya kasi mawari kung bakit ganito ang iniaasal ngayon ng binata.
Sinasabayan pa ng pang iintriga ng kaibigan.
"Akala ko ba may date ka?"
Tanong ni Issay sa kaibigan ngunit hindi iniaalis ang mga mata sa nakaupong si Edmund.
"Akala ko din!"
Sagot ni Vanessa na nayayamot din dahil wala pa ang boyfriend nya. Hindi rin inaalis ang mata sa binata.
Kanina pa nya tinatawagan si Joel pero hindi nya ito makontak. Kinakabahan na sya.
Kahit si Edmund ay kinakabahan na rin. Kanina pa kasi siya tinititigan ng magkaibigan.
'Bakit ba ganito sila makatingin? nakaka tensyon!'
Biglang tumunog ang cellphone ni Vanessa. Si Joel tumatawag. Umaliwalas ang mukha nito ng makita kung sino ang tumawag.
"Mabuti pang harapin mo na yang bisita mo at baka tubuan na yan ng ugat!"
Sabi ni Vanessa bago sagutin ang tawag ni Joel.
Nang makitang papalapit si Issay tumayo si Edmund.
Ngunit bago ito nakapagsalita..
"Nanliligaw ka ba?"
Mataray at deretsahang tanong ni Issay. Nakataas pa ang isang kilay.
"Uhmm ... Oo sana eh!"
Kinikilig na sagot ni Edmund.
"Bakit?"
Napakunot ang noong tanong ni Issay. Halatang hindi gusto ang sagot.
"Kasi gusto kita!"
Buong ngiting sagot ni Edmund
"Nasisiraan ka na ba? Para na tayong mag nanay! Ano na lang sasabihin ng tiyahin mo .... (blah blah blah).
Dirediretso ang litanya ni Issay. Hindi binibigyan ng pagkakataon magsalita si Edmund.
Nakangiti lang sa kanya si Edmund. Sinusundan ng tingin si Issay habang patuloy ang litanya nito.
'Ang cute pala nya pag naiinis...'
"Hoy! Ano ba? Nakikinig ka ba?"
Singhal ni Issay na ikinagulat ni Edmund.
Sasagot na sana sya ng biglang bumukas ang pinto at tumambad ang isang lalaking may dala ring mga bulaklak.
"Hi! pasensya tumuloy na 'ko nakabukas ang gate eh!"
Nakangiti sabi ng lalaki.
Nakaramdam ng pagka irita si Edmund. Tiningnan ng matalim ang lalaking dumating.
'At sino naman ito?!'
'Nanliligaw din ba sya kay Isabel?!'
Karibal ko! hmph!'
"Honey my bebe ko!"
Sabay patakbong sinalubong ng akap ni Vanessa ang kasintahan nyang si Joel.