Download App

Chapter 14: Period

ELLE

Monday.

Nasa company na ako ngayon at nagsisimula ng magtrabaho. Kahapon kasi may tumawag saakin. Nagbabalak siyang magtayo ng sariling coffee shop niya, may nagrecommend daw saakin kaya tumawag siya.

"Haaayy! Namimiss ko na tuloy yung bebe ko na nakilala ko doon sa resort. " Malungkot na sabi ni Patty.

"Oh? Hindi mo nakuha yung number niya?" Tanong ni Vanessa habang umiinom ng kape.

"Hiningi ko bakla, kaso hindi siya nagrereply sa mga texts ko at hindi niya rin sinasagot yung mga tawag ko sa kanya. " Tumawa naman si Vanessa sa sinabi ni Patty dahilan para tignan siya nito ng masama.

"May nakakatawa ba sa sinabi ko?!" Inis na tanong ni Patty sa kanya.

"Wala naman bakla.. Bakit kaya hindi tumatawag or nagrereply yung boylet mo sayo? Hmmm." Umirap naman si Patty at pinagpatuloy na yung trabahong ginagawa niya.

Bigla naman akong tinignan ni Vanessa at ngumiti nang nakakaloko. Mukhang hindi maganda ang pakiramdam ko dito ah!

"Ikaw babae! Nagenjoy ka ba sa night out natin? Pagdating kasi namin doon, tulog ka na eh. Tapos si Kyle naman, nakahiga sa kanyang kama pagdating namin. Yung totoo, anong ginawa niyo?" Mapagmalisyosang tanong ni Vanessa.

"Supposed to be magpapahinga lang dapat ako, pero hindi ko naman aakalain na makakatulog na pala ako doon marahil sa pagod siguro." Pagdadahilan ko. Totoo naman, dahil sa pagod yun sa trabaho tapos dinagdagan pa ni Kyle!

"Sigurado ka? Hmmm." Tanong niya ulit at ngumisi saakin.

"That's the truth, Vanessa. Kung ayaw mong maniwala, di huwag. Kaya kayo nasasaktan eh, nilalagyan niyo agad ng malisya yung mga bagay na wala naman talaga. " Sabi ko. Kung kanina'y nakangiti siya, ngayon naman napalitan ito ng inis.

"Nagbibiro lang ako babae pero ang personal ng atake mo ah! Tsss.." She hissed. Tumawa lang ako ng mahina tsaka muling pinagtuunan ng pansin ang trabaho ko.

Maya-maya pa'y parang nakakaramdam ako ng pagod at pananakit ng likod ko. Napahawak ako dito at minamassage ng kaonti. Medyo napapadalas na to ah!

"Oh, babae? Ayos ka lang ba?" Tanong ni Vanessa saakin.

"Bigla akong nakaramdam ng pagod eh, tapos sumasakit yung likod ko. Kahapon pa to eh. " Sabi ko. Tumayo naman siya at minasahe ang likod ko.

"Baka dahil yan sa pagod bakla. Naku, dahan-dahan naman kasi sa pagtatrabaho.. Masayang magtrabaho pero mas masayang magtrabaho kapag nasa mabuting kalusugan ka bakla!" Singit ni Patty at may dala-dalang mug na may lamang mainit na tubig.

"Oh bakla.. Inumin mo muna yan. Huwag ka muna sigurong uminom ng malamig na tubig." Sabi ni Patty. Kinuha ko naman ito at ininom.

"Okay na Vanessa. Salamat." Sabi ko. Bumalik naman sila sa kanilang mga mesa at pinagpatuloy ang kanilang ginagawa. Ako naman, parang di ako komportable at parang naiihi. Tumayo ako at nagpunta sa CR.

"Oh? Saan ka pupunta?" Tanong ni Vanessa saakin. Napatingin naman saakin si Patty.

"CR lang. " Sagot ko tsaka naglakad papuntang CR. Pumasok ako sa isa sa mga cubicles doon at nagstay na muna doon kasi parang nakaramdam ako ng abdominal cramps. Mga limang minuto rin ang itinagal ko doon bago naisipang tumayo. Pero laking gulat ko nang makita kong may dugo. May dugo..... Anong petsa ba ngayon?!

"SH..TT!!" Panic na sabi ko.

"Bat ngayon ka pang dumalaw gayon wala akong dalang napkin!" Sabi ko sa sarili ko.

"Si Vanessa! May dala-dalang extra yun! Kaso, hindi ko dala ang cellphone ko, gosh! Paano na ito?! Hindi ako pwedeng lumabas ng ganito kasi sigurado akong, matatagusan ako pag nagkataon! OMG!" Histerikal na saad ko sa sarili ko.

Di nagtagal nakarinig ako ng katok mula sa pinto ng cubicle ko.

"Elle? Ikaw ba yan?" Sabi ng isang boses lalaki.

"Sino yan?" Tanong ko doon.

"Ah.. Si Kyle to, ikaw ba yan Elle? Nandyan ka ba?" Kyle?!

"OMG! Mabuti naman at nandito ka, pwede mo ba akong tulungan?" Sabi ko ulit sa kanya. Naramdaman kong lumapit siya sa cubicle na nasaan ako..

"Sige ba, ano ba yun? May problema ba?" Tanong niya. Paano ko ba to sasabihin sa kanya? Goshh!!! Bakit naman kasi si Kyle pa ang nandito? Pwede namang si Patty na lang!

"A-ano k-kasi! Hmm. Gosh! *nakakahiya!*" Bulong ko.

"Ano yun?" Tanong niya ulit. Hinga Elle. Para matapos na tong problema mo! I'm sure kanina ka pang tinatawagan ng client mo!

"Pakisabi kay Vanessa na kailangan ko ng napkin. Ngayon na mismo." Mahinang sabi ko. Hindi siya nagsalita.

"Kyle?" Tawag ko ulit sa kanya.

"N-napkin?" Hindi makapaniwalang sabi niya. Gosh!

"Oo! Kaya dalian mo na!" Sigaw ko sa kanya. Naramdaman kong naglakad na siya paalis ng CR.

Bwisit! Bat hindi ko naisip kung anong petsa na ngayon?

Or hindi ko naisip na magbaon ng extra ngayon!! Tsss!

Maya-maya pa'y, bigla kong narinig ang boses ni Vanessa at Patty.

"Langya ka bakla! Nakakaloka ka ah!" Rinig kong sabi ni Patty na kahit nasa labas pa ng CR, eh rinig na rinig ko na yung boses.

"Oh babae! Ito na ang request mo! Nako! Kaya pala pabago-bago yung mood mo! Kaloka ka!" Sabi niya at iniabot ang napkin saakin. After 5 minutes bago ako lumabas sa cubicle. Syempre, flinush ko na yung dugo noh! Nakakadiri naman yun!

"Nasaan si Kyle?" Tanong ko sa kanila.

"Naku, alam mo bang pagkarating niya doon saamin ang pula ng mukha niya!" Sabi ni Vanessa habang inaayos ang sarili sa harap ng salamin dito sa CR.

"Oo bakla! Hiyang-hiya siyang banggitin ang word na napkin! Nakakaloka!" Dagdag pa ni Patty.

"So saan siya ngayon? Nang mapasalamatan ko siya." Sabi ko ulit.

"Hindi namin alam eh. Pagkatapos niya kasing sabihin yun saamin, bigla siyang umalis. Di nagsabi kung saan pupunta." Sabi ni Vanessa habang naglalakad na kami pabalik sa table namin.

Saan naman kaya yun nagpunta? Nahihiya ba yun saakin? Ako nga ang dapat na mahiya eh! Kaloka!

Di kalauna'y bumalik na siya na may bitbit na isang paperbag.

"Oh." Sabi niya sabay lagay ng paperbag sa mesa ko. Tumingala naman ako sa kapreng to.

"Ano yan?" Tanong ko pero umiwas siya ng tingin.

"Buksan mo na lang. Sige, balik na ako doon." Sabi niya.

"Thank you." Sabi ko. Tumango lang tsaka ngumiti saakin at bumalik na sa lugar niya.

"Ano yan?" Usisa ni Vanessa.

"Ikaw na lang ang magbukas." utos ko sa kanya. Dahil nga sa may ginagawa ako, kinuha niya ang paperbag at tsaka binuksan.

"OMG!" Tili niya. Napatingin ang mga co-workers namin pati na rin si Kyle sa direksyon namin, at biglang namula? Totoo ba tong nakikita ko? Namumula si Kyle? Pero bakit naman?

"Ano yan bakla? Bakit ka sumisigaw?!" Usisa ni Patty at tumingin rin sa laman ng Paperbag.

"OMG! Kanino namang galing yan?!" Tanong ni Patty. Tinuro naman ni Vanessa ang direksyon ni Kyle. At tinignan ako nang nakakaloko.

"Ang taray ah!" Inirapan ko na lang sila at pilit na kinukuha ang paperbag.

"Tignan ko daw yang paperbag na yan, ano bang laman niyan?" Tanong ko at binuksan ko yun pagkakuha ko nito.

At ganoon na lamang lumaki ang mga mata ko sa laman ng paperbag.

Napkin.

Punong-puno ng napkin.

Tumingin ako kay Kyle na nakatingin saakin.

Nagulat ako kasi namumula ang kanyang mukha at umiwas ng tingin saakin.

What was that?!

OH MY GOSH!


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C14
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login