Download App

Chapter 2: Kabanata ¦ 2 La mestiza francescana

ikalawang kabanata:

Ang mestizang francescana

------------------------

Ang mahabang paglalakbay ng Binata at ng binatilyong si Rene ay sadyang nakakahapo. Dalawang araw bago nila marating ang probisiya ng bicol at makailang hinto sila sa ilang bayan upang Magpahinga. Isang oras na lang ang nalalabi at kanila nang mararating ang bayan ng San Sebastian.

Dahil sa batang katawan ng binatilyong si Rene di rin napigil ang mga matang papikit-pikit lamang no'ng una, at di kinalaunan tuluyang bumagsak ang mga mata. Bunga na rin ng hanging dumadampi sa kanilang kayumangging balat na pumapansin sa bintanang nakabukas at may kurtinang makulay ang desenyo.

"malapit na tayo." may giliw na wika ng binata.

"Andito na tayo sa Santa Elena." tinapi-tapi ang balikat ng binatilyong si Rene.

Maya Maya'y kanila nang nadaanan ang may tig-isang Arko na tulay ng puente gemelo (twin bridge). Ito ang dalawang tulay na magkatabi. Ang isa'y papasok sa San Sebastian, samantala ang isa naman ay papasok sa Santa Elena, nakagawianan na ng taong bayan ang ganoon gawi, ang puente gelemo ang tanging tulay na nagdurugtong sa dalawang bayan,ang San Sebastian at Santa Elena. Ang dalawang tulay ay sadyang maganda napapalamutian ng mga halamang namumulaklak, mga puno at kawayan at sa tuwing hahangin ng malakas tila ba sila'y inaawitan ng buong giliw ng kalikasan.Ang batis sa ilalim ng mga tulay ay mapayapa at pabulong- bulong ang lagaslas ng tubig na tumatama naman sa bawat Batong nakaumang, at paurong-sulong ang mga dahon ng asusena na nakapang-ibabaw  sa tubig sa bahaging gilid ng

batis.

Di mawaglit sa mga labi ng Binata ang matamis na ngiti.

Ang napukaw na binatilyong si Rene ay manghangmangha sa kagandahang taglay ng batis. "kumikislot-kislot ang tubig ng batis na siyang natatamaan ng silahis ng araw, siya ngang tunay na ang mga sabisabing aking naririnig, ang San Sebastian at Santa Elena ay may Kambal na paraiso." di magkadasawa ang mga mata sa nakikita mula sa bintanang dinurungawan.

****

Sa San Sebastian, kilala ang pamilya Lebros, isa sa pinakamayaman sa bayan na iyon,si Don Antonino Lebros ay isang francescanong may malawak na lupain ng tabaco at may pinaka malaking pabrika ng Tabaco dito s az san Sebastian.Ipinanganak man sa Paris, Ngunit Dito na sa bayan na ito nagkamuang.Ang negosyong ito ng Tabaco ay itinatag pa ng kanyang nuno.

Ang kanyang may bahay na si Elisa Sarte Ay anak ng Isang Pilipinong may kayang sa Santa elena. Tatlo silang magkakapatid na babae at siya ang Pangalawa sa mga ito. Ngunit Hindi malapit ang mga loob sa isa't isa dahil ang Donya Elisa ay mapangarapin at sunod sa layaw ng asawa. Ang donyang ito ay may nag-iisang anak na babae. Si Felicidad Lebros o mas tinatawag na Feliza.Ang tipikal na dalagang pilipina;mahinhin,mabuti at mahiyain. May mala-anghel na mukha at tuwid ang itim na mahabang buhok na aabot hanggang baiwang.Siya nga ang mestizang francescana.

Di magkadaugaga si Marie sa pagpanhik sa malawak na hagdan ng tahanang Lebros.

"Feliza! Feliza!" hiyaw nito, di pa nakakarating sa silid ng dalaga. Mabilis ang lakad habang bitbit ang harapang bahagi na asul na saya. Nakakairita pakinggan ang malagatok na tunog ng kanyang bakya. "Feliza! Feliza!" ulit nito, dali-daling pinihit ang hawakan ng pinto at kanyang nadatnan si Feliza na nakaupo sa kanyang silyo na nasa tabi ng malaking bintana na may maninipis na kurtina na sinasayaw ng mabanayad na hangin, abala sa pagbuburda ng mga letra sa panyo ang binibini.

"Feliza, buti andito ka. " wika ni Marie.

Di naman siya nilingon ng dalaga na patuloy lang sa pagpupulido ng kanyang binuburdang letrang F.

"bakit ka ba nagtatangis diyan?." malambing ang tinig ng dalaga.

Mabilis na lumapit kay Feliza. "naku,Feliza, Halika." hinawakan ang kamay ng dalaga kaya natigilan ito sa pagbuburda. "mamaya na yan."

"bakit ano bang meron?" Tanong ng dalaga na napangiti naman.

Bumitaw sa kamay ng binbini "Hindi mo ba nabalitaan?" ikinumpas pa ang Kamay "Wala ka bang nataggap na imbitasyon sa tahanan ng Gobernadorcillo? dumating na si Ginoong Julian Kaninang umaga, at ang Gobernadorcillo ay nagpahayag ng isang salo-salo mamayang gabi sa kanilang tahana."paghatid balita nito na may ngiti.

Napa-tanga naman ang dalaga.

"kaya Halika, mamili tayo ng mga palamuti."anyaya nito.

Inilapag ng dalaga ang panyo at pangburda sa isang Kahon na nasa kanyang hita na may lamang mga makukulay na sinulid at karayom at saka ipiniid.

"Marami pa naman akong mga palamuti, Di ko na Kailangang bumili ng bago." wika nito.

"taong to!  Hindi naman yun ang iniibig kong  sabihin, ang ibig ko'y bumili tayo ng mga bago palamuti upang mag-iba naman ang atin anyo, at mapansin tayo ng Ginoo." kanyang binuka at ipinaypay ang maganda niyang abanico na napapalamutian ng makukulay na burdang bulaklak.

Tumayo si Feliza na bitbit ang Kahon ng mga pangburda. "kilala ko ang Ginoo,  Hindi niya Pansinin ang kung anong bago o ganda ng isang bagay, mas mainam kung magiging simple lamang tayo." naglakad ito patungo sa aparador, di pinansin ang repleksyon ng sarili sa salaming nakadikit sa pinto ng aparador, tuloy-tuloy lamang ito sa palagay ng Kahon sa itaas na bahagi at saka ipiniid.

"mabuti pa, samahan mo akong magtungo sa simbahan." nakangiting anyaya nito.

Napakibit-balikat lamang  si Marie na patuloy lang sa pagpaypay ng kanyang abanico. "Sige,  at ako'y bibili pa rin ng palamuti, at ayos lang kung ayaw mo."anito.

Nakangiti lamang si Feliza.

***

Pagkatapos nilang magtungo ng simbahan,  sila'y nagtungo naman sa pamilihan ng mga alahas,sa kagustuhan na rin ng dalagang si Marie.

"Feliza, sa tingin mo bagay sa kayumanggi kong Kulay ang rubi na ito?" Tanong ng dalaga na panay suot-alis sa palasingsingang darili ang singsing na may magandang desenyo at malaking bato ng rubi.

"a... Sa palagay ko mas nababagay sayo ang singsing na may maliliit na diamante." ani ng dalaga at Dinampot ang singsing na mayroong maliliit na diamante at iniabot sa kaibigan.

"naku, kahit gano ko gustuhing magsuot ng rubi ay di nababagay sa pangit kong kulay, buti ka pa't may porselanang kulay na balat." nakaismid nitong sabi habang sinusukat ang singsing na iniabot ni Feliza. "Ginoo,  bibilhin ko ito. " nakangiting tugon ng dalaga na di naalis ang tingin sa singsing na nasa darili.

"Ikaw Hindi ka ba talaga bibili?" muling tanong ng dalaga.

Sinagot na lamang ni Feliza ng matamis na ngiti si Marie.

"o siya,  Tara na." anyaya nito ng naiabot na ang bayad. Lumabas sila ng may giliw.

Doo'y nakasalubong nila ang Guardia civil. " Buenos Dias, los Señoritas." [magandang araw mga binibini.] wika ng isa sa mga Guardia civil na lumapit sa kanila. "¿Podemos ver tu cédula?" [Maaari ba naming makita ang iyong Cedula?] ang Patuloy nitong tugon.

Mula sa kaluping dala ng mga dalaga,kanila itong binuksan upang hanapin ang cedula.Hinugot ni Feliza ang maayos na pagkakatupi ng kapirasong papel.

"esto, señor."[Ito ho,señor] iniabot ni Feliza ang sa kanya.

Samantalang si Marie ay di malaman ang gagawin at bumibilis na rin ang tibok ng puso.

"y a ti siñorita?"[at sa inyo ho binibini?] Tanong ng Guardia civil na binalik na kay Feliza ang sa kanya.

Ang kanilang tingin ay nakapukol na sa dalagang namumutla at nanginginig ang mga Kamay. Alam niya kung anong magiging kaparusahan sa oras na mawala o maiwan ang cedula.

"A...e...señor--" di magpatuloy ni Marie ang sasabihin.

Lumalim ang tingin sa kanya na nga Guardia civil at ni Feliza.

"bakit?" nag-aalalang tanong ni Feliza at hinaplos ang kamay ng kaibigan na nanglalamig.

"Sé que mi cédula aquí está solo en mi cartera, pero él no está aquí ahora mismo."[alam kong naririto lamang sa aking kalupi ang aking cedula,  Ngunit Wala na siya ngayon rito.] nanginginig ang mga labi nito habang binibigkas ang mga salita.

"si es asi--"[kung gayon--]wika ng Guardia civil.

" espera señor!"[sandali,señor!]pagpigil ni Marie.

"Recuerdo que! dejé mi billetera en la iglesia y una mujer vino a mí para devolverme la billetera, ¡ah! Pidió comida."[Naaalala ko! Aking nakaligtaan ang kalupi sa simbahan at isang babae ang lumapit sa akin upang ibalik ang aking kalupi, ah! Humingi siya ng makakain.] wika Niya."y porque no le di, robó mi cédula."[at dahil Hindi ko siya pinagbigyan, ninakaw Niya ang cedula ko.]bulalas nito.

"Ngunit binigyan ko ng tinapay ang batang iyon." sabad ni Feliza.

Pinukol ni Marie ang tingin sa kaibigan. "alam mo naman ang mga maralita,hindi ba? Gagawa sila ng paraan upang makaganti sa tulad nating nakakaangat." saad nito.

"a qué niña te refieres?"[Sinong bata ang tinutukoy ninyo?]Tanong ng Guardia civil.

"señor, en la iglesia, tal vez la niña contaminada todavía está allí, a menudo he visto a esa profanada fuera de la iglesia."[Ginoo, sa luwasan ng simbahan,  Marahil naroroon pa ang marungis na batang babae, Malimit ko kasing makita ang marungis na iyon sa labas ng simbahan.] wika ng dalaga.

Yaon kanilang binalikan ang isang dalagita at hindi batang babae.Madalas mapagkamalan na bata ang pulubing dalagita dahil sa batang Itsura nito. Totoo ngang marungis at gutay-gutay ang damit na tila isang baliw sa lansangan ang dalagita.

"¡ella es! Ella fue la que robó mi cédula!"[yan ho! yan ho ang nagnakaw ng aking cedula!] Mariing wika nito at dinuroduro ang batang babae na Nakaupo sa panulukan ng hagdan ng simbahan. "Ibalik mo ang aking cedula!" hiyaw ni Marie na nanggagalaiti sa dalagita.

Agad pinigil ni Feliza ang dalagang nag-iinit ang ulo. "husto na Marie,  Hayaan mo na ang mga guardia civil ang dumakip sa kanya." wika ni Feliza sa Mahinahong pananalita.

****

Sa likod ng himpilang bahay ng alperes rinig mo ang hiyaw at pagmamakaawa ng dalagita. Wala nga itong tali sa mga kamay, ay di naman makakaligtas sa mga makapampilipit na hampas ng latigo.

"Binibini Wala ho akong kinuhang cedula sa inyo. Maawa kayo sa akin, isa lang ho akong hamak na maralita." humihikbing wika nito habang nakaluhod at tila nagsusumamo sa birheng Maria ang dalagita.

"ititigil lamang ang Parusa kung ibabalik mo ang aking cedula."anang dalaga.

"Marie,  husto na,  Tama na."wika ni Feliza na may awa sa bata.

Namumukadkad na ang mga sugat sa braso at binti ng kaawa-awang pulubi.

"Hindi mo ba talaga ibibigay." wika nito na tila di narinig ang sinabi ng kaibigan.

"Marie, tama na, Wala naman nakitang cedula sa pulubi." pagpipilit sa kaibigan na maawa ito.

"pakiusap mga binibini, Wala ho talaga akong kinuha ng alin man." nahawakan ng pulubi ang laylayang saya ni Feliza. "Pakiusap po!" nagsusumamo ang dalagita at sabay hiyaw, bigla-bigla kasing hinapas ng latigo sa kanyang likod. Napaatras naman si Feliza sa pagkabulag kaya ang pulubi ay napabitiw sa kanyang saya.

maya-maya'y dumating ang alperes kasama ang isang dalaga. "eso es suficiente!" [Tama na yan!] utos nito sa Guardia civil na humahataw sa pulubi.

Ang lahat na naroroon ay Napalingon sa alperes at sa dalagang kasama nito.

Nang mapalapit ang alperes sa dalagang si Marie, Inabot ang kapirasong papel sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ng dalaga. "ang aking cedula!" bulalas nito.

"iyang cedula ay natagpuan ng Binibini sa isang pamilihan ng Alahas." anang alperes.

Napukol ang tingin ng dalawang dalaga sa binibining Nakatayo na may layong anim na sentemetro sa kanila.

"Sinang." tanging nasabi ni Marie.

"natagpuan ko sa sahig ng pamilihan ng Alahas ang cedula na yan at nang makilala ko kung kanino ang cedula, agad kong dinulog sa alperes." paliwanag ng dalagang si Sinang sa mabanayad na tono.

"Salamat." sa mababang tono ni Marie.

Napalingon si Sinang sa dalagitang nakahayukipkip at yaong wala nang paghiyaw ,tanging mahinang paghikbi na lamang at ramdam ay takot ng dalagita.

"Walang anuman,  Ngunit ang nais ko na lamang ay humingi kayo ng tawad at Bayaran niyo ang ginawang pagpinsala sa batang iyan." tugon nito.

Nagsalubong ang manipis na kilay ng dalagang si Marie. "at bakit? Wala din lang namang kakahantungan ang batang iyan, tiyak na mamatay din yan dahil sa gutom, o hahantong din marahil sa pagkabaliw. " anang dalaga.

"Mali, Hindi husto, nakasulat sa batas ng españa na kailangan bigyan ng sapat na halaga ang taong napagbintangan lamang, dahil sa pinsalang nagawa." may diing wika ng binibini.

"Aba'y may naiisip ka pang---" muling sumiklab ang init ng ulo ni Marie.

"Sinang..." mahinahong sabi ni Feliza, kaya Napukol ang tingin ni sinang na dalaga. "mabuti pa'y babayaran ko na lang ang bata at hahayaan na lamang siyang maging malaya."

Napukol ang tingin ni Marie Kay Feliza na may halong pagkabulalas.

"ako na rin ang hihingi ng pasensya sa kanya." rugtong pa ng dalaga.

"Feliza..." anang dalagang si Marie na napatanga.

"salamat." tanging Salitang namutawi Kay Sinang. "kung Gayon ako'y yayaon na." Binaling ang tingin sa alperes. "Ginoong alperes, salamat sa iyong pag tugon."

"de nada, señorita."[walang anuman,binbini.] Ani alperes na nakangiti.

At mula sa alperes Binaling ng dalaga ang tingin sa mga binibini. "Mga binibini, Salamat uli." at ito'y tuluyang tumalikod, napasulyap pa ng tingin sa dalagitang pulubi at saka nagpatuloy sa mabanayad na lakad.

"napaka--- desvergonzada!"[walanghiya!] nagpupumigil sa pagkauyam. "ang Sinang na yon, diosmariosep!" ang tonong nanggagalaiti ni Marie.

"wag kang magagalit Kay Sinang,Sadyang Busilak ang kanyang puso at maawain."Gumuhit ang ngiti sa maninipis na labi ni Feliza. "Natutuwa ang puso ko ngayon, dahil nagkita kami kahit sa ganitong sitwasyon." wika ni Feliza.

"iyang pinsan mong walang mabuting dinudulot." may pait na tono ni Marie. "Halika na nga at makauwi na." yaya ng may pagkainis na si Marie.

"sandali lang." binuksan ni Feliza ang kalupi at yumukod ito sa pulubi. Inabot ang dalawangpong pisong salapi sa dalagita na nangahayukipkip, Walang pagdadalawang isip na tinangap ng pulubi ang salapi. "bilhin mo ang nais mo at kung ito'y maubos,maaari kang magtungo sa simbahan tuwing alas muwebe ng umaga, gaya ng dati, hanapin mo na lamang ako roon." nakangiting mahinang sabi ni Feliza."Pasensya na rin at ika'y aming napagbintangan." Patuloy nito.

"Feliza, Halika na." yaya ni Marie.

Tumayo si Feliza na nakapukol pa rin ang tingin sa pulubi.Ngunit ang pulubi ay ni-walang sulyap na binitaw sa kanya.

Nagpatuloy ang dalagang si Feliza.

"naku! Mukhang Kailangan kong matulog at makapagpahinga,  nararamdaman kong nangungulubot ang aking mukha dahil sa nangyari ngayon." wika ni Marie na nagpapaypay ng kanyang abanico at ang ang kanyang tinig ay papalayo na sa pulubi.

"Di naman ata." nakangiting sabi ni Feliza na mas Mahina na dahil sa layo ng distansya.

****

Lumipas na ang maghapon at ang salo-salong idaraos sa tahanan ng Gobernadorcillo ay nagsisimula na.

Pinagmamasdan ni Feliza  ang kanyang sarili sa salaming pahaba na may magandang mga pakurbang desenyo sa gilid.

Siya'y Pabaling-baling  ng balikat na tila ba'y nagsasayaw, ngunit ang layunin niya lamang ay kung nababagay ba sa kanya ang kulay rosa na saya na may burdang malalaking bulaklak na Kulay itim sa laylayan at maging ang kulay kaki na pañuelo (panyong nakatabo sa balikat) na may roon ding magarbong desenyo.

"a...e... kung yong asul na saya kaya?  Hmm...a.. Husto na siguro ito, Baka magmukhang na kong dekorasyon ng palasyo kung yun ang gagamitin ko."wikang kinakausap ang sarili, sinapo niya ang bilog na kuwentas na suot at ilang sandaling pinanood ang sarili sa salamin.

Maya Maya'y humugot ng hangin sa baga at napapikit."No estas nerviosa,Feliza."[Hindi ka kinakabahan,Feliza.] pagbigay lakas ng loob sa sarili.

Binuka ang pinid na mga mata at kanyang napahinahon ang mabilis na tibok ng puso,nginitian ang sarili sa salamin. Hinatak-hatak na tila ba inaayos ang iilang tupi na bahagi ng camesa (mangga) na kulay puti na may magandang burda rin ng mga bulaklak sa laylayan.

"Hija, husto na ba yang suot mo? " Tanong ng kanyang ina na nakasungaw sa pintuan ng kanyang silid, magara rin ang kulay lila nitong kasuotan.

Nilingon ito ng dalaga. " Oho." sagot nito na may giliw.

Lumapit sa kanyang ang kanyang ina at nagpaggap na inaayos-ayos ang nakapusod na buhok ng dalaga at ang pañetang may makulay na mga bato na hugis balaklak.

"alam kong wala nang gaganda sa paningin ng anak ng Gobernadorcillo, kun'di ikaw lamang." wika ng ina nito na nakangiti."eres tan hermosa en tu vestida."[ Napakaganda mo sa iyong kasuotan.]

Napangiti si Feliza sa nasabi ng ina at may kung anong saya ang gumuhit sa kanyang puso.

"Señora,señorita  handa na ho ang kalesa." sambad ng alila ng señora na nakasungaw ngayon sa pinto ng silid.

"o siya, Tara na." tugon ng ina nito at sila'y lumabas ng silid na magkasama at hawak ang maninipis at marosang palad ng anak na may bitbit na ngiti sa labi.

*****

Kulay

Balat mo ma'y kayumanggi

Huwag kang mangimi

Dahil kulay ay dalisay

Sa ugat ay nanalaytay

Sana H'wag itakwil

Pamana ng ninunong lahi

Bagkus isigaw natin

"wala sa kulay ang gandang iyong nais."

------------------------

tula sa mga taong di mapanatag sa kanilang kulay.

------------------------

====================

Karapatang-ari 2019

====================


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login