Download App

Chapter 5: CHAPTER 04

PARKER POV

HINDI Ako masyadong dumikit sa sasakyan ni Summer. Sinadya kong dumistansya para manmanan ang paligid.

Hindi narin naman niya ako matatakasan dahil may tracker na akong inilagay sa cellphone niya.

Nang makita kong nakapasok ba siya sa Mall ay saka ako lumabas sa menamaneho kong sasakyan.

Naupo ako sa isang bakanteng upuan na nakapwesto paharap sa exit door ng mall. Makikita ko ang mga taong papasok pati na ang kaharap na building.

Nag order ako ng mainum saka muling bumalik sa inuupuan ko kanina lang.

Kasagsagan ng pag iinum ko ng mahagip ng mga mata ko ang pamilyar na mukha.

Saglit itong tumigil nang makita ako saka ngumiti at naglakad palapit sa akin.

"Parker! Long time no see buddy! Kamusta?" bungad ni Benj sa akin Kaibigan ko dati nong nasa college kami.

"Ito okay naman, ikaw kamusta?" tumayo at tinapik ang balikat niya saka inayang umupo.

"It's been 10 years Buddy mukhang di ka manlang tumanda," nakatawa nitong sabi.

"May 15 years old daughter na nga ako Bud tapos bata parin ang tingin mo sa akin?" Nakatawa ko ring saad.

"May pamilya kana pala? Tagal din kase nating hindi na nagkita sampong taon na kolehiyo pa tayo non a."

"Oo nga ey, ano pala ang ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Sinamahan ang Asawa ko mag grocery, bonding din tayo minsan sama mo pamilya mo."

"May trabaho kase ako hindi Ako pwede, pero pag makasingit sure pero anak ko lang maisasama ko hiwalay na kami ng dati kong asawa."

"Dami na palang ganap sa buhay mo di na ako Update sayo."

"Okay lang, ako rin naman wala na akong balita sayo may asawa ka na nga."

"Kaya nga bawi ka sa akin minsan ," tawang sabi nito.

" Sege , "

" Pano una na ako di ako makakatagal baka hinahanap na ako ng asawa ko bud ,"

Tumango lang ako ng magpaalam na ito sa akin, sinundan ko lang ito ng tanaw hanggang sa maglaho ito sa paningin ko.

Muli kong itinuon ang attensyun ko sa iniinum ko. May nahagip ang mga mata ko. Dalawang itim na sasakyan na tumigil sa kabilang side ng daan saka may lumabas ditong lalaki at may bitbit na itim na mahabang kahon.

Ka hina hinala ang kilos ng lalaki dahil panay linga ito at may kausap pa. Nakita kona lang na pumasok ang lalaki sa kabilang building.

Mabilis kong tinapos ang ininum ko saka lumabas. Hindi ko inalis ang tingin ko sa pinto kong san dumaan ang lalaki. Tiningala ko ang matayog na gusali. Nakita ko ang lalaki na tumingin sa dito sa mall na pinasukan namin na parang tinantya ang layo at distansya. Saka ko napagtanto na nasa ikalimang palapag si Summer.

Mabilis akong pumasok at tinawagan ang Don. Nakailang ring pa ito bago sagutin.

" Oh parker? Why your calling?,"

" Sir, Namemeligro na naman ang buhay ni Summer , kailangan ko siyang ilayo pansamantala dito,"

" What? Bakit anong nangyari sa anak ko Parker?,".

" Wala pa naman pero yung lalaking nakita ko mukhang sniper yun at may balak na naman sa anak nyo kaya Kailangan ko nang approval niyo ,"

" Gawin muna ang lahat ng makakaya mo to protect my daughter Parker, May tiwala ako sayo kaya ingatan mo ng mabuti ang anak ko ,"

" Ako na ang bahala Sir , ".

Agad kong binaba ang cellphone at saka pumasok na sa elevator paakyat sa ikalimang palapag.

Mabilis kong nahanap ang mesa ni Summer dahil sa tracker ng phone niya. Alam kong magagalit na naman ito sa gagawin ko pero para din naman ito sa kanya.

Agad kong hinila ang braso niya na ikinatigil niya pati ang nobyo nito.

" Bitawan mo nga ako!," at marahas niyang binawi ang braso niya ngunit hinigpitan ko iyon para hindi siya makawala at saka siya binulungan.

" May sniper sa kabilang building at ikaw ang inasinta kong hindi ka Aalis dito baka bukas paglamayan kana kaya tumayo kana jan at magpaalam ,"

Malamig na saad saad ko sabay bitaw sa braso niya. Ramdam ko ang kaba niya at pagkagulat sa reaction niya dahil agad itong napatayo at naguluhan naming nagpapalit palit ng tingin ang Jowa niya samin.

" Babe, I have to go its an emergency tatawag nalang ako okay ?,"

HINDI ko alam kong san ko siya dadalhin sa oras na to pero ng pinapatukan na kami ay saka pa ako tarantang pinaharurut ang sasakyan at diko namalayan na nakalabas na kami sa Maynila.

Panay parin ang pagtataray niya at walang preno ang bibig kong ano ano ang sinasabi.

" Iuwi muna ako ,".

" Hindi nga Kita pweding iuwi ngayon baka andun pa sila at inaabangan tayo gusto mo yatang matodas ngayon ,".

Humalukipkip ito saka tumingin sa labas ng bintana ng sasakyan ko at bumuntong hininga.

" Ano bang ginawa ko? Bakit may mga taong pinagtangkaan ang buhay ko ?, ". Halos pumiyok na siya sa mga sinasabi niya.

" Iniimbestigahan pa ng Ama mo ang mga bagay na yan ,". Tugon ko sabay sandal sa likod ko sa headboard ng aking sasakyan. At sa labas narin ako nakatingin.

" So ano nang gagawin natin ngayon? Dito tayo sa kotse mo matutulog? ," pagtataray muli nito sakin.

" Pwede ring sa labas ka ng kotse ko matulog kong ayaw mo dito sa loob " pang iinis ko dito.

Humarap ito sa akin at salubong ang mga kilay inis na inis na tumingin sa akin.

" Napaka GENTLEMAN mo talaga no!,". Singhal nito sa akin.

" Hindi pa ba pumutok yang blood veins mo sa kakasigaw lage ?," nakangisi kong tanong.

" Gago! Ka ".

" May gago bang nililigtas ka sa kamatayan ha Ms. Hamilton?,". Pang asar ko lalo.

" Aba! Wala akong sinabi na iligtas mo ako at isa pa hoy! Kaya ko ang sarili ko kapal ng mukha mong manumbat bwesit ka talaga! ,". Pumupula ba ang pisngi nito sa subrang galit sa akin.

Napailing nalang ako. Grabeng ugali talaga. Ni thank you wala manlang. Di na ako magtaka kong madaming ma iinis dito dahil di kalunok lunok ang ugali ng babaeng to.

NAPAIGTAD nalang ako ng bigla itong lumabas sa sasakyan at marahas na isinara. Hindi kona siya sinundan ng tingin at hinayaan ko nalang siya muna.

Napatingin ako sa sarili Kong cellphone ng tumunog ito. Mabilis ko iyon dinampot mula sa nakabukas kong bag na nasa paanan ng paa ko saka sinagot.

" Parker," sumilay na naman ang ngiti sa labi ko ng marinig ang boses ng anak ko.

" Hey honey, how are you?,".

" Im not doing well Parker, Binully ako sa School kanina ,".

" I told you already what to do when they did that again to you honey , ".

" I did , I tried i really really tried Parker but i lose my patience when they start pushing me so - ".

" Okay, what now? Ipapatawag na naman ba ako ng principal nyo sa School?,"

" Yes Parker , and if you think na mag apologize ako for hurting them , kicking them and punching them well your wrong coz i won't do that Parker!, they deserve that coz they're all assholes and jerks!,".

Napangiti nalang ako sa sinabi ng anak ko. Hindi ko kase inasahan na mabully siya sa School dahil di naman ka bully bully ang hitsura niya.

Natatakot lang ako na lumaking basagulera tong anak ko. Nagsisi tuloy ako kong bakit ko tinuruan ng martial arts.

" Hindi ko naman sinabi na magsorry ka , pero ang gusto ko marinig sayo ay sasabihin mong hindi mona yan uulitin Honey , nakailang bisita naba ako sa principal mo sa taong ito? ".

" Parker , i know your worried about me , pero kong hindi ko yun gagawin di nila ako titigilan , at saka ayaw kona minamaliit ako ng mga Kumag na yon! I hate being underestimate. Pumunta dito si Momy at yung lalaki niya they look very happy and it's making my heart bleeding for no reason, i just feel cheated kahit di naman ako ikaw ,".

Alam Kong masyado pang bata sa ganito ang anak ko pero Napaka matured na nyang mag isip. Bagay na ikinaproud ko sa anak ko.

" Hayaan muna sila , Masaya na ang momy mo at wag mong ibahin ang usapan natin , hindi ako makakapunta jan bukas dahil nasa trabaho pa ako Honey ,".

" It's okay pero alam mo naman na seguro ang conséquences if di ka pupunta I'll go ahead bye ,".

Napabuntong hininga ako ng binibaan ako ng anak ko. Ganito siya pag naglalambing. Mas napapadalas ang pakipag away niya ngayon simula nong malayo ako sa kanya.

Hindi kona rin natutukan ang paglaki niya dahil sa ganito ang trabaho ko.

Napatingin ako sa labas saka ko pa napagtanto na madilim na pala sa labas.

Nagmamadali akong bumaba sa sasakyan at hinanap si Summer. Nasa likuran siya ng aking sasakyan nakatayo at isinandal ang likod sa likuran ng aking sasakyan habang nakahalukipkip at madilim ang mukhang nakatingin sa makayo.

Tumukhim muna ako bago nagsalita para kunin ang atensyon niya pero di ito sumulyap sa akin.

" Iuwe na kita alam kong gusto nababagot kana at nilalamok pasok kana sa kotse kong ayaw mong kapitan ng insekto jan ," saka tinalikuran kona siya at naunang pumasok sa loob.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C5
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login