Download App

Chapter 13: CHAPTER 12

DONA SALVIE POV

INAAMIN ko subrang nahihiya ako sa nangyari, hindi ko kase akalain na dumating bigla si Parker sa bahay.

Nakita niya tuloy ang mga ginagawa parati sakin ni Leo. Seguro karma kona nga ito dahil sa ginawa kong pag iwan sa kanila noon. Alam kong nasasaktan ko sila pero wala na hindi kona kayang baguhin ang ginawa kona sa nakaraan.

Nasa kwarto ako ngayon ni Lixx katabi ko siya at sinusuklay ang mahaba niyang buhok.

"Baby, Si Dady mo ba -"

Hindi ko natapos ang itatanong ko ng agad niya akong sagutin.

"He's not like you mom! I know what you are going to ask, if Parker dated someone or bring some woman in this house , but sorry to disappoint you he's not what you think. He still remain faithful to you despite of all the pain you did to him ".

Natigilan ako sa sinabi ng anak ko subrang pagkapahiya ang nararamdaman ko ngayon.

Nakalimutan ko na mas close pa pala sila ni Parker kesa sa akin. Hindi ako nakapagsalita agad. Parang hinaharangan ang bibig ko sa di maipaliwanag na bagay.

Natigil ako sa pagsusuklay sa mahaba niyang buhok dahilan para lumingon siya sa akin.

Wala akong mabasang emosyon sa mga mata niya dahil magaling siyang magtago ng ganitong uri ng emosyon.

"Na offend ba kita momy?, Well sorry im stating the fact here and knowing that your eyes telling me the whole truth now okay i will stop saying hurtful things to you mother ".

Hindi ko napigilan ang paglaglag ng mga luha ko. Tinatamaan ako sa mga salitang binitiwan ng anak ko nagmamatured na siya at dalaga na kaya dapat asahan kona yun.

Pero masakit pala pag sa kanya nanggaling ang mga yun. Tripling sakit ang nararamdaman ko ngayon. Halos araw araw kong pinagsisihan ang nagawa ko pero wala nadin akong magagawa pa. Hindi kona maibabalik ang mga bagay na nasira kona.

"I'm sorry baby, i don't mean everything "tanging sambit ko dito.

"You mean it, mom you can't fool me , You did it on a purpose, kahit na may hinanakit pa ako sayo i am still happy seeing you now sinanay na ako ni Parker na maging independent well he's awesome and that's the reason why i love him so much". Seryusong saad nito.

Napangiti ako habang pinunasan ang mga luha ko sa mga mata. Saka hinawakan ang magkabilang pisngi niya at hinalikan siya sa noo.

"Im sorry for all the pain baby, patawarin mo si momy dahil iniwan kita , iniwan ko kayo ni Dady, "madamdamin kong sabi dito at niyakap ko siya ng mahigpit.

"Wag ka nang umiyak mom, nakakasama sayo lalo na at buntis ka pa , "

Hindi ko naramdaman ang pagganti ng yakap ni Lixx pero ramdam ko na mahal na mahal niya ako kahit pa sa ginawa ko.

Kumalas ako sa pagkayakap sa kanya saka bumaba sa kama niya.

"Sleep tight Baby"

"Goodnight mom"

Pinatay kona ang ilaw sa buong kwarto niya at lumabas na. Naglakad ako papuntang terrace hindi ko pa naramdaman ang antok.

Tahimik akong naupo sa silyang kahoy at huminga ng malalim dinamdam ko ang pagdampi ng malamig na hangin sa balat ko.

"Why your still up ?"

Napaigtad ako ng biglang may magsalita sa likuran ko. Napalingon ako dito at nakita ko si Parker naglakad papalapit sa akin.

"Nagpapahangin lang , maya maya matutulog na rin " sagot ko.

Tumigil ito sa tapat ko at tumabi sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon kase feeling ko May nararamdaman pa sa akin si Parker.

Hinayaan ko lamang na madikit ako ng husto sa kanya. Hindi naman sa kalandian ang tawag dito dahil Asawa ko naman siya.

"Parker, Bakit hindi ka naghanap ng babaeng makakasama mo?"pagbasag ko sa katahimikan naming dalawa.

"Sa tingin mo ?, "

Napatitig ako sa kanya at ganon din siya sa akin. Alam kong Napaka awkward ng eksina namin pero gustong gusto ang titig na ito ni Parker, ang titig sa akin na ramdam mo ang respeto at pagmamahal , pero ngayon hindi kona nakita sa mga mata niya ang ganong emosyon may respeto ngunit wala nang pagmamahal.

"Magkwento ka kong pano mo nakilala ang lalaking yun "

Umiwas ako ng tingin sa kanya at ibinaling iyon sa kawalan. Napayakap pa ako sa mga braso ko dahil nanunuot na sa kalamnan ko ang lamig.

"Nong umalis ako dito , Umuwi ako sa amin nang malaman ng mga magulang ko ang ginawa ko pinalayas nila ako, sympre dahil hindi ako sanay sa mag isa kong kani kanino nalang ako nakitulog sa mga kaibigan ko.

Hanggang sa may nag alok nang trabaho sa akin nag applay ako bilang waitress sa isang restaurant nakapasok naman ako , regular costumer namin si Leo at naging kaibigan ko siya. Kinuwento ko sa kanya ang nangyari at ang kabobohan ko , hindi ko naman akalain na mahuhulog ang loob ko sa kanya may nangyari sa min nong araw na may nangyari sa amin inuwi niya ako sa bahay niya , "napatigil ako sa pagkwento hindi ko mapigilan ang emosyon ko kaya napaiyak na naman Ako.

"Wag munang ituloy kong mabigat sa kalooban mo "

"May pamilya din pala siya gaya ko "halos pumiyok na ako sa pagsasalita. Rinig ko rin ang pagbuntong hininga niya sabay hinga ng malalim.

"Pinalayas niya ang mag ina niya at ako ang pumalit sa asawa niya , nakita ko sa mga mata ng asawa niya ang subrang kasiyahan bago ito umalis ng tuluyan kasama ang anak nito. Hindi ko alam kong matakot ba ako sa nabasa kong emosyon sa mukha ng babae o maging masaya. Naging okay naman yung ilang buwan ng pagsasama namin , hanggang sa may inuwi din siyang babae sa bahay. - napahagolhol ako ng iyak naramdaman ko rin ang kamay ni Parker na humagod sa aking likuran. Panay pahid ako sa mga luha ko namamaga narin ang mga mata ko.

"Masakit pala Parker , subrang Sakit hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko , nag away kami inaway ko siya at yung babae niya simula non pinagbuhatan na niya ako ng kamay , iniiwan ako mag isa sa bahay at minsan di rin uuwi ng ilang araw , ang bilis lang ng karma Parker kong sa poder mo dati napakaayos ng buhay ko sa kamay ni Leo Emperyo ang dinanas ko "pagkwento saka hinimas himas ko ang aking tyan.

"Alam mo ba kong gaano kasakit sakin ang nakita ko kanina?, diko maipaliwanag ang sakit na naramdaman ko sa loob ko Salvie, Diko rin maintindihan kong bakit kita hinayaang umalis noon ," saad nito.

Isinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Parker saka ipinikit ang aking mga mata.

"Im sorry Parker, alam kong hindi na maibabalik sa dati ang lahat pero patawad sa ginawa ko " nakapikit kong sabi dito.

"Wag monang isipin yun kong totoosin pareho naman tayong may kasalanan, umalis ka dahil napapagod kana hinayaan kita dahil akala ko dun ka sasaya diko alam na namemeligro pala ang buhay mo sa ginawa ko na hayaan ka sa gusto mo , Sabi nga nila hindi natin malalaman ang importansya at halaga ng isang bagay kong hindi ito mawawala sayo. "

Napakaswerte ko pala talaga sa kanya sayang at pinakawalan ko siya.

"May halaga pa ba ako sayo Parker?," buong tapang kong tanong at nakahanda ako sa sagot niya.

"Mahalaga ka sa akin Salvie hindi ako magkaroon ng matalinong anak kong hindi dahil sayo , pero lilinawin ko lang sayo Wag mo nang asahan na babalik pa ang nararmdaman kong pagmamahal sayo dahil wala na akong nararamdamang ganon para sayo Salvie , Hindi narin kita kayang mahalin ulit pagkakaibigan nalang ang kayang ibigay sayo kong higit pa ron ay wala na , "Nanlumo ako sa mga narinig ko. Nawawalan ako ng lakas sa buong katawan ko. Napakasakit pala. Parang binibiyak ng paulit ulit ang puso ko.

Umalis ako sa pagkasandal sa kanya at sya naman ay tumayo na. Hindi ko magawang tumingin sa kanya.

"Matulog kana , At pinatawad na kita Sana mapatawad mo rin ako " pagkasabi niyang iyon ay tumalikod na siya.

Kahit anong pigil ng emosyon ko ay kusa na itong bumigay, walang tigil sa paglaglag ang mga luha ko naninikip na rin ang dibdib ko.

Pilit kong pinakalma ang aking sarili. Ayukong maapektuhan ang bata na nasa sinapupunan ko. Masydo nang malamig sa kinauupuan ko kaya napagdecisyonan kong pumasok na sa loob at nagtuloy sa guestroom.

Kong dati katabi kong matulog si Parker ngayon mag isa nalang ako sa guestroom pa.

Humiga na ako saka tumitig sa kisame. Kailangan kona palang ihanda ang puso ko kong sakaling mag uwi ng babae si Parker dito.

K I N A B U K A S A N

MAAGA akong bumangon para ako na mismo ang magluto ng agahan pambawi lang sa pagpapatira ni Parker sa akin dito.

Etlog, Ham , Bacon , hot choco fried rice tsaka black coffee. Inayos kona ang hapag kainan sakto rin ang pagbaba ni Lixx nakasuot na ito sa uniform niya.

"Baby breakfast ka muna "tawag ko dito.

Agad naman itong lumapit sa mesa saka naupo. Nilagyan ko ng fried rice ang plato niya saka nagsimula na itong kumain.

"Nana, halina po kayo kumain na tayo ," tawag ko kay nana sumulyap lang ito sa akin saka ibinalik ang attensyon sa ginawa nitong pag gaganselyo.

Nag angat ako ng tingin sa may hagdan at nagtama ang mga paningin namin ni Parker. Tipid akong ngumiti sa kanya.

"Parker mag agahan ka muna "pansin ko kase na nakabihis na siya.

Hindi ito sumagot pero nang makababa na ito ay naglakad ito papalapit sa amin. Hinila ko siya ng upuan at nilagyan ng plato atsaka kutsara at tinidor.

"Honey, sumabay kana sa akin ihahatid kita sa school mo pagkatapos di diritso na ako sa maynila "sabi nito kay Lixx.

"Ahm ano pala ang gagawin mo sa maynila Parker?" Curious kong tanong.

"Bodyguard ako sa anak ni Don na kaibigan ni Dad "maikling tugon nito.

Hinila kona ang upuan saka naupo. Kinuha kona yung kanin ng didiritso ang paglagay ko ng pagkain sa plato diko namalayan ang baso na nasa gilid ng pinggan ko nasagi ko ito dahilan natumba ang baso at tumapon sa akin ang juice na laman nito.

Napatayo ako saka mabilis na pinunasan ang tyan kong nabasa. Agad namang lumapit si Parker at tinulungan akong punasan.

"Gross!"biglang komento ni lixx na ikinatinginan namin ni Parker.

Kunot na kunot ang noo nito saka nakahalukipkip na nakatingin samin ng mapatingin ako sa direksyon niya.

"You flirting him are you?" Para akong sinampal sa kahihiyan sa tanong ng anak ko.

"Lixx ! Where did you get that?"galit na singhal ni Parker kay Lixx napaawat ako kay Parker dahil galit na ito pag tinawag niyang ganon anak namin.

"What? Sinabi ko lang naman ang nakikita ko " pagdadahilan nito. Mas lalo akong napahiya.

"Kahit na , you shouldn't say that ! She's your mother ! Respetohin mo siya ! "

"Nirerespeto ko naman siya diko lang nagustuhan ang nakikita ko ngayon , anyway i already loss my appetite i have to go mauna na ako sa kotse mo Parker " tumayo na ito at saka nagmartsa palabas ng bahay. NAiwan kaming nakatanga sa inasal ng anak namin.

"Pasensya kana kay Lixx Salvie kilala mo naman ang tabas ng dila non "

"Okay lang naintindhan ko siya Parker "

"Sege mauna na ako ikaw na muna ang bahala kay Lixx mga ilang araw din akong di uuwi pero tatawag ako kay Nana from time to time "

May dinukot ito sa bulsa niya nakita kong inilabas niya ang kanyang wallet saka kumuha ng pera. At inabot sakin.

"Take this, bumili ka ng mga damit at magpacheck up ka para sa mga gamot mo at vitamins bumili kana rin ng gatas , " hindi ako nakapagsalita sinundan ko na lamang siya ng tingin habang papalabas ng bahay.

Ano ba tong sinayang mo Salvie? Napakatanga mo !

PARKER POV.

GALIT ako sa inasal ng anak ko sa harap ni Salvie. Ayukong bastusin niya ang kanyang ina kahit pa sa ginawa nito hindi makatarungan ang pambabastos niya rito.

"Wag munang ulit yun honey , Hindi mo dapat binabastos ang momy mo "panimula ko.

Napatingin ako sa direksyon niya nakatanaw lang ito sa labas ng bintana habang nakahalukipkip.

"She mean do that para mapansin mo Parker "

"BAkit parang affected ka sa ginawa niya ? Di naman niya sinadyang masagi yun honey "

"I respect her as my mom Parker okay na sakin ang diko siya makasama sa bahay , why did you bring her back ?"

"Honey your mom needs us , okay? Sinasaktan siya ng kinakasama niya kaya ko siya dinala dito sa atin para hindi madadamay ang batang nasa sinapupunan niya be kind to her honey , "

"Kinakarma na siya !"

Napatigil ako sa minamaneho Kong sasakyan at napatingin sa gawi ng anak ko.

"Why you act like this honey? Bakit ganyan ka sa momy mo? Hindi kita tinuruan na kamuhian o magalit sa momy mo ".galit kong sabi dito.

"Dahil hindi siya mabuting Ina , hindi siya mabuting Asawa kong Ikaw nakalimutan muna ang lahat ng ginawa niya ako Parker hindi! Hindi ako masaya na nakita ko siya sa bahay ayuko syang makasama , mas gugustuhin ko nalamang na magka Girlfriend ka ulit kesa balikan mo ang babaeng yun "

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko mula sa anak ko. Hindi ko napansin na ganon pala kalalim ang galit niya dito.

Wala akong masabi , natahimik ako sa mga narinig ko.

Kasalanan ko ba ito? Kasalanan ko ba na magtanim ng galit ang anak ko sa ina niya?

Napailing ako saka bumuntong hininga hindi na ako nagsasalita at ganon din siya hanggang sa makarating kami sa school niya. Hindi narin ito nagpaalam at basta nalang bumaba sa sasakyan napatingin nalang ako sa likod niya.

Why your growing to fast honey?


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C13
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login