Download App

Chapter 3: C H A P T E R 3 - R E A L F I R S T M U R D E R

N E W S F L A S H

"Isang batang babae di umano ang natagpuang patay sa Kalye Singko. Malapit sa sakayan ng bus stop sa may damuhan. Karumal-dumal ang pagkamatay ng bata ayun sa pulisya. Ayun pa muli sa kanila ay isang babae ang tumawag sa kanila at nagsabi na may pinaslang sa Kalye Singko. Ngunit hindi nagpakilala ang tumawag, hindi rin rumehistro ang numero nito sa kanilang linya. Nakumpirma ng pulisya na may pinatay ngang bata na ayun sa kanila ay mukhang estudyante na kagagaling lamang sa paaralan. Patuloy pa ring nag iimbestiga ang mga pulis sa naganap na krimen." - Sabi ng Reporter sa TV sa harapan ng bus.

Bumalot ang bulung-bulungan sa bus na sinasakyan ni Sheena. Pinag uusapan ang naganap na krimen. Samantala, patungo siya sa eskinita kung saan nakita niya ang kahina-hinalang babae.

Isang linggo ang nakalipas mula nang makita niya ang babaeng ito. Araw-araw ay pinupuntahan niya ang babae sa palengke upang matiyak kung anong oras ito umuuwi at ano ang ginagawa nito araw-araw. Malayo ang inuuwian nito. Liblib na lugar kung saan ay bibihira lang ang mga tao.

"Grabe naman ang sinapit ng batang iyan. Tsk. Tsk. Tsk. Sana mahuli agad ang pumatay at nang mabitay." Pailing-iling pang sabi ng Ale habang kumakain ng itlog ng pugo.

"Oo nga. Parang may sa demonyo. Sa leeg ba naman saksakin. At di pa nakuntento pati ang tiyan. Naku! Kung kakilala ko yan, naku. Baka mapatay ko 'yan." Sabi naman ng isa pang Ale na nakisingit sa usapan ng may usapan.

"Napagkagandang bata pa naman. Ano kaya ang motibo sa pagpatay? Malamang niyan ginahasa yan. Delikado na talaga ang panahon ngayon kaya dapat laging mag-ingat." Sabi naman ni Manong Driver kahit na hindi naman gaanong aninag ang mukha ng biktima dahil hindi ito ipinakita ng malinaw ng nagrereport.

Natigil lang ang bulung-bulungan nang bumaba na ang isang Ale. Nagpatuloy ang pag andar ng bus at hinintay niya na makarating siya sa kaniyang patutunguhan. Ngunit makailang kanto pa lamang ay naaninagan na niya sa gilid ng kaniyang mga mata ang isang pamilyar na imahe. Dahan-dahan niya itong nilingon.

Tama nga siya. Ito ang babaeng pupuntahan niya. Kung ano ang hitsura nito nang huli niya itong makita ay ganun pa din ang hitsura nito ngayon. Naka black leather jacket pa rin at black pants with black cap. Nakapamulsa pa ito habang nakasandal sa pader at parang may hinihintay.

Hindi na siya nag aksaya pa ng oras. Agad siyang pumara sa bus at inihinto naman ito ng driver sa bus stop. Sinundan niya ang babae ng hindi nagpapahalata dito. Ilang minuto pa ay may kasama na itong babae sa di kalayuan.

Isa na namang estudyante. Sa tingin niya ay bibiktimahin na naman ito ng babaeng 'yon. Mukhang puro estudyante ang target nito. Nagtataka siya kung bakit estudyante ang binibiktima nito at magagandang babae pa. Sinundan niyang muli ang babae.

And this time ay kasama na nito ang estudyante. Muli ay sumakay ito ng bus at ganun din naman siya. Nang makarating sa pupuntahan ay hindi na siya nagtaka pa. Hindi na ito bago para sa kaniya.

Ito ay isang liblib na lugar kung saan maari kang makagawa ng krimen na walang makakadiskubre kaagad. Luma na ang gusali at iisipin mong walang magagawi dito kahit kailan. Matataas na rin ang mga damo at walang poste ng ilaw.

Habang nagmamasid ay nagulat na lamang siya sa nakita. Mukhang magkasintahan ang dalawa. Hindi mo mapaghahalataan na lesbian ang isa sa kanila dahil sa ayos nila. Kahit nakapants ang isa at naka school uniform naman ang estudyante ay bakas pa rin ang magandang hubog ng katawan ng mga ito. Aakalain mo na matalik lamang itong magkaibigan. Pero hindi.

Kitang-kita ng dalawang mata niya kung paano ito naglambingan. Dahan-dahang hinapit ng babae ang baywang ng estudyante. Hinawakan ito sa batok ay saka inilapat ang labi nito sa labi ng estudyante. Gumapang pa ang isang kamay nito sa dibdib ng estudyante at isang ungol ang kumawala dito.

Naaasiwa man siya ay hindi niya inalis ang paningin sa dalawa. Naghalikan ang dalawa hanggang sa bumitiw na ang isa. Ilang minuto rin ang itinagal nito bago kapos ang hininga na bumitiw sa isa't-isa at pagkatapos ay nag usap. Halos nakalapit na siya dito na hindi siya napapansin ng mga ito kaya't narinig niya ng malinaw ang usapan ng mga ito.

"Nabalitaan ko wala na siya." Sabi ng estudyante habang nakangiti ng malapad sa kausap. Pinaiikot pa ang dulo ng daliri sa pisngi ng kaharap.

"Ang galing mo talaga. Akala ko ipagpapalit mo na 'ko sa kaniya." Dagdag pa nito. Sabay yapos sa batok ng kaharap. Naglalambing na animo'y napakatagal nilang hindi nagkita.

"Pwede ba 'yon?" Sagot naman ng babaeng naka cap.

"Ikaw lang ang mahal ko.." Dugtong pa nito sabay halik muli sa labi ng estudyante. Napangiti naman ito sa tinuran ng kasintahan. Saglit pang lambingan ang naganap bago muling nagsalita ang isa. Natahimik naman ang estudyante nang magsalita pang muli ang kaharap.

"Dati..." Sabi pa nitong muli.

"A-anong i-ibig m-mong s-sabihin?!" Nauutal at gulat pa na sabi ng babae sa tinuran ng kaniyang kasintahan.

Hindi pa man nakakaalis sa pagkakayakap ito ay naglabas naman ng kutsilyo ang isa. Habang nakayakap ay agad na itinarak nito ang talim sa likod ng babae. Nanlaki ang mga mata ni Sheena sa gulat. Kamuntik pa siyang mapasigaw. Mabuti na lamang at napigilan niya ang sarili. Makalimang ulit pa nitong sinaksak ang babae sa likod at saka itinarak sa leeg ang kutsilyo.

Gulat na gulat si Sheena sa nangyari at halos hindi siya makapaniwala na tama ang hinala niya. Muli ay may nabiktima na naman itong estudyante. Mabilis na isinuot ni Sheena ang kaniyang mga gwantes at inilabas ang kaniyang patalim. Magdidilim na at halos hindi na maaninag ang mukha ng babae pero alam niya ang pakiramdam ng sarap ng bawat tusok ng kutsilyo sa balat at pag agos ng dugo.

Nag aayos naman ang babae nang makaramdam ng kakaiba sa paligid. Nagpalinga-linga ito ngunit huli na nang makita nito si Sheena. Naitarak na ni Sheena ang patalim sa ulo nito. At pagkatapos ay minarkahan niya ng ekis ang noo nito. Isinulat niya sa pamamagitan ng dugo at daliri niyang nakabalot ng gwantes ang mga katagang "Killer Ako".

Muli ay tumawag si Sheena sa pulisya gamit ang isang cellphone niya na hindi nagreregister ang numero. Inireport niya sa pulisya ang mga namatay sa lumang gusali malapit sa kalye singko at sa paaralan kung saan ay may namatay ding estudyante noong nakaraang linggo. Agad namang rumesponde ang mga pulis sa narinig na report ngunit wala na si Sheena.

Nakauwi na siya ng bahay at kasalukuyang umiinom ng kape. Nakaugalian na kasi niya na uminom ng kape bago matulog. Hindi niya maintindihan kung bakit ang kape lamang ang nagpapatulog sa kaniya habang sa iba naman ito ay nakapagpapagising.

"O, Sheena? Umiinom ka na naman ng kape? Baka hindi ka na makatulog niyan." Saad ni Tita Nilda na para bang hindi na nasanay sa kaniya.

"Naku, Tita. Ito nga lang po ang nagpapatulog sa 'ken e. Kayo po? Bakit gising pa po kayo?" Balik niyang tanong sa matanda.

"Hindi ako makatulog." Saad ng matanda.

"Pero mamaya siguro makakatulog na din ako." Sagot nitong muli.

"Okay, Tita. Akyat na po ako sa taas." Sabi pa niya matapos maubos ang kape at mahugasan ang tasa.

"Sige, Iha. Dito muna ako sa sala." Naglaho siya sa paningin ng kaniyang Tiyahin.

Natutuwa sa kaniya ang matandang ito. Sa kabila ng karanasan niya ay nakapagpatuloy pa siya sa buhay. Kahit paano'y nagsisipag sa pag-aaral. Hindi kailanman man naging pasaway sa kaniya.

Kung sa iba siguro nangyari ang mga 'yon ay baka napariwara na ang mga ito at baka nga binaiwan na ang sarili nilang buhay. Pero pinagdaanan niya rin naman ang mga iyon. Lalo na ang pagkitil ng buhay niya. Kung alam lang ng Tita niya ang mga ginagawa niya.

Muli ay naalala ng matanda ang asawa. Ang mga ginawa nito sa bata na pikit mata niyang tinanggap kahit na alam niya ang nagaganap. Minsan na rin niyang pinagsabihan ito ngunit hindi nakinig sa kaniya.

Ayaw din naman niya itong makulong sa pangmomolestiya ngunit gusto din niyang matigil na ang kasamaang ginagawa nito sa pamangkin niya. Bata pa si Sheena nang mamatay ang mga magulang nito sa aksidente na kung saan ay kasalukuyang inaalagaan niya si Sheena.

Nabangga ng truck ang sinasakyan ng mga ito at hindi na nakabalik ng buhay sa kanilang baryo. Pero noong mamatay ang asawa niya, upang makaiwas sa bulung-bulungan sa baryo ay pumunta sila ng maynila upang doon manirahan. Ibinenta nila ang kanilang lupain at bahay upang makapagsimula sa maynila. Sa pag iisip na iyon nakatulog ang kaniyang Tiyahin.

Si Sheena naman ay hindi pa rin natutulog. Hindi dahil sa hindi siya makatulog. Kundi dahil sa marami pa siyang iniisip. Muling nagbabalik ang mga ala-ala ng kahapon. Kahapon na ayaw na sana niyang balikan pa.

Ngunit pilit na bumabalik sa kaniya. Kaya ayaw niyang napapag-isa. Kadalasan ay hindi niya naipapahinga ang kaniyang isipan. Sa apat na sulok ng madilim niyang kwarto ay nakatago ang kahapon niyang hindi mabura.

Galit siya sa mga taong mapagsamantala. Galit siya sa mga katulad ng Tiyuhin niya. Matagal na siyang ginamot ng Doctor na ini-rekomenda ng kaibigan ng Tita niya. Matagal-tagal din ang gamutan. Ngunit nagbalik sa kaniya. Nagbalik ang naririnig niyang ingay. Ingay ng kahapon.

Musika na kailanman ay ayaw na niyang marinig. Bulong na kailanman ay matagal na niyang iniwasan. Ngunit nagbalik sila. Nagbalik sila nang paslangin niya ang isang murderer. Nang muli niyang gamitin ang patalim na minsan na niyang nagamit sa isang manyakis sa bus.

***Flashback***

"Wag ka nang pumalag, Ineng. Magugustuhan mo naman ang gagawin ko, e." Sabi ng lalaking katabi niya sa bus habang nakatutok ang patalim nito sa kaniyang tagiliran.

Kanina lang ay nag aabang ang lalaking ito ng mabibiktima. At ngayon nga ay siya na ang pinunterya. Palagi din siyang nagdadala ng patalim para pang depensa niya sa sarili. Pero hindi niya inaasahan sa kabila ng pagiging ready niya ay may ganito pa ring magaganap. Kasalukuyan siyang papunta sa eskwelahan nang may sumakay sa bus na kahina-hinalang lalaki. Nagpalinga-linga ito na tila may hinahanap.

Nang makitang bakante ang pwesto sa tabi niya ay nagmadali itong naupo. Hindi niya ito pinansin dahil alam niyang ready siya. Kahit na maluwag ang pwesto sa upuan ay unti-unti itong dumidikit sa kaniya. Napansin na niya na hindi ito gagawa ng maganda. Dahan-dahang kumilos ang isang kamay nito pagapang sa kaniya. Naramdaman niya ang init ng palad nito nang hawakan nito ang kaniyang hita.

Hindi niya alam kung paanong magrereact dahil sa nakatutok na patalim sa kaniya. Hinimas nito ang kaniyang hita. Napansin niya ang biglang pag umbok ng harapan nito. Senyales na nag eenjoy ito sa ginagawa nito. At hindi pa ito nakuntento. Inangat pa nito nang bahagya ang kaniyang palda. Hindi na siya nakapalag pa dahil ayaw naman niyang mag eskandalo.

Pakiramdam niya ay lalong nag init ang katawan ng lalaki dahil hindi pa rin ito nasasapatan sa ginagawa. Mukha palang nito ay manyakis na. Napatunayan pa sa mga pinaggagagawa nito na tila hayok sa laman. Hinawakan nito ang kaniyang baywang na ikinagulat niya.

Kasabay nito ang paghaplos sa kanyang likuran. Napansin naman ng lalaki na nagreact siya kaya nagdesisyon ito na ibaba siya at dalhin sa kung saan. Bumulong pa ito bago siya itayo.

"Wag kang maingay. Kung hindi itutusok ko sa tagiliran mo 'to." Sabi nito na ang tinutukoy ay ang kutsilyong hawak. Wala naman siyang nagawa kundi ang sumunod dito.

Dinala siya nito sa isang eskinita na bihirang daanan ng mga tao. Kung bakit ba naman kasi napakaraming lugar sa bansa niya na kung hindi nadadalaw ng gobyerno at naaayos ay may mga lugar na talaga namang kahit anong oras ay pwedeng may maganap na krimen.

Dahil hindi niya maipagtatanggol ang sarili niya sa bus at baka may madamay pang ibang tao kaya't sumama na siya sa lalaking ito. Nakangisi naman ang lalaki habang nakatutok ang kutsilyo sa tagiliran niya. Hindi man lamang nito namalayan na nakuha na ni Sheena ang patalim sa kaniyang bag. Akala ng manyakis na lalaki ay jackpot na siya kay Sheena.

Ang tanging laman ng isipan ng lalaki ay ang makamundo niyang hangarin dito. Isinalya niya sa pader si Sheena para simulan ang maitim nitong balak. Impit na daing ang namutawi sa labi ng dalaga nang tumama ang likod nito sa sementong pader.

Gayunpaman ay nagawa pa rin niyang itago sa likod niya ang patalim. Dahan-dahang lumapit ang lalaki sa kaniya. Bakas sa mga mata nito ang pagkasabik na maangkin ang dalaga.

Nang makalapit sa dalaga ay agad siyang sinunggaban ng lalaki ay pinupog ng halik ang kaniyang mukha hanggang sa leeg. Hindi manlang mababakas sa dalaga ang pagkatakot. Tila ba sanay na siya sa mga ganoong tagpo. Matapos siyang pupugin ng halik ay naghubad na ito ng pang itaas na damit at tangkang bubuksan na nito ang zipper ng pantalon nito nang mapahinto ito.

Bakas pa rin ang pagtataka kung bakit wala manlang naramdamang takot ang dalaga. Kahit hikbi o panlalaban. Kung tutuusin ay maaari itong tumakbo kung gugustuhin nito pero naisip niya na gusto rin ito ng dalaga. Pero kakaiba ang titig ng dalaga sa kaniya. Isang matalim na tingin ang ipinukol nito sa kaniya.

Hindi niya ito pinansin dahil sa pagnanasa. Nang maibaba na nito ang pantalon hanggang sa hita nito ay muling sinunggaban si Sheena. Siniil niya ng halik ang dalaga. Punong-puno ng pananabik na maangkin ang magandang dalaga. Ngunit nakamasid pa rin ang dalaga sa kaniya. Walang emosyon. Hinayaan na lamang niya ito at nagpatuloy sa kanyang ginagawa.

"Masarap ba? Sabi sayo magugustuhan mo rin 'to e." Saad pa ng lalaki habang patuloy na pinagsasawaan ang katawan niya.

Samantala si Sheena naman ay parang natulala. Maya-maya pa ay nanlisik ang mga mat nito. Muli ay may narinig siyang bulong. Hanggang sa naging isang malakas na musika sa kaniyang tainga na nakakabingi at sinasabi ang mga katagang "Patayin mo sila!".

Isang pagkakataong hinihintay ni Sheena ang tuluyang maibaba ng lalaki ang pantalon nito hanggang tuhod. Napangisi siya. Ngising may pagkasabik. Pagkakataon na niya. Agad na tinadyakan niya ang maselang bahagi ng lalaki dahilan para mapangiwi ito sa sakit pero agad ding nakabawi. Talaga yatang malakas ang pagnanasa nito dahil nakuha pa rin nitong makabawi agad at makangiti.

"Aha! Gusto mo ng may sakitan ha." Sambit ng lalaki habang hawak ang kaniyang pagkalalaki.

Hinihimas pa rin nito dahil sa sakit ng pagkakatadyak ni Sheena dito. Agad na lumapit ang lalaki sa kaniya at buong lakas na sinampal siya. Agad siyang napahawak sa parteng sinampal na pisngi niya. Napangiwi siya sa sakit at may kaunting hiwa ang kanyang labi pero ininda niya ito pagkatapos ay agad na nagpaawa ang mukha.

Kunwaring hindi niya sinasadya ang nangyari kanina. Niyakap niya ang lalaki na siya namang ikinatuwa nito. Napangisi ito dahil ang buong akala nito ay gusto din ng dalaga ang balak nito.

Pagkayakap ni Sheena sa lalaki ay agad niya itong sinaksak sa ulo. Sumirit ang dugo at agad na bumulagta ang lalaki. Tinitigan lamang ito ni Sheena hanggang mapugutan ng hininga. Inukitan niyang muli ang bangkay sa noo at saka pinaglaruan ang dugo na nagkalat. Sinulat niya ang katagang "Rapist Ako".

***End of flashback***


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login