Download App

Chapter 24: Chapter 24

NANGGIGIGIL talaga ako! Gigil na gigil to the point na gusto kong sugurin ang pamilya ni Duke. Arghh! How dare him?! Pagkatapos niyang iwan sa ere si biatch, na wala siyang kamuwang muwang na nabuntis niya, todo post pa siya sa social media kung gaano siya kasaya kasama ang kababata nilang 'di naman kagandahan! Bwisit talaga!

"Sana... sana kasi hindi ko na tiningnan amg facebook niya."

Huminga ako ng malalim. "Ikaw naman kasi biatch! Sabi ko naman sa 'yo, iwasan mo nang magtingin tingin ng newsfeed saka hangga't maaari, huwag ka nalang mag-facebook!"

Iyak ng iyak si biatch. Si Duke naman kasi napaka walang balls! Bakla ba siya? Letse siya. Kapag talaga nakita ko ulit siya, sisipain ko ang banana niya!

"Hindi na nga e. Nag-deactivate na ako." Aniya.

Nakakaawa talaga 'tong bestfriend ko. Ako 'tong feeling brokenhearted pero pakiramdam ko, wala akong karapatang magdrama dahil mas kailangan kong maging malakas para naman kay biatch. Alam kong sobramg sakit ng nararamdaman niya ngayon.

"Mabuti naman. Magbihis ka na nga para masamahan na kita sa inyo."

Pinapunta ako ni biatch dahil nagpapasama siyang umuwi sa mansyon nila para ipaalam sa parents niya na buntis siya. Natatakot daw kasi siya pero at the same time ay umaasa siyang matutuwa ang parents niya na magkaka-apo na sila.

Tumango lamang siya saka umakyat sa kwarto niya. Hay, kung ako siguro ang nasa katayuan ni biatch, baka hindi ko kayanin.

Imagine iyong lalaking mahal na mahal mo. Pinangakuan ka ng kasal, masaya kayo tapos nagising ka nalang isang araw na wala na siya at sumama na sa ibang babae. Ang masaklap pa, sinabi sa 'yong hindi ka pala talaga niya mahal. Tapos ano, makikita mo na ang saya saya niya habang ikaw lugmok sa kalungkutan.

Napailing nalang ako. Aabot kaya kami ni Kenshin sa ganito? Ang pinagkaiba nga lang, never namang sinabi sa akin ni Kenshin na gusto niya ako. Wala siyang kahit anong ipinangako sa akin kaya may karapatan siyang basta nalang akong iwan. Uh, bakit niya ako iiwan kung wala namang kami? Assumera talaga ako.

"Ready na ako, biatch."

Tumingin ako sa gawi ni biatch. Nakabihis na siya. Nagpalit lang naman siya ng damit.

"Let's go." Sabi ko saka tumayo na. Nagpresinta na ako ang magda-drive kasi jusko, kailangang mag-ingat ni biatch lalo na ngayon na iyong isip niya, tuliro dahil sa gagong Palermo na 'yon!

Lumabas kami ng unit niya. Sakto namang tumatawag si Kensh. Ano na namang kailangan niya? Nanibago ba siya na hindi siya naka-recieve ng morning message kanina? Ganoon kasi ako, every morning, palagi ko siyang sinesendan ng text message pero kanina ay sinubukan kong pigilan ang sarili ko.

Feeling ko kasi talaga napapagod na ako sa pagmamahal sa kaniya.

Para bang nauntog ako at nagising sa katotohanang kahit anong gawin ko, hinding hindi niya ako mamahalin tulad ng pagmamahal ko. Na para bang hanggang kaibigan nalang talaga kami.

Kilala ko ang sarili ko. Marupok na sa marupok! Pero kapag naabot ko na iyong limitation ko, maglalahong parang bula ang kahibangan ko.

Nagsimula na akong magmaneho nang makasakay kami ni biatch sa sports car ko. I love this car. Bumili na naman ako gamit ang credit card na bigay ni Papa. Well, I know spoiled ako kahit sa totoo lang, wala akong naitutulong sa pamilya ko but then, sinusunod ko lang naman kung anong gusto ko talagang gawin sa buhay ko.

My passion is to be a model. Sikat na model, actually. At sana matupad iyon dahil ngayon ay nagsisimula na ako sa mundo ng modeling.

"Biatch, ano sa tingin mo ang magiging reaksyon nina Mama at Papa? Magiging masaya kaya sila?"

"Of course, biatch! Blessing iyang si baby biatch so dapat maging happy sila." Sabi ko.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinapayagan ni Papa na magkaroon ng condo unit but I think malapit na siyang pumayag. Gusto ko lang naman kasi talagang matuuong mabuhay na mag isa. Para naman maging independent ako. Kahit hindi ako marunong magluto o maglaba o kahit pa maglinis ng bahay, matututunan ko naman iyon e.

"Biatch kinakabahan ako."

Ipinarada ko ang kotse ko sa labas mg mansyon ng mga Castillo. Ngayon lang naisipang sabihin ni biatch sa parents niya ang tungkol sa pagbubuntis niya dahil ngayon lang umuwi ang parents niya from abroad.

Bumaba kami ng kotse ko. "I'm here, biatch. Alright? I'll be with you. Para saan pa at ako ang pinakamaganda mong bestfriend?"

"Ikaw naman talaga ang pinakamaganda." Natatawang sabi niya.

"Buti alam mo!"

"Siyempre, ikaw lang naman mag-isa ang bestfriend ko e."

Inirapan ko siya. Hinayaan ko nalang siyang tawanan ako para mawala ang kaba niya. Siguro kung ako ang mabubuntis, hindi ako kakabahang sabihin kay Papa. Tipong gugulatin ko nalang siya at sasabihing buntis ako. Wala ng kyeme kyeme pa. Bakit ako matatakot?

Pumasok kami ni biatch sa mansyon nila. Maganda ang mansyon nila. Kasi laking mayaman naman din si biatch e pero mas pinipili niyang tumira sa unit niya kasi nga pakiramdam daw niya ay mag isa lang siya rito dahil nga naman, sa laki nito, puro katulong lang ang laman. Kaniya kaniyang business ang family members nila. Nakakaloka!

At least si Papa, every once in a while, umuuwi sa mansyon saka close naman kami. Close din ako sa brother ko but he's so strict at masyadong dedicated sa work niya kaya wala kaming time mag-bond. Lalo na at nasa abroad din siya.

Dumiretso agad kami sa salas. Naabutan namin ang parents niya roon. Dahil sinabihan naman niya in advance na may mahalaga siyang sasabihin, narito na agad sila.

"Mama, Papa..."

"Hi po, Tita and Tito." Bati ko. Ngumiti lang sila ng matipid.

Duh! If I know, imbyerna sila sa akin kasi nga kami ni biatch ang palaging magkasama aa mga kalokohan.

"Cherrypink, anong mahalagang sasabihin mo? I can give you twenty minutes. May appointment pa ako." Sabi ni Tita.

"What is it, Cherrypink?" Tanong naman ni Tito.

My gosh! Ang intimidating nila, promise! Maldita ako pero naloloka ako sa presence nila.

"Mama, Papa gusto ko lang pong ipaalam na..."

Kitang kita ko kung gaano kinakabahan si biatch.

"I'm pregnant."

Napatayo sina Tito at Tita. Naihagis ni Tito ang hawak na dyaryo kung saan saka nanlilisik na nakatingin kay biatch.

What was that?!

"Anong kalokohan 'to?! You're pregnant? Sino ang ama?!"

Pati ako nagigimbal sa malakas na sigaw ni Tito.

Tumutulo na ang luha ni biatch and all I can do is to stay beside her.

"You're pregnant. Tell us who's the father?! Anong business ng pamilya nila, ha? Pananagutan ka ba? How about Duke Palermo?" Sigaw ni Tita.

Seriously? Mas inisip pa nila ang business? And yes, they're right. Si Palermo ang ama, akala ba nila?!

"W-Wala... I don't know."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni biatch. Hindi niya ako na-inform na hindi niya sasabihin na si Duke ang ama ng pinagbubuntis niya!

Mabilis na nakalapit si Tito kay biatch saka siya sinampal. Nanlaki lalo ang mga mata ko.

"Anong klaseng babae ka? Nagpabuntis ka kung kani kanino at ngayon ay hindi mo alam kung sino ang ama?! Lumayas ka sa pamamahay ko!"

Naging alerto ako nang bigla namang sasabunutan ni Tita si biatch. Humarang ako sa harap niya.

"Tama na po! Buntis po si biatch! Alam kong magulang niya kayo pero wala pa rin kayong karapatang saktan siya dahil lang nabuntis siya na walang ama!" Sigaw ko. Wala akong pakialam kung pati ako ay masampal or masabunutan.

"Huwag kang makialam dito, Freya Cybel!" Sigaw ni Tita.

Umiiyak lang si biatch sa likod ko. If that Palermo can't protect her, then I'll do that. Not because he left her but because I'm her bestfriend!

I am not biatch's bestfriend for nothing.

"Mawalang galang na po, pero bestfriend ko ang sinasaktan niyo. Para ko na rin siyang kapatid kaya may karapatan akong ipagtanggol siya sa inyo. Hindi ko po hahayaang saktan niyo siya. Buntis siya and sana po ay maging masaya nalang kayo na magkaka-apo na kayo. Alam kong hindi tama na mabuntis siyang walang ama pero sana po, sa halip na sisihin siya at saktan, sana po ay suportahan niyo nalang siya bilang anak niyo. Dahil iyon po ang ginagawa ng magulang."

Ang sakit sakit lang. Akala ko sobrang kawawa na ako na masaktan dahil kay Kenshin pero hindi ko alam na may ibang tao tulad ni biatch na mas nakakaranas ng sobrang sakit higit sa akin. At iyon dapat ang gawin kong rason oara mas maging malakas.

"How dare you!" Sigaw ni Tita saka ako sinampal. Oh well, I don't mind. Akala ba nila nasaktan ako? Higit pa sa sampal niya ang sakit ng katotohanang hindi ako kayang mahalin ni Kenshin.

"Biatch hayaan mo silang saktan ako." Sabi ni biatch. "Mama huwga niyong idamay si Frey."

"Hindi, biatch. Sampal lang 'yon, ano ka ba?! Akala mo ba papayag ako na saktan ka nila? Buntis ka!" Sabi ko saka mas hinarap sina Tita.

Kitang kita ko kung gaano nagpipigil si Tito.

"Lumayas kayo sa pamamahay ko. Ikaw Cherrypink, mula ngayon, kinakalimutan ko ng anak kita. All your accounts and properties at kukunin ko. Tingnan natin kung hindi mo hanapin kung sino ang lintik na nakabuntis sa 'yo!"

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko mula kay Tito saka siya nag-walk out. Si Tita ay nasa harap pa rin namin na gigil na gigil.

"Ngayon ko po mas naiintindihan si biatch." Ngumisi ako. Mula nang sampalin niya ako one minute ago, nawala na ang respeto ko sa kanila lalo na't sinaktan din nila si biatch. "Ang lakas po ng loob niyong saktan siya at sumbatan ng kung ano ano. Ang lakas po ng loob niyong ganituhin lang siya dahil magulang niya kayo? E ni minsan, hindi niyo nagawang maging magulang lay biatch."

Isang sampal pa pero nasalag ko iyon. Hawak ko ang kamay ni Tita saka tiningnan siya ng masama.

"Kung ang anak niyo po hinahayaan lang kayong saktan siya, pwes ibahin niyo po ako. Sana lang po ay dumating ang panahon na pagsisihan niyo ang ginawa niyo kay Cherrypink. Hindi niya deserve ang ganito. Hindi niyo deserve na magkaroon ng mabuting anak tulad niya. Hindi niyo deserve na sumaya habang sariling anak niyo, sinasaktan at kinukutya niyo." Sabi ko saka binitawan ang kamay niya.

I lost my respect to them.

"Biatch tara na, mag iimpake ka pa dahil kukunin na daw nila ang properties mo so kasama ang condo unit mo. Don't worry; you can stay at our house. Welcome ka doon at walang mananakit sa 'yo." Sabi ko. Sinadya kong lakasan iyon saka hinila si biatch palayo doon.

Paglabas namin ay isinakay ko agad si biatch sa kotse ko. Nang makasakay ako ay nakita ko kung pano humagulhol si biatch.

"Frey... biatch sorry. Pati ikaw..."

"Ano ka ba, akala mo nasaktan ako sa isang sampal ng Mama mo? Duh!"

I started my car's engine saka nagsimulang magmaneho.

"Hindi nila ako matanggap. Itinakwil pa nila ako. Bakit... bakit ganoon? Akala ko magiging masaya sila na magkaka-apo na sila. Bakit pakiramdam ko mas mahalaga pa rin ang business ng kung sino mang nakabuntis sa akin."

"Same thought. Actually, hindi naman sila galit dahil walang ama ang pinagbubuntis mo. Galit sila because they expected na ang nakabuntis sa iyo is maganda ang business and all. Duh, paano nalang kung ipinamukha ko sa kanila na si Palermo na bet na bet nila ang ama niyan? E 'di nganga sila? Gosh! Nangigigil talaga ako!"

"Biatch, thank you for staying with me. Siguro kung ako lang iyon,baka hinayaan ko lang na saktan nila ako hanggang magsawa sila. Baka nagmakaawa akong tanggapin nila ako. Baka..."

"Para saan pa at bestfriend mo ako? Sa tingin mo magiging strong woman ako kung hindi kita kayang ipagtanggol sa parents mo? My gosh! I lost my respect to them. Sorry biatch pero nai-imbyerna ako sa Mama mo! Arghh!"

Umiyak lang si biatch. Naiintindihan ko kung gaano kasakit ang nararamdaman niya.

"Kailangan ko na nga ba talagang mag-impake?"

Tumango ako. I know her father very well. May isang salita ang Papa ni biatch kaya nga nakaka intimidate siya and I think, dahil sa nangyari, itinakwil na talaga nila si biatch. Kung sa akin iyon gagawin ni Papa, ewan ko nalang! Baka tusukin ko lang ang ilong no'n!

"I think so. Mas mabuti na ang handa. You know your father."

"Tama ka diyan. Pero bakit gano'n biatch, nasasaktan ako pero at the same time, pakoramdam ko ay nakalaya ako sa rehas ng pamilya ko?"

"Then that's good! Mas maigi na 'yong mamuhay ka nalang na independent talaga. Kasi para ka na rin namang walang parents. My gosh! Nakakaloka talaga. Kasalanan 'tong lahat ni Duke!"

"Kaso saan naman ako pupulutin niyan? Kung lahat ng cards ko ay iba-block ni Papa pati ang condo unit at kotse ko... paano na ako? Paano na ang baby ko?"

I rolled my eyes. "I told you, bestfriend mo ako! Duh! Don't ever think of that. Ako ang bahala sa 'yo."

"Biatch, hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan. Mula sa pagtatanggol mo sa akin mula sa parents ko hanggang ngayon na pakiramdam ko magiging pulubi na ako."

"You don't have to think of anything. Just stay strong for baby biatch. That's enough for me, okay? Huwag mo nga akong igaya sa parents mo at kay Duke na mahilig mang iwan! Mga wala silang kwenta!"

Hinayaan ko lang na tumahimik si biatch. Alam kong sobra pa rin niyang dinaramdam iyong nangyari. Kaya nga kahit papaano ay nagiging cheerful ako para gumaan ang ambiance.


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C24
    Fail to post. Please try again
    • Writing Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login