Download App
7.14% One-sided Love by pinkyjhewelii / Chapter 1: Chapter 1
One-sided Love by pinkyjhewelii One-sided Love by pinkyjhewelii original

One-sided Love by pinkyjhewelii

Author: pinkyjhewelii

© WebNovel

Chapter 1: Chapter 1

REIKO

IBINABA ko ang telepono nang marinig ko ang boses ni Mom. Siguradong pagsasabihan na naman niya ako dahil sa madalas na paggamit ko ng telepono. Masama bang mag telebabad? Nakikipag-kwentuhan lang naman ako sa bestfriend kong si Ciara, e.

"Yes, Mom?" tanong ko nang pagbuksan ko ng pinto ng kwarto ko ang nanay ko.

"Princess Reiko, ilang oras ang ginugugol mo sa paggamit ng telepono? Kakain ka lang, balik telepono na agad. Sino bang kausap mo? May boyfriend ka na ba?" tanong ni Mom.

Ang mga nanay talaga, tamang hinala. "Wala akong boyfriend, Mom. Paano ako magkakaboyfriend kung hindi ako gusto ng lalaking gusto ko?" ngumuso ako.

"Are you in love?"

Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko. Muntik na akong madulas. Aish, daldal ko talaga. Napapala ng halos maghapon na pakikipag-kwentuhan kay Ciara, e. Pinagku-kwentuhan lang naman namin ang lalaking gustung-gusto ko.

"Mom naman! Syempre, hindi. Bata pa ako 'no." pagsisinungaling ko. Naku, malalagot ako kapag nalaman ni Mom. Sasabihin na naman niya, si Kuya Miko nga wala pang girlfriend tapos ako pa ang mauuna. Hay, naku. May rules bang ganoon? Sa pamilya kung sino ang pinaka-matanda, siya dapat ang unang magkaka-jowa? Paano naman ang love life ko? E, mukhang matatagalan pa bago magkaroon ng lovelife ang ubod ng sungit kong Kuya.

Mom titled her head and stared at me. "Make it sure. Malalagot ka sa Dad mo. You're our only princess kaya iniingatan ka namin. Bumaba ka na, magdi-dinner na tayo."

Tumango lamang ako kay Mom saka muling pumasok sa kwarto ko. Naiintindihan ko naman. Nag-iisang babae kasi ako sa aming apat na magkakapatid. ANg panganay namin ay si Kuya Prince Miko sunod ay ako, sumunod sa akin si Rance Yul then ang bunso namin na si Yuan Reiyu. Talaga ngang nag-iisang prinsesa nila ako-hindi naman halata sa pangalan ko.

I am Princess Reiko Hayashi Abellano. My parents are Yumiko Hayashi-Abellano at Lance Reid Abellano. I'm from a wealthy family. Nasa 3rd year highschool na ako sa Shinwoo University-pag-aari ng kaibigan nina Dad and Mom. Lahat kaming magkakapatid doon pumapasok maliban sa bunso namin dahil five years oold palang siya ngayon.

I grown up with a silver spoon on my mouth. Hindi literal. Baka isipin niyo may nakasubong kutsara sa bibig ko. Awkward. I mean, lumaki kong walang pino-problema when it comes to money. Nakukuha ko lahat ng gusto ko. Maluho ako, in spoiled way because our Dad wants the best for us. Both family side ko ay galing sa wealthy family. Nasa top 2 richest family ang Abellano, and I'm proud of it. Though, minsan mahirap ding maging mayaman. Ilag kasi sa akin ang iba kong classmate na nasa middle class lang or lower class-iyong mga scholar. Iniisip kasi nila na porket mayaman, masama na ang ugali. Tipong mga kontrabida lagi. Pinalaki ako ng mga magulang ko with good values-kahit aminado ako, hindi lilipas ang isang araw na makakarinig ako ng mura like 'fuck', 'shit', 'damn it', dahil sa Dad ko at Kuya Miko ko. Ewan ko ba, tatak na yata nila iyon. Cool daw kasi kapag nagmumura. Like ewwww! Sabi ni Tita Fancy ko-kapatid ng Dad ko, kapag daw narinig kong magmura si Dad or si Kuya Miko, ainumin ko daw ng muriatic acid. Pero dahil alam ko ang magiging epekto no'n, hindi ko ginawa. Sadyang baliw lang talaga iyong Tita ko na iyon.

About naman sa telebabad. Nakikipag-kwentuhan ako lagi sa bestfriend kong si Ciara, like what I've said earlier. Pinagku-kwentuhan namin iyong lalaking gusto namin. Pero siyempre magka-iba kami. Ang sarap kasing mag-kuwentuhan tapos mag-iimagine kayo, like liligawan na kami ng lalaking gusto namin,

KYAAAAA! Kinikilig ako ng overload!

Pero sabi ng Tito James ko-kapatid din ng Dad ko, huwag daw ako basta basta magpapaligaw. Kailangan ko daw ipakilala sa kaniya ang bawat manliligaw sa akin dahil kailangan niya iyong suriin. Sinubukan ko na. Pero ang anngyari, tumigil sa panliligaw sa akin dati ang lalaking iyon matapos kausapin ni Tito James. Hindi ko na rin nalaman kung bakit.

Anyway, there's this guy na gustung-gusto ko. Hindi lang dahil gwapo siya, kundi kasi, ang cute cute niya. Basta crush na crush ko siya. Palatawa pa siya at mabiro. May particular siyang prutas na lagi niyang hawak sa tuwing nakikita ko siya. Hindi ko alam kung pabrito niya iyon o nagkakataon lang na iyon ang binibili niya sa cafeteria kapag nakikita ko siya. Kaso napansin ko, never pa siyang may nakasamang babae. Parang ilag siya sa mga babae. Nakakapagtaka nga, e. Sabi ni Ciara, baka daw bakla. Pero imposible. Wala naman akong nakikitang signs na bakla siya. Astig nga siya kasi player siya ng basketball. Ang SWU Wolf. Basketball team ng highschool department.

Dumako ang tingin ko s apinto ng kwarto ko nang may kumatok ro'n. Patay na, baka si Mom uit. MAgdi-dinner nga pala.

Mabilsi akong tumakbo sa pinto at pinagbuksan iyon. Bumungad sa akin ang masungit kong Kuya.

"Dinner na. Mom is yelling at me because of you. Tch. Im fcking hungry! Hindi ba pwedeng kumain kahit hindi sabay sabay?" masungit na sabi niya. Natawa ako. Si Mom kasi, gusto niya, at least sa gabi ay sabay sabay kaming kumakain. Halos lahat kasi kami wala dito sa bahay. Naiiwan lang si Mom at si Yuan. Si Dad kasi, busy sa kompanya namin then kaming tatlo nila Kuya Miko at Rance pumapasok.

"Oo na. Sungit." Sabi ko.

Kuya Miko rolled his eyes at me. "Hurry up."

"Ang sungit mo talaga," sabi ko. "Ma-baog ka sana!" sigaw ko saka nilampasan siya at tumakbo pababa sa kusina.

I am dead. Super duper mega sungit pa naman niyang Kuya ko. Palibhasa sawi lagi sa pag-ibig. Kidding!

"PRINCESS REIKO!"

Tinawanan ko na lamang ang sigaw ni Kuya saka dumiretso sa kusina.

ENZO

Pakwan, till death do us part. Huminga ako ng malalim. Tangna kasing pakwan 'to, paubos na. Nakakalungkot isipin na mawawalan na naman ako ng isnag piraso ng pakwan. Ang sakit sa puso na unti-unti sila nawawala habang kinakain ko.pero kahit gano'n, i'm eating them with so much love.

"Hoy, Enzo. Kakainin mo ba 'yang pakwan mo o ako ang kakain?" sigaw sa akin ng akmukha kong si Renzo. TAe, bakit kasi kamukha ko ang gunggong na 'to? Tch.

Sa mga naguguluhan kung bakit amukha ko si Renzo, obviously. Triplets kami. Ako, si Kenzo at Renzo. Tindi ng genes ng magulang namin eh. Akalain mong dalawang iri lang ni Mom, lima agad kami. Haha!

I am Kiro Enzo Shinwoo. Enzo for short. Lima kaming magkakapatid. Panganay namin, kambal tapos kaming triplets, bunso. Astig 'no? No'ng una nagtataka sina Mom kung bakit gano'n. Nalaman nila na sa malayong kamag-anak pala ni Dad, may mga ganito talaga. Kambal at triplets. Akala ko talaga matinik lang talaga ang sperm cells ni Dad. Wahahaha! Isa pa, hindi naman nakakapagtaka 'yun. Sharp shooter si Dad, e. Captain ball kaya siya ng sikat na SWU Tigers. Ang team basketball ng College department ng Shinwoo University. Pag-aari ng pamilya namin, obvious naman sa surname ko. Sa ngayon, si Mom ang presidente ng school pero originally, ang Dad ko ang may-ari no'n pero dahil busy siya sa mga kompanya namin all over the world, nag-take over na si Mom. Isa pa, wala namang ibang pinagkaka-abalahan si Mom. Malalaki naman na kaming magkakapatid. Wala ng alagain sa amin.

Ang panganay naming kambal, sina Kuya Skyler Knox at Ate Chylee Hera. Magkamukha sila. Malamang, kambal nga, e. Tch. Taos kaming tatlo ang bunso. Kiro Enzo, Shiro Renzo, at Jiro Kenzo. Ayaw nga naming gamitin ang firt name nmaing triplets. Ewan ko ba kay Mom-si Mom kasi nagbigay sa amin ng pangalan. Magkakatunog na nga ang second name, pati ba naman ang first name utang na labas. Magkakamukha pa kami. Wala talagang ligtas, e. Walang originality tuloy sa aming triplets. Sa ugali nalang talaga kami nagkaiba-iba, e.

Ako, ipinanganak upang maging taga-kain ng mga pakwan. Hindi, mahal na mahal ko ang pakwan. Iyon ang first love ko. Jolly ako at mabiro. Pinakamabait sa aming tatlo. Si Renzo naman, selfie king. Tae, mamamatay 'yan kapag nawalan ng camera sa mundo. Akala mo napaka-gwapo. Bawat kilos nagse-selfie. Pero dahil kamukha ko siya, sige gwapo na nga siya. Maloko din siya pero romantic guy daw siya, amputek. Nakakasuka. Si Kenzo naman ang nagmana kay Dad at sa Kuya Skyler ko. Tahimik, seryoso at masungit. Kami, hindi ko alam kung kay Mom kami nagmana.

Hinampas ko ang kamay ni Renzo nang makita kong kukunin niya ang pakwan ko.

2nd year highschool na kami sa SWU. Part kami ng basketball team ng highschool. Ang SWU Wolf. Sikaw kami sa school, hindi dahil Shinwoo kami. Kundi dahil gwapo kami. Wahaha!

"I won't let anyone to touch my precious pakwan. Even you." Sabi ko kay Renzo.

"Tungunu! Precious mo mukha mo. Tch." Sabi ni Renzo saka nag-selfie. Putek. Sinama pa ako.

"Anong caption ng selfie na 'yun?" Naka-pokerface na tanong ko.

Busy siya sa pagpindot sa phone niya. "Wahahaha! Caption, ang pakwan ni Enzo, bow."

I glared at him. "Wala kang karapatang gamitin ang word na pakwan. Burahin mo 'yan! Palitan mo ng watermelon! Tch."

"The fck, Enzo! In-english mo lang. Langya naman. Tsaka, hindi naman ikaw ang nag-imbento ng salitang pakwan. Huwag mong kanyanin. Kinanya mo na nga ang pakwan sa buong pilipinas. Pati ba naman salitang pakwan."

Sinamaan ko lang siya ng tingin at kinain na ang pakwan ko.

"Wala kang pakialam. Kung naiingit ka, kumuha ka ng pakwan mo. Hindi mo ako mapipigilan!"

"Kukuha talaga ako!" Tumatawang sabi ni Renzo na palapit sa fridge.

Tumayo ako at sinugod siya. "Don't you dare." Bulong ko.

Nagpumiglas siya. "Kadiri ka, Enzo. Putek naman. Huwag kang magdididikit sa akin. Kamukha na nga kita. Kapag malapit ka feeling ko nakaharap ako sa salamin. Buhay naman, oo! Sa 'yo na nga ang pakwan mo. Kapag ako na-badtrip bibili akong samurai, mag-fruit ninja tayo dito sa kusina gamit ang pakwan mo. Wahahaha!"

"Kunin mo na lahat, 'wag lang ang pakwan ko. Tch."

"Kung pwede nga lang, e. Kaso gustuhin ko mang kunin ang isang 'yon, 'di ko magawa dahil ikaw ang gusto. Tch. Makapagpapalit nga ng mukha bukas."

Sinamaan niya ako ng tingin saka ako iniwan dito sa kusina.

Ano bang sinasabi ng gunggong na 'yun? Tch. Makakain na lang ng pakwan. Hayahay ang buhay sa piling ng pakwan.

RENZO

Gusto kong mag-kwento ng tungkol sa buhay ko. Pero dahil nai-kwento na lahat ng ka-triplets kong si Enzo'ng ulol, hindi ko na iku-kwento.

I am Shiro Renzo Shinwoo. Triplets kami nila Enzo at Kenzo. Kung pwede lang magpa-plastic surgery ginawa ko na. Ba't kasi kamukha ko sila. Tchm. Ilang beses na kaya kaming napagkakamalang 'yung isa.

Tulad no'ng isang beses, binigyan ba naman ako ng isag sakong pakwan. Anong tingin nila sa akin, si Enzo? 'Yung isa naman, binigyan ako ng mga educational books, si Kenzo ba ako?

Putek naman. Parang kailangan ko pang mag-selfie segu-segundo para malaman nilang ako si Renzo--ang selfie king ng Shinwoo family.

Huminga ako ng malalim saka nag-selfie. Caption, 'humihinga ng malalim' posted.

Gusto ko na agad pumasok bukas. Monday na bukas at papasok na naman ako. Kung ang iba natatamad pumasok, ako na-e-excite dahil makikita ko na naman ang babaeng nagpapatibok ng puso ko. Kung pwede nga lang magselfie ang puso ko para makitang tumitibok, ginawa ko na. Tch.

She is gorgeous. She is the nicest girl I've ever met. Gustung-gusto ko siya pero alam kong may iba siyang gusto. Paano ko nalaman? Stalker, e. At sa kasamaang palad, ang gusto niya..kamukha ko din.

Nakaka-gago ano? Ano bang wala sa akin na meron sa KANYA? Magkamukha lang naman kami. Gulong gulo ako. Hindi ko alam kung paano niya ako magugustuhan pero gagawin ko lahat para sa kaniya.

NagGM ako. Putek, nakaka-bakla 'to pero ginagawa ko para lang madaanan siya ng text ko. Ayoko kasi siyang i-text ng para sa kaniya lang. Baka malaman niyang gusto ko siya. Huwag muna ngayon.

To: My Princess

Wooo! Lunes na bukas. Gustong gusto ko talagang pumapasok dahil nag-aaral akong mabuti. Saka nakakaawa naman ang mga babaeng araw araw pumapasok para lang makita ako kung a-absent ako.

I love you....fans!

GM

Sent!

Putek. GM pero sa kaniya ko lang naman sinesend. Papansin lang. Pero, kelan nga ba niya ako mapapansin?

Kapag puti na ang uwak? O kapag hindi ko na kamukha ang lalaking gusto niya?


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C1
    Fail to post. Please try again
    • Writing Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login