Download App

Chapter 11: Black Rose

Lumipas ang tatlong oras. Dahan-dahan iminulat ni Yman ang mga mata. Nakita niyang may dalawang magagandang imahe ang nakadungaw sa kanya.

"U-uhm anong nangyari? Bakit nakatulog ako?" Tanong ni Yman sa dalawa.

"Hmph!" Sagot ni Lolla.

"Fufufu buti naman nagising kana."

"Ms. Pai? Bakit hindi ako makagalaw? Teka! Bakit ako nakatali sa higaan? At bakit naka boxer's lang ako?!" Gulat na tanong ni Yman.

"Kukuku ano sa tingin mo bata?!" Sabi ni lola habang may pinapaikot sa daliri.

"Uhm Lolla? A-Ano yang ha-hawak mo?"

"Ano sa tingin mo?!"

"Pa-patalim? Pa-para saan mo yan gagamitin?" Mahinang tanong ni Yman habang nagkukulay blue ang mukha.

"May puputulin akong hindi ka aya-ayang parte ng katawan." Mahinang sabi ni Lolla habang itinutok ang matulis na bahagi ng patalim sa Jr. ni Yman.

Hiiiiiiiiiiiiiiiiiih!!!

Nang marinig ito ni Yman. Biglang namuti ang kanyang mga mata. At may lumabas na puting bagay na nagdadasal sa kanyang bibig habang hinihigop ng holy light sa langit.

Ahahaha! Hindi mapigilan ni Ms. Pai na matawa sa dalawa.

"Haay! Nahimatay na-naman ulit ang young sweety mo." Sabi ni Lolla habang napailing ang ulo.

"E-estudyante ko lang siya." Mahinang sabi ni Ms. Pai

"Hmph!"

Kalahating oras ang lumipas ay nagising na ulit si Yman. Paggising niya ay napansin ni Yman na may apat na cable wires ang nakatusok sa kanyang External Backbone. Nakita rin niya na nakaharap si Lolla sa malaking screen. Paminsan-minsan ay pinipindot niya ito. Tapos may loading na nag display sa screen. Mahigit 30mins bago natapos ang loading.

[Version 12.4.2 successfully installed!]

Tapos loading ulit...

[SYSTEM INTERFACE UPDATED!]

[3 NEW SECTION ADDED!]

[NEW MAP ADDED!]

Ito ang mga pop up na lumabas pagkatapos ng loading.

"Try mo i-open yung Interface mo kung may mga bagong nadagdag." Sabi ni Lolla.

"Ok!"

Interface!

"Wow ano to? Cyber Storage?" Tanong ni Yman.

"Cyber Storage ginagamit yan para makapagtago ng gamit sa Interface mo." Pagpaliwanag ni Lolla.

"Eh? Ang cool naman nun! Paano kaya gumagana to?"

"Para lang yang maliit na version ng itim na butas." Dagdag ni Lolla.

"Ha~! Physicist genius nga naman."

"Kukuku! Try mo gamitin para sure tayo walang problema."

"Sige! Uhm paano ba to gamitin?"

"Try mo hawakan yung patalim kanina."

Hah! Napabuntong hininga si Yman nang marinig ang patalim mula kay Lolla.

"Ok ito na."

"Tapos pindutin mo yung 'Keep' na choices na makikita sa bandang lower left ng Cyber Storage section."

"Then?"

"Piliin mo pangalan ng item na gusto mong itago."

"O ito scalpel."

Pagpindot ni Yman sa pangalang 'scalpel' ay bigla itong naglaho sa kanyang kamay. Habang may lumitaw naman na icon ng scalpel sa Cyber Storage niya.

"Wow astig nito!"

"Kukuku! Maya kana maglaro niyan. Check mo kung may Inventory section."

Swipe!

"Meron nga! Para saan naman ito?"

"Para sa mga higher grade weapons, accessories at armors yan."

"Anong ibig sabihin nun?"

"Kukuku! Ang mga higher grade equipments na ito ay may mga additional attributes. Gaya ng additional attack damage, defense, elemental at additional effects gaya ng poison , paralyze, freeze at iba pa. Hindi mo magagamit ang mga additional attributes nito kung hindi mo ini-equip ito sa iyong Inventory. Atsaka kailangan naka-equip siya sa Inventory mo bago ka makipag laban."

"Bakit?"

"Dahil hindi madali ang pag-equip nito sa Inventory. Madalas aabot ng mahigit isang oras at kalahati bago matapos. At pag naka-equip na ito sa Inventory kailangan mo lang pindutin yung icon niya sa Inventory tapos equip ulit para lumitaw sa iyong mga kamay. Sa katawan kung armor at sa daliri kung accessories. At kung gusto mo naman palitan ang equipment sa inventory, pindutin mo lang yung icon ng equipment na gusto mong palitan tapos click mo yung unequip." Pagpaliwanag ni Lolla.

"Aha kaya pala."

"Kung hindi naman higher grade ang iyong equipments na gagamitin, pwedi na kahit sa Cyber Storage mo lang itago."

Tumango si Yman bilang pagsang-ayon.

"Alam mo bang may apat na antas ang higher grade equipments?"

"Eh? Ano naman ang mga antas nito?"

"Malalaman mo ang antas nila sa kulay ng kanilang pangalan at liwanang na pumapalibot sa kanilang icons. Rare ay sky blue, Epic ay purple, Legendary ay gold at God is red."

"Galing naman nun. Sigurado mahal ang mga higher grade equipments na yan."

"Oo naman. Lalo na ang Gods at Legendary."

"Hmn!"

"Sige check mo sunod kung may Vedio Call section sa Interface."

"Me-meron!"

"Ha~! Alam kong hindi mo alam kung paano gamitin yan."

"Ahahaha" Mahinang tawa ni Yman habang kinamot kamot ang kanyang pisngi.

"Kagaya lang yan ng Mail section. Lagay mo lang sa call yung ID ng tatawagan mo."

"Ah ganun lang pala."

"Bakit hindi mo subukan?"

"Uh-uhm wala pa kasing nakasave na ibang ID sa Interface ko." Nahihiyang sabi ni Yman habang kinamot kamot ang pisngi.

"Kukuku gusto mo bang hingiin ang ID ko?" Tukso ni Lolla.

"Aha! pwedi ba yung ID na nasa mail ko?"

"Tsk! P-pwedi!" Sabi ni lola habang sumimangot ang mukha.

"Gagana lang ang Video Call kung may Video Call section din ang tatawagan mo." Dugtong ni Lolla.

"O-ok"

Click! Click! Click!

Dialing....

Kriiiiing! Kriiiiiing!

Click!

M-Ms. Pai?

Lumitaw ang mukha at dalawang bundok sa screen ng hologram sa Interface ni Yman.

~~~~~~~~

"Fufufu so sinusubukan mo kung gumagana ng maayos ang mga bagong update sa Interface mo."

"Oo Ms. Pai! A-ano yang bitbit mo?"

"Makikita mo rin pagdating ko diyan."

Ilang sandali pagkatapos ng pag-uusap ni Yman at Ms. Pai. Bumukas ang pinto sa laboratory at pumasok si Ms. Pai na may dalang maliit na box na kulay itim.

"Lolla ito na." Inabot ni Ms. Pai ang dalang box.

Pagkatapos makuha ang dalang box. Agad na binuksan ito ni Lolla at kinuha ang laman. Isa itong maliit na disc.

"Yman lumapit ka dito. Maya mo muna paglaruan yang Interface mo!"

"Ye-yes! Ahaha yan ba yung dala mo Ms. Pai?"

"Oo, halika may ipapakita kami sayo."

"Isang disc? Hindi naman siguro tayo manood ng..."

Pak!

Aray!

Hindi pa natapos ang sasabihin ay isang hand chop ulit ang tumama sa ulo niya.

"Nag-iisip ka nananaman ng hindi maganda. Hmph!"

"Ahaha pasinsya na."

Ilang sandali ay dahan-dahan inilagay ni Lolla ang disc sa disc player. Bigla ay nagliwanag ang screen ng malaking monitor. Nahati sa dalawa ang screen ng monitor. Sa kaliwa ay may parang maliit na liwanag na parang radar na mabilis na tumitibok-tibok. Sa kanan naman ay may maliit na liwanag din pero parang hindi ito tumitibok. Nag-iilaw lang ito ng mahina."

"Ano ang nakikita mo Yman?" Tanong ni Lolla kay Yman.

"Isang parang radar o parang pulso na aktibong tumitibok ang nasa kaliwa. Salungat naman ang nasa kanan."

"Kuku"

"Eh?"

"Ang nakikita mo sa screen ay deskription ng Hollow Cells habang naglalabas ng negatibong enerhiya sa loob ng katawan ng tao. Sa kaliwa ay ang normal na gawain nito at sa kanan ay ang iyong Hollow Cells."

"Wha——t?"

"Kukuku mukhang kakaiba ang Hollow Cells sa iyong katawan."

"Bakit parang hindi aktibo ang Hollow Cells sa aking katawan?"

"Yun din ang gusto naming malaman. Siguro isa ito sa dahilan kung bakit mahina ang magic mong taglay."

"Si-Siguro nga, Uhm nagagamot ba ito?."

"Fufufu depende sa rason kung bakit nagkaganyan ang iyong Hollow Cell." Sabi ni Ms. Pai

"Hindi may isa pang paraan."

Eh?!

Eh?!

"Ang Black Rose"

"Black? Rose?"

"Lolla ibig mong sabihin—-"

"Oo Pai. Tanging ang Black Rose ang nagbibigay ng malakas na reaksyon sa mga Hollow Cells."

"Pero mahirap at delikado itong makuha."

"Eh?! Bakit Ms. Pai?"

"Dahil matatagpuan lang ito sa ilalim na bahagi ng itim na butas."

"Wha—t?!"

"Yman wag kang magbalak na kunin yun!" Medyo galit na sabi ni Ms. Pai.

"Ahaha o-ok Ms. Pai."

"Promise mo sa'kin!"

"O-ok promise!"

"Ehem!" Pagtawag pansin ni Lolla.

"Eh!?"

"Estudyante lang?"

"A-ayaw kong may masaktan sa aking mga estudyante." Mahinang sabi ni Ms. Pai.

"Eh? Bakit namumula nananaman yang pisngi mo?"

"Hi-hindi!"

"Bakit hindi ka makatingin ng diretso sa akin!"

"Eeh!"

"Ahahaha" Mahinang tawa ni Yman habang kinakamot ang pisngi gamit ang hintuturo.

Ilang sandali ay bumalik na ulit sa normal ang pinag-uusapan nila.

"Ang pagkakaalam ko, madalas ay binabantayan ng malalakas na halimaw ang mga Black Rose na ito." Sabi ni Lolla.

"May narinig din ako, na makukuha ang Black Rose sa halimaw na tinatawag na Hybrid Gigant Monster Plant. Ngunit ang rank nito ay nasa pagitan ng rank A at rank S. Malakas ang halimaw na ito." Dagdag ni Ms. Pai.

"Wala bang nagbibinta nito?" Tanong ni Yman.

"Meron, pero madalas sa mga subastahan/auction lang." Sabi ni Lolla.

"Eh?! Magkano naman kaya?!" Tanong ni Yman.

"10billion dollar madalas na starting price nito."

!!!Wha———t??!!!

Halos malaglag ang mata ni Yman sa socket nito nang marinig ang presyo ng Black Rose.

"Kukuku mukhang gulat na gulat ka."

"Eh? Sino naman hindi magugulat sa laki ng perang yan."

"Well, normal lang na mahal ang presyo." Sabi ni Ms. Pai.

"Bakit Ms. Pai?"

"Dahil pinapalakas daw ng Black Rose ang kapangyarihang taglay ng magician."

Gabi na nang makauwi si Yman sa kanyang tinitirhan. Pagkatapos magpalit ng damit ay humiga siya sa malambot na kama. Ngunit nahirapan siya makatulog dahil sa mga nalalaman.

Kaya pala mahina ang magic ko. Ay dahil hindi aktibo ang Hollow Cells sa aking katawan.

Black Rose ha? 10billion dollar? Malakas na halimaw?

Haaaa~! Nagpakawala si Yman ng mahabang buntong hininga.

Ano kaya pwedi kong gawin? Hmn! bukas ay walang pasok dahil may meeting ang mga adviser. Subukan ko muna magpapalevel. Kaso wala akong kasama. Try ko nalang kaya mag-isa, tapos uuwi nalang ako kung mapagtanto ko na delikado.


Load failed, please RETRY

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C11
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login