Download App

Chapter 2: CHAPTER ONE

SAMANTHA P.O.V ~

Ma!nasaan na po iyong pantalon na binili ko po kahapon? " tanong ko kay Mama pagkalabas ko ng banyo. Kasi ang alam ko inilagay ko ito sa kama ko bago pumasok .

"Anak! Ito ba ang hinahanap mo?" sabay pakita ni Mama nang pantalon na hawak niya.

Nanlaki naman ang mata ko sa aking nakita, tinatahi ni Mama ang aking pantalon na binili kahapon.

"Ma! ano po ba ang iyong ginagawa, ripped po iyan" nawika ko sa aking Mama, habang naka simangot.

"Anak! ano ba iyong ripped na sinasabi m0? Bibili ka nalang ng pantalon sira-sira pa!" nasabi ng aking Mama. Napasabunot ako sa akin buhok dahil sa tinuran ni Mama.

"Ma! akin na po iyan! Design po kasi iyan Ma! " nasabi ko sa kanya. Ibinigay naman ni Mama ang aking pantalon.

"Salamat Ma"patuloy ko.

Lumabas na si Mama ng aking silid at nagpatuloy ako sa aking ginagawa.

Isinuot ko na ang aking pantalon ,mabuti nalang at hindi pa nasisimulan ni Mama ang pag kukumpuni ng aking pantalon.

Kung nagkataon man ay hindi ko na ito magagamit.

Oo nga pala magpapakilala muna ako sa inyo ako nga pala si Samantha Madrigal labing pitong taong gulang at nasa huling taon ng high school.

Nakalimutan kong sabihin sa inyo na lalabas kami ng aking matalik na kaibigang si Aiza. Ang sabi niya sa akin ay manonood kami ng concert ng Exo.

Hindi naman ako fan ng mga ito. Pero dahil matalik ko siyang kaibigan ay sasamahan ko siya.

Nag suot lamang ako ng ripped na pantalon at pink t-shirt at pinartneran ko ng puting nike shoes at may lace na kulay pink. Nakalugay lamang ang aking mahaba na kulay itim kong buhok.

Sabi ng nakakarami maganda ako,bumagay sa akin ang aking mahahabang pilikmata,singkit na mata, medyo makapal na kilay, ilong na maliit pero matangos at labing manipis na mapupula.

Tiningnan ko ng maigi ang sarili ko sa malaking salamin na nasa aking harapan.

Nagulat ako dahil nakakakita ako ng diwata. "Ang ganda ko pala talaga" nawika ko sa aking sarili.

"Hoy babae! Saan ang punta mo at bihis na bihis ka? natigil ang aking pag-pupuri sa sarili ng marinig ko ang boses ng aking kaibigan mula sa aking likuran.

"Hoy ka rin! Kahit kailan talagang babae ka hindi ka marunong kumatok. Pasigaw kong wika sa aking kaibigan na si Aiza.

"Wait dyosababe! Diba may pupuntahan tayo? Sabi mo manonood tayo ng concert ng idol mong Exo? " dagdag ko pa.

Paano ba naman kong ako ay bihis na bihis itong kaibigan ko naman ay naka-pambahay . Siya itong fan pero hindi pa bihis.

"h-huh? w-wait? utal na sabi sa akin ng aking kaibigan.

"Oo nga manonood tayo , but wait bakit bihis na bihis ka naman dyan" kinunutan ko na lamang siya ng noo. Ano ba kasing klaseng kaibigan ito.

Sasagot pa sana ako nang hilain na niya ako palabas ng aking kwarto at pumunta sa bahay nila.

"Oh! ano naman ang gagawin natin dito sa bahay ninyo. Hoy! Babae mahuhuli tayo, may ticket kana ba?" pagtatanong ko sa kanya. Kunot noo lamang ang sagot niya sa akin.

Bigla siyang umupo sa kanilang sofa ,umupo na rin ako.

Tiningnan niya na lamang ako mula ulo hanggang paa at kinuha ang remote at binuksan ang kanilang telebisyon, tumambad sa akin ang mg sumasayaw na mga Exo.

"hahahahaha!" tumawa bigla ang aking kaibigan at sabay tingin sa akin kabuohan.

Alam kong namumula na ako sa inis, nararamdaman kong umaakyat ang dugo ko sa aking mukha dahil umiinit ito.

Gusto ko siyang sambunutan,tanggalan ng buhok, saktan, dahil hindi niya man lamang sinabi sa akin na sa dvd pala kami manonod.

Nagbihis pa naman ako ng maayos, bumili ng pantalon. Iyon pala ay sa bahay kami manonood.

Umalis ako sa tabi niya at binagsak na sinirado ang pintuan ng kanilang bahay. Hindi na ako nagpaalam sa kanya, dahil naiinis ako.

Diretso kong tinahak ang daan ,nakarating ako sa isang park na malapit sa aming sub- division.

Maraming bata ang narito ngayon kasama ang kani-kanilang mga magulang ang iba naman ay ang kanilang mga yaya.

Habang naglalakad ako ay nakakita ako ng dalawang tao na naglalambingan sa may bakanteng upuan.

Inilihis ko na lamang ang aking mga paa patungo sa ibang direksyon.

Baka kasi lalabas pa ang pagkabitter ko kong makikita ko ang kanilang mga ginagawa.

Napadpad na lamang ang aking sarili sa isang swing na napapalibutan ng mga puno ang bawat gilid nito.

Medyo malayo na rin ito sa mga maraming tao, bihira lamang itong napupuntahan.

Maliban na lamang sa mga mag jowa madalas dito tumatambay.

Umupo ako sa isang bakanteng swing at bumuntong hininga.

Dinuyan ko ang aking sarili, habang ang mga paa ko ay nakalapat sa mga buhangin.

Hanggang ngayon ay naiinis parin ako kay Aiza.

"tsskk!"alam kong may mali din ako kasi hindi ko tinanong kong saan kami manood. Ayan tuloy pero nakakainis kasi nagbihis pa ako.

Habang nag dadrama akong mag isa sa may swing ay may taong biglang lumapit sa akin.

"May nakaupo ba sa bakanteng ito?" napatingin ako sa isang boses ng lalaki.

Napaangat ang aking ulo mula sa pagkayuko dahil may katangkaran rin ang lalaking ito.

Tumambad sa akin ang gwapong lalaki, matangos na ilong, medyo mabibilog na mata, mahabang pilik mata, makapal na kilay at pointed lips.

"h-huh!w-wala po! "utal kong sabi sa kanya.

"maari ba akong maupo rito?" muli niyang tanong sa akin.

Tumango na lamang ako sa kanyang tinuran, bumalik na rin ako sa aking pag-yuko at dinuyan ng dahan-dahan ang sarili.

Ilang minuto na rin ang lumipas at wala akong narinig na ingay.

Kundi ang mumunting tinig na nagmumula sa mga batang naglalaro sa park na ito.

Kaya naisipan kong iangat ang aking ulo at tumigin sa kanang bahagi ko, baka kasi umalis na ang lalaking iyon.

Ngunit mali pala ang aking akala dahil nahuli kong nakatingin siya sa akin, ay mali pala kundi titig na titig sa akin.

Bigla akong binalutan ng takot sa buo kong katawan.

Aalis na sana ako ng pigilin niya ang aking mga kamay.

Lumapit siya sa akin "What is your name?" biglang bulong niya.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login