Download App

Chapter 69: Chapter Sixty-Nine

Tumakbo papunta kay Red si Angelo, mukha silang mag-ama na ilang taon hindi nagkita. Nagyakapan silang dalawa. Kitang kita ko ang tuwa sa mukha nilang dalawa. Para namang ang tagal nilang hindi nagkita.

"Wow Sammy, ang hot ng entrance ni Fafa Red," nakakagat labi si China habang nakatingin kay Red.

"Sobrang COOL pa nya!" saad ni Maggie na walang ipinagkaiba ang reaksyon kay China.

Pareho na silang tulo laway ngayon kay Red.

"DADDY!! DADDY!"

"SAVIEL ANGELO!" binuhat ni Red si Angelo at itinaas.

"Weeeee!! Superman!!" tuwang tuwang sabi ni Angelo.

Nilapitan ko sila. Nagseselos na nga ako, mas close si Angelo sa kanya.

"Red Dela Cruz ano sa tingin mo ang ginagawa mo rito?! AT NAGPAPAKAMATAY KA BA?!! HA??!! Ano'ng kalokohan na naman ba ang nasa isip mo at bigla kang tumatalon sa ere at nagpapaka-superman dito?!" bulyaw ko sa kanya habang nasa bewang ang dalawang kamay.

"Yeah Sam, I missed you too," bati nya habang patuloy na inihahagis sa ere si Angelo.

"Higher Daddy! Higher! Weeeee~!!"

Tignan mo 'tong mokong na 'to? Ni hindi ako pinapansin, ang dami ko'ng sinabi ah! Hindi parin ako makaget-over sa paraan ng pagpapakita nya sa harapan namin. Mag-parachute ba naman daw?! Hindi ba pwedeng gumamit nalang ng sasakyan para makarating dito nang normal? Hindi yung biglang tatalon sa chopper at maglalanding sa harap mo? My gosh! Baka mahawa sa kanya si Angelo.

"Na-miss mo ba si Daddy? Angelo?" tanong ni Red sa bata.

Tumigil na sya sa pagtaas-baba kay Angelo.

"Mm!" tumango tango si Angelo habang buhat ni Red sa braso nya.

Mukha talaga silang mag-ama. Pakiramdam ko isa akong OUTSIDER!!!

"Jared Dela—" naputol ang sasabihin ko nang may marinig akong matinis at mataas na tono.

Isang TILI. Grabe nakakabasag ng eardrums! Para syang pinagsama-samang tunog ng nag-aaway na pusa.

"KYAAAAAAAAHH!! RED BABY!!!"

Ano raaaw? Red baby? Sino 'yon? Lumingon ako sa direksyon ng tili at nakita ang isang babae in RED DRESS. Napataas naman kaagad ang kilay ko. Tumakbo sya papunta kay Red at ang una kong napansin ay ang kanyang tumatalbog na hinaharap. Ano bang cup size 'yan? D?

"REEEED!!" lumapit sya sa amin.

Maganda naman sya kahit papaano. Tipo ng ganda na nakababad sa make-up at kung anu-ano pa.

"Sino ka?" tanong agad ni Red sa babaeng kaharap nya.

Eh? Akala ko naman kilala nya. Hahaha! Feeling close, sino naman kaya 'to?

"Ako si Rica! Hindi mo na ako tanda gosh!" nag-flip sya ng buhok.

I hate her already. Ibinaba ni Red si Angelo.

"Ahh Rica. Right. Right! Rica..." parang pilit na inaalala ni Red kung sino ang babaeng kaharap nya. "We met in Cebu?"

"Hahaha! No, ako yung bestfriend ng slut na ex mo hahaha!" napakalapad pa ng ngiti nya habang sinasabi 'yon at hinampas nya si Red sa braso. Matagal bago nya alisin ang kamay nya sa braso ni Red.

I was shocked sa sinabi nya. WOW! Nice way to describe your bestfriend. At ang landi naman ng hampas na yon. Kailangan ba talaga may hampas at himas sa braso?

Akala ko isa sya sa mga naging babae ni Red dahil masyado naman sya kung makatili. Pero mukhang bitter lang sya sa bestfriend nya na nakarelasyon nitong lalaking 'to. Bakit ba sa lahat ng lugar laging may babae itong mokong na 'to?

"Ate Riri kilala mo si Red?" tanong ni China.

Ate? Tama ba ang narinig ko? May iba pa bang kapatid sina China at Maggie?

Tinignan saglit ng babae si China. "Of course I know him," nagpapa-cute nyang sabi habang nakatingin kay Red.

Sa tingin palang nya parang ginagahasa na nya si Red eh

"Daddy!! Daddy!!" higit ni Angelo ang pantalon ni Red. Hindi nya gustong may ibang umaagaw ng atensyon ng Daddy nya sa kanya.

Napatingin kaming lahat sa kanya. Tinaas ni Angelo ang dalawang kamay nya, nagpapabuhat.

"A-A-Anak mo?" gulat at hindi makapaniwalang tanong ni Rica-Riri whatever.

Binuhat ni Red si Angelo.

"Hahaha! I guess so?" sagot ni Red.

Buh! Himala! Hindi yata sya interesado sa babae ngayon? May himala? May nangyari kaya sa Bora noong naiwan sya? Ano'ng kababalaghan ang nangyari sa Bora?! Sinapian ba sya? Baka naman hindi si Red 'to? Imposible! Hindi sya interesado sa babaeng may Cup D-Size?

Hindi ba dapat gumagawa na sya ng mga 'The Moves' ngayon? Mga linya nya na nakakadiri pakinggan pero laging tumatalab sa mga babae.

"Oh my gosh! Sino ang—" napatingin sa'kin si Rica. "Ikaw?"

"Hmm?" tanong ko. Nakaturo sa'kin eh.

Ang pagkakatanong nya ng 'Ikaw?' parang dismayadong dismayado na ewan ah. Ano'ng gusto nyang palabasin ha? Naghahamon ba sya ng away? Buh!

"Fiancee sya ni Red Ate Riri," anunsyo ni Maggie.

"Whaaaat? You didn't tell me?" tanong ni Rica kay Red with teary eyes.

Paano nya sasabihin sa'yo? Ano ka ba nya? Hindi ka nga kilala eh. May sayad ba 'to? Bakit kung makaarte sya eh parang sya ang naging ex ni Red? Stress 'to ah.

"Uhh sorry? Fiancee ko si Sam, Sam si... Uhh... Rina," pakilala ni Red.

"It's Rica!" sabi nya kay Red sabay tingin sa'kin na tila hinahamon ako. "Rica Manrique."

"Hello, whatever," sagot ko.

Bigla akong siniko ni Red. Tinignan ko sya nang masama. Tinignan naman nya ako na parang nagsasabing 'be nice'. PSH!

"Hi I'm Sam," walang energy na sabi ko. "Samantha Perez."

Tinignan nya ako na para akong isang bagay na sinusuri bago bilhin.

"Ate Riri ano nga pala ang sadya mo rito? May date ba kayo ni Kuya Lucien?" usisa ni China.

"Gusto ko lang syang yayain sa exhibit sa art gallery. Wala kasi akong kasama," bigla syang tumingin kay Red. "Are you free?"

"No, he's too expensive," bulong ko.

"What's so funny?" tanong ni Rica kay Red.

Tumawa si Red. Narinig nya pala ako na bumulong.

"Nothing," sagot ni Red.

"Mommy, I'm hungry."

Mabuti nalang sumabat si Angelo. Hindi ko alam pero badtrip ako bigla. Basta. Siguro malapit na akong magka-meron. Highblood. Bad Vibes. Stress. Ewan ko ba. Basta naiinis ako.

Pumasok na kami sa loob ng bahay. Kasabay ko si Michie na tahimik. Siguro iniisip parin nya ang tungkol sa problema nya. Hmm. Kailangan ko nga sigurong kausapin ang Lola nya o kaya si Lucien.

Sabay na naglalakad sina Red at Rica, nahuhuli sila maglakad. Yung parachute ni Red, inayos ng isang katiwala na dumating. Ang lakas talaga ng tama nitong lalaking ito. Nauntog siguro 'to at lumuwag ang turnilyo sa utak. Parachute daw ba? Akala ko lulusubin na kami ng mga rebelde at militar eh. Signs of Paranoia ba ito?

Nakita namin si Lucien na naghihintay sa hapagkainan. Nakakahiya naman, pinaghintay namin sya. Hindi sumasabay sa pagkain ang Lola ng Crazy Trios. Sa silid nya sya kumakain. Isang beses ko lang syang nakita. Mukha naman syang ordinaryong Lola pero bakas sa kanya na makapangyarihan sya. May aura sya ng isang reyna.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C69
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login