Download App

Chapter 90: Chapter Ninety

Miracle Samantha Perez

"Mommy and Daddy sitting on a bed K-I-S-S-I-N-G~!"

Parang awa mo na Angelo, tigilan mo na ako. Kanina ka pa kumakanta dyan. Mababaliw na ako sa aking pauli-ulit na naririnig. Naiisip ko tuloy 'yung nangyari dahil sa kinakanta niya! Parang may sariling video recorder sa isip ko na naka-automatic play dahil sa pauli-ulit na kinakanta ni Angelo.

Inakusahan na nga ako ni Red na may pagnanasa raw ako sa kanya, pati ba naman ikaw ibu-bully rin ako? Sa kanya ka talaga ipinaglihi ni Mama kaya magkatulad kayo.

"Mommy loves Daddy~!"

"Angelo!"

"Why Mommy? You kissed Daddy, that means you love him!"

Naiinis na ako sa madaldal kong kapatid ko. Bakit ba kasi isa syang henyo?

"You only kiss someone when you love them, right Mommy?" tanong ni Angelo.

"P-Pero baby, ganito kasi 'yun eh, hindi naman kasi sinasadya ni Mommy na—"

"If you kiss someone you don't love, that means you're a...a..." Hinawakan niya ang kanyang baba at sandaling nag-isip. "A playgirl Mommy."

Haaaaaa??? Sinabi ako ni Angelo na playgirl ako?!

"No baby, Mommy is not a playgirl."

WAAAAAAAAAAHHH! Si Red ang playboy rito eh! Bakit ako ang sinabihan ni Angelo? Ang daya naman! Hindi ko naman alam na haharap pala si Red nun! Bakit kasi bigla siyang humarap sa'kin?!

Nahalikan ko tuloy siya sa... Hindi. Hindi. Hindi ko dapat isipin ang nangyaring 'yon!!

"Then Mommy loves Daddy! Mommy and Daddy sitting on a bed K-I-S-S-I-N-G~!"

Ayoko na. Suko na ako.

"Sino ang nag-kiss, Angelo?"

Huck! Lagot na!

Ang Crazy Duo, dumating naaaa! LAGOT AKO NITOOOO!!! Angelo, huwag mong sasabihin!

"Oo nga, sino ang nag-kiss, Angelo?" tanong ni Maggie habang nakangiti nang malapad.

Binigyan ako ni Angelo ng inosenteng tingin. Tila ba itinatanong niya sa'kin kung sasabihin ba niya iyon o hindi. Umiling ako at sinenyasan siya na tumahimik. Ngumiti naman sa'kin si Angelo. Mabuti naman at naintindihan niya ang ibig kong sabihin. Makakahinga ako nang maluwag—

"Mommy kissed Daddy on the lips!" masayang anunsyo ng kapatid ko.

HINDEEEEEEE!!! Angelo, bakiiiiittt?!

*Jared Dela Cruz*

Ah takte! Bakit sinisinok ako? Tsk! Ang dami ko nang naiinom na tubig ah.

"Hi Red, baby~!"

Napatingin ako sa nasa harapan ko. Ano 'tong maputing 'to?

ASDFGHJKL!!!!!!!

Dibdib ng babae!

Muntik ko nang maibuga ang iniinom ko! Napasandal ako sa upuan at itinaas ang tingin ko sa mukha niya. Si Rica pala. Ampupu namanng babae 'to. Itapat ba naman daw sa mukha ko? Tumawa siya.

"Kumusta ka na?" Umupo siya sa tabi ko. Agad niyang iniangkla ang kamay niya sa braso ko.

Sa kauna-unahang pagkakataon, ngayon lang yata ako nandiri sa isang babae. Tumayo ako kaya naman natanggal ang pagkakakapit niya sa akin. Ano ba ang ginagawa ko? Kanina 'yung nurse na babae ang iniwasan ko, ngayon naman pati si Rica?

Nakakaramdam ako ng guilt. AH TAKTENG 'yan! Ano ba ang nangyayari sa'kin?! Ayaw kong hihahawakan ako ng mga babae. Ayaw ko nang may ibang humahawak sa'kin maliban kay...

Ah! May sakit nga yata talaga ako. Mababaliw na siguro ako! POTEK! Tsk! Muli akong uminom ng tubig. Mukhang mayroon yata akong kabag.

Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko. Para akong kinakabahan na nae-excite. Tila may umiikot sa loob ng tiyan ko. Di kaya LBM? Pero wala naman akong nakaing sira kanina. AH! Bibili na lang ulit ako ng gamot. Magpa-check up na rin kaya ako? Di kaya may cancer ako?

"Red baby~" sambit niya habang dahan-dahang hinahaplos ang dibdib ko. Nakapulupot na naman siya sa akin. Ano ba? Namfufu naman oh!

"Alam mo ba, nakita ko kanina si Lee Perez," sabi niya habang patuloy na hinihimas ang dibdib ko.

Walang genie dyan! Kahit anong himas ang gawin mo, walang lalabas dyan.

"Ang gwapo niya, gosh!" bulalas niya.

Nandidiri ako sa sarili ko ngayon. Tila ang dumi ko na.

"Siguro, nandito siya para sa'kin hahahaha! My gosh ang ganda ko talaga!"

Ang tapang ng pabango niya. Nak ng tokwa! Baka kumapit sa'kin ang amoy ng pabango nito. Paano kung maamoy ni Samantha? Baka isipin pa niya na may kung ano kaming ginawa ng babaeng 'to. Nalintikan na! Inalis ko ang kamay ni Rica mula sa dibdib ko. Lumayo ako sa kanya at hinarap ko siya.

"B-Bakit, Red?" nakangusong tanong niya. Red lipstick pa naman ang gamit nya. Noon, gustong-gusto kong halikan ang mga babaeng naka-red lipstick pero sa pagkakataong ito, nandidiri talaga ako.

Huminga ako nang malalim.

"May sasabihin ako sa'yo at hindi ko na 'to uulitin pa," seryosong sabi ko sa kanya.

Wala na talagang ibang paraan. Ngayon ko lang 'to gagawin. Paksyet naman oh! Si Jack ang madalas gumamit ng taktikang ito eh. Pero epektib naman! Siguradong pagtatawanan ako ni Jack kapag nalaman niyang ginawa ko 'to.

*Rica Manrique*

Oh My GOSH!! I'm so excited!! Magpo-propose na ba siya sa'kin ng kasal?! Tatanggapin ko ba?! Pero paano si Lee? My Gosh! Ang ganda ko kasi eh, ang laki tuloy ng problema ko! Pero mas type ko si Red. I want him! Ang tigas-tigas kasi ng katawan niya!! Siguro naman papayag siya na maging number two ko coz I really want Lee as my husband! GYAAA!

Hinintay ko siyang magsalita. Hetoo na! Pero paano ko siya tatanggihan?

"Hindi tayo talo," sabi niya.

What?

"Isa akong bekii sister~!" sabay pilantik ng kamay niya.

What did he say? B-Beki..Be...ki..?

"ARE YOU KIDDING ME?!"

"Sister! Ang bango ng perfume mo! Type ko 'yan. Ahihihihi! Shhh ka lang huh? Secret lang natin 'to," Kinindatan niya ako.

WHAT THE!!! H-HE'S GAAAAAAAYYYYYY?!!!! OH MY GOSH!!!!!!

EEEEEEEEEWWWWWW!!!!!

*Michelle Santa Maria*

May narinig akong sumigaw. Sino ang beki? Dahil dito ay lumiko ako sa hallway at nakita ko nga ang fiance ni Sammy! Isa siyang Bekii?

"Ahh...kaya naman pala ganyan ang hitsura niya. Ngayon alam ko na," tumatango-tangong bulong ni Lee. "Bakit nga ba hindi ko kaagad napansin?"

Holoooooo..! Paano si Sammy?


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C90
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login