Download App

Chapter 135: Chapter One Hundred Thirty-Five

"Galit ka parin?" tanong sa'kin ni Timothy.

"Hindi!" mataray kong sagot sa kanya. Pagkatapos mong pag-tripan na ang hinaharap ko itatanong mo 'yan sakin? Ang mga lalaki talaga! Insensitive!

"Prove it Wifey, kiss me."

"Heh! Naka-kiss ka na sakin kanina ha! Puro ka nalang kiss!"

"Miracle."

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap sya. "Ano?!"

"I demand a kiss." ASDFGHJKL!!!

Dapat talaga hindi na ako magulat sa pagiging demanding nya. Pero sobra ang demanding nya talaga! Bumalik na sya sa pagiging Hari nya.

"Ayoko nga. May kiss ka na sakin kanina ah!"

Nagkibit balikat sya. "It's different."

"Ano'ng different?" Tinaasan ko sya ng kilay.

Anong klaseng kiss ba yung gusto nya?

"I kissed you first, now I want you to kiss me." Halata sa mukha nya na natutuwa sya sa ginagawa namin ngayon. Pinaglalaruan ba nya ako?

AAAAAAAAAAAHHH!!! "Mababaliw na talaga ako sa'yo Timothy! Para kang bata na matanda!"

Naging blanko na naman ang mukha nya. "Kiss me Wifey."

"Ewan ko sa'yo!" Tinalikuran ko na sya. Bahala sya!

"Ahahay! Papa ako nalang ang ki-kiss sa'yo! Libre pa!"

Eh? Napatingin ako dun sa babae na... Teka lang. Binabae pala! Nasa booth sya na Kissing Booth! Pero ang ganda nyang bading. Kung hindi lang malaki ang boses nya hindi ko malalaman na bading sya. Ang dami na talagang magagandang bading. Yung iba mas maganda pa sa mga tunay na babae.

"AHAHAY PAPA! Sige na! Libre lang para sa'yo!"

Tinignan sya ni Timothy. Nagamit na naman nya ang nakakatakot nyang tingin. Bigla tuloy lumamig ang paligid.

Nanlaki ang mga mata ng bading na humihingi ng kiss. "AHAHAHAY!! SCARY!!!" Umatras sya kay Timothy at nagtago sa booth.

Natampal ko ang noo ko. Ayan kasi. Hinila ko na sa kamay si Timothy para lumayo sa booth na 'yon. Bakit ba may ganong booth dito? Ang weird naman. Tumigil ulit kami sa bench na inupuan namin kanina. Umikot na pala kami? Umupo ako sa bench. Umupo si Timothy sa tabi ko.

"Hahahaha!" nahakawak sa tyan na tawa ko.

"What's funny?"

"Eh kasi—hahaha! Kasi-hahaha! Kasi kanina-hahahaha!" Hindi ko mapigilan na tumawa. "Hahahaha! Nakakatawa talaga! Hahaha!"

"Tss. You're laughing at me now?"

"Hahaha! Eh kasi pati ba naman bading nagkakagusto sa'yo? Hahahaha! Wow! Ibang klase talaga yang charms mo! Hihihi!"

Naalala ko yung bading kanina na naka-nguso kay Timothy habang nahingi ng kiss at si Timothy na galit.

"You." Bigla nyang kinurot ang dalawa kong pisngi. "It's your fault."

"Waaaaah! Ang pishngi ko."

Tinatanggal ko yung kamay nya pero ayaw matanggal. Binitawan na nya yung pisngi ko. Hinimas ko ang pisngi ko. Fuuuuu. Lagi nalang nya pinagti-tripan pisngi ko. Pero ayos na yun! Ligtas naman ang dibdib ko!

"Haha!"

Tumingin ako kay Timothy nang nanlalaki ang mga mata. Tumatawa sya.

"Tumatawa ka?"

"Yeah," nakangiti syang humarap sakin. "Do you know the reason why?"

Yiiiiiiieeeeehh. Alam ko na yan eh, sasabihin nya sa'kin 'Because you make me happy.'

"Oo naman! Kasi pinapasaya kita! Hahaha! Kala mo ha! Alam ko na yang mga ganyan mong linya eh."

Tinignan nya lang ako gamit ang blanko nyang mukha. "No Wifey, it's because you look hella funny." Itinuro nya ang pisngi nya tsaka ngumiti, sabay alis.

Pisngi? Kinuha ko yung salamin ko sa handbag. Tinignan ko mukha ko. AAAAAAAHHHH!!! Ang pula ng pisngi ko!! Dahil sa kurot nya to. Mukha akong Siopao na bola-bola. May pula sa gitna.

"TIMOTHY!!! Bumalik ka rito!!!" Nakita ko sya na nasa malayo na. Nagpatuloy lang sya sa paglalakad. Lumingon sya sakin saglit, ngumiti sya at muling nagpatuloy sa paglalakad palayo. "Timothy!!!" Hinabol ko sya. Salbahe ka Timothy!


CREATORS' THOUGHTS
AlesanaMarie AlesanaMarie

Vote~ Vote~ Vote~ Thank you~ :)

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C135
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login