Download App

Chapter 181: Chapter One Hundred Eighty-One

Audrey Dela Cruz

Shit. Isang malaking SHIT. Bakit ba ako minamalas ng ganito? Leche. Nagmu-move on na nga ako tapos bigla siyang susulpot?! At bakit sobrang gwapo niya ngayon? Leche 'tong panget na 'to! Ayaw akong pag-move-on-in. Gosh, Audrey get a grip of yourself! So what kung nandito ang ex mo? So what kung mukha siyang hot male model ng penshoppe? So what kung nakuha niya ang atensyon ng mga babae rito?

So effin what?! Just move on okay? Gah! Sinabi ko ba talaga na mukha siyang model? Simpleng blue shirt at jeans lang ang suot niya. Bakat na bakat ang muscles nya. Ay, leche!

Umiwas nalang ako ng tingin. Baka isipin pa niya may feelings pa ako sa kanya. Neknek niya! Hinding hindi niya malalaman na sobra parin akong nasasaktan dahil sa break-up namin.

Pinigilan ko na maluha. Be strong Audrey. Hindi ka naging si Audrey Dela Cruz for no reason! You're strong and independent. Most of all, you don't need a guy like him to be happy. Sumumpa ka na hindi iiyak sa harap niya. Just act like your usual self, dammit! Napatingin ako sa kanila nang marinig ang pangalan ko. Shit, ano daw 'yon?

"Audrey nawawala si Sammy," naka-labi na sabi ni Michie.

"So? Baka nasa loob na sila ni Kuya." Nagpasalamat ako dahil normal lang ang boses ko. Hindi halatang kinakabahan ako.

Mula sa gilid ng mata ko ay nakikita ko siya. Nakatingin siya sakin. Leche. Ano'ng tinitingin-tingin niya? Ihampas ko sa kanya 'tong Hermes bag ko e.

"Pasok tayo sa loob," mabilis na anyaya ni Jack.

"Nakakuha ka ng ticket, babe?" tanong sa kanya ni Maggie.

"Of course naman! Ako pa? Binili ko yung ticket ng ibang couples." Ipinakita ni Jack ang walong ticket.

"Wow! Ang galing mo talaga!" puri sa kanya ni Maggie.

"Syempre naman Maggie babes!"

Leche! Sino ba nag-imbento ng Valentines shit na yan? Napansin ko na nahati by partners ang grupo. Sina Jack at Maggie, Pip at China, Michie at Seven.

"Ano ba ang magandang brand ng bag? Alam mo kasi bibilhan ko si Aril eh," tanong ni Seven kay Michie.

"Si Aril yung kapatid ninyong bunso ni Six diba? Bakit di mo sya bigyan ng jansport o kaya Levis? Sa tingin ko style niya mga ganon eh," sagot ni Michie.

"Tama ka," na-amaze na sagot ni Seven. "Ang talino mo talaga!"

"Hihihi! Thanks!"

Ugh. Weirdos. Magkasundo silang dalawa. Pareho silang simple minded. Tsk. Nakakainis. Set up ba 'to? Gah!

"Mas gusto ko si Lacey ng Flyleaf kaysa kay Haley ng Paramore," sabi ni China. Kausap naman niya si Pip.

"Pareho naman silang cool eh," sagot ni Pip.

"Kung ganon ano ang mas gusto mo? Parokya ni Edgar o Kamikazee?" China.

"Hahaha! Pareho."

"Hahaha! Ako rin!"

"Wow pareho tayo ng taste sa music"

"Oo nga eh, nakakatuwa hahaha!"

Geez! Napatingin ako sa harap ko. Leche! Naka-eye to eye ko si panget! Nyeta! Nanghihigop ang mga mata niya. Ano ba ang gusto nito? Umiwas ako ng tingin. Todo effort ako dun. Ang hirap iwasan ng tingin niya! Naramdaman ko kaagad ang mabilis na tibok ng puso ko. Apektado parin ako. Simpleng tingin palang yon pero…

"Guys! Pasok na tayo sa loob" tawag ni Jack.

Ipinamigay niya na ang mga tickets.

"Kita-kita nalang tayo mamaya," sabi ni Maggie.

"What do you mean kita-kita mamaya?" tanong ko. Nakaramdam ako ng kaba.

"Magkakahiwalay kasi yung mga seats na nakuha ni Jack eh. Mula kasi 'yan sa iba't-ibang couples kaya hindi magkakatabi," sagot ni Maggie sa tanong ko.

Namutla ako. Hindi magkakatabi?! COUPLES?! Ibig sabihin by partner?!

"W-Wait! Sino ang katabi ko?" tanong ko.

Ngumiti sila.

"Si Omi. May iba pa ba?" sagot ni China.

Mas lalo akong namutla. Napatingin ako sa katabi ko. This can not be happening to me! NO!

***

Miracle Samantha Perez

Nakaupo na kaming dalawa ni Jared sa seats namin. VIP tickets ang binili niya kaya nasa bandang unahan kami. Ilang minuto nalang bago mag-umpisa ang program. Anong sasabihin ko? Kailangan ko siyang kausapin. Kaso hindi ko alam kung ano ang una kong dapat na sabihin.

Awkward. Kapag naaalala ko yung mga sinabi ko kay Red noong naging ice queen ako gusto kong malusaw sa kahihiyan! Patawarin niya sana ako! Wala ako sa sarili ko non!

Napatingin ako sa kabilang direksyon. Nakita ko si Audrey. Katabi niya si Omi. Mukhang awkward din sila. Di lang pala ako ang nakakaramdam ng ganito. Kahit papaano sumaya ako nang kaunti. Hindi kasi ako nag-iisa. May karamay ako. Dee!

Nag-umpisa na ang concert. Isang tagalog love song kaagad ang kinanta ni Richard Poon sa stage. Nabighani kaming lahat sa ganda ng boses niya.

~Ang nakalipas ay ibabalik natin

Ipapaalala ko sa'yo, Ang aking pangako

Na ang pag-ibig ko'y laging sa'yo

Kahit maputi na ang buhok ko~

Napatingin ako sa katabi kong si Jared. Nakangiti siya habang nanonood sa performance. Mahina rin siyang kumakanta, hindi ko naririnig pero nakikita ko na sumusunod sa kanta ang galaw ng bibig niya.

Naalala ko tuloy nang kantahan niya ako habang sumasayaw kami sa Ball.

Naalala ko pa kung gaano kasaya at kalungkot ng gabing 'yon.

Muntik nang lumabas sa katawan ko ang puso ko nang bigla siyang lumingon sa akin. Mabilis akong nag-iwas ng tingin! Napahawak ako nang mariin sa armrest ng upuan ko.

"Nag-eenjoy ka ba?" usisa niya.

"H-Huh?" Napatingin ako sa kanya. "Oo naman."

"Nilalamig ka ba?"

"Huh?"

"Para kasing nanginginig ka." Hinubad niya ang jacket niya at ibinigay sa akin.

"A-ah! Okay lang ako," tanggi ko sa kanya. Nahihiya ako.

"Samantha, isuot mo na," sabi niya. Ang seryoso niyang mga mata ang nag-udyok sa akin na kunin na ang jacket niya.

"Salamat," mahinang sabi ko.

Ngumiti siya sa akin. "I want to enjoy this night with you. Kaya dapat komportable ka rin."

Napasinghap ako sa concern na nakita ko sa mga mata niya. Isinuot ko ang jacket niya. Medyo malamig nga dito sa loob ng arena. At dahil na rin siguro sa kaba kaya ganito ako. Nahalata kaya niya na awkward ito para sa akin?

Sobra akong nalulunod sa pagsisisi sa nagawa ko sa kanya. Siguro nga kailangan na namin pag-usapan ang tungkol sa aming dalawa. Naramdaman ko ang mainit na kamay ni Red na humawak sa kamay ko na nakapatong sa armrest. Hindi naman siya nakatingin sa akin, sa stage lang ang focus niya. Mainit ang kamay niya at komportable ang hawak niya sa kamay ko. Hinayaan ko nalang na hawakan niya ang kamay ko. Kung ang maliit na bagay katulad nito ang makapagpapasaya sa kanya, okay lang. At katulad ng sinabi niya, naging komportable na rin ako habang nanunuod ng concert.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C181
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login