"AJ, pag nagka problem ka sa mga bank account na yan sabihin mo lang sa akin at at handa akong tumulong sa'yo!"
Sabi ni Atty. Rico paglabas nila ng kulungan.
Isang napakalaking bagay ang ibingay ni Fidel kay AJ at magpanghanggang ngayon hindi pa rin nya alam kung ano ang mararamdaman nya dahil hindi pa rin sya makapaniwala sa napakagandang blessings na dumating.
Sa isang iglap, masosolve na nya ang problem ng farm kaya masaya sya pero .... alam nyang kailangan na rin nyang harapin ang mas napakalaking problemang parating.
Ang mga kamag anak ni Jaja na kumamkam ng yaman ng pamilya nila.
'Mukhang hindi ko na mapipigilan mangyari ito, kaya kailangan ko ng harapin.'
"Attorney, kilala nyo rin po ba ang Papa ko?"
Tanong ni AJ
"Oo iho, sikat na sikat kasi ang Papa mong si Jaja, saka, isa ako sa natulungan ng Papa mo sa pagaaral ko kaya ako naging lawyer ngayon.
Gaya ni Fidel, malaki rin ang utang na loob ko sa Papa mo!".
Sagot ni Atty Rico.
"I mean, personal po. Nakita nyo po ba sya ng personal?"
Muling tanong ni AJ.
"Oo naman, mga ilang beses na rin pag isinasama ako ni Fidel sa farm! Si Fidel kasi ang nagaayos ng accounting matters ng winery ni Jaja at ako ang tumutulong kay Fidel sa mga legal matters."
May pagka proud na sabi ni Atty. Rico.
"Eh, Attorney ..... totoo po bang may hawig ako sa Papa?"
Curious na tanong ni AJ.
Tinitigan sya ni Atty Rico tapos ay hinawakan ang mukha nito at sinipat sipat saka pinisil pisil pa ang pisngi.
Mas matangkad kasi si AJ sa kanya 6 footer ito.
"Siguro .... kung magpapatubo ka ng bigote saka ng balbas, baka! Hehe!"
Natutuwang sabi ni Atty Rico. Sa isip nya kasi, anak ito ni Jaja kaya natural lang na may hawig sila kahit konti.
"Ay ayoko nga po!"
Biglang sabi ni AJ
"Bakit naman ayaw mo? Tingin ko bagay nga sa'yo may balbas at bigote, magmukha kang bossing! Hehe!"
"Baka po kasi hindi magustuhan ng girlfriend ko!"
"Aysus, kaya pala! Hehehe!"
Pero napaisip din si AJ
'Magustuhan kaya ako ni Coffee pag may balbas ako at bigote?'
"Pero AJ, alam mo kung sino ang mas kamukha mo? Yung taong nakikita ko pag tinititigan kita?"
"Sino po?"
Curious na tanong ni AJ.
"Ang Lolo mo! Si Don Aaron Raquiñon!"
*****
Samantala.
Sa TAMBAYAN na dumiretso si Eunice pagkatapos ng board meeting. Dito na nya pinapunta si AJ kesa sunduin pa sya sa NicEd Corp., hindi rin naman kasi sure ni AJ kung anong oras sya matatapos.
Nagmamaktol pa rin sya dahil sa desisyon ng Daddy nya na itrain sya.
Nuon pa man sinabi na nya sa ama na hindi sya interesado sa NicEd Corp. dahil mas gusto nya na magkaroon ng sariling business kaya expected na nya na ibibigay nya ito kay Earl.
Kaya hindi nya maintindihan kung bakit gusto pa rin ng Daddy nya na itrain sya?
At kahit anong tutol nya wala syang magagawa. Takot nya lang sa Daddy nya lalo na at nag agree din ang Mommy nya.
Ang dahilan ng Mommy nya, dumarami raw ang peste sa paligid nila at kailangan nyang maghanda.
Nakakailang hakbang pa lang si Eunice ng maramdaman nyang may nakatingin sa kanya.
Napahinto sya, lumingon at tumingin sa paligid. Pero wala naman syang napansing kakaiba. Tila biglang nawala ang naramdaman nyang nagmamasid sa kanya.
Napansin sya ni Reah kaya agad sya nitong nilapitan.
"Bakit Ms. E, may problema ba?"
"Hindi ko sure Ate Reah, pero kanina, feeling ko may nagmamasid sa akin."
Naalarma si Reah sa sinabi ni Eunice.
"Ms. E, mabuti pa pumasok ka na loob at ako ng bahala maghanap kung sino man yun!"
Sabi ni Reah.
Sumunod naman si Eunice at pumasok agad sa loob. Kinalimutan na ang naramdaman nya kanina.
Gaya ni Eunice, wala din kakaibang napansin si Reah pero hindi sya tumigil sa pagmamasid at inisa isa ang paligid.
Mabuti ng nagiingat!'
Hanggang sa dumating si AJ.
Ganito sila everyday bago magtungo sa ospital para dalawin si Lola Inday, nagtutungo muna sila sa TAMBAYAN bago dumiretso sa ospital.
Hindi na rin naman sila nagtagal ng TAMBAYAN.
At ng pasakay na sila ng sasakyan, muling naramdaman ni Eunice na may nagmamasid sa kanila pero this time hindi na nya ito pinansin. Ayaw nyang masira ang mood nya.
*****
"Lola good news, lalabas na po kayo bukas!"
Masayang sabi ni Eunice pagpasok nya ng silid ni Lola Inday.
Sa sobrang saya, inakap nya pa si Lola Inday.
"Haaay salamat inip na nga ako dito, gustung gusto ko ng umuwi ng bahay!"
Sabi ni Lola Inday.
"Pero Lola, hindi na po tayo pwede sa bahay natin sa Bulacan. Naibenta ko na po ang bahay na yun kay Mel. Saka, ayoko na pong bumalik pa kayo duon!"
Sabi ni AJ.
"Ha? Bakit mo naman ibinenta? Bigay iyon ng Mama mo sa'yo apo!"
"Kasi po Lola hindi na po natin iyon kailangan dahil simula ngayon ay isasama ko na po kayo sa farm. Ayaw ko na po kayong mawala sa tabi ko!"
Hindi pa rin kasi mapatawad ni AJ ang sarili dahil sa nangyari kay Lola Inday, saka hindi pa rin nahuhuli si Lemuel.
Nalulungkot man si Lola Inday dahil iiwan na nya ang bahay pero mas mahalaga ang apo nya at ang kinabukasan nito. Saka, hindi naman iba ang nakabili, si Mel pala ang best friend ni Eunice.
"Pero apo paano si Eunice, iiwan mo na si Eunice?"
Tanong ni Lola Inday.
"Ay hindi po Lola! Hindi po ako papayag na iwan ni Milky dahil itatanan ko na po sya!"
Buong ngiting sabi ni Eunice.
Napatingin si Lola Inday sa dalawa, hindi nya alam kung seryoso ba o nagbibiro lang.
"Seryoso ka ba sa sinabi mo, Ineng?"