Download App

Chapter 3: 2

Sa comfort room ng establisimyentong iyon humantong si Jean. Padabog na kumuha siya ng tissue saka bahagya iyong binasa. Iyon ang idinampi niya sa nabasang parte ng blouse niya.

Napangiwi siya nang maalala ang nakalipas pa lamang na eksena. Nakita siya ng kaibigan nito. Sasabihin kaya iyon ni Josh? Malamang na oo dahil close ang mga ito. O kung hindi naman ay malamang na ipa-ban na siya sa lugar na iyon. Hindi lingid sa kaalaman niya na galit maging ang mga kaibigan ni Apollo sa kanya dahil sa ginawa niya. At ngayong nakita na siya ni Josh sa restobar na ito mismo ang nagmamay-arI ay malamang nga na hindi na siya hayaan nitong makapasok doon.

Napabuntong-hininga siya. Her plan was just to see him even from afar. Now she was busted, she has no way of seeing him again. Unless she will go to his office directly just to meet him which is definitely impossible. Baka nasa lobby pa lamang siya at sinasabi pa lamang ng receptionist ang pangalan niya ay ipinatapon na siyang palabas nito.

Ipinagtanong pa niya sa dating batchmate nila kung saan niya maaaring makita si Apollo maliban sa opisina at sa bahay nito. Pagkatapos ngayon ay parang gusto na niyang gawing option ang pagpuslit papasok sa opisina nito. She was like a fan that was trying to stalk her crush. Ngunit hindi iyon ganoon kasimple. Apollo hates her. At hindi siya isang fan na may pag-asang i-accomodate nito. She might even be the least person he ever wanted to see.

Pero bahala na. Hindi naman pwedeng tumanaw-tanaw na lamang siya rito. She would be showing herself to him eventually. Hihintayin na lamang niyang dumating ang pagkakataong iyon kapag siguro handa na siyang harapin ito at sabihin ang lahat dito.

Itinapon niya ang nagamit na tissue saka lumabas na ng comfort room. Ngunit hindi pa man siya tuluyang nakakalabas ay may humila na sa kanya at isinalya siyang pasandal sa gilid ng pintuan. Napatingin din siya sa pad na lumapat sa gilid ng ulo niya. At nang iangat niya ang tingin sa kung sino mang nasa harap niya ay nagsimula naming magwala ang puso niya.

"A-apollo..."

"What are you doing here, Jean?" ang malamig na sabi nito. It was different from the way she remembered it. She always felt warm whenever she hears his voice. Now it has pure coldness. Colder than how he would probably talk to a stranger. Maybe because she was worst than a stranger to him now.

"I.. ahm---" huminga siya ng malalim. Matagal niyang inisip kung kailan at kung paano siyang makakapagpaliwanag kay Apollo at mukhang binibigyan siya ng pagkakataon na gawin iyon nang mga oras na iyon. Kinalma niya ang sarili bago muling nagsalita. "Apollo, about why I left you before---"

"Don't." his eyes turned to her fiercely. "Don't even dare explain to me now."

"But---"

"I'm asking you what you're doing at this place?" putol nito sa sinasabi niya.

"O-of course I came to see you." matapat na sagot niya. "It's not my plan to explain to you tonight and definitely not in front of comfort rooms but it has always been my plan to explain everything that had happened."

"Then don't bother. I don't have any plans of hearing it anyway." simpleng sabi nito at binawi ang pagkakalapat ng kamay sa dingding at namulsa. "Go home, Jean" sabi nito saka nagsimula nang maglakad palayo.

Hindi naman niya alam ang gagawin. At bago pa man ito mawala sa paningin niya ay natagpuan na lamang niya ang sariling tinatawag ang pangalan nito.

"Hindi ka man lang ba makikinig sa paliwanag 'ko? There's a lot of things that you don't know!" sigaw niya rito.

Bagaman hindi ito lumingon ay tumigil naman ito. Ilang sandali itong nakatayo lamang doon bago niya muling narinig ang boses nito.

"I know enough." sabi nito. "And everything between us ended three years ago."

"Apollo.."

"I don't want to see you ever again." sabi nito nang hindi pa rin siya nililingon. "Take care."

Hindi niya alam kung ano ang mas masakit. Ang iwan ito noon kahit pa nais ng puso niyang makasama ito, o ang talikuran nito ngayon kung kailan handa na siyang ayusin ang nagawa niya noon.

Nasapo niya ang mukha ng kanyang mga palad. She thought she experienced a miracle a few months ago. Now she was not sure anymore.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login