Download App
"The 3 Bad Boys & My Bestfriends" "The 3 Bad Boys & My Bestfriends" original

"The 3 Bad Boys & My Bestfriends"

Author: Beejay_Santiago

© WebNovel

Chapter 1: CHAPTER 1 - How To Welcome A Newbie In School?

Lunes na, panahon na naman ng panibagong araw sa klase. Si Amanda Elizabeth Santibañez, isang bagong scholar student sa Willford Montessori School kung saan, kasama niya na rin ang mga kaibigan niyang si Charina at Janina, at hanggang sa pagpasok, tinatanong ng dalawa niyang kasama kung saan ang kanilang classroom. "Mga sis, saan kaya ang classroom nating tatlo? Feeling ko, doon tayo sa 9-Diamond," saad ni Amanda. "Ewan ko nga eh, kinakabahan na ako kung hindi ba tayo magkakaklase," sabi naman ni Charina, "Baka sa 9-Amethyst ako mapupunta," sabi naman ni Janina. Nang makita nila ang listahan ng nag-enroll noon, tatlo nga silang napunta sa 9-Diamond.

"Ang saya natin, mga sis. Magkakaklase na rin tayong tatlo, yehey," sayang-saya na sabi ni Charina. "Pero teka, may kaklase ba tayong Richard Maningas? Marcus Delos Reyes? At Ian Delos Santos? OMG, baka kasi mga bully iyang mga iyan," sabi naman ni Amanda. "Mabait siguro iyang mga iyan, hindi kasi sila mga BULLY eh, kagaya ng mga babaeng dating nag-aral dito sa montessori school," sabat pa ni Janina. "Meron pa rin tayong makakalaban na gaya nila, natatakot na talaga ako eh," sabi ni Charina.

Biglang may nagpakita sa kanila na grupo ng mga lalaki, kaya nagulat ang tatlo sa kanilang nakita. Nagtanong ang mga lalaking ito sa mga babae. "Anong pangalan niyo, mga binibini?," ang tanong ni Richard sa mga babae, "Ako nga pala si Janina, Janina Dela Vega, you can call me Janine, for short," pagpapakilala ni Janina sa mga lalaki. "Ako nga pala si Amanda, Amanda Santibañez," sabat ni Amanda sa tatlong lalaki. "Ako nga pala si Charina Kaye Mendoza, you can call me Charee for short, scholar kasi ako dito sa Willford Montessori School. Ano naman ang pangalan niyong tatlo? Gusto naming malaman eh," sabi naman ni Charina.

"Ako nga pala si Richard Maningas," sabi ni Richard sa tatlo, "Ako naman pala si Marcus Delos Reyes, Marcus for short," pagpapakilala pa niya sa tatlo. "Ako nga pala si Ian Delos Santos, Ian na lang ang tawag niyo," huling pagpapakilala ni Ian sa tatlo. "Hanapin na lang natin kung saan ang room natin," sabi ni Richard. "Meron kayong pangalan diyan, which means, classmate namin kayong tatlo," sabi ni Janina sa mga tatlo. "Talaga ba? Yes, woooh," malakas na sigaw ni Ian sa mga tatlo. "Okay ka lang, Ian? Tawang-tawa ka kasi eh," sabi ni Amanda kay Ian. "P're, tigilan mo na iyan, para kang timang diyan," pagpipigil pa ni Richard kay Ian. "Tara na nga, pumasok na tayo sa classroom natin," pag-anyaya pa ni Janina sa mga kasama niya.

May iba pa silang mga kaklase at ibang estudyante na galing sa mismong school at sa iba pang school, gaya na lamang ng tatlong babae na sila Yna De Guzman, Samantha Nicole De Leon, at Delancy Chua, mga dati nang students na bully umano, na may "gossip minds" ang mga ito. Mahilig silang magtsismis ng buhay ng iba nilang kaklase, at ginagawa pa nilang "human toy." Ang human toy ay isang taong pinapahirapan, sinasaktan, ipinapahiya, at sabihan ng masasama, kaya todo-ilag na lang ang mga estudyante ng Willford Montessori School, o 'di kaya'y natatakot ang lahat ng mga estudyante na ito na magsumbong sa guidance counselor dahil sa mga ginagawa ng tatlong BULLY na ito, kaya't kinabahan ang mga tatlong magkakaibigan na sina Janina, Charina, at Amanda na isunod sila ng mga ito.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C1
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login