Download App

Chapter 3: Chapter 2: One Evening

"No, please, maawa ka, stop!"

I felt the agonizing pain of a sharp knife slicing through my skin. Bakit ba hindi na lang nila ako patayin? Niligtas nila ako mula sa pagkakahulog sa bangin nang gabing iyon pero heto naman sila at pinahihirapan ako. It's better for me to die right away kaysa araw-araw nila akong pinapatay sa sakit.

"Ahhh!" Dumaing ako pero nakatikim lang ako ng suntok galing sa lalaking nakatakip ang mukha. I don't even know how long I am inside this cold dark place. The only reason why I am still alive is because of my grandma and my brother. I love them both so much, sila na lang ang pamilya ko at sila lang din ang lakas ko, sa ngayon alaala lang nila ang bumubuhay sa akin. I need to be alive, kailangan mabuhay ako, kailangan kong makabalik sa pamilya ko, sa mundo ko, pero paano?

"Ahhhh!"

Napabalikwas ako ng bangon. I was catching my breath as I sat up in the middle of my bed. The nightmares attacked again. I don't know when they'll stop but I knew that if I keep on dreaming about them, I am going to lose my mind. Sinapo ko ng mga palad ko ang king ulo at saka huminga ng malalim. I guess I need to go to the shrink again tomorrow morning. Gusto ko nang makalimutan ang bangungot na iyon, gusto ko nang ibaon ang mga alaalang ayaw ko nang maisip pero paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko, sa alaala ko.

I stood up and took my shirt that was hanging on the edge of my bed. Sinuot ko iyon at saka ako lumabas ng silid. I needed a drink, I needed to clear my mind, maybe I'll give Madeline a call, if the alcohol doesn't work, maybe sex will cure my anxiety. I sighed as I took the stairs down, nasa kalagitnaan pa lang ako ng hagdanan ay may narinig na akong batang umiiyak. Kumunot ang noo ko, sigurado akong isa sa mga anak ni Sheena iyon, wala naman ibang bata dito kung hindi sila lang. Unfortunatley, nasunugan sila Sheena at wala silang mapupuntahan that's why she asked Lola's permission to temporarily stay here habang hindi pa sila nakakaipon para sa susunod nilang lilipatan. Sa akin ay ayos lang naman iyon, sa dami ng naibigay na serbisyo ng Mama ni Sheena sa pamilya ko, it's only right that we help them, isa pa ay gusto rin ni Lola ang tulungan siya.

Nagmadali ako sa pagbaba at natagpuan ko ang dalawang batang nakatayo sa gitna ng sala malapit sa may hagdan, umiiyak iyong batang lalaki, nakasalampak siya sa sahig at nagpupunag ng luha.

"Huy, Yto, tumayo ka na diyan, ang iyakin mo naman eh." Sabi ni Yza habang nakatingin sa kapatid niya. I wondered why he was crying and where Sheena was at this time of night.

"S-si N-nanay, g-gusto k-ko si N-nanay..." Humihikbing wika ni Yto.

"Babalik din si Nanay, siguro umalis lang siya sandali. Lika na, matulog na tayo." Pilit hinatak ni Yza ang kapatid niya pero hindi ito gumalaw. He was just sitting there crying like the little boy he is.

"Hi," I greeted them. Tumingin sa akin si Yza at saka ngumuso.

"Hello po, Sir Sancho." She said, muli niyang binalingan ang kapatid niya. "Lika na, magagalit si Sir."

"A-ayoko k-ko, g-gusto k-ko si-si N-nanay..." Ulit ng bata. I sighed. Lumuhod ako sa harapan niya ay saka ginulo ang buhok niya.

"Nasaan ba si Nanay?" Tanong ko. Nagkibit-balikat si Yza.

"Katabi naming siya natulog, tapos nagising si Yto wala na siya, nihanap naming siya, bukas po iyong back door kaya napasok kami. Wala si Nanay, di pa naman nakakatulog si Yto kapag wala si Nanay, inaamoy niya kasi iyong leeg ni Nanay, kaya ayawn iyak siya ng iyak."

I couldn't help but smile. The little girl was too talkative, she's so cute. I took the boy in my arms. He was still crying.

"Don't cry na. Gusto mo ng ice cream?" Tanong ko. Umiling siya.

"Si N-nanay lang iyong gusto ko." Humikbi pa siya. Naramdaman kong may humatak sa dulo ng t-shirt ko. Naang lumingon ako ay nakita ko si Yza na nakangiti sa akin. Natawa ako bigla.

"Ako po, Sir gusto ko ng ice cream." Nanlalaki ang mga matang wika niya. Tumango ako at saka hinawakan siya sa kamay. Dinala ko sila sa kusina. Ibinaba ko si Yto sa silya at saka ako tumalikod para kumuha ng ice cream sa ref. Kumuha ako ng tatlong kutsara, I gave one to Yza and gave the other one to Yto but he shook his head.

"Sabi ni Nanay bawal ako sa ice cream kasi sasakit iyong lalamunan ko." Sabi niya sa akin.

"I see, uhm, anong gusto mo?"

"Si Nanay." Sagot niya sa akin. I just smiled at him. Kung pwede ko lang hanapin ang Nanay nila kanina ko pa ginawa. I sighed. I looked at Yza who was busy munching her spoon.

"Sarap." Sabi niya. "Thank you po, Sir."

"You're welcome, eat." Sabi ko. Sinabayan ko siya. Panaka-naka ay inaalok ko si Yto pero talagang ayaw niya. I was just smiling, ang cute ng batang ito. I imagine my future kids looking like him. Hindi naman ako mahilig sa bata pero magaan ang loob ko sa dalawang ito. Nang matapos kumain si Yza ay nagyaya na siya pabalik sa quarters kung saan sila tumutuloy.

"Pero wala si Nanay." Sabi pa ni Yto.

"Sabi ko sa'yo babalik din si Nanay, ang iyakin mo talaga, ikaw iyong boy, ikaw iyong iyakin. Diba sabi ni Nanay dapat ikaw iyong strong kasi aalagaan mo ako pagmalaki na tayo." Sermon niya sa kapatid niya. Humikbi na naman si Yto.

"Stop fighting kids. Ako na lang ang sasama sa inyo sa quarters, okay? Hihintayin natin si Nanay." Sabi ko at sinabayan ng ngiti. Hinawakan ko sila pareho sa kamay at saka lumabas sa back door. I know that they're staying at one of the mini houses at the back of the mansion. Studio type lang iyon, one room, one bathroom, a kitchen and a living room, not a moment later nasa loob na kami ng bahay. Napansin ko kaagad ang malaking mattress sa gitna ng sala.

"Dito kayo natutulog?" Tanong ko sa mga bata. Sumampa si Yza sa mattress.

"Opo. Sabi ni Nanay dito muna kami hangga't di pa maayos iyong room namin." Sabi niya sa akin. "Yto humiga ka na dito."

"Ayoko, wala si Nanay."

Napangiti ako nang muling bumagon si Yza at saka hinatak si Yto para humiga sa kama. I was looking at the two of them, si Yza para siyang ate, pilit niyang pinapatulog ang kapatid niya, pinahiga niya si Yto sa kama at saka kinumutan. 

"Matulog ka na kasi, pagkagising natin, nandito na si Nanay." Sabi pa ni Yza. Akmang iiyak na naman si Yto nang maisip kong tabihan sila sa pagtulog.

"Ako muna ang kasama ninyo ngayon." I said to them. I went under the sheets and looked at them. "Baka mamaya may monster, bigla kayong kainin." I made a serious face. Si Yza nakatingin lang siya sa akin.

"Di naman totoo iyong monster." Sabi pa niya. I cleared my throat. Tumingin sa akin si Yto.

"P-pwede p-po b-ba na p-payakap?" Mahinang tanong niya. I sighed. I laid out my arm and made his head lay on it. Humiga siya at saka ngumiti. "Goodnight po." Sabi niya sa akin. Nagulat ako nang bigla niya akong hagkan sa pisngi. Tumayo rin si Yza at saka hinagkan rin ako.

"Goodnight po, Sir." Sabi niya sa akin. May kung ano akong naramdaman, isang bagay na hindi ko maipaliwanag. Muli siyang nahiga, bumaling siya sa kapatid niya. "Goodnight, Yto, I love you."

"Goodnight, Yza, I love you too." Yto kissed her sister, then he took her hand and they both closed their eyes. I was just lying there, watching them. Bigla ay na-miss ko si Laide - my only sister. Siya ang prinsesa namin ni Lukas noon, too bad she died early. I sighed.

Iniisip ko kung matutulog ako. I didn't want the nightmares to come after me again, pero kahit anong pigil ko, unti-unti akong hinahatak ng antok...

--------------------------------

"Sheena, pasenya ka na at nagising kita nang alanganing oras, kailangan ko lang talaga ng kasama."

Pilit akong ngumiti kay Lola. Kauuwi lang naming, galing kami sa memorial park kung saan nakalibing ang asawa niya, si Don Fabian. Napaniginipan niya daw ito kaya bigla ang desisyon niyang dalawin ang asawa niya. Hindi ko man gustong umalis pero nanaig ang utang na loob k okay Lola, iniwan ko na lang muna ang kambal ko, sabi naman ni Lola ay sandali lang kami. Tulog na tulog naman ang dalawa kaya alam ko na hindi sila maalimpungatan at hindi ako hahanapin. Mahirap pa namang iwan ang mga iyon, si Yto kapag nagising na wala ako sa tabi niya a umiiyak, kung sakaling mangyari iyon, sigurado ako na hindi naman hahayaan ni Yza ang kapatid niya.

"Okay lang po, Lola. Babalik na po ako sa mga bata." Paalam ko sa kanya. Ngumiti lang si Lola sa akin. Halos takbuhin ko ang distansya ng garahe papunta sa quarters kung nasaan ang dalawa. I was silenty wishing na sana tulog pa sila, na hindi sana nagising si Yto, mahirap na kasi siyang patulugin kapag nagising at wala ako.

Nang marating ko ang quarters ay nakahinga naman ako nang maluwag, tahimik kasi, ang ibig sabihin ay tulog pa ang dalawa, pinihit ko ang door knob, nagtaka ako kung bakit bukas iyon. Ipapasok ko pa lang sana ang susi, bigla akong kinabahan, paano kung may nakapasok na magnanakaw sa loob at sinaktan ang mga anak ko? Agad kong binukas ang pinto at patakbo akong pumasok upang matigilan lang sa tanawing nadatnan ko sa sala ng bahay.

My mouth parted, ilang beses akong pumikit at dumilat para masiguro na totoo ang nakikita ko at hindi panaginip lang. Kinurot ko pa ang sarili ko para masigurong gising ako. It wasn't a dream, it was really happening. Talagang narito si Sancho at katabi niya ang kambal ko. My tears fell. Sancho was lying on the side of the bed, nakayakap sa kanya si Yto, nakapatong sa binti nito ang maliit na binti ni Yto habang nakaunan ang ulo nito sa braso ni Sancho. I stifle a sob, tumalikod ako at saka lumabas ng bahay. I cried outside. This was the first time I ever saw my kids with their father - the feeling was overwhelming, it was as if a tsunami of emotions swirled right through me. I wiped my tears; I decided to go back inside just to make sure that I wasn't dreaming at all. Napaupo ako sa sofa na nasa tabi ng mattress. I was treasuring the moment, alam kong hindi na ito mauulit kahit kailan dahil kahit anong mangyari hindi ako magkakalakas ng loob na sabihin kay Sancho ang totoo. Tama na iyong binigyan niya ako ng regalo, tama na iyong nakita ko silang ganito, habambuhay kong itatago sa puso ko ang lihim tungkol sa tunay na pagkatao ng kambal ko.

I sighed again, I took out my phone, I took a picture of him with my kids - our kids - it's just that he didn't know and he will never know...

Napalunok ako nang mapansin kong biglang gumalaw si Sancho. Agad kong tinago ang cellphone ko at saka tumayo. He slowly opened his eyes and looked around, nang mapatingin siya sa direksyon ko ay ngumiti siya, kinakabahan man ay ngumiti rin ako. Dahan-dahan niyang inalis ang pagkakadagan ni Yto sa braso niya.

"Hi, Sheena." He greeted me. Tumango ako.

"A-ano pong ginagawa ninyo dito, Sir? " Tanong ko. Inayos niya ang sarili niya.

"I found your twins inside the mansion, Yto was crying cause he was looking for you. Saan ka ba kasi nanggaling?" Tanong niya. Malumanay ang tono niya. He was still using that sensual yet very kind tone, the same tone he used years ago which made me want him more.

"Ginising po kasi ako ni Lola, Sir, nagpunta po kami kay Don Fabian." Paliwanag ko. Kumunot ang noo niya.

"Si Lola talaga." He stood up. "You can take over now." Sabi niya sa akin. Tumango ako, nakayuko ang ulong nagpasalamat ako sa kanya.

"Sir, marami pong salamat." Sabi ko sa kanya. He smiled at me.

"You have such wonderful kids, Sheena. Too bad their father didn't had the guts to fight for them."

May kung anong bumara sa lalamunan ko. Naubo ako ng malakas.

"Okay ka lang ba?" Hinawakan niya ako sa balikat.

"Sir, ano, ahm, bakit ninyo nasabi iyon?" Nagtatakang tanong ko. Nagkibit-balikat lang siya.

"Yza once told me that they don't have a picture of their dad, I just figured kasi kung may lakas siya nang loob ipaglaban kayo, dapat alam ng mga bata ang tungkol sa kanya. But I'm sure," Sabi pa niya. "You are doing a great job raising them; I can see that they both love each other. I guess you're a great mom."

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Kung alam niya lang sana ang lahat siguro hindi niya sasabihin sa akin ang lahat ng iyon. I was still thinking of the right words to say when Yto suddenly moaned. Napatingin kami pareho ni Sancho sa kanya. Tumayo siya at saka yumakap sa binti ko.

"Nanay, nanay," Bumaling ako sa kanya at saka ko siya kinarga, tulad ng palagi niyang ginagawa ay isinuksok niya ang ulo niya sa leeg ko.

"Yza told me that he likes doing that." Nakangiti pa rin si Sancho sa akin. Natawa ako.

"Thank you, Sir." Sabi ko na lang.

"Alright, goodnight, Sheena." Sabi niya. Hinawakan niya pa sa ulo si Yto bago siya lumabas. Inihatid ko siya ng tingin. Napapangiti ako.

"Hay, if only you knew..."

"Good morning, dear."

I just got out of my room and I saw Madeline coming to me. She was ever as sophisticated and beautiful. Sinalubong ko siya ng halik sa labi. She put her arms around me to deepen the kiss.

"Wow, that a nice good morning." I said naughtily. She rolled her eyes. Hinampas niya ako sa balikat at saka hinatak na pababa. It was a Saturday morning at tuwing Sabado ay kasama namin si Madeline sa breakfast, nakasanayan na iyon. Lola likes her kaya labas, pasok na lang siya dito sa bahay.

"Dear, after nito, aalis ako." Paalam niya sa akin habang pababa kami ng hagdan. "By the way, where's Luke? I haven't seen him for days now."

"He's at the hospital making a fool of himself." Sabi ko. "Bakit, dear, saan ka pupunta?" I asked her. I held her hand. Madeline and I had been together for four years now and I really think that she's the one. Alam ni Madeline ang lahat tungkol sa akin, she was as devastated as Lola when she thought that I was dead, when I got back, hindi niya lang ako mapuntahan noon kasi hindi niya ako kayang makita sa trauma stage, but that's fine with me.

"May photo shoot ako sa Laguna. You know naman how demanding my job is." She said plainly. Madeline is a model at naiintidihan ko naman ang trabaho niya.

"Good Morning, Lola." I greeted my grandmother when I entered the dining area. I sat beside her, umupo naman si Madeline sa tabi ko. We started eating, panaka-naka ay nakikipag-usap si Lola sa amin nI Madeline. She said that she was worried for Lukas, hindi na kasi ito halos umuuwi sa bahay. I just told her to let Luke go, alam naman ni Luke ang ginagawa niya.

After eating, nagpaalam na si Madeline. Inihatid ko siya sa kotse niya at bago siya umalis ay binigyan niya muna ako ng isang halik. She giggled after the kiss.

"Power source ko maghapon. Buy Sanch. I love you." She kissed my cheeks. Inihatid ko siya ng tingin. I was shaking my head. I never answered her I love you's back because I think that those words are very precious, hindi sa hindi ko mahal si Madeline, I just don't think that my feelings for her was enough para sabihin ko na mahal ko siya.

Pabalik na ako sa loob ng mansyon nang bigla kong maisip ang kambal. Napangiti ako bigla, there was something in those kids that draws me back to them. I just found myself walking towards the direction of the house they were in. Palapit na sa bahay nang makita ko ang dalawang naghahabulan sa labas, hindi lang sila, kasama pati si Sheena. Sheena was chasing her kids, may hawak siyang tuwalya, tuwang-tuwa naman ang dalawa, paikot-ikot sila doon.

"Bilisan mo Yto, nandyan na si Nanay!" Sigaw ni Yza. I smiled widely.

"Kapag nahuli ko kayo, kikilitiin ko kayong dalawa!" Sigaw naman ni Sheena. Marahil ay napansin ko ni Yto, pumunta siya sa direksyon ko at saka tumalon papunta sa akin. Kinarga ko siya, noon natigil si Sheena kakatakbo. Bigla siyang pumormal.

"Sir, uhm, good morning po. Off ko po ngayon. " Wala pa man ay nagpapaliwanag na siya.

"Ang saya ninyo naman tingnan." I said. Ginulo ko ang buhok ni Yto.

"Yto, bumaba ka na diyan, nakakahiya kay Sir."

"Ayoko pa, Nanay." Sabi ni Yto. Napahalakhak ako. Naramdaman ko na naman na may humahatak sa dulo ng tshirt ko.

"Sir, pwede ako din?" Sabi ni Yza. Sinapwat ko siya and seconds later, dalawa na silang karga ko.

"Yehey!" Sigaw ni Yto. "Si Nanay hindi kami kaya buhatin ng sabay."

"Siyempre, malaki na kayo." Sabi ko habang nakangiti. Tinitingnan ko ang dalawa, they looked so happy on my arms, naramdaman ko na naman iyong naramdaman ko kagabi nang hagkan nila ako ng sabay. "Kiss ninyo naman ako pwede, kids?" Tanong ko. Humagikgik si Yza.

"Sige, sabay tayo, Yto. One, two, three, kiss!" I felt their lips on my cheeks, they gave me a wet kiss pero hindi naman nakakadiri, it's actually heartwarming.

"Naku, ano ba kayo, bumaba na kayo diyan." Sabi pa ni Sheena. Lumapit siya sa akin at saka kinuha ang mga bata. Una niyang ibinaba si Yza tapos naman ay si Yto.

"Nanay naman ang sarap magpakarga ng sabay eh." Nakasimangot na sabi ni Yza.

"Hindi pa kayo naliligo, nakakahiya kay Sir."

"It's okay, Sheena. Ang cute ng mga anak mo, nakakatuwa." Sabi ko. It's true, iyon ang nararamdaman ko kapag nakikita ko ang mga anak niya.

"Kahit na po, Sir..." She cleared her throat. Nakatayo ang dalawa sa tabi niya. Lumuhod ako.

"Why don't you two take a bath? Tutal off naman ni nanay, pwede tayong mamasyal." Sabi ko sa kanila.

"Pasyal?" Sabi ni Yza. "Sa mall?"

"Yehey!" Tiningala ni Yto si Sheena. "Nanay, maliligo na po ako. Lika na Yza!" Sabay na tumakbo ang dalawa sa loob ng bahay. I looked at Sheena.

"Sir, hindi ninyo naman dapat gawin ito." Sabi niya sa akin. I just smiled at her.

"It's okay, gusto ko rin naman. I like your kids. Magaan ang loob ko sa kanila."

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero parang may nakita akong luha na tumulo mula sa mga mata ni Sheena. Agad siyang tumalikod sa akin.

"I'll be back after fifteen minutes." Sigaw ko. Hindi niya ako nilingon. Bakit kaya siya naiiyak? I sighed, maybe it was because she was silently wishing na nandito sana ang tatay ng mga anak niya. Bigla akong nakadama ng inis sa taong iyon. Wala siyang buto, hindi niya kayang panagutan ang pamilya niya. From then on, I decided that I will do everything just to make the twins happy. I just hope it's fine for Sheena.


Load failed, please RETRY

New chapter is coming soon Write a review

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login