Download App

Chapter 5: Kailangan ko ng Skills!

Nang si Ye Song ay malapit na sa gate ay lumakad siya patungo sa gwardiya na nakabantay.

Ang gwardiya ay may inabot kay Ye Song na isang maliit na plastic bag na may laman na tinapay at karne.

Pagkaabot sa kanya ng plastic bag ay nagtanong si Ye Song sa gwardiya.

"Excuse po, gusto ko po sana mag register bilang Chosen.."

Nagulat ang gwardiya sa sinabi ni Ye Song at tinitigan niya ng maigi ang binata sa kanyang harapan.

Tinitigan niya ito mula ulo hanggang paa upang malaman kung mayroong kakaiba sa binata.

Si Ye Song naman ay napansin ang ginagawa ng gwardiya at hindi niya mapigilang tayuan ng balahibo sa sobrang pagkatitig sa kanya.

Pakiramdam niya ay para siyang hinuhubaran.

Nang matapos ng suriin ng gwardiya si Ye Song ay hindi niya tinanggihan ito at tinuro niya kung saan mag reregister bilang Chosen.

"Kung Chosen talaga to pwede ako magkaroon ng chance para kaibiganin to at kung hindi naman totoo ay pwede na lang nila i-ban tong batang to.."

Ang gwardiyang ito ay laging nakaka engkwentro ng mga taong nagpapanggap bilang mga Chosen. Dahil nakita nila kung ano ang pamumuhay ng isang Chosen, maraming mga tao ang sinubukang mag panggap bilang isa sa mga ito pero wala pa ni kahit isa ang nagtatagumpay. Pag ikaw ay nahuli na nagpapanggap bilang isang Chosen, Ikaw at ang iyong pamilya ay hindi na makakatanggap ng anumang rasyon mula sa bayan.

Ang ibig sabihin nito ay kailangan mong maghanap ng sariling pagkain para kayo ay mabuhay.

Mga ilang sandali lang ang nakalipas, si Ye Song at ang gwardiya ay nakarating sa isang base camp sa labas ng bayan.

Dito sa base camp na ito sinusuri ang mga tao kung sila ay nag evolve o hindi.

May halong kaba si Ye Song ng makarating siya sa base camp. Tumingin-tingin siya sa paligid at nakita niya ang maraming taong nakapila.

Huminga siya ng malalim at sinabi sa kanyang sarili.

"Woah.. Ang dami palang nagpaparegister bilang Chosen"

Ang gwardiya sa tabi niya ay narinig ang sinabi ni Ye Song.

"Hindi lahat ng tao dito ay nag evolve, Yung iba ay sinusubukan lang ang kanilang swerte kung maloloko nila ang mga officer in charge". Sagot ng gwardiya.

Nanlaki ang mata ni Ye Song ng marinig niya ang gwardiya at narealize niya na baka kaya sinusuri siyang mabuti kanina ay dahil akala nito ay nagsisinungaling siya bilang isang evolve.

"Ano ang mangyayari pag ikaw ay nahuli na nagsisinungaling?" Tanong ni Yesong.

Tinitigan ng gwardiya si Ye Song ng matagal bago sabihing,

"Kung wala silang makitang skills sayo, ikaw ay hindi na makakakuha ng rasyon mula sa bayan"

Nagulat si Ye Song sa kanyang narinig at sinabi sa sarili.

"Skills! Patay lagot!"

"SUNOD!"

Habang siya ay nakatulala ay tinawag ang kanyang pangalan. Lumakad siya patungo sa lamesa kung saan nakaupo anh officer in charge at umupo sa harap nito.

"So sabi mo ikaw ay isang Chosen tama ba?" tanong ng Officer kay Ye Song.

"Opo.."

"Meron ka bang skills na pwede mo ipakita para patunayan na isa kang evolve?" Sunod na tanong ng Officer.

"Uhm, Wala po.."

Nag alangan si Ye Song ng ilang sandali bago niya sabihin ang katotohanan sa Officer.

"Eh bakit gusto mong mag register bilang Chosen ha?!" pasigaw na sinabi ng officer kay Ye Song.

Bago pa makapagpaliwanag si Ye Song ay narinig niya ulit na sumigaw ang officer.

"Umalis ka na bago kita tanggalan ng rasyon! Bumalik ka pag meron ka ng skills sinasayang mo lang ang oras ko!"

"SUNOD!"

Napatulala na lang si Ye Song habang tinutulak siya palabas ng base camp.

Habang nakatayo sa labas ng base camp ay napailing na lang siya at sinabi sa sarili.

"Mukang kailangan ko muna makakuha ng skills bago mag apply ulit.."

Pagkatapos nito ay lumakad na siya pabalik sa kanilang bahay.

Habang nasa daan ay naghahanap rin siya ng mga monster. Nagbabaka sakali siya na meron siyang makita. Hindi natigil ang paglabas ng portal dahil sa nangyari nung nakaraan kaya nagkakaroon pa rin ng mga bagong monsters na nanggaling sa Monster World.

Pero nadismaya si Ye Song dahil nakarating siya sa kanilang bahay ng hindi nakakakita ng kahit isang monster.

"Andito na ko!" Sigaw ni Ye Song.

Pagbukas niya ng pinto ay may sumalubong sa kanyang yakap. Pagtungo niya ay nakita niya ang kanyang nakababatang kapatid na si Ye Ri.

Napangiti siya at sinabing.

"Namiss mo agad ako ha? :)"

"Sinong makakamiss sayo! hmph!"

Pagkatapos ng pangyayaring ito ay kumain sila sa hapagkainan at nagpahinga.

Nang matapos makapagpahinga si Ye Song ay nagpaalam siya sa kanyang nanay para lumabas.

"Meron pa tayong pagkain para sa tatlong araw at hindi natin alam baka maka engkwentro ka ng monster.." Pag aalalang sinabi ng nanay kay Ye Song.

"Wag kang mag-alala ma, pag pakiramdam kong mapanganib na, babalik agad ako"

Sa bandang huli, walang nagawa ang nanay niya kundi sumang ayon kay Ye Song.

"Sige. Basta mag iingat ka.."

Tumango na lang si Ye Song at dali-daling lumabas ng bahay habang si Ye Ri naman ay nakatingin lang sa kanya na puno ng pag aalala.

Nang makita ito ni Yuna ay sinabi niya. " Wag kang mag alala, babalik si kuya mo.."

-

Sa kakahuyan..

Si Ye Song ay nagpunta diretso sa hangganan o boundary ng Freedom Land. Ang boundary ay hindi nalalayo kung saan sila nakatira. nasa mga sampung kilometro ang layo nito kaya naman ito ang napili niyang puntahan.

Habang nasa kagubatan siya ay naghahanap rin siya ng mga prutas para maiuwi kanilang tahanan.

Habang siya ay lumilingon-lingon sa paligid ay bigla na lang nag labas ng warning ang system sa kanyang utak.

*DING*

*Danger detected! Mag ingat ang Host!*

Tumigil si Ye Song sa kanyang paglalakad at nagsimulang pakiramdaman ang paligid.

"Anong klaseng panganib ang na-detect mo?" Tanong ni Ye Song.

*DING*

*Unknown*

Nagsimulang kabahan si Ye Song dahil sa sagot ng system sa kanya.

"Meron ka bang idea kung anong monster ang nandito sa paligid?"

*DING*

*Siguro ay monster na may hiding ability*

Habang kinakausap ni Ye Song ang system ay bigla na lang siyang nakarinig ng boses.

"Nishishishi....Wow! Isang tao! ngayon lang ulit ako nakakita ng tao! Nishishishishi"

Nagsimulang pag pawisan si Ye Song dahil sa kaba na kanyang nararamdaman. Tumingin siya sa kaliwa't kanan niya upang subukang hanapin kung saan nanggaling ang boses na iyon ngunit hindi niya matukoy kung saan ito nanggagaling.

Nang ma-detect ng system na nagpapanic si Ye Song ay binigyan niya ito ng payo.

*DING*

*Ang Host ay di dapat kabahan, subukan mong mag relax at madali mong madedetect ang monster. Sa status mo, madali lang para sa iyo ito*

Nang marinig ni Ye Song ang payo ng system ay dali-dali niyang pinakalma ang sarili.

Pinikit niya ang kanyang mga mata at huminga ng malalim.

Ngunit sa sandaling siya ay huminahon,

Bigla siyang nakaramdam ng panganib mula sa kanyang likuran...


CREATORS' THOUGHTS
yamcee yamcee

Like it ? Add to library!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C5
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login