Download App

Chapter 53: Mga basura ng Everest!

"Wala kayong kwentang tao! mga malulupit at walang puso! nakayanan ng konsensya niyo yan? pinatay niyo pa ang isang tatlong taong gulang na bata!" naghihinagpis na sigaw ng isang lalaki.

"Isa ka lang rank F na chosen Tango. bakit mo sinusubukan na maging isang bayani upang mailigtas ang mga insektong ito?" sinabi ng isang lalaki habang tumatawa.

"Hmph! sinubukan kong magpatay malisya sa maruming bagay na ginagawa niyo ngunit itong isang ito ay hindi ko na kinaya! mas malala pa kayo kaysa sa mga halimaw sa panggagahasa sa isang bata!"

Ang mga kalalakihan sa likuran ni Tango ay tumayo at sumigaw.

"Lalaban namin kayo!"

Nang makita ito ng mga gwardiya ng Everest ay napatawa sila ng malakas. habang tinitingnan nila ang mga ordinaryong taong ito na gusto silang labanan, ang naiisip nila ay ito na ang pinaka nakakatawang pangyayari na naranasan nila.

Pagkatapos nilang magsawa tumawa ay sumugod ang mga gwardiya ng Everest patungo sa mga ordinaryong tao.

Ilang saglit lang ang nakalipas, ang malulungkot na sigaw ay umalingawngaw sa kagubatan!

"Mga Everest Guards?"

Nanlamig ang mga mata ni Ye Song nang makita nila ang pangyayari. siya at ang mga penguin ay nagmadali patungo sa kung saan nanggaling ang mga tunog ng daing at nakarating sila sa lugar ilang sandali pagkatapos.

Nang makita ni Ye Song ang nangyayari sa kanyang harapan, ang galit sa kanyang puso ay sumabog!

Hindi kalayuan sa kanya ay mga bangkay na naliligo sa kanilang sariling dugo at karamihan sa kanila ay matatanda o mga bata. karamihan sa mga matatandang ito ay nasa edad pitumpu at walumpu, samantalang ang mga bata ay nasa dalawa hanggang tatlong taong gulang lamang.

Napansin rin ni Ye Song na mayroon ding katawan ng mga sanggol!

Mahigit sa isang dosenang mga everest guard ang galit na galit na winawasiwas ang kanilang mga espada sa isang grupo ng mga tao.

Ang mga taong ito ay ang mga nakatira sa labas ng bayan ng Everest!

Nakita niya si Tango, ang tumulong sa kanya na magparehistro bilang chosen na nakikipaglaban sa kanyang mga kasamahang everest guard upang protektahan ang mga ordinaryong tao. kahit na siya ay isang chosen, siya ay nasa pinakamababang ranggo kaya't wala siyang magawa upang mailigtas sila.

Habang pinapanood ang mga everest guard na tuwang-tuwan pa rin sa pagpatay sa mga ordinaryong tao, isang matalim na ilaw ang kuminang sa mga mata ni Ye Song.

Sa isang iglap ay nawala si Ye Song mula sa lugar kung saan siya nakatayo at biglang lumitaw sa tabi ng isang everest guard na aatake sa isang buntis gamit ang kanyang espada.

Ipinikit ng buntis ang kanyang mga mata habang sumisigaw sa takot at kawalan ng pag-asa.

Gayunpaman sa susunod na sandali, ang buntis ay nakarinig ng hiyaw mula sa everest guard!

Nakaramdam siya ng pagkabigla sa kanyang puso kaya binuksan niya ng unti-unti ang kanyang mga mata at nakita ang everest guard na nakahiga sa lupa malayo sa kanya at ang nakatayo sa kanyang harapan ay isang binata na nasa mga labimpitong taong gulang.

Nagulat ang mga tao sa paligid nang marinig ang hiyaw ng everest guard kaya tumingin sila sa direksyon ng sigaw upang tingnan kung ano ang nangyari. sa puntong ito, tumigil ang mga guwardya sa kanilang ginagawa at lilingon na sana upang malaman kung anong nangyari nang makita nila ang apat na itim na parang bola ang naglalakbay ng mabilis patungo sa kanila.

Ang katawan ng penguin commandos ay nag glide at kumuti-kutitap palayo!

Dalawang pakpak na parang flipper ang humiwa sa hangin at ang mga everest guard ay isa-isang natumba habang sumisigaw sa hirap!

Makalipas ang ilang sandali, ang mga rank E at F na everest guard na ito ay nakahiga na sa lupa at walang mga palatandaan ng buhay.

-

Sa oras na ito, ang mga natitirang nakaligtas ay nagpunta kay Ye Song upang magpasalamat sa kanya. sinabi sa kanila ni Ye Song na hindi nila kailangan pang lumuhod bago niya tanungin ito kung bakit pinapatay sila ng mga everest guard.

Isang matandang nasa edad ochenta anyos at may mukha na puno ng mga kunot ang nasamid sa luha habang sinasabi sa kanya.

"Ang lugar na ito ay malapit sa lugar kung saan nila iniimbak ang mga pagkain. dahil sa kakaunti lang ang ibinibigay nila sa rasyon, ang ilan sa mga kalalakihan ay sumusubok na maghanap ng pagkain dito paligid. nagbabaka sakali silang may nahulog o naiwan na pagkain dito ngunit inakusahan kami ng everest guard na nagnanakaw sa imbakan ng pagkain kahit na imposible ito dahil sa seguridad sa bayan ng Everest"

Napatigil sa paghinga si Ye Song habang pinapakinggan ang matanda. unti-unti namumuo ang galit sa kanyang puso!

Ang matanda ay nagpatuloy sa kanyang pagsasalita.

"Nang maglaon ay nalaman namin na ginagawa lamang nila ito upang pumatay at manggahasa ng mga inosenteng tao para sa kanilang ikatutuwa"

"Gumagawa rin sila ng kumpetisyon kung sino ang mas maraming magagahasa at kung sino ang mas maraming mapapatay!" Isang batang lalaki sa grupo ang hindi nakatiis at sinabi.

"Bakit hindi kayo humingi ng tulong sa namamahala ng mga guwardiya?" taimtim na tanong ni Ye Song.

"Ang kapitan?" sinabi ng matanda.

"Ang namamahala sa mga bantay ay ang anak ng governor ng Everest. nang magpunta ang aming village head upang iulat ang mga bagay na ito sa kanya, inakusahan pa niya kami na ginugulo namin ang kapayapaan sa bayan dahil sa pagkakalat ng mga hindi totoong pangyayari. pinilay niya ang isang binti ng village head bilang parusa! binalaan niya kami na kung maglakas-loob kaming gumawa ng anumang kaguluhan, pipilayin niya ang natitirang binti ng aming village head. kahit na kami ay hindi nakatakas sa parusa! pagkatapos ng pangyayaring iyon ay nalaman namin mula kay Tango na ang kapitan ang siyang nasa likod ng mga pagpatay at panggagahasa na ito kaya't pinoprotektahan niya ang mga guwardya ng everest!"

Tumingin si Ye Song kay Tango at sinabi.

"Alam kong may konsensya ka pa kaya sabihin mo sa akin ang lahat ng nalalaman mo"

Sinabi sa kanya ni Tango ang lahat ng nalalaman niya at kung saan matatagpuan ang anak ng governor.

"Rockcliffe Mansion" sinabi ni Ye Song sa isang mahinang boses habang ang hangarin sa pagpatay ay lumitaw sa kanyang mga mata.


CREATORS' THOUGHTS
yamcee yamcee

Creation is hard, cheer me up!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C53
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login