Download App

Chapter 55: Rob da hood!

*DING*

[Patayin ang governor ng Everest completed!]

[Nakakuha ka ng 75,000 Exp]

[Nakakuha ka ng 5 Skill points]

[Nakakuha ka ng 200 Heaven Coins]

[Nakakuha ka ng Title: Assassin]

(Agi + 3 , Dex + 3)

[Congratulations sa pag level up!]

[Congratulations sa pag level up!]

[Pagpatay sa governor gamit ang cutthroat, nakakuha ka ng bonus skill!]

[Cutthroat LV.3]

-

Sa kabilang bahagi ng kama, iginalaw ng dalaga ang kanyang mga mata at nasaksihan ang mga nangyari. ang mga mata niyang walang buhay ay naging normal at bumuhos ang kanyang luha habang bumabangon mula sa kama.

Habang tinutulungan siya ni Ye Song na maglagay ng damit ay nakita niya si Wang Long na bumubulusok sa kanyang dugo habang nakahiga sa sahig. hindi makapaniwala ang kanyang mga mata at ginamit niya ang kanyang kamay upang takpan ang kanyang bibig.

Hindi siya makapaniwala na namatay ang governor ng Everest kaya tiningnan niya ang binata sa kanyang harapan at pinasalamatan siya para sa pagligtas ng kanyang buhay!

Nang makita ni Ye Song na hindi mapigilan ng babae ang kanyang pag iyak ay inutusan na niya si Richi na isama siya kasama ang iba pa.

Natakot nang kaunti ang babae sa kanyang narinig ngunit pagkatapos na ipaliwanag sa kanya ni Ye Song kung ano ang kailangan niyang malaman, unti-unti siyang huminahon at nagpasyang pagkatiwalaan ang kanyang tagapagligtas.

Tumingin siya sa kanya na puno ng pasasalamat at umalis kasama si Richi.

Di nagtagal ay sina Ye Song at Kuchi na lang ang natira sa silid.

Papalabas na sana sila nang biglang tumunog ang mga yapak sa Rockcliffe Mansion at may mga boses na sumisigaw na nagbibigay ng mga utos!

Palakas ng palakas ang mga ingay habang tumatakbo ang bawat segundo!

Narinig ng mga rank B na gwardiya ang malakas na kalabog at ito ang nag alerto sa kanila na may nakapasok sa silid ng gobernador!

Alam nilang lahat ang ugali ng gobernador kaya't nang marinig nila ang malakas na ingay, lahat sila ay sumugod sa lokasyon ng silid kung saan nagpapahinga ang gobernador.

Nataranta si Ye Song nang malaman niya ang nangyayari. kailangan pa niyang patayin ang anak ng gobernador at iligtas ang iba pang mga alipin ngunit mukhang nauubusan na siya ng oras!

Habang iniisip niya kung magpapatuloy pa siya o hindi, bigla niyang narinig ang system sa kanyang isipan.

*DING*

[Isang quest ang na-trigger!]

[Tumakas mula sa bayan ng Everest!]

Tumakas sa bayan ng Everest kasama ang mga biktima ng gobernador!

Tulungan mo silang magkaroon ng kalayaan upang mabuhay!

Reward: [40,000 Exp], [1 Skill Point], [500 Heaven Coins], [Title: Good Samaritan]

-

[Rob the Hood]

Pumunta sa lugar kung saan iniimbak ng gobernador ang mga pagkain sa Rockcliffe Mansion at kunin ang pagkain na dapat para sa mga ordinaryong tao sa halip na mabulok lang ito doon!

Reward: [10,000 Exp], [Title: Robin Hood], [Heaven Gift Box], [Bonus Skill]

"Tangina!"

Nanggigil si Ye Song sa inis nang makita niyang may na-trigger siyang quest.

"Mukhang wala akong pagpipilian" sinabi ni Ye Song sa kanyang sarili.

Pagkatapos ay tinanong niya ang system para sa isang payo at hindi siya binigo nito.

Nagbigay ang system ng isang mungkahi.

Matapos marinig ang mungkahi ng system ay napangiti si Ye Song ng malawak at napagpasyahang gawin ang sinabi nito!

Sa pamamagitan ng kanyang pag-iisip, lumitaw ang isang screen sa kanyang harapan.

Doon ay pinindot niya ang [Item Shop] sa gilid ng screen at hinanap ang isang item.

*DING*

[Everest Guard Uniform (M)]

Type: Costume

Isang uniporme na isinusuot ng mga Everest Guard.

Kapag isinuot mo ito ay makikilala ka ng lahat bilang isang everest guard at walang maghihinala sa iyo!

Charm +15

Price: 15 Heaven Coins

-

Ngumiti si Ye Song at agad na bumili ng dalawang pirasong everest guard uniform.

Ibinigay niya ang isa kay Kuchi at sinuot naman niya ang isa pa.

Palapit nang palapit na ang mga hakbang kaya't mabilis nilang isinuot ang mga uniporme na galing sa item shop.

Maaaring gamitin ni Ye Song ang cloaking ngunit kapag ginawa niya iyon ay malalagay sa panganib si Kuchi kaya ginamit niya ang pamamaraang ito upang ligtas na makalusot sa mansion. sa ganitong paraan, sabay nilang pwedeng hanapin ang mga alipin at ang food storage kung saan iniimbak ng gobernador ang mga pagkain.

Humiga sila sa lupa nang marinig nila na malapit na sa pintuan ang mga guwardiya.

Bago sila humiga ay sinugatan muna nila ang kanilang sarili upang gawing mas makatotohanan ang kanilang pagpapanggap!

"Bang!"

Sa isang malakas na putok, ang pinto ay nawasak.

"Governor!"

Ang mga everest guard sa pintuan ay tumingin sa paligid at nakita si governor Wang Long na naliligo sa kanyang sariling dugo.

Nanginig ang kanilang gulugod nang makita ang eksenang ito!

Nagsimula silang pagpawisan habang nakabukas ang kanilang mga mata at bibig dahil di nila maisip kung anong parusa ang tatanggapin nila kung sakaling malaman ito ng mga tao.

Habang nakatulala ay napansin nila ang dalawang guwardya na sugatan sa sahig. mabilis nilang tinulungan ang mga ito at tinanong kung ano ang nangyari.

"Gumising ka, sabihin mo kung anong nangyari!" sigaw ng isang gwardiya.

Ang payat na everest guard na nakahiga sa sahig ay umubo at tumingin sa guwardiya na nagtanong sa kanya. nanlalabo ang kanyang mga mata ngunit nakahanap pa rin ito ng lakas na magsalita at sinabi.

"M-may mga taong pumasok sa courtyard. nang marinig naming sumigaw ang gobernador, Ubo! Ubo! sumugod kami dito"

Ang guwardya na mukhang penguin na nakahiga rin sa sahig ay nagdagdag at sinabi.

"Sinubukan naming pigilan ang mga ito ngunit sa halip ay nasaktan pa kami. umuubo—"

Ipinikit ng payat na everest guard ang kanyang mga mata na parang siya ay nasa huling hininga na niya.

Nang makita ito ng mga everest guard, kinuyom nila ang kanilang mga kamao at tinanong ang dalawa ng kanilang mga pangalan upang gantimpalaan sila mamaya.

"A-ang pangalan ko ay Song Ye ... ubo!"

Habang ang gwardiya na mukhang penguin ay nanginig ang katawan at tumingin sa kanila ng walang buhay ang mga mata.

"Ang pangalan ko ay Brad Pitt"


CREATORS' THOUGHTS
yamcee yamcee

hahahaha natatawa talaga ako nung sinulat ko ito.

Creation is hard, cheer me up!

Like it ? Add to library!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C55
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login