Download App

Chapter 63: Rental Item!

Naging alerto ang mga armored gorilya nang makita nilang tinamaan ng isang arrow ang isa sa kanilang kasama.

Galit na umungal ang mga ito at hinanap kung saan nagmula ang arrow na tumama sa kanilang kasama. nang makita niyang magpanic ang mga gorilya, kaagad na naglabas si Ye Song ng tatlo pang bolts at inilagay ito sa crossbow pagkatapos ay itinutok niya ang pana sa armored gorilya na nasa malayo.

"Swoosh"

"Swoosh"

"Swoosh!"

Tatlong arrow ang sunud-sunod na pumutok at kumislap sa hangin. ang mga arrow ay tumama sa isang tree trunk mga lima hanggang anim na metro ang layo mula sa armored gorilya.

"Tangina!"

Hindi tumama ang arrow na tinira ni Ye Song at ang pinakamasaklap doon ay natuklasan na ng mga armored gorilya kung saan nagmula ang arrow!

Nang makita niya kung saan nagmula ang arrow, galit na galit na pinukpok ng armored gorilya ang kanyang dibdib habang pinapadyak ang kanyang mga paa.

Ang armored gorilya na ito ay umungal para tawagin ang iba pa niyang kasama at sa loob lamang ng ilang sandali ay biglang lumaki ang dami ng mga armored gorilya.

Mayroong higit sa tatlumpung gorilya ang nandito at ang lahat ay nakatingin kay Ye Song na nasa tuktok ng puno!

"Roar!"

Isang nakakabingi na dagundong ang tumunog sa kagubatan at ang lupa ay nagsimulang manginig ng marahas!

"Shit!" sinabi ni Ye Song nang mapagtanto niya na natuklasan na siya.

Lumingon siya upang tingnan sila Kuchi at ang mga alipin. nang makita niya na malayo na sila sa kanya at sa mga armored gorilya ay tumalon siya pababa sa puno at naghanda upang labanan ang mga armored gorilya na nakatingin ng masama sa kanya.

-

Ang mga normal level monster ay kapareho ng lakas sa mga rank F chosen. ang mga level ay hinahati sa F, E, D, C, B, A at S na ranggo.

Gayunpaman, sa mga ranggo na ito ng mga halimaw ay mayroon pa ring pagkakaiba o stages na tinatawag. ang basehan sa mga ito ay ang normal, high, boss at god level monsters.

Gawin nating halimbawa ang mga armored gorilya. ang isang ordinaryong gorilya ay isang rank B high-level monster.

Mayroon itong kaisipan na tulad sa isang ordinaryong bata at ang lakas nito ay mas higit pa kaysa sa isang chosen ng parehong ranggo.

Kaya naman nahihirapan ang mga chosen na harapin ang mga halimaw na kaparehas nila ng ranggo.

Ngunit may isa pang antas na lampas sa god level at walang nakakaalam kung gaano kalakas ito maliban kay Ye Song at iba pa.

Ang mga halimaw na ito ay may kakayahan na baguhin ang kanilang pisikal na katawan at gawing anyong tao.

Ang kanilang lakas ay labis ding nakakatakot!

-

Ang mga armored gorilya ay tumatakbo patungo kay Ye Song sa napakabilis na paggalaw!

Sa kasalukuyang lakas ni Ye Song ay mahihirapan siyang harapin ang mga halimaw na ito!

Totoo na ang mga armored gorilya na ito ay may mga malaking katawan, gayunpaman, ang kanilang mga paggalaw ay napakabilis!

Hindi niya akalain na napakaraming armored gorilya sa paligid ang nakatingin sa kanila. kapag wala siyang ginawa ay posible na maubos silang lahat!

Hindi magamit ni Ye Song ang cloaking dahil ang pansin ng mga armored gorilla ay mababaling sa iba kapag hindi siya nakita ng mga ito. matapos mag-isip ng ilang segundo ay binuksan ni Ye Song ang [Item Shop] at mabilis na bumili ng isa pang patalim.

Nang makita niya na papalapit na ang mga armored gorilya ay hindi na niya tiningnan ang presyo ng binili niyang dagger.

Mabilis niya lang pinindot ang [BUY] icon!

*DING*

[Nakuha mo ang Twin Edge of Baphomet!]

Ang apat na armored gorilya sa harap ay biglang sumuntok patungo kay Ye Song. nakita ito ni Ye Song at mabilis niyang pinitik ang kanyang magkabilang daliri.

Sa sandaling pinitik niya ang kanyang daliri ay may biglang maliwanag na sinag ng ilaw na galing sa espada ay pumalibot kay Ye Song. nang makita ito ng mga armored gorilya ay nais nilang ihinto ang kanilang momentum ngunit huli na ang lahat!

Pinanood nila ang sinag ng ilaw sa espada na sumabog kay Ye Song!

Sa isang iglap, ang mga sinag ng ilaw sa espada ay naglaho at ang apat na armored gorilya na umaatake ay lumilipad papalayo habang sumusuka ng dugo sa hangin.

Nang bumagsak sila sa lupa, ang kanilang mga katawan ay nanginig ng dalawang beses at biglang tumigil sa paggalaw.

Patay silang lahat!

Ang iba pang mga armored gorilya na nasa paligid ay nagulat sa eksenang ito. hindi nila inaasahan na napakalakas ng binatang ito. agad silang huminto at maingat siyang pinagmasdan dahil sa pangyayari.

Pati si Ye Song ay nagulat sa kinalabasan na ito at napatulala sa nangyari.

Ngunit pagkaraan ng ilang sandali ay nakaramdam siya ng pagkasabik sa kanyang puso pagkatapos ay tiningnan niya ang armas na nakuha niya sa [Item Shop].

Nang makita niya ang description ay napatulala siya habang nakabukas ang kanyang bibig!

[Twin Edge of Baphomet (Rental Item)]

All Stats + 9999

One of the twin blades wielded by the demon Baphomet. The reddish color blade is unimaginably sharp.

Increases physical attack against monster by 100%.

Pierces Defense of monster by 90%.

Attack Speed + 95%

Increases Critical Rate + 90%.

When dealing physical damage there is a chance that for 5 seconds, A rays of sword light will cause mass damage to all enemies within a five meter area around the caster.

Any enemies hit by this will receive Stun, Blind or Bleeding status ailment randomly with a 55% chance. Attack Power + 400%

Duration: 10 seconds

Price: 9,999 Heaven Coins

"Rental Item?"

"Ha?"

"Ano ang ibig sabihin nitooo—?"


CREATORS' THOUGHTS
yamcee yamcee

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Creation is hard, cheer me up!

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C63
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login