Download App

Chapter 68: Fear of the unknown

[Would you like to use Eidolon Key?]

"Yes!"

[Initiating a connection in heavenly world]

15% ..

40% ..

75% ..

100%

*DING*

[Connection complete!]

Isang portal ang biglang lumitaw sa kanilang harapan at nakita nila ang isang maliit na unggoy na lumabas sa portal.

Nang makita ng maliit na unggoy ang mga taong nasa harapan niya ay napabuntong hininga na lamang siya. pagkatapos ay naglakad siya papunta kay Ye Song at tumingala.

Makalipas ang ilang sandali ay sinabi niya.

"Salamat sa pagbigay mo sa akin ng panibagong buhay, master .."

Nagulat si Ye Song sa kanyang puso nang marinig niya ang sinabi ng maliit na unggoy. hindi niya inakala na ang maliit na unggoy na ito ay ang Ape God Son Goku!

"Bakit ka biglang naging unggoy?" tanong ni Ye Song.

"E-Eto talaga ang itsura ko .."

"Eh?"

Hindi niya inaasahan na ang gintong armored gorilya na kinalaban niya kanina ay ang maliit na unggoy na ito.

Nang mapagtanto niya ang totoong hitsura nito, naglabas ng isang mahinang tawa si Ye Song.

Ang maliit na unggoy ay nakadama ng hiya nang makita niya ang tawa ni Ye Song kaya't sinubukang baguhin ang usapan.

"Bigyan mo ako ng bagong pangalan, please .."

Nang makita ni Ye Song na nahiya ang maliit na unggoy ay hindi na niya ito inasar at kaagad na nag isip ng pangalan.

"Hmm .. tatawagin kitang Coco!"

"Salamat, Master.."

*DING*

[Nakabuo ka ng koneksyon kay Coco!]

"Coco, tawagan mo ang mga natitirang armored gorilya dito"

"Sige, master"

Agad na umalis si Coco upang tawagan ang natitirang mga armored gorilya. habang iniintay nila ang pagbalik nito, ang isa sa Kung Fu Turtles ay nagtanong kay Ye Song.

"Master, magkakaroon ba tayo ng bagong alip- este member?"

Nakaramdam sila ng pananabik sa kanilang puso nang marinig nila ang sinabi ng kanilang master kay Coco.

Sa wakas ay mararanasan na rin nila ang pagiging senior sa kanilang samahan!

Habang iniisip ito ay hindi nila mapigilan ang mapangiti.

"Dumating na rin sa wakas ang oras natin"

"Oo, tama ka. Hehe"

"Meron na din tayong mauutusan na gumawa ng mga bagay-bagay"

"Hehehe..."

Habang nanaginip ang mga kung fu turtle ay bumalik na si Coco kasama ang apatnapu't siyam na armored gorilya.

Ang apatnapu't siyam na ito ay ang mga natitirang gorilya pagkatapos ng laban.

Nakababa ang kanilang mga ulo habang lumalakad patungo kay Ye Song. nang nasa harap na sila ni Ye Song ay lumakad paabante ng kaunti si Coco at biglang lumuhod.

"Master, alam kong sobra itong hihilingin pero sana wag mo silang patayin .."

Nakiusap si Coco para sa buhay ng apatnapu't siyam na armored gorilya. ayaw niyang makita ang mga ito na mamatay kaya't ibinaba niya ang kanyang pride at nakiusap kay Ye Song na patawarin sila.

Nang marinig ng mga armored gorilya ang sinabi ni Coco, ang kanilang mga mata ay namula at tumingin sa kanya na may pasasalamat sa kanilang mga mata.

"Big boss, salamat..."

"Wag. hindi ko deserve ang pasasalamat niyo dahil nangyari ang mga bagay na ito dahil sa akin. Kasalanan ko kung bakit marami sa inyong pamilya ang namatay .."

Nilingon ni Coco ang kanyang ulo at tiningnan isa-isa ng apatnapu't siyam na armored gorilya.

Namula ang ang kanyang mga mata habang sinasabi.

"Patawad"

Nang makita ng mga lemons ang eksenang ito, lahat sila ay nagbuntong hininga sa kanilang puso.

Alam nilang lahat ang pakiramdam na iyon, ang pakiramdam na magkaroon ng isang pamilya.

Nakaramdam sila ng simpatya kay Coco at sa mga armored gorilya.

Nang sila ay nasa Monster World pa, hindi nila alam kung ano ang itsura ng mga tao o kung anong uri ng mga nilalang sila.

Pero sinasabi ng lahat na ang mga tao ay masasamang nilalang na kailangang puksain. ngunit nang makihalubilo sila kay Ye Song at sa iba pang mga tao sa bayan ng Malaya, napagtanto nila na mali ang sinasabi ng mga halimaw.

Katulad rin nila ang mga tao ..

Tumatawa kapag masaya sila ..

Umiiyak kapag malungkot ..

Sa sandaling iyon ay biglang nagbago ang kanilang mga saloobin at sinabi sa kanilang sarili.

"Mabuti silang tao .."

Si Ye Song na nakikinig sa lamang sa kanilang ay nagbitiw ng isang malalim na buntong hininga.

Tumingin siya sa kanila at sinabi sa sarili.

"Dahil wala tayong alam tungkol sa kanila ay natural na katatakutan natin sila. ang alam lang natin sa mga ito ay ang masasamang uri ng halimaw. wala pa talaga tayong alam tungkol sa mga halimaw"

Habang tahimik ang lahat, sinira ni Ye Song ang katahimikan.

"Huwag kang mag-alala Coco, hindi ko sila papatayin"

Nang marinig ito ni Coco ay mabilis niyang ibinaling ang kanyang ulo at tiningnan si Ye Song ng may pasasalamat.

"Thank you, master"

Tinango ni Ye Song ang kanyang ulo at tiningnan ang apatnapu't siyam na armored gorilya.

"Kung tatanggapin niyo ako bilang master simula ngayon, makakasama niyo pa rin si Coco at magkakaroon pa kayo ng mga bagong kaibigan na maaasahan niyo"

Ang mga armored gorilya ay tumingin kay Ye Song nang may kumplikadong ekspresyon ngunit pagkatapos ng ilang sandali ng pagninilay ay lumakad ang mga ito nang kaunti at sinabi.

"Tatangapin ka naming master simula ngayon .."

Pagkatapos sabihin ang mga salitang ito, isang maliit na ilaw na kasing laki ng tuldok ang lumabas sa kanilang mga noo at lumipad patungo kay Ye Song.

*DING*

[Congratulations sa pagtataguyod ng koneksyon sa mga Armored Gorilya!]

*DING*

[Nakakuha ka ng apatnapu't siyam na armored gorilya bilang mga tagasunod!]

Nang makita ni Ye Song ang mga bagong mensahe sa kanyang screen ay naglabas siya ng ngiti at nakaramdam ng kasiyahan sa kanyang puso.

Sa pamamagitan nito, nadagdagan ng limampu ang kanyang mga alaga!

Nang makita ang koneksyon na naitatag na, ang mga lemons ay tumalon nang masaya at maligayang tinanggap ang kanilang mga bagong miyembro ng pamilya.

Nakaramdam sila ng kagalakan sa kanilang mga puso dahil mayroon silang mga bagong miyembro ng pamilya at mayroon ding bagong mauutusan!

Sa pag-iisip tungkol dito, mabilis na itinatag ng mga kung fu turtle ang kanilang pagiging senior.

"Ngayon na kayo ang miyembro na, mayroong mga patakaran na kailangan niyong sundin"

"Ituro mo sa amin ang daan, please .."

"Hindi ito mahigpit. kailangan niyo lamang makinig sa mga salita ng iyong mga senior dahil bago lang kayo dito, kailangan ninyong gawin ang mga sinabi ng mga senior sa inyo"

"Uhm—"

"Okay lang, okay lang. masasanay din kayo, hehehe"

Habang ang mga lemons ay nakikipag-usap sa mga bagong miyembro ng kanilang samahan, sumigaw si Ye Song at sinabi.

"Alright guys, mag-usap kayo sa daan. kailangan na nating bumalik sa bayan"

"Yes master!"


CREATORS' THOUGHTS
yamcee yamcee

Dahil dito, nakakuha si Ye Song ng mga bagong alaga!! nagustuhan niyo ba ang chapter na ito guys? :)

Creation is hard, cheer me up!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C68
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login