Download App

Chapter 70: Development sa bayan!

Habang si Ye Song at ang mga LEMONS ay abala sa pagtulong sa mga tao na mag-settle sa bayan, may mga anino sa isang lugar sa malawak na bukirin na nagkukubli sa kagubatan hindi kalayuan sa bayan.

"Ito ba ang lugar na sinasabi mo?"

"Opo, sir"

"Sige, magsimula na tayong magplano .."

-

Tinulungan ni Ye Song ang mga taong kanyang iniligtas sa kamay ng gobernador na magkaroon ng sariling tahanan sa bayan.

Sa umpisa ay nakaramdam ng kakaiba at hindi komportableng pakiramdam ang mga tao dahil sa biglaang pagbabago sa kanilang buhay, ngunit ilang sandali lamang ay unti-unti na nilang tinatanggap ang kanilang bagong buhay!

Lahat sila ay nagpasalamat kay Ye Song sa pagbibigay sa kanila ng pagkakataong ito. maraming bagay ang ginawa ni Ye Song para sa kanila at hindi nila alam kung papaano nila mababayaran ang kanyang kabutihan.

Samantala, sa kabilang banda ay abala si Ye Song sa paggawa ng maraming bagay. maliban sa pagtulong sa mga tao sa bayan ay patuloy rin na tumatanggap si Ye Song ng mga quest sa [Quest] section sa system upang mabayaran niya agad ang kanyang utang.

Sa tulong ng kanyang mga alaga ay unti-unting bumababa ang kanyang utang. kahit na mabagal ang pagbaba nito, makikita mo pa rin ang pagkakaiba sa dati.

Pagkatapos niyang pag huntin ng kalahating araw ang kanyang mga alaga, inutusan niya ang mga LEMONS na magpahinga muna at gawin kung ano ang gusto nila.

Nang marinig ito ng kanyang mga alaga, nawala ang mga ito sa isang iglap lamang.

Iniling ni Ye Song ang kanyang ulo at ngumiti nang makita ito.

Pagkaraan ng ilang sandali ay tinipon niya ang mga tao sa bayan upang ipahayag ang isang bagay.

"Alam kong lahat kayo ay nag-aadjust pa rin sa bayang ito ngunit tulad ng nakikita niyo, marami pang mga bagay ang kulang sa lugar na ito katulad ng agrikultura at development sa bayan .."

Magkakasabay na tumango ang lahat nang marinig nila ito dahil napansin din nila na maraming mga bagay na kulang sa lugar na ito habang nag aayos sila ng kani-kanilang bahay.

"Mayroon nga tayong pagkain ngayon pero hanggang kailan ito tatagal? dahil doon ay kailangan na nating magsimulang gumawa ng plano para sa hinaharap. habang lumalaki ang ating populasyon sa bayan, ang supply ng ating pagkain ay mabilis na mababawasan kaya kailangan nating maging handa"

Ipinaliwanag ni Ye Song nang maigi sa mga tao kung ano ang kanyang nasa isip. sinabi niya sa kanila ang tungkol sa kanyang plano na palawakin ang bayan upang mapaunlakan ang mas maraming tao sa hinaharap.

Nang marinig nila ito, lubos na naintindihan ng mga tao ang kanyang balak. kailangan nilang maging handa para hindi magkaroon ng problema ang bayan dahil sa biglaang paglaki ng populasyon.

Kailangan nilang asahan ang isa't-isa o ang bayan na ito ay hindi magtatagal!

Nang makita niya na sumasang-ayon ang mga tao sa kanyang sinabi, ngumiti si Ye Song at nagpatuloy.

"Dahil doon ay kailangan ko ng mga tao na marunong magsaka at mag-alaga ng mga hayop"

Nang marinig ng mga tao ang sinabi ni Ye Song ay kaagad silang nanginig sa takot.

Siyempre ay naiintindihan nila na ang dalawang bagay na ito ay mahalaga. ngunit kung nais nilang gawin iyon ay kailangan nilang lumabas sa bayan dahil masyadong maliit ang loob upang pagtaniman ng palay, prutas at mga gulay.

Palaging nasa paligid lamang ang mga halimaw kaya nag-aalala sila na baka atakihin sila ng mga ito habang sila ay nagtatanim.

Nang makita ang reaksyon ng mga tao, naintindihan agad ni Ye Song kung ano ang kanilang iniisip kaya naman kumpiyansa niyang sinabi.

"Kung kayo ay natatakot na baka atakihin ng mga halimaw, hindi niyo kailangang mag-alala dito dahil susubaybayan kayo ng aking mga alaga sa lugar kung saan kayo magtatanim. masisigurado ko sa inyo na walang masamang mangyayari!"

Napabuntong hininga ang mga tao matapos marinig ito. ngayon ay pwede na nilang gawin ang kanilang gustong gawin nang hindi nag-aalala na baka umatake ang mga halimaw.

Nang mapagtanto nilang ligtas na ito, nagsimulang magboluntaryo ang mga tao. pinili ng ilan na maging magsasaka habang ang iba naman ay pinili na magtanim ng prutas at mga gulay.

Mayroong iba na piniling mag-alaga ng mga hayop upang hindi maubusan ng supply ng karne.

Medyo matagal na mula nang huli silang makakain ng sariwang karne kaya't tuwang-tuwa ang lahat na magboluntaryo sa pag aalaga ng hayop.

Nakaramdam si Ye Song ng kasiyahan nang makita niyang masigasig ang mga tao sa pagboluntaryo sa mga gawain. sinabi niya ang mga ito na magpahinga muna ngayon upang makapagsimula na sila bukas.

Pagkatapos niyang magawa ang lahat ng kailangan niyang gawin, umuwi si Ye Song para maka bonding ang kanyang pamilya.

Sobrang busy niya nitong mga nakaraang araw kaya wala siyang oras para sa kanila ngunit nagulat siya dahil lubos na naiintindihan ng kanyang pamilya ang kanyang ginagawa kaya hindi ito nagtampo sa kanya.

Saka masaya din sila sa pagtulong sa mga tao sa bayan.

Nakaramdam si Ye Song ang init sa kanyang puso nang marinig niya ang sinabi ng mga ito. hindi siya umimik at tahimik lang na tinititigan ang kanyang pamilya.

Nang makita ang awkward na katahimikan, si Suzy na kasama nila sa bahay ay sinira ang katahimikang ito at sinubukang pagaanin ang kapaligiran.

Matapos magbonding kasama si Suzy at ng kanyang pamilya, pumunta si Ye Song sa kanyang silid at sinuri kung magkano na lamang ang kanyang utang.

*DING*

[Ang iyong utang ay nagkakahalaga na lamang ng 992,827 Heaven Coins, bayad bayad din please!]

"Pwede ko na bang magamit ang [Item Shop] dahil mababa na sa limitation ang utang ko?"

*Sorry, kailangan mo munang bayaran ang lahat ng iyong utang bago mo magamit muli ang [Item Shop]*

Bumuntong hininga si Ye Song nang marinig niya ito. mayroon pa siyang malaking halaga na kailangan bayaran pero kailangan niya ng isa pang dagger para magdagdag ng damage sa kanyang bagong nakuha na skill [Soul Storm Slash LV.10].

Habang nag iisip siya ng malalim ay bigla niyang naalala ang [Heaven Gift Box] na kanyang nakuha kanina.

Dahil dito ay mabilis siyang pumunta sa kanyang [Storage] at hinanap ang gift box.

Habang naghahanap si Ye Song ay napansin niya ang isang armor sa kanyang [Storage].

Pinindot niya ito upang makita kung ano ito at nagulat siya nang makita niya ang description!


CREATORS' THOUGHTS
yamcee yamcee

December na guys! medyo naging busy lang pasensya na! irregular muna ang release natin dahil kailangan ng pera para sa bagong taon hahaha!

Creation is hard, cheer me up!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C70
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login