Download App

Chapter 3: Chapter 2 The Blind Date

SAM'S POV

After long hours of flight, nasa Pilipinas na rin kami. Pagbukas ng gate sa may lobby, sabay-sabay kaming naglalakad dala ang mga maleta namin with matching background song (Me- Meghan Trainor) . Wala lang I really find it cool when we do that.hehe.

"Bye girls. See you sa next flight natin" sabi ni Natalie with beso-beso sa iba naming kasama.

"Sige bye girls". Sabi ko.

Kasabay kung umuwe si Natalie, iisa lang kasi kami ng apartment eh.

After 48 years, paglabas ko ng banyo biglang tumunog ang phone ko...

Tinignan ko ang screen, "Uy, si Mama"

*RING *RING *RING

[Hello Ma?] wiping my hair with a dry towel.

[Oh] tugon niya.

Umupo sa kama [Ma, ba't napatawag ka?]

[At bakit?... hindi na ba ako pwedeng tumawag sayo?!] sabi niya ng may halong sama ng loob sa'kin

Anong nagawa ko?Masama na ba magtanong ngayon?Please educate me!

Angry Meter – Level 1

Nilayo ko ang phone sa tenga ko [Ma naman ang sensitive niyo tinatanong ko lang kayo eh ..baka kasi may emergency kayong sasabihin] paliwanag ko mahirap na.

Haiish.

Ganyan na ba talaga ang ibang parents nagyon?mabilis magalit ?

Nahimasmasan rin [Hmmm ganun ba..well tama ka jan may importante akong sasabihin. Libre ka ba sa susunod na araw?]

Tumingin sa calendar malapit sa'kin [Ahm.. 1 week po yung vacation ko ngayon Ma, bakit may nangyari ba?] tanong ko na may halong ka ba kaya napahawak ako sa puso.

[Mabuti naman... Ilang taon ka na nga ulit nagyon?]

Huh?Nakalimutan na ba ni Mama ang edad ko?

O.M.G.

Menopausal?

Dementia?

Alzheimer's Disease?

Grabe malala na toh.Ah..

[Huh?..25 Ma? Wag mo sabihing pati edad ko nakalimutan niyo na rin?] Pag-aalalang tanong ko.

Kaya lang iba ang naging sagot niya [Oo alam ko!..Sinigurado ko lang para alam mo na 25 ka na..Nak, ba't ba wala ka pa ring boyfriend? Nak, tumatanda na rin ako gusto ko nang magka-apo]

Angry Meter – Level 2

Yung 25 years old ka lang pero feeling nila 50 years old ka na?. Edi wow!

I rolled my eyes [Ma naman...ang bata pa kaya ng 25 years old, grabe naman kayo.....hindi pa talaga ako handa] reklamo ko.

[Nak, nasa sa tamang edad ka na para magkapamilya. Ano bang problema?....

Wag mo sabihing natatakot kang magmahal dahil sa nakita mo samin ng papa mo noon?]..seryosong tanong niya.

Bingo!

[....] Wala akong naisagot.

[Anak, hindi porket hindi happy ending ang love story namin ng papa mo ay hindi kana maniniwala sa 'True Love'?...]

Well may point din naman si Mama pero...

Nag-aalalang tanong ko, [Eh Paano kung hindi kami magwork (as a couple ng future husband ko)?]" tanong ko.

Ang advance mong mag-isip gurl ha.

[Hindi porket ang nangyari sa akin ay mangyayari din sayo. Iba-Iba tayo ng kwento ng buhay lalo na sa pag-ibig. Manalig ka lang sa Taas at balang araw darating din ang para sayo]

Tama din naman.

Napabuntong-hininga ako [Ok...] mahinang sabi ko.

Somehow I feel much better.

Minsan talaga sa buhay natin kahit may mga besfriends na tayo iba pa rin talaga magpayo yung mga magulang natin noh?.

Dagdag niya, [At dahil jan...May ipapakilala ako sayo. Kaya umuwe ka na dito sa atin. At iaarange ko ang blind date niyo?]

Huh??

Ano Daw??

Parang na Sales Talk ako don ah

Napabalikwas naman ako sa higaan ko,

[Huh? W-wait...Teka lang..Ang bilis naman ata ma?] Natataranta kong sabi

Nashock ako sa mga pangyayari grabe yun twist nung story.

Akala ko ba counselling ito?Ba't naging Match-Maker na siya?

[Nak, ako na mag-aasikaso ng lovelife mo ang bagal mo kasi eh]

Wow grabe siya. Busy lang yung tao.

Parang documents lang naipaprocess ah ko lang na lang pati signature ko kukunin pa.

[Ma, naman!.... Sino ba yan?] Protesta ko

[Nak, believe me. Magugustuhan mo rin siya. Malaki tiwala ko sa kanya. Mabait, matalino, may trabaho, galing sa mabuting pamilya at ang higit sa lahat hindi ka dihado dahil....gwapo]

Grabe ang build-up ah. Parang nabayaran na.

Magkano kayo ang down payment sa kanya?

[............] Wala akong nasabi

Pinapadyak ko mga paa ko sa sahig. Eiihhh. Huhu. Grabe naman kayo kaya ko naman gawin yun mag-isa. Pero as if may magagawa ako. Magagalit na naman yan paghinindian ko. Kaya no choice rin ako.

[Uy Samantha ang tagal mo ng hindi pumupunta dito ha mahigit 10 years na nakakapagod kaya pumunta jan sa Maynila para bisitahan ka. Ikaw naman mag-adjust. Gusto mo bang sa sasusunod na punta mo dito ay nasa kabaong na ako?!?] Hala.Galit na siya. Ito ang pangmalakasang linyahan ng mga pinoy momshie paghindi ka sumunod agad.haha

Angry Meter – Level 3

[Ma, wala namang ganyanan.Oo na.Sige na.... pupunta na ko jan] Kita niyo na kung mabuting anak ka susunod ka kaagad eh.

Sumigla naman boses niya sa kabilang linya, [Good...sige kita tayo bukas. Ingat ka. Bye] Wow parang walang nangyari.

Nanlumo ako at biglang bumulagta sa higaan [Opo..bye] walang gana kong sabi.

Haish bakit ba lahat ng tao pinapakialam ang lovelife ko hindi ba pwedeng magfocus sila sa buhay nila. Tsk Tsk.

At nasaksihan niyo rin po ang Levels of Angry Meter ng mama ko Eh kayo?Hanggang saang level? .hehe


CREATORS' THOUGHTS
AdalineLove27 AdalineLove27

FUN QUESTION: Ano ang pinaka-ayaw mong itanong sayo?

a. Ilang taon ka na?

b. May boyfriend ka na ba?

c. Ba't hindi ka pa nag-aasawa?

d. Bakit single ka pa hanggang ngayon?

e. Others. Please Specify__________________________

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login