Download App
84.48% Vy uk8jj

Chapter 50

"Hello." itinigil ko ang pagdidilig lapitan lang ang matandang babae siya ang kapit-bahay namin.

"Magandang umaga ho."

"Dinalhan kita ng almusal baka hindi ka pa kumakain." inabot ang mangkok na may takip.

"Naku salamat po nag-abala pa kayo." parang halos araw-araw yata siyang nagbibigay ng ulam kesyo may sobra raw dahil sila lang mag-asawa ang nasa bahay.

"Huli kong kitang nakangiti ka noong nabubuhay pa ang asawa mo pero ngayon naka-smile ka na maayos ka na ba iho?"

I nodded, "Kahit paano po. Salamat po sa ulam na palagi ninyong ibinibigay."

"Wala 'yon kaysa masayang ibabahagi ko na lang."

"Sige po." tumalikod ako para ipasok sa loob pero muli ko itong nilingon. "Masarap po ang pagkakaluto niyo sa mga ulam." komento ko at kaagad pumasok sa loob.

Sa tagal niya nagbibigay ngayon lang ako sinipag mag-compliment siguro dahil maganda ang gising ko.

Itinuloy ko ang pagdidilig ng mag-ring ang cellphone ko.

[Twinny, meet me later.]

[Oh bakit?]

[Ipapakilala ko sa iyo si...]

[Huwag na Lex.]

[Kilala ka niya.] Nilipat ko sa kabilang tainga ang cellphone.

[Paano niya ako nakilala?]

[Basta makipagkita ka na lang.]

[Naku, Alex huwag ka nga magpaka-feeling matchmaker riyan.]

[Ito na ang chance, kambal. Pagkakataon mo na siguro talagang kayo ang itinadhana ni Charie.]

[Charie?]

[Oo kaya pumayag ka na.] Pinatayan ko ng cellphone dahil kinakawayan ako ng matandang babae. Lumapit muli ito sa gate saka may inabot.

"May dinalang vitamins ang anak ko try mo baka makatulong malaki ang ipinayat mo, eh."

"Ah, maraming salamat po ginang..."

"Sabel, at ang pangalan ng asawa ko Nece."

"Ah opo maraming salamat, Ginang Sabel susubukan ko ito para makaiwas din sa sakit."

Matagal niya ko tinitigan bago magsalita.

"Magiging maayos din ang lahat, Andrew." nangilabot ako parang may kakaiba sa sinabi niya.

"S-sige po salamat dito." nagtataka man ay ipinagpatuloy ko ang ginagawa.

Wala sana akong balak makipagkita kay Alex dahil gusto kong magpahinga kaya lang sinundo ako rito sa bahay kasama si Thalia.

"Desperado ka, ano?" inis kong sabi habang pasakay ng kotse niya.

"Para sa iyo rin itong ginagawa ko 'di ba Thalia?"

"Oo na lang..." lumingon sa akin dahil siya ang katabi ni Alex sa harap. "Sama ako sa date ninyo?"

"Anong sama-sama ka riyan ginawa ko nga ito para sa dalawa." maktol ng kapatid ko.

"Baka mahiya siya at kailangan niya ng makakausap."

"Like duh kaya nga sila magkikita para mag-usap. Puwede ba huwag ka na makisingit may trabaho pa tayo."

"Sabi ko naman hindi ako papasok."

"Kahit hindi ka isasalang today sa shoot dapat nandoon ka. Ginawa kitang kanang kamay tapos iiwan mo ko sa ere."

"Hay, naku." may binasa ito sa cellphone dahilan ng pagngiti niya. "So paano ba 'yan Alex Azun ako ang panalo."

"Ano?"

"HINDI TULOY ANG SHOOT."

"What?!"

"Sasamahan ko siya." turo sa puwesto ko.

"Sinabing...ang kulit mo para nga lang sa dalawa 'yon!"

"Eh bakit ba gusto ko, eh!"

"Bakit hindi ka maghanap ng sariling date!"

"Eh sa wala akong mahanap, eh!"

"Aba...teka..." naningkit ang mata ng kakambal ko. "Umamin ka nililigawan mo ba kakambal ko??"

"Hoy, ang kapal naman talaga ng mukha mo ano?"

"Kung ganoon bakit makikisali ka sa date nila?"

"Masama na ba sumama?"

"Hmm..."

"Naku, Alex lubay-lubayan mo ako. Wala akong oras para mag-explain sa pagdududa mo."

"Singit ka kasi..."

"Kaysa sa iyo pa-Hero, pa-epal."

"At least may papel eh ikaw singit. Kaya ka nga sasama kasi wala kang matinong lovelife." ramdam ko ang pananahimik ni Thalia pansin kong panay sulyap ni Alex dito mukhang mag-aaway ng tuluyan.

"Tumigil na kayo, isasama ko si Thalia." basag ko sa pananahimik ng dalawa.

"Ayos lang hindi na ako sasama naalala kong may pupuntahan ako kung hindi nga matutuloy ang shoot so hindi natuloy kaya aalis ako." dinig ko ang malalim na buntong-hininga ni Thalia.

"Ikaw kasi." suntok ko sa balikat ni Alex. Tumingin siya sa rear mirror at nagtatanong ng 'BAKIT AKO?'

"Sige kung gusto mo next time sumama ka kapag puwede ka na. Sumabay ka na lang kay Alex after niya kong ihatid sa..."

"Ibaba niyo na lang ako after ng dalawang kantong dadaanan natin."

"Thalia." tawag ko.

"Ayos lang. Actually totoo sinabi niya malas kasi ako sa pag-ibig." nakangiting silip nito sa akin.

"Wala akong sinabing---" itatama sana ni kambal ang ibig niya ngunit nagsalita muli si Thalia.

"Wala nang paliwanagan pa, Alex. Siguro nga't swerte ka kay Bella kaya ganyan ka magsalita sa kapwa mo pero hindi mo ba naisip nasaktan mo ako that time? Pero hindi na bale, wala na rin sa akin 'yon."

Kita kong humigpit ang pagkakahawak ni kambal sa manibela ni wala nang kumibo hanggang sa ibaba namin si Thalia sa sinabi nitong kanto, lumipat ako sa unahan para kausapin din si Alex.

"Hindi mo ba inayos dati sa pagitan ninyo---"

"Hindi ko na siguro kasalanan 'yon. Tinatanong ko siya kung ayos lang eh ano sagot mabuti lang ayos lang ni wala na siyang sinabi pa kaya paano ko malalaman hanggang ngayon may galit siya."

"Sana inayos mo."

"Mahalaga rito ayos kami ni Bella. Ginawa ko na rin ang side kong ilakad siyang muli kay Daryll pero tumanggi siya."

"Baka mahal ka pa niya."

"Sa tingin ko hindi na."

"Paano ka nakakasigurado?"

"Simula nang mawala si Princess hindi na 'yon nagpakita ng motibo marahil tinanggap niyang hanggang ganoon na lang kami."

"Tiyak masama loob no'n."

"Huwag na natin pag-usapan ang mahalaga magkikita kayo ni Charie."

"Ow speaking of...Charie??"

"Oo, siya ang masugid mong customer na masungit." I see, si Charie sinasabi niya ay ang Charie na nasa restaurant ko araw-araw.

"Small world."

"Tadhana 'yon."

"Hindi ko alam."

NARATING NAMIN ANG TAGPUAN kung saan nauna si Charie.

"Sorry late na ba kami?" usisa kay Charie na hindi makapaniwala habang pabalik-balik kaming tingnan.

"Kararating ko lang, maupo kayo." sa akin na itinuon ang buong atensyon.

"Hindi ko na ipapakilala kakambal ko since sabi mo nga kilala mo na siya." patuloy ni Alex.

"Oo, noong una hindi ako makapaniwalang magkambal kayo kaya pala sa tuwing nakikita ko siya parang pamilyar ang mukha." turo sa akin.

"Dahil kambal kami." komento ni Alex.

"Tama mas may----"

"Mas guwapo ako?" hindi rin excited itong kambal ko.

"Nope, mas guwapo pa rin ang kambal mo." for the first time nakita ko ang kanyang mapuputing ngipin. Kung noon tanging nakakunot na kilay, at nakangusong labi ngayon ay hindi mo mababakas na maldita siya.

"Siguro dapat na akong mag-exit since magkakilala na kayo." tumayo si kambal habang inaayos ang laylayan ng damit.

"Grabe ka, Alex." nakangiti pa rin sabi nito.

"Mag-usap na kayo mabait ang kakambal ko kumpara sa akin kaya huwag kang matatakot." sabi nito sa kanya habang kumindat sa akin.

PARANG may kuliglig sa paligid namin dahil sa katahimikan nito.

"Umorder ka na ako nang bahala sa kakainin mo." usisa ko.

"I wish I could have apologized for being rude there at your restaurant."

"Don't worry, my waitresses sometimes make mistakes."

"Kung hindi ko siguro dinadaan sa init ng ulo baka hindi ganoon tingin sa akin ng mga tao pasensya na talaga. Until now kasi nasasaktan ako lalo kapag may nakikita akong tao na masaya."

"Bakit ka masasaktan?"

"Unfair, kung sila masaya samantalang ako hindi."

"Is it about your past?"

"Yes, I am very selfish."

"Parang hindi naman marahil namimiss mo lang ang asawa mo." ngiti ko rito.

Pinatitigan ako ng mabuti, "Saan ka kumukuha ng panghuhugutan ngayong nangungulila ka?"

"Me? it's simple I do not sympathize with the people around me. In fact, they are the ones you should use as inspiration to rise again in the longing of the person you love."

"Tsk, inspiration." ismid nito.

"Ang pamilya mo, mga kaibigan lahat sila gawin mong inspirasyon para bumangon muli."

"Paano ko gagawin inspirasyon ang mga taong natuwa pa nang mawala ang asawa ko." nangunot ang noo ko. "Pinipigilan nila ang pagpapakasal ko sa asawa ko kaya ng mamatay siya tuwang-tuwa ang buong pamilya ko. So, paano ko sila gagawing inspirasyon gayong isa sila sa dahilan kung bakit pakiramdam ko wala akong kakampi." maluha-luha nitong kuwento.

"Sorry about that...hindi ko intensyon paiyakin ka." paumanhin ko habang umiiyak pero nakangiti.

"Wala 'yon tapos na sila sa pagdiriwang. Pinili kong magpakalayo-layo nagbakasaling sa ibang tao ko mahanap ang malasakit na hinahanap ko."

Matagal kami na tahimik mabuti dumating na ang order namin para makapagsimulang kumain.

"Bukod sa pagmomodel ano pa trabaho mo?"

"Hindi na ako nagmomodel." mapait nitong ngiti. "Wala na kasi 'yong dahilan."

"Dahil sa asawa mo tama?" She nodded. "Kung ano pa naging tulay niyo saka mo binitiwan. Isipin mo kung nabubuhay siya baka sumama loob 'nun."

"Actually, ayaw ko talaga pero siya may gusto."

"I see."

"Sa ngayon ayoko muna magwork mahirap kapag marami kang iniisip."

"Baliktad tayo, ako gusto kong magpakaabala sa gawain para hindi siya mamiss."

"Mahal na mahal mo siya?"

"Higit pa sa lahat ng bagay dito sa mundo." nakangiti kong tugon.

"Sa mukha mo palagay ko maayos ka na," nagtataka kong tingin. "Nasa hitsura mo parang nakamove on na kahit paano."

"Ah, ganoon ba? Siguro pero nandoon pa rin 'yong pain."

"Sana tulad mo ako."

"Magagawa mo saka kung hindi mo mahanap sa pamilya mo ang malasakit puwede sa amin ni Alex o kaya ipakilala kita sa mga kaibigan ko."

"Huwag na nakakahiya."

"Baka sakali sa amin mo makita ang totoong malasakit."

MATAPOS kumain sa restaurant, at mamasyal dinala ko siya sa apartment namin ni Princess dito pa kasi nag-sstay ang ilan.

"Tamang-tama yata ang pagpunta ko rito, ah. Ano mayroon at kumpleto kayo?" usisa ko sa kanila ng buksan ko ang pinto.

"Drew!" sabay-sabay nilang tawag.

"Puwede ba pumasok?" usisa ko ng ayain ko si Charie papasok sa loob.

"Wow, chicks." kaagad sambit ni Daryll.

"Drew, siya na ba ipapalit mo kay Prinsesa?" usisa ni Kevin.

"Ah, hindi sinama ko siya rito para makilala ninyo."

Lumapit sina Nathan, Carl, at Anton.

"Papasukin mo." utos ni Nate habang titig na titig sa kasama ko.

"Pasok huwag ka mahihiya." tahimik sumunod sa akin at linga nang linga.

"K-kayo lang ba nandito?" medyo alangan nitong usisa.

"Don't worry nasa likod lang ng apartment ang mga asawa namin." paniniguro ni Kevin.

"Ah, okay may mga asawa na pala kayo."

"Except Anton, Nathan, at iyang kasama mo," patuloy ni Kevin sa pakikipag-usap. "Ano ba pangalan mo?"

"Siya si Charie nakasama dati ni Alex sa trabaho." sambit ko kahit di ako tinatanong. Sabay-sabay nilang tinanguan si Charie pero si Nate iba talaga titig dito.

"Puwede ba kita makausap?" kalabit ni Nate sakto pumapasok ang mga babae at sinalubong kaagad si Charie habang pinapakilala nila Anton, at Carl.

"NAKITA ko na isang beses si Charie sa work ni Alex. Uhm, ano ba mayroon at magkasama kayo?" simula ni Nate ng marating namin ang labas ng apartment.

"Sira kasi 'yong best friend mo gumawa ng date."

"Ninyong dalawa??"

"Oo,"

"Pumayag ka? Handa mo na ba----"

"Pinagbigyan ko lang si Alex pero hindi ibig sabihin nun may karapatan na akong umibig ng iba."

"Why not? Kung kayo, kayo talaga."

Umiling ako na may ngiti sa labi.

"Nope, kung gusto mo maging kayo ng isang tao pipiliin ninyo maging kayo hanggang huli. Huwag iasa sa tadhana kasi in the first place, tayo gumagawa ng tadhana natin. If you really want to be with someone in the future, always choose that person." paninindigan ko.

"So sinasabi mong ikaw ang magdedecide at hindi ang tadhana?"

"Yes, sa ngayon ayokong gumawa ng bagong guhit para masabi kong siya ang nararapat sa akin."

"Eh paano kung siya na nga?"

"Eh di siya, ako mismo gagawa ng paraan para maging kami."

Nawala ang ngiti nito ng lingunin ang mga nagtatawanan sa loob.

"Maganda siya."

"Hmm, okay lang."

"Para sa iyo si Prinsesa pa rin ang maganda."

"Eh talaga naman."

"Walang tutumbas sa ganda niya. Oo nga pala nakita mo si Alex?"

"Huling usap namin kanina hindi nga raw tuloy ang shoot nila kaya inaasahan kong nandito ang dalawa."

"Wala at kanina ko pa nga tinatawagan."

"Baka nambabae." biro ko na may tawa sa dulo.

"Nagbago na 'yon pero si Daryll hindi at lumala pa nga."

"Hindi naging sila ni Thalia." pagbabago ko ng usapan.

"Hindi nga, hmm pero alam mo may napapansin ako kay Thalia."

"Ano?"

"Palagi ka hinahanap sa akin."

"Hinahanap?" He nodded. "Palagi nga nagpupunta 'yon sa restaurant kahit walang kailangan."

"Hmm..." naglakad ito patungo sa likuran ko. "Hindi kaya ikaw ang bagong biktima?" biro nito na may halong nakalolokong ngiti.

"Biktima mo mukha mo."

Humagalpak, "Try mo ligawan baka sakaling bumagay."

"Bakit hindi mo subukan na ikaw manligaw?" balik kong tanong na may halong pang-iinis. "Single ka pa rin until now baka naman."

"Sorry maglaway sila."

"Pihikan wala ka nang makikita tulad ng asawa ko."

"Talagang wala."

"Pero buksan mo ang puso sa ibang babae." seryoso kong payo.

"Ikaw din papayuhan ko buksan mo ang puso sa ibang babae. Gusto mo unahan tayo ikasal!"

"Hindi dapat ginagawang biro ang kasal."

"Eh kaya nga unahan. Kung sino unang umibig sa babae at ikasal iyon ang panalo."

"So ano ang premyo?"

"Sapat ng ikasal iyon ang premyo."

"Yabang, sige deal pero ako na nagsasabi sa iyo una kang ikakasal."

"Aba, huwag ka magsalita ng tapos."

"Pinapakiramdaman ko na."

Ngumiti sa di kalayuan kaya nalingon ako si Charie papalapit sa amin.

"Wala si Alex akala ko makikita ko siya."

"May kailangan ka ba sa kanya?" usisa ko.

"Nag-message sa akin ang kaibigan ko gusto yata makausap asawa ni Alex ng makita ang obra." nakangiting tingin kay Nathan.

"Sige tatawagan ko siya."

"Nope, hingin ko na lang number ako na tatawag." I nodded bago ibigay ang cellphone.

"Pasok muna ako sa loob." paalam sa amin ni Nate. Pareho kami tumango ni Charie bago ko ayain maupo sa upuan kung saan nakapuwesto ang garden.

"Mas guwapo ka nga talaga sa kambal mo." paninitig sa akin.

"Bakit?" pa-humble kong usisa.

"Mas attracted ka."

"Ganoon saan naman??"

"Sa mata, ilong, at kilay." nawala ako ng kibo. "Sorry, baka naiilang ka dahil pagkakakilala mo sa akin suplada."

"Hindi 'yon,"

"Eh ano?"

"Sa palagay ko hindi ka suplada. Mabait ka iyon ang pagkakatingin ko sa mukha mo."

"Talaga? Well, ganyan din sinasabi sa akin ng asawa ko."

"Pareho kami hindi sinungaling."

"Baka nga."

🎵🎶 If we fall in love 🎵🎶

Nadidinig namin mayroon kumakanta papalapit sa puwesto. Maya-maya dumaraan si Thalia naka-high heels ito, nakasampay ang jacket sa balikat habang nakasabit sa daliri. Huminto lamang sa pagkanta ng mapansin kaming nakatingin. Kung todo ngiti pero kaagad sumimangot ang mukha ng makita ang kasama ko.

"Saan ka galing??"

"Dito lang sa tabi-tabi." simple niyang ningitian si Charie. "Dito muna ako sa loob." may sasabihin pa sana ako kaya lang mabibigat na hakbang ang narinig ko papalayo sa puwesto namin.

To be continued...


Load failed, please RETRY

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C0
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login