Download App

Chapter 3: Legal Wife

Apat na linggo ang mabilis na lumipas, pilit naming ibinabalik ni Dave sa dati ang aming pagsasama, ipinakita niya rin sa akin ang mga annulment papers na nagpapatunay na hihiwalayan niya talaga ang kanyang asawa. Ako naman ay patuloy pa rin sa pagtuturo, may mga naririnig pa rin akong usap-usapan mula sa iba kong kasama sa pagtuturo, pati na rin sa mga estudyante, kaya naman pinili ko na lamang na magbitiw. Sa susunod na buwan ay magiging epektibo na iyon, naisip kong tama nga si Dave sa binalak niyang gawin noong nakaraan. Magpapahinga lamang ako sandali saka ako mag-aapply sa ibang eskwelahan.

"Ano yan?" napangiti ako nang lumapit sa akin si Carissa.

"Remembrance ko para sa mga bata"

"Naks naman, baka naman humagulgol ka niyan sa last day mo ha?!"

"Hindi ah!"

"Desidido ka na ba talaga? Baka naman nabibigla ka lang? Isa pa, wala namang katotohanan iyon diba? Hindi na rin naman nanggulo yung babae, malamang napagkamalan ka lang talaga nun." malungkot akong napangiti sa tinuran ng aking kaibigan. Kung alam mo lang Carissa, totoo na isa akong kabit, pero anong magagawa ko? Mahal ko si Dave, isa pa ay gumugulong na ang annulment nilang dalawa, hindi magtatagal ay magiging malaya kaming muli at magiging ganap na mag-asawa.

"Kahit naman anong gawin ko, nakatanim na sa mga isip ng tao ang nangyari"

"Eh anong balak mo ngayon? Hahayaan mo na lang na masira ang buhay mo ng dahil lang sa isang maling akala? Bakit kasi hindi mo ipagtanggol ang sarili mo?" dahil wala akong karapatan na gawin iyon, kahit pagbali-baligtarin pa ang mundo, hindi mababago ang katotohanan.

"Hayaan ko na lang, tutal ay maganda rin naman na makagpahinga ako kahit ilang buwan."

"Ikaw ang bahala. Oh siya sige, maiwan na kita diyan, malapit na yug susunod kong klase. Sabay tayong uuwi ah?" magiliw akong tumango saka muling itinuon ang aking atensyon sa aking ginagawa. Kailangan kong libangin ang aking sarili upang kahit papaano ay maalis sa aking isipan ang problemang kinakaharap ko ngayon.

Mabilis akong bumaba ng tricycle nang makita ang mga lalaking nagbaba ng mga gamit sa isang pick-up, kasunod niyon ay ang paglabas ni Dave sa gate at ng babaeng nanugod sa akin, may hawak itong dalawang bata na sa tantiya ko ay halos magkasunod lamang ang mga edad, agad akong lumapit sa aking nobyo, hindi rin nakaligtas sa aking paningin at pang-uuyam sa mga mata ng kanyang asawa.

"Anong meron?" puno ng pagtataka kong tanong, pero may ideya na ako kung ano ang nangyayari at hindi maganda ang pakiramdam ko dahil doon.

"Mamaya na tayo mag-usap pagkatapos magbaba ng mga gamit" aniya sa mahinang tinig, bahagya akong natigilan ngunit ilang sandali lamang ay nakabawi ako at mabilis na naglakad papasok ng bahay, ni hindi ko pinansin ang asawa niya at ang mga bata, dumiretso na lamang ako sa silid naming dalawa para lalo lamang makaramdam ng galit. Mayroong dalawang maleta at ilang bag na naglalaman ng mga laruan, hindi pa man ako nakakahuma ay may isang lalaki ang pumasok doon na may dalang mga karton at akmang ialalapag iyon sa sahig.

"Ilabas nyo iyan! Hindi tambakan ang silid ko!" galit kong sigaw, agad naman itong lumabas bitbit ang mga karton. Pabalibag kong isinara ang pinto at ini-lock. Hindi ko mapigilan ang maiyak sa sobrang inis! Malinaw ang naging usapan namin ni Dave noong nakaraan, ang sabi niya sa akin ay talagang hiwalay na silang dalawa ng babaeng iyon peo heto at makakasama pa namin sa bahay?! Hindi ako makapapayag!

"Love" tinapunan ko ng masamang tingin ang pinto kung saan sunod-sunod na mahihinang katok ang ginagawa ni Dave, imbes na pagbuksan siya ay tinungo ko ang cabinet na naglalaman ng kanyang mga damit, puno ng galit na dinakot ang mga gamit niya, nagkakandahulog na nga ang iba ngunit wala akong pakialam, kahit hirap na hirap ako ay nagawa kong buksan ang pinto at walang sabi-sabing ibinato sa kanya ang mga gamit.

"Layas! Lumayas kayo! Ang kakapal ng mukha nyo"

"Love, please naman, pakinggan mo muna ako" nagawa niya kaagad na lumapit sa akin at akma akong yayakapin, pero mabilis akong umiwas at bahagyang lumayo sa kanya, nakita kong nasa likod niya ang babaeng iyon at tila nang-aasar na ngumiti sa akin na siya namang lalo kong ikinagalit!

"Wala akong balak na makinig sa kung ano mang sasabihin mo Dave! Lumayas kayo ngayon din!"

"Jamie, please, kailangan ni Portia ng makakasama..."

"Bakit? Hindi ba at malinaw ang naging usapan natin? Ilang beses mong inulit-ulit sa akin na hiwalay na kayo---"

"Naniwala ka naman"

"Portia, stop it, bantayan mo muna ang mga bata sa sala--"

"Bakit mo ako pinatitigil? Bakit? Natatakot na malaman ng kabit mo na nagsinungaling ka sa kanya dahil hindi naman talaga tayo naghiwalay? Na sa katunayan nga ay masusundan na ang bunso natin---"

"Portia!!!" mabilis akong lumapit sa kinatatayuan ni Portia at walang sabi-sabing hinila ang kanyang buhok, galit na galit ako! Kung hindi siya lumandi noon, wala ako sa sitwasyon na ito! Ang higpit ng pagkakahawak ko kanyang buhok, inaawat ako ni Dave, si Portia naman ay umiiyak na dahil sa nararamdamang sakit, nakita ko rin na nasa isang sulok ang mga anak nila at umaatungal na rin pero wala akong pakialam!!!

"Hayop ka! Ang kapal ng mukha mo! Malandi ka!!! Malandi!!! Ikaw ang nang-agaw!"

"Aray!!!"

"Jamie tama na ano ba?!"

"Ang kakapal ng mukha nyo! Mas lalo ka nang babae ka! Napakalandi mo!!!" Nagawa kong iwasiwas ang kanyang ulo kasabay noon ay malakas na paghila sa akin ni Dave papalayo kay Portia. Gulong-gulo ang kanyang buhok, halos maghalo na rin ang sipon at luha sa mukha niya.

"Bitawan mo ako!"

"Tama na! Hindi ka ba titigil?" galit na sigaw ni Dave sa akin, mahigpit niya akong hinawakan sa magkabilang braso at pinakatitigan.

"Hindi! Dahil hindi ako papaoyag na magsama-sama tayo sa isang bubong ng babaeng iyan--"

"Ang kkapal ng mukha mo! Ikaw na nga itong nanininra ng pamilya ikaw pa itong matapang! Kabit ka lang naman!!!" sukat sa aking narinig ay akam akong susugod muli ngunitbagawang iharang ni Dave ang kanyang sarili at sinampal ako ng malakas.

"Sinabi nang tama na!!! Kapag may nangyari sa ipinagbubuntis ni Portia hindi kita mapaptawad Jamie! Ako ang saktan mo huwag ang mag-iina ko!"

"Ganon? Nung nakaraan lang halos ipagsiksikan mo ang sarili mo sa akin! Na kung pwede nga lang ibalik mo sa pinanggalingan nila ang mga bata ay gagawin mo, tapos gayon ganyan ang lumalabas sa bibig mo? Ang bilis naman magbago ng hangin Dave? Bakit? Anong gusto mo? Dalawa kaming bubukaka para sa iyo? Ano? Pagkatapos mo sa kanya, ako naman? Kapag hindi siya puwede ako ang gagamitin mo? Reserba mo ba ako?!!!"

"Tumigil ka na!"

"Ikaw ang tumigil! Lumayas kayong dalawa!"

"Hindi ako aalis dito, bahay ko rin ito, kailangan ng mga anak ko ng ama--"

"Sige, ako ang aalis---"

"Walang aalis!" Itinulak niya ako papasok sa loob ng silid, nawalan pa ako ng balanse dahilan upang bumagsak ako sa sahig.

"Sorry Love" ani Dave nang tulungan niya akong tumayo, pinili ko na lamang na huwag magsalita mapapagod lamang ako, isa pa ay natitiyak ko na siya naman ang mananalo kung sakaling ipagpatuloy ko ang pakikipatalo sa kanya, ayoko na. Suko na ako. Hindi ko na kayang sikmurain ang pinagagagawa niya sa akin.

Mahimbing pa ang tulog ni Dave nang umalis ako ng bahay, doon silang mag-anak sa sala natulog, gustong-gusto ko nga silang buhusan kanina ng mainit na tubig pero pinigilan ko ang aking sarili. Mas pinairal ko ang pagiging kalmado, ayokong simulan ang araw na galit ako, kahit mahirap ay titiisin ko na lamang, kaysa masabihan pa akong eskandalosa. Tatahimik na lamang ako, wala naman akong panalo sa babaeng iyon lalo na at ipinagbubuntis nanaman niya ang anak ni Dave.

Nasa kalagitnaan na ako ng subdivision nang biglang dumapo ang isa kong palad sa aking puson, kasunod niyon ay ang pagtahip ng aking dibdib. Hindi ko kaagad napansin na hindi nga pala ako dinatnan noong isang buwan, ang akala ko ay dala lamang ng stress, ngunit ganoon na lamang ang kaba ko ng maalala kung anong petsa na ngayon!

Tila wala ako sa sarili na pumara ng tricycle at nagpahatid sa isang drugstore. Mabuti na lamang at wala masyadong tao, bumili kaagad ako ng tatlong PT kit. Kulang na lang ay ipanalangin kong baog ako at kailanman ay hindi maaaring magbuntis, hindi ko kasi alam kung ano ang mangyayari sa akin kung totoo man ang hinala ko. Sana...Sana mali ako.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login