Download App
100% Gun/Savior

Chapter 4: STRIKE 3: "Falsely Accused"

STRIKE 3: "Falsely Accused"

*****

Isang lalaki na may magandang mukha at kulay asul at singkiting mga mata ang humarap sa kalaban. Taglay niya ang presensya ng isang bayani, isang sundalo na walang anumang kinatatakutan. Pinagliyab niya ang kaniyang mga kamay tulad ng sa isang sulo ngunit hindi manlang nito tinupok ang kaniyang mga kamay.

Tama.

Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nakasaksi si Stanley ng isang Alter sa aktuwal na laban. Labis siyang namangha, na umabot pa sa puntong halos ayaw nang kumurap ng kaniyang mga mata para titigan ang kamangha-manghang lalaki na nakatayo sa kaniyang harapan.

"Para siyang...isang hero, isang savior!" iyon agad ang unang bagay na kaniyang naisip. Kaya imbis na matakot ay lalo pang nakaramdam ng pagkasabik ang binatang si Stanley na panoorin ang sundalong Alter sa pakikipag-laban na gagawin nito sa babaeng gumagamit ng bakal.

"Huwag na nating patagalin 'to." walang takot na isinulong ng lalaki ang kaniyang isang paa habang nakahanda naman sa pag-atake ang kaniyang nagliliyab na mga kamay.

"Simulan na natin 'to nang matapos na..."

*****

Ilang segundo rin ang lumipas bago nakabawi sa kaniyang pagkagulat ang babaeng gumagamit ng bakal bilang sa sandata sa pagsulpot ng lalaking alter user na gumagamit naman ng apoy.

"Hindi ko ito inaasahan..." ang sabi ng babae sa kaniyang sarili, "...pero mukhang sinusuwerte parin ako. Sa oras na matalo ko ang Alter na ito, sigurado na maibebenta ko siya sa mas mahal na halaga sa black market!"

Walang anu-ano ay ibinuka ng babae ang kaniyang mga kamay at naglabas ito ng makapal na bakal na bumalot sa buo niyang braso. Nagmistulang barena ang buong braso ng babae at kaya rin nitong gumalaw na parang isang barena.

"Be ready, handsome."

Walang naging reaksyon ang lalaki sa babala ng babae sa kaniya maliban sa seryosong postura nito na handa nang makipaglaban anumang sandali.

"Katapusan mo na!"

Mabilis na sumugod ang babae gamit ang kaniyang bakal na kamay. Umiwas muna sa pag-atake ang lalaking Alter at hinayaan niya ang babae na sumugod. Pagkatapos ay saka siya gumamit ng apoy at pinatamaan ang bakal na kamay ng kalaban. Subalit nagawang salagin ng babae ang pag-atake at nagawa pa siyang daplisan ng kaniyang kalaban sa balikat.

"Hanggang d'yan lang ba ang kaya mo handsome!"

Ipinadyak ng babae ang kaniyang kanang paa at pagkatapos ay bigla na lang umusbong mula sa lupa ang mga bakal na spikes. Parang may sariling buhay ang mga bakal at pilit na hinahabol ang lalaking alter na gumagamit ng apoy. Mabuti na lang at maliksing kumilos ang lalaki kaya naiwasan nito ang mga matutulis na bakal na tumama sa kaniyang katawan.

"Tapos ka na ba? P'wes, ako naman!"

Ipinagtagpo ng lalaki ang kaniyang mga palad at pagkatapos ay saka niya inilapat ang mga ito sa lupa. Walang anu-ano ay biglang sumiklab ang apoy mula sa ilalim ng lupa at mabilis nitong tinupok ang mga bakal na spikes.

"Whoa! Ang init!"

Mapanganib naman para sa binatang si Stanley na lumapit sa nangyayaring labanan kaya minabuti niyang dumistansya. At mula sa puwestong pinagtataguan niya ay pinanood niya kung paano lumaban ang lalaking alter sa babaeng gumagamit ng bakal.

"Ang husay niya! Nakakabilib!"

Huminto sandali ang babae sa pag-atake para lang ayusin ang kaniyang nagulo ba buhok.

"Masyado nang tumamatagal ang warm-up natin, handsome. Alam ko na may ibubuga ka pa. Ba't 'di mo ako seryosohin para naman may thrill ang ginagawa natin?" tila ba hinahamon pa ng babae ang lalaking alter na lumaban sa kaniya ng seryoso. Tinugunan naman siya ng binata ng isang nakakainsultong ngiti at nagwika...

"Napansin mo pala? Hindi ka naman pala kasing hina tulad ng iniisip ko."

Bahagyang namula sa inis ang babae sa sinabi sa kaniya ng lalaking Alter.

"Enough! Masyado kang maraming sinasabi!" muling pumorma ang babae upang sumugod sa lalaking Alter User. "Hindi ko panghihinayangan ang halaga mo sa black market! Ngayon pa lang ay tatapusin na kita!"

Ngunit nang ihahakbang na sana ng babae ang kaniyang mga paa upang sumugod ay bigla siyang natigilan.

"T--teka, anong?!"

Unti-unting nanlambot ang katawan ng babae tulad ng bakal na unti-unting tinutunaw ng apoy.

"A--anong....anong nangyayari sa akin! Gyaaaa!"

Maski si Stanley na nanonood mula sa kaniyang puwesto ay nagulat sa pagbabagong nangyayari sa babaeng gumagamit ng bakal.

"A--anong nangyayari sa kaniya! N--Nagbabago ang hitsura niya! Para siyang unti-unting natutunaw!"

At isang nakakakilabot na ngiti sa isang sulok ang nakita ni Stanley na namutawi sa labi ng lalaking Alter.

"Okay ka sanang kalaban pero mahina naman ang utak mo."

"Anong sinabi mo?!"

"Hindi ba dapat ikaw ang mas nakakaalam ng kahinaan mo?" ang sabi ng lalaking alter sa babaeng gumagamit ng bakal na ngayon ay dahan-dahang lumulupaypay sa lupa. "Nagkakaroon ng pagbabago sa bakal sa oras na dumarang ito sa mataas na temperatura. Alam mo ang bagay na iyon, tama?"

"Imposible!" galit na giit ng babae sa lalaking alter. "Imposible mong magawa ito sa akin! kailangan ng matagal na exposure ng katawan ko sa mataas na temperatura para mapunta ako sa ganitong anyo! Kaya paano mo ito nagawa?!"

Muling inilapat ng lalaki ang kaniyang kamay sa lupa kung saan makikita ang maliliit na butas na kaniyang ginawa. Mula doon ay napagtanto ng babae kung ano ang ginawa ng lalaking alter upang siya ay malagay sa ganoong uri ng sitwasyon.

"H--heat Transfer?!**"

"Tama ka." ang sabi ng lalaking alter na gumagamit ng apoy. "Kung napansin mo kanina, sinubukan ko ang direktang atake sa iyo gamit ang apoy. Pero ang tototoo, hindi 'yon isang atake kundi paraan ko lang para alamin ang melting point** mo. Sa ganoong paraan ay malalaman ko kung gaano kataas na temperatura ang kailangan kong bitawan sa lupa at sa hangin para isagawa ang proseso ng annealing**. Salamat sa mga bakal na spikes na inilabas mo kanina, dahil mga conductors** ang mga bakal na inilabas mo kaya nakagawa ako ng pathway para ipasa ang init mula sa ilalim ng lupa hanggang sa mga bakal na konektado sa katawan mo."

Napakagat ng kaniyang labi ang babae dahil sa tindi ng kaniyang inis.

"Imposible!" giit parin niya sa lalaking alter. "Isang beses ka lang nagpalabas ng apoy mula sa lupa! Imposibleng nanatili sa mataas na temperatura ang ginawa mong pagpapainit sa mga bakal sa isang gamitan lang ng apoy!"

"At sino naman ang nagsabi sa iyo na isang beses ko lang siya ginamit?"

Nagulat ang babae sa rebelasyon ng lalaking alter. Doon niya muling pinagmasdan ang mga butas na ginawa ng lalaking alter sa lupa kung saan nito pinadaloy ang apoy.

"D--don't tell me..."

At walang anu-ano ay ipinadyak ng lalaki ang kaniyang kanang paa kung saan dumaloy ang napakalakas na puwersa na nagresulta sa pagkabuwal ng lupa. Laking gulat ng babae at ng nanonood na si Stanley na mula sa nabuwal na lupa ay naroon ang naglalagablab na magma**

"M--magma?!"

Ikinagulat ng babae ang kaniyang nakita. Hindi lang pala isang high-grade Alter user ang kalaban niya kundi isang Rare-Type na may kakayahan na maglabas ng dalawa o higit pang elemento mula sa ginagamit nitong main element.

"A--ang galing!" labis na humahangang sabi ni Stanley sa kaniyang sarili. Napapanganga siya nang husto sa husay ng taktika ng lalaking alter user. "Ang husay niya! Gumamit siya ng combo-element laban sa kalaban niya! Naglabas siya ng magma sa ilalim ng lupa at pinanatili n'ya ang mataas nitong temperatura na hindi manlang napapansin ng kalaban niya!"

Unti-unting hindi nakakilos ang babae at lumupaypay na parang gelatin sa lupa.

"Cursed you!" ang nanghihinang sabi ng babae. "May araw karin sa akin, handsome!"

Pagkatapos manalo ng lalaking alter sa laban ay agad siyang nagtawag ng back-up gamit ang kaniyang wireless phone na nakakabit sa likod ng kaniyang tainga. Wala pamang labinlimang minuto ay dumating na ang back-up ng binatang sundalo. Isang armored van ang dumating lulan ang sampung Alter Agents. Sa kanilang damit ay nakalagay ang tatak ng tanyag na MADFA, ang organisasyon na nais sanang pasukin ng binatang si Stanley.

"T--taga MADFA ang mga taong 'to?! Ayos!"

Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Stanley. Agad niyang pinuntahan ang lalaking alter na nagligtas sa kaniya upang makapag-pasalamat at para makapag-patulong narin kung paano siya makakapunta sa MADFA. Subalit bago paman siya nakalapit sa binata ay agad na siyang hinarang ng isa sa mga Alter Agents at sinabing...

"Kailangan mong sumama sa amin, bata."

Nagtaka naman si Stanley kung bakit.

"Eh? Teka, bakit naman?"

"Basta, sumama ka na lang."

Walang anu-ano ay hinatak si Stanley ng isa sa mga sundalo at sapilitan siyang isinakay sa loob ng armored van.

"T--teka lang!" pilit na pumapalag si Stanley sa mga sundalong dumakip sa kaniya. "Anong kasalanan ko?! Bakit pati ako dinadakip ninyo!"

"Huwag ka na lang pumalag." Hindi paman naliliwanagan si Stanley sa totoong nangyayari ay bigla na lang siyang kinabitan ng sensored-type na posas. Sa oras na magtangka siyang tumakas o gumawa ng anumang mapanganib na hakbang ay agad na maglalabas ng kuryente ang posas. "You have the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you in a court of law. You have the right to an attorney. If you cannot afford an attorney, one will be provided for you**."

"S—sandali! H—hinuhuli n'yo ba ako?! Bakit?! Wala naman akong ginagawang masama ah! Hoy! Hoy!"

Ngunit hindi siya pinakinggan ng mga sundalong dumakip sa kaniya. Sapilitan siyang isinakay ng mga ito sa armored van at dinala sentro ng siyudad kung saan nakatindig ang isang napakalaking gusali; isang napakagarang military facility na pag-aari ng pinakakilalang organisasyon na binubuo ng pinakamahuhusay at pinakasinanay na mga Alters – ang MADFA.

Mula sa binata ng armored van ay nakita ni Stanley ang laki at ganda ng nasabing pasilidad. Sa sobrang lawak ng lupain na kinatitirikan ng napakalaking gusali, aakalain mong isa na itong malaking bansa. Pagpasok pa lang nina Stanley sa entrada ay kitang kita na ang higpit ng seguridad. Marami siyang nakitang mga Alter Agents na labas-pasok sa pasilidad. Ang iba sa kanila ay armado habang ang iba naman ay wala.

"I—ito pala ang MADFA. Ang laki ng lugar na ito para sa isang military facility."

At habang nasa kalagitnaan pa ng kaniyang pagkamangha si Stanley ay saka naman biglag huminto ang armored van na kaniyang sinasakyan. Pagkahinto ng van ay saka siya muling kinuha ng mga armadong sundalo ng MADFA at sapilitan siyang dinala sa loob ng gusali kung saan naghihintay ang Chief Interrogator na si Lt. Karen Bluer, isang babae na maamo ang mukha, may prominenteng nunal sa tabi ng kaniyang kulay berdeng mga mata at nakapuyod na maalong luntiang buhok. Hindi naman nangamba si Stanley pagkakita niya sa babaeng tenyente dahil maamo hindi lamang ang mukha nito kundi maging ang pananalita.

"Kung gano'n, kasangkot pala ang batang 'to sa Alter Human Trafficking, tama?"

Bahagya namang nagulat si Stanley sa paratang sa kaniya.

"Anong kasangkot?!" agad na protesta ni Stanley. "Ako nga ang biktima rito! Bigla na lang akong dinukot ng babaeng gumagamit ng bakal! Ni wala nga akong kaalam-alam!"

Ngumiti lang ang tenyente sa binatang si Stanley. Hindi ito nagsalita, bagkus ay sumenyas ito sa mga armadong sundalo na papasukin sa loob ng interrogation room si Stanley.

"Upo."

Pinaupo si Stanley sa isang upuan. Kaharap niya si Lt. Bruer na nakangiti ng malamig sa kaniya.

"May ebindensya kami laban sa iyo, bata."

At ipinakita ng tenyente ang isang larawan kung saan nakuhanan siyang kausap ang babaeng gumagamit ng bakal na para bang magkakilala sila. Nagulat naman si Stanley sa kaniyang nakita. Mukha nga naman siyang kasangkot dahil kusang-loob pa siyang sumama sa babae na nasa larawan at hindi manlang pumalag.

"L—lagot..."

"Kung totoo na hindi ka kasangkot rito, bakit kusang-loob kang sumama sa babaeng ito. Hindi ba dapat ang makikita ko sa larawang ito ay sapilitan kang pinapapasok sa loob ng kotse? Paano ako maniniwala sa iyo?"

At muling nagpakita ng mga ebidensya ang tenyente. Mga folders na naglalaman ng mga case reports. Mga tao na sangkot sa ilegal na pagbebenta sa mga Alter Humans sa Black Market. Ang ilan sa mga naka-report na modus operandi ng mga taong ito ay ang pagkuha nila ng mga informants na nagbibigay sa mga sellers ng impormasyon kung saan makakakuha ng mga high-grade Alter Humans sa siyudad.

"Bibigyan kita ng pagkakataon, bata." Walang paliguy-ligoy ng tenyente kay Stanley, "Isa kang informant, tama?"

Bahagyang napalunok ng kaniyang laway si Stanley. Hindi siya matalino para mag-isip ng magandang alibi. Bagama't totoo na biktima siya sa nangyari, paano niya patutunayan na siya ay inusente?

"H—hindi ako informant!"

"Talaga ba?" halatang duda ang babaeng tenyente sa sagot ni Stanley. "Mapapatunayan mo ba 'yon sa akin?"

Mukha lang palang mabait ang tenyente, ngunit ang totoo ay nag-uumapaw ang masama nitong awra na tila ba sinasabi nito sa kaniya na..."Sa oras na hindi ka umamin, dudukutin ko ang mga mata mo at ipapakain ko sa mga daga!"

Muli ay kabadong lumunok ng kaniyang laway si Stanley.

"K—kahit dukutin n'yo pa ang mga mata ko at ipakain sa mga daga, wala akong aaminin sa inyo dahil hindi naman ako kasangkot sa mga taong 'yon! Ako ang biktima rito! Galing pa ako sa malayong lugar at dumayo ako rito sa New York para kumuha ng eksam!"

"Huh? Exam ba kamo?"

Agad na kinuha ni Stanley sa kaniyang bulsa ang pamphlet kung saan nakasulat ang anunsyo ng MADFA para sa mga aspiring Alter Agents.

"Hayan!" at ipinakita ni Stanley ang papel. "Narito ako para kumuha ng eksam!"

Kinuha naman ng tenyente ang papel. "Promotional pamphlet nga ito ng MADFA. Eh ano naman?" at pinilas ng tenyente sa dalawa ang pamphlet. "Sa tingin mo papasa ito na alibi?"

Nagulat si Stanley sa ginawang pagpilas ng tenyente sa papel. "A—ang pamphlet!"

"Kung hindi ka aamin, mapipilitan ako na gamitin ito sa iyo."

Hinubad ng tenyente ang suot niyang guwantes kung saan nagkukubli ang kaniyang transparent na kamay. Natakot naman si Stanley sa kaniyang nakita. Kahit hindi lubusang nauunawaan ng mahina niyang utak ang mga nangyayari ay sigurado naman siya na nalalagay sa panganib ang kaniyang buhay.

"Sinabi ko na nga sa inyo!" patuloy na giit ni Stanley. "Hindi ako kasangkot sa mga taong 'yan! Wala akong kinalaman sa mga ilegal na trabaho nila!"

Nakipaglaban ng titigan si Stanley sa babaeng tenyente. Bagama't halos tumalbog ang puso ng binata dahil sa kaba kung paniniwalaan ba siya o hindi ng tenyente ay pilit siyang nagpapakatatag. Hindi siya maaaring magpatalo. Kailangan niyang linisin ang kaniyang pangalan o kung hindi ay tiyak na ang bagsak niya ay ang bakal na rehas.

Hanggang sa...

"Okay. Mukhang wala ka ngang alam." Ang sabi ni Lt. Bruer na para bang walang tensyon na nangyari. Muli niyang isinuot ang kaniyang guwantes at sinenyasan ang mga mga armadong alters na nakaantabay sa interogasyon na pakawalan na ang binata. "Sasamahan ka ng mga tauhan ko sa clearing area. Magpakabait ka sa kanila, okay?"

Nagtaka naman si Stanley kung ano ang eksaktong nangyari. Kanina lang ay halos pitpitin siya na umamin sa isang kasalanan. At ngayon naman ay bigla na lang siyang hinayaan na umalis na wala manlang ginagawa na torture sa kaniya.  "Gano'n na lang 'yon?"

"Oh? Ano pang hinihintay mo? Sumama ka na sa kanila." Ang sabi ng tenyente.

"T—teka, ganoon na lang 'yon?"

"Bakit bata? Gusto mo bang may gawin pa ako sa iyo?" at nilapitan ng babaeng tenyente ang binata at nagwika. "Alam kong nagsasabi ka ng totoo. May kakayahan akong malaman kung nagsisinungaling o hindi ang isang tao sa pamamagitan lang ng pagtitig ko sa mga mata nila. Kaya nga ako ang Chief Interrogator."

"E—eh 'yong k—kamay mo?" at itinuro ni Stanley ang transparent na kamay ng babaeng tenyente na nakita niya kanina. "P—para saan naman 'yon?"

"Ah? Iyon ba?" at mahinhin na napatawa si Lt. Bruer, "Wala lang 'yon. Panakot ko lang. Baka sakaling bumigay ka."

Lumaylang ng wala sa oras ang mga balikat ni Stanley sa kaniyang narinig. Kahit papaano naman ay nabunutan siya ng tinik sa lalamunan na hindi na siya huhulihin. Pero aminadong natakot siya sa nangyari at kamuntikan nang mapa-ihi.

Pagkatapos ng interogasyon ay inihatid na ng mga armadong Alter ang binatang si Stanley sa labas ng MADFA vicinity. Gabi na noon at gutom narin siya. Pero kailagan niyang tipirin ang pera na mayroon siya sa kaniyang pitaka hangga't 'di niya nasisiguro na makakapasok siya bilang Alter Agent sa MADFA.

Mula sa napakalaking bakal na gate ng MADFA na bantay-sarado ng mga sundalo ay pinagmasdan ni Stanley ang kaniyang pangarap na halos abot-kamay na niya. Punung-puno ang puso niya ng determinasyon na makapasok sa mundong iyon at tuparin ang kaniyang pangarap tulad ng iniidolo niyang karakter sa komiks na isang savior. At ngayon, mas nadagdagan pa ang rason niya na ipagpatuloy ang kaniyang pangarap dahil sa misteryosong lalaki na nagligtas sa kaniya. Isang mahusay na Alter Agent na nagtatrabaho para sa MADFA.

"Hinding hindi ako susuko. Makakapasok ako sa MADFA at magiging mahusay na Alter Agent ako tulad ng taong 'yon! Ipinapangako ko 'yan!"

Samantala...

"Mukhang hindi pa nila natutuklasan kung sino ang kumukuha ng mga impormasyon sa data base ng MADFA." Isang lalaki na nakasuot ng makintab na kulay pilak na coat ang nagsalita. Kumportable siyang nakaupo sa isang pure leather sofa habang umiinom ng mamahaling alak gamit ang isang gintong kopita. Kausap niya noong mga sandaling iyon ang isang espiya, isang MADFA agent na nagtatrabaho sa kaniya at siyang naka-toka sa pag-hack sa data base ng nasabing organisasyon. "Mas malaking pasabog ang gagawin natin sa MADFA.Gusto kong makitang mataranta silang lahat! Lalo na ang rookie na 'yon..."

Ininom ng lalaking ito ang hawak niyang kopita na may laman na alak at muling nagsalita.

"It's show time..."

TO BE CONTINUED...

END OF CHAPTER THREE

*****

Chapter Footnotes:

Melting point: (or, rarely, liquefaction point) of a substance is the temperature  at which it changes state  from solid to liquid at atmospheric pressure. At the melting point the solid and liquid phase exist in equilibrium. The melting point of a substance depends on pressure and is usually specified at standard pressure. 

Annealing:  is a heat treatment that alters the physical and sometimes chemical properties of a material to increase its ductility and reduce its hardness, making it more workable. It involves heating a material above its temperature, maintaining a suitable temperature for a suitable amount of time, and then cooling.

Heat Conductors: Also known as "Thermal Conductors" is the transfer of heat (internal energy) by microscopic collisions of particles and movement of electrons within a body. The microscopically colliding particles, that include molecules, atoms and electrons, transfer disorganized microscopic kinetic and potential energy, jointly known as internal energy. Conduction takes place in all phases of matter  including solids, liquids, gases and waves. The rate at which energy is conducted as heat between two bodies is a function of the temperature difference (temperature gradient) between the two bodies and the properties of the conductive medium through which the heat is transferred. Thermal conduction was originally called diffusion. Conduction: transfer of heat via direct contact.

Magma: from ancient Greek word  μάγμα (mágma) meaning "thick unguent") is a mixture of molten or semi-molten rock, volatiles and solids that is found beneath the surface of the Earth , and is expected to exist on terrestrial planets and some natural sattelites. Besides molten rock, magma may also contain suspended crystals, dissolved gas and sometimes gas bubbles. Magma often collects in magma chambers  that may feed a volcano or solidify underground to form an intrusion. 

The Miranda Rights: A way to inform a person who has been arrested of their legal rights, in accordance with the Miranda ruling. A typical Miranda warning can read as follows:

"You have the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you in a court of law. You have the right to have an attorney. If you cannot afford one, one will be appointed to you by the court. With these rights in mind, are you still willing to talk with me about the charges against you?"


Load failed, please RETRY

New chapter is coming soon Write a review

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C4
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login