Download App

Chapter 3: Entry# 3

Nakakapagod maghintay. Palagi na lang. Nakakasawa rin ah. Parang tangang nakatunganga at naghihintay lang sa pagdating ng taong hindi mo alam kung darating pa nga ba o hindi na.

Walang kasiguruhan. Pero bakit pa rin ako nagtya-tiyaga?

Nakakapagod antayin si the one. Pero para sa akin, mas nakakapagod hintayin yung adviser niyo sa thesis! Peste.

Kanina pa akong alas-dos dito naghihintay sa kanya para ipacheck 'tong chapter two at three namin pero hanggang ngayon, wala pa rin siya. Eh anong oras na ba? Mag-aalas-kuwatro na oh.

Gusto ko na umuwi! Huhu. Gusto ko na matulog at kumain nang maraming-marami.

Sige lang. Sabi nga nila, pag may tyaga, may nilaga. Sabi ko naman, pag may tyaga, makakapasa. HAHAHA. Fighting!

"Tagal naman ni sir!" naiinip na sabi ni Ailou. Magkasama kaming nakaupo rito sa bench habang naghihintay na dumaan ang mga advisers namin. Papunta kasi sa faculty ng college namin ang lobby na ito.

"Oo nga. Kailangan na macheck-an to. I-edit pa tapos pa-checkan na naman ulit. Dapat maka-defense na raw tayo sa first week ng March diba? " I agreed with Ailou.

"Ha? Grabe naman. Bakit ang bilis?" Nanlaki lalo ang mga mata ni Arnaisa.

"Kasi exam na natin sa third week ng march. One week before the exam bawal na magpa-activity eh. Yun ang rule ng school." Pagpapaliwanag ko naman sa kanila.

"Ngek. Hala paano yan? Chapter one pa lang yung natapos namin?" Lumukot ang mukha ni Arnaisa.

"Ha? Bakit chapter one palang? Ang tagal na niyan ah?" I asked in surprise kasi December palang pinasimula na kami with all these thesis stuffs. By January, nakahanap na ng adviser, nakapagsulat na rin kami ng proposal matrix, tapos chapter one. Ang bilis diba?

Taking up B.A. Psychology is not that hard. Pero nagiging zombie apocalypse ang labas dahil sa napakademanding naming department head slash thesis instructor na wagas makapag-set ng deadline. Payat na nga ako, mas lalo pa akong nagiging payat!

Napahikab ako. Nagugutom na rin daw si Ailou. Sumunod rin na napahikab si Arnaisa bago sinagot ang tanong ko. "Natagalan kasi kami sa paghahanap ng adviser."

"Kung ako sa inyo, hati-hatiin niyo na yang trabaho. Ilan kayo sa grupo niyo?" sagot naman ni Ailou habang may kung anong kinukuha sa bulsa ng laptop bag niya. Naglabas siya ng isang Rebisco na Honey flavored.

YES! May pagkain! Gusto ko yan!

"Apat. Kagrupo ko sina Sheena, Wincelette, at Kaylene."

"Asan sila?" Tanong ni Ailou sa kanya habang ngumunguya. " Gusto niyo? " pag-aalok ni Ailou sa amin ng biscuit.

Umiling si Arnaisa. Pero ako? Hindi na ako nahiya pa at kumuha na ako ng isang buong crackers saka nagpasalamat na rin.

Sus, mabait naman yan si Ailou eh. Atsaka isa pa, kapag binigyan ka, dapat tanggapin mo na. Parang nakaka-offend naman kasi sa part ng nagbigay na nag-offer ng kung anong meron siya wholeheartedly sa iyo tapos hindi mo tatanggapin?

Nag-iba naman ng posisyon sa pagkakaupo si Arnaisa tapos niyakap niya ang bag niya. "Si Wincelette, nagpaprint pa. Sina Sheena at Kaylene, ewan ko. "

"Hati-hatiin niyo para mas mabilis! Kailangan niyo makahabol. OJT natin ang nakasalalay dito." Oo nga. Tama si Ailou. Isa pa yan. Aasikasuhin pa namin ang OJT requirements namin kasi sa summer na ang OJT. Ang may bagsak ngayong sem, hindi papayagang mag-OJT. Walang puso pa naman yung department head namin.

Bumuntong hininga si Arnaisa at tumingin sa malayo bago sumagot. "Hindi naman kasi tumutulong yung dalawa. Hindi rin sumisipot. Daming rason. Naiinis na nga ako. Tapos nag-aaway away na kami. Sisihin ba naman kami na kami raw yung hindi gumagawa, eh nagre-reach out naman kami sa kanila. Sila yung ayaw maki-cooperate sa amin. Wala nga akong tulog, matapos lang yung matrix namin tapos ganun? Di ko na talaga sila maintindihan.Pinipigilan ko lang talaga maiyak nung sinigawan nila ako. Sobrang naiinis na talaga ako sa kanila. Pinagpapasensyahan ko nalang."

"Nako. Dalawang sem kayong magsasama. Kayanin mo kaya? Dyusko." komento ko naman. Good luck sa kanila. Ako nga, nase-stress na eh, sila pa kaya?

"Sus. Tanggalin niyo na! Nakakainis kaya yun. Unfair yan! Sa grupo nga namin eh. Tinanggal na namin yung dalawa. Puro kasi DOTA DOTA." pangungumbinsi ni Ailou.

"Ha? Nagtanggal kayo? Edi tatlo nalang kayo?" gulat na tanong ni Arnaisa.

"Oo. May dalawa pang vacant slots. Gusto mo, sa amin nalang kayo, Arnaisa?"pag-aalok ni Ailou. Yun naman pala! Golden Opportunity na'to para kila Arnaisa.

Nag-isip si Arnaisa.

"Sige na! Para lima na tayo. Ako, ikaw, si ate wince, tapos si kuya earl at ate vanessa. Sige na. Go ka na. Lipat ka na bago mahuli ang lahat."

Gusto raw sana ni Arnaisa. Gustong gusto niya. Bukod sa mas kasundo niya ang ugali nila Ailou kesa sa kina Kaylene at Sheena, interesting para sa kanya ang topic nina Ailou. Ang thesis kasi nila ailou ay tungkol sa mga sundalo at digmaan.

Pero kailangan niya raw munang sabihin kay wincelette. Nag-aalala rin kasi siya dahil baka magalit sina Sheena at Kaylene dahil naiwan sila. Tempting naman talaga umalis.

Pero kasalanan naman nila yun kasi. Deserve naman nilang maiwan. Kasi nga, grades na ang nakasalalay dito. Ang unfair naman diba na nagpapakahirap ka tapos iba yung nag-aani? Taken for granted ka lang palagi. Ouch.

Sa part ko naman, may mga kasama rin akong tatamad-tamad. Tapos dalawa lang kaming masipag ni ate Kath. Tempting rin magpalayas. Kaso, I give second chances.

"Andyan na si sir?" Hihingal- hingal na nakarating dito sa second floor si ate Wincelette bitbit ang isang kumpol ng mga papel. Iyon yata yung pinaprint niya sa labas. Bukod sa mataba siya, paikot na pakurba rin ang hagdan dito sa Admin building at malalaki rin ang distansya ng bawat baitang.

Siguro kapre yung engineer na nag-design nitong building? Kidding. Okay, nagawa ko pang mag-joke ha. Nababagot na kasi ako.

Umiling si Arnaisa bilang sagot. "Ahay.. Asan na ba si sir? Nalunod na ba siya sa sabaw?" Sabi ni ate Wincelette.

Nagkatawanan at nagkakwentuhan kami hanggang sa dumating na ang adviser ko kaya nauna na ako sa kanila sa loob ng faculty.

Nakakabagot maghintay mag-isa. Pero kapag may kakwentuhan ka, hindi pala. Masaya mag-antay kapag may kasama.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login