Download App
A Heart Of Stone A Heart Of Stone original

A Heart Of Stone

Author: istoryanialili

© WebNovel

Chapter 1: Heart Of Stone

"Let's party!"

Madilim at tanging ang iba't ibang kulay ng ilaw na sumasayaw sa saliw ng isang upbeat song ang nagbibigay liwanag sa loob ng bar.

Pumikit ako matapos kong lagukin ang natitirang mamahaling alak sa aking baso. Tumayo ako at nag simula ng sumayaw kasabay sa dagat ng taong sumasayaw na rin sa dance floor. Everyone's wild now. Ito na kasi ang time na natatamaan na ang ibang umiinom, like me. I'm tipsy, yes. But not drunk. Maybe? Ugh!

"Hey," ani ng isang matangkad, mestizo at matipunong lalaking lumapit sa akin. Mapupungay ang mga mata niyang bumaling sa akin. Tss..

Nginitian ko lamang siya pumikit nang muli upang damahin ang musika. Booze and music. Yeah!

Naramdaman ko ang malalaki at magagaspang na kamay ng lalaki sa aking bewang habang sinasabayan ako sa aking pag sayaw. Nakatalikod ako sa kaniya kaya hindi ko siya malingunan.

"You're hot," anito sa isang sexyng tono.

I turned around to face him. "Thanks!"

Tinalikuran ko na ulit siya, umirap sa hangin at nag simula na muling sumayaw ng sumayaw at lumayo sa kaniya. He's definitely not my type.

This is life! This is how you enjoy life! Kanina pa ako umiinom at ramdam ko ng may tama na ako pero hindi pa, hindi pa ako lasing. Iyon ang sinasabi ko sarili ko, hindi pa ako lasing..

"Playing hard to get, eh?" aniya sabay higpit ng hawak sa aking baywang at biglaang hinapit papalapit sa kaniyang katawan.

I can already feel his hard on. God! Napairap nalang ako at itinulak siya.

"You're not my type." saad ko at inirapan siya. Hahakbang na sana ako palayo at paalis ng dance floor ng bigla niya akong hilahin at walang pasubaling hinalikan. Yuck!

Buong lakas ko siyang itinulak kahit nanghihina na ako dahil sa hilo na epekto ng alak dahil nga kanina pa kami umiinom. Kaya naman napalayo siya sa akin pero bago pa siya makalapit muli ay humandusay na siya sa sahig dahil sa biglaang suntok ng hindi ko alam kung sino kaya umalis na lamang ako sa scene na iyon at naglakad pabalik na ng upuan namin ng may humaklit ng braso ko at hinila ako palayo at palabas ng bar.

"Let go of me!" sigaw ko ng makarating na kami ng parking lot. Sino ba 'to?

Hilong hilo na ako kaya hindi ko na maaninag kung sino ba itong kumakaladkad sa akin. Baka ito iyong mestizong manyak! Agad ko siyang pinaghahampas sa dibdib pero puro mura lang ang inabot ko sa kaniya.

"Dammit, Atasha! Stop, you brat!"

Inirapan ko ito at hinampas muli ang dibdib. Hilong hilo na talaga ako. Halo halo na rin kasi ang nainom kong alak kanina. Tipsy, huh? Bilis ko yata malasing ngayon. Ugh!

"Uuwi na tayo!" aniya at hinila na akong muli at pasalampak na ipinasok sa kaniyang sasakyan.

"Fuck!" Daing ko nang masaktan sa ginawa ng gagong ito sa akin. Hindi ko na talaga maaninag kung sino ito. Kahit anong pilit kong mulat at tayo ay hindi ko magawa. I'm so drunk!

Inayos muna niya ako sa pagkakahiga ko sa back seat bago niya ito isara. Tumunog ang pintuan ng front seat ibig sabihin ay nakapasok na siya at dadalhin na niya ako sa kung saan. Oh goodness! Kung mari-rape ako ngayon, patayin niyo lamang ho ako! Huwag niyo na akong buhayin pa kung magdurusa lang ako all my life!

"Is she like this all the time?" malamig ang boses nito at may halong iritasyon sa pagkakatanong niya.

Wait a minute! Dalawa sila? Oh my goodness! Maga-gang rape ba ako?!

"Dammit! If you're going to rape me just kill me instead!" sigaw ko at pinagsisipa ang pintuang ng back seat. Kahit hilong hilo ako at hinang hina na ay nagawa ko paring sipain ang pintuan.

Narinig ko namang nag mura ang isa at ang isa naman ay humalakhak. Dammit! I knew it!

"Atasha, stop it!"

Oh my God! They know my name?! Paano nila nalaman ang pangalan ko? Stalkers ko ba sila? Oh my goodness!

"Ahhhh! Kuya! Help me! Daddy!" iyon na lamang ang nasigaw ko ng bigla akong hawakan sa braso ng nasa driver's seat at pigilan sa pagtatadyak na ginagawa sa sasakyan niya.

I need to get out of here but my body just couldn't move! Dammit! Alcohol, dammit!

"Goodness, Atasha! Stop screaming!"

Sigaw lamang ako ng sigaw roon. Halos maputol ang vocal chords ko sa ginawa. Kahit noong nag simula ng umandar ang sasakyan ay sigaw lamang ako ng sigaw. Hoping that kuya might hear me through telepathy and he'll save me from these rapists!

"Stop it!" sigaw muli nito at may narinig nanaman akong humalakhak.

Damn! They're so evil!

Sumigaw ulit ako ngunit pahina ng pahina na ito. Pagod na ako. Hilong hilo pa rin ako dahil sa alak na tumatama sa sistema ko. Ilang saglit lang ay wala na talagang lumabas sa bibig ko. And all went black..

Napabalikwas ako at agad bumangon pagka gising ko kinaumagahan. Agad kong tinignan ang suot kong itim na t-shirt at puting pajamas.

"Oh my god!"

Inilibot ko ang mata ko sa buong kwarto pero unti unti kong napagtanto kung nasaang kwarto ako. Kwarto ko 'to! Paanong..

Pinilit kong alalahanin ang nangyari kagabi. Pinilig ko ang ulo ko at nag isip mabuti. Mula sa pagpunta ko ng bar hanggang sa may humila na lang sa akin palabas nito at dalhin ako sa sasakyan niya. After that, everything else was a blur. I can't remember what happened next! And my head is aching real bad! Napasapo na lamang ako sa aking ulo..

"Damn.." iyon na lamang ang nasabi ko habang ramdam na ramdam ko ang bigat at sakit ng ulo ko. Ano bang nangyari kagabi?

Bakit ako nandito sa kwarto ko? Sino bang kumuha sa akin doon sa bar? Bakit iba na itong damit ko? Am I hallucinating? Am I dreaming? Pinakiramdaman ko ang akin doon ngunit wala naman akong maramdamang sakit. Ano bang nangyari? I really can't remember! God!

Agad may kumatok sa aking pintuan. Nilingon ko lamang iyon at hindi pinansin. Masakit ang ulo ko kaya huwag niyong asahang pagbubuksan ko kayo.

"Tash.." marahan na boses ni mommy ang narinig ko nang makapasok na ito sa aking kwarto.

Kasunod niya ay ang isa sa mga katulong namin na may dalang tray na may lamang pagkain. Inilapag ito ni yaya sa aking kama at agad din namang umalis. Umupo si mommy sa aking kama katabi ko at inayos ang magulo kong buhok dahil sa pagkakatulog.

"How are you feeling?" aniya sa isang malambing na boses. "You're so drunk last night.." marahan pa rin ang kaniyang boses ngunit nakataas na ngayon ang kaniyang isang kilay habang nakatingin sa akin.

"Headache.." tipid kong sagot at bumaling sa tray ng pagkain na nasa harap ko.

Mayroon doong kanin, bacon, scrambled egg at hotdog. May isang basong gatas din sa tabi nito at isang pirasong tableta sa tabi ng kutsara.

"Hmm, you were so drunk last night. That's why.." ani mommy at kinuha ang plato at kubyertos at iniabot iyon sa akin.

"Kumain ka na para makainom ka na rin ng gamot."

Inabot ko ito at nilapag sa harap ko. Sumubo akong kaunti bago tignan si mommy na naroon pa rin sa aking tabi nakamasid lang. Come on, are you going to scold me?

"Mom, stop staring at me.."

Huminga siyang malalim at tumango na lamang.

"If you need anything just call me, alright?" Hinalikan niya muna ang ulo ko bago siya tumayo.

Inayos niya ang bahagyang nagusot na pulang bulaklaking dress na nakapag patingkad lalo sa kaniyang kutis na mala porselana sa kinang at puti.

"Mag pahinga ka na lang muna dito sa bahay. Your daddy and I will be meeting some investors today. You stay here, understand?" malambing man ang boses ni mommy ay may bahid parin ng pagiging istrikta ito.

Tumango na lamang ako at nagpatuloy sa pagkain.

"Take care." sagot ko bago pa man siya makalabas ng aking kwarto.

Huminga akong malalim pagkalabas niya. Akala ko ay pagagalitan ako ni mommy. Ilang sandali ay nag antay ako sa pag pasok ni daddy pero walang pumasok.

Nang matapos akong kumain ay ininom ko na agad ang gamot upang mawala na ng tuluyan ang sakit ng ulo ko. It's beating like fuck.. napailing na lang ako at itinabi ang tray upang maka ayos ako ng pagkakahiga.

Dahil sa ininom kong gamot ay ilang minuto lamang ay nakatulog na ako. Nagising na lamang ako ng maramdamang umuga ang edge ng kama ko. Unti unti kong idinilat ang mga mata ko at agad kong nakita si kuya na nakahalukipkip sa aking harapan. Naka kunot ang kaniyang noong nakatingin sa akin..

"Ugh! Not now, kuya.." tinalikuran ko siya at kinuha ang phone sa bedside table to check what time is it.

It's already five in the afternoon and I have a few messages and missed calls from my friends. But, I'm too lazy to even read their messages. I'm sure it's about last night..

"Atasha.." ani kuya na nasa gilid ko pa rin. Umuga ang kama at hula ko ay nakahiga na rin siya dito.

"I told you to stop partying, right?" he said in a very authoritative tone. Napairap na lamang ako sa hangin. "And, I also told you to stop drinking.."

Hindi pa rin ako umiimik.

"Harapin mo nga ako." aniya at buong lakas na hinarap ako sa kaniya. Nakaupo na siya sa aking kama at nakahilig sa headboard nang nakahalukipkip pa rin.

"What?" iritado kong tanong.

If he'll going to scold me then he better stop because I have no time for his never ending sermons. It's so annoying.

Ayoko ngang magpakita kay daddy ngayon dahil alam kong puro sermon lang din ang maririnig ko sa kaniya pero itong si kuya talagang sinadya pa ako dito sa kwarto ko para pagalitan lang.

"You were so drunk last night! Naaalala mo pa bang mga nangyari ha?" Tumaas na ang boses niya at kitang kita ko na ang kaniyang mukhang pulang pula sa galit.

"So?" basta ang alam ko at sure ako ay hindi ako na-rape or what! Okay na iyon!

"You were harassed! For goodness' sake, Atasha! Mabuti na lamang at nakita kita agad doon kundi hindi ko na alam kung saan ka pupulutin ngayon dahil sa pagiging careless mo!" singhal niya at tumayo na sa gilid ng kama ko nang naka pameywang.

He's wearing a jersey kaya hula ko ay kagagaling lang nitong mag basketball.

Umupo na rin ako at nagtatakang tinignan siya. Siya pala iyong kumaladkad sa akin kagabi? Sa sobrang kalasingan ko ay hindi ko na napansing siya pala iyon?

"You were there last night?" tanong ko sa kuya kong pulang pula pa rin hanggang ngayon dahil sa galit.

"Oh, yes! Atasha! Get back to your senses, please! Paano kung hindi kita nahanap agad ha?" gigil na gigil si kuya na kung titignan mo anytime pwede siyang manuntok. He's always been like that..

"I was just having fun, okay? I'm sorry!" Umupo akong maayos at sumandal sa headboard ng kama ko at sinuklay ang buhok gamit ang mga kamay.

"How can you act like nothing happened last night? You got harassed! Wala lang sa 'yo 'yon?" hindi makapaniwalamb tanong ni kuya.

Of course, meron akong paki doon sa nangyari. Kadiri kaya. He's not my type tapos hinalikan niya ako. How dare that guy! I will sue him, I swear!

"Atasha, sumagot ka naman!"

Tinignan ko si kuya na bigong bigong nakatingin din sa akin. Medyo masakit pa rin ang ulo ko pero hindi na tulad kanina na para itong nagkaroon ng puso at tibok ng tibok.

"What do you want me to say, kuya? What do you want me to do? Sue that guy? Okay, then. Let's go?"

Tumayo na ako at umalis sa aking kama. Nakahalukipkip kong tinignan ang aking kuya na nasa kabilang side naman ng kama na nakatayo din at nakakunot ang noo sa akin.

"I already did!" sigaw niya. Oh yun naman pala e?

"Oh? Eh why are you so mad?"

Huminga siyang malalim at pumikit ng marrin bago ako tignan muli.

"God, Atasha! I'm mad because I'm worried about you! And you're so stubborn!" aniya at rinig na rinig mo na ang frustration sa boses niya.

Umirap ako sa hangin at hindi natinag.

"Then if you're worried about me.. stop scolding me and take care of me, kuya. Lalo kayang sumasakit ang ulo ko dahil sa mga sermon mo.." mahinahon kong saad na lalo yatang nakapag painis sa kaniya dahil lalo lamang pumula ang mukha niya pati ang leeg at tainga.

Alright, I'll stop here.. I already pushed almost all his buttons. Isa na lang ay baka masuntok na niya iyong pader sa gilid niya o baka maihagis na ang lamp shade sa inis. Kuya's so over protective. To the point that he's treating me like I'm still a baby and it's annoying me so much.

"Damn it! Maligo ka na nga!" aniya at umalis na sa kwarto ko. Inis pa rin siya dahil halos sirain niya ang pinto ko nang isara niya iyon.

Ginawa ko ang sinabi ni kuya. I took a steamy bath. Masyado kong na-enjoy kaya natagalan ako sa loob ng banyo. Nag bibihis na ako ng bath robe ng biglang kumatok si kuya sa pinto ng banyo ko.

"It's almost dinner and you're still there?" may inis parin sa kaniyang tono. "Finish that fast. Don't make the food wait!"

Umirap ako sa harapan ng salamin habang nagtu-toothbrush. Dapat pala mamaya pa ako lumabas ng banyo. Ayokong bumaba dahil panigurado pagagalitan lang ako ni daddy.

"Atasha.." malamig ang kaniyang boses at sumisigaw ng awtoridad nang makarating ako ng dining room.

Bineso ko siya, si mommy at si kuya na mukhang inis pa rin. Umupo ako sa tabi ni mommy na katabi si daddy na nasa gitna, katapat naman ni mommy si kuya.

"You were so drunk last night.. again.." panimula ni daddy.

Ilang beses ko na ba narinig yang line na iyan ngayong araw? Tss.

"Sorry, dad.." tinignan ko si daddy na seryoso ang mukhang nakabaling sa akin. Nangungunot ang noo. Nag iigting ang mga panga. He's mad. What do you expect, Atasha?

"I told you to stop partying and drinking too much. I warned you a lot of times but still, you didn't follow me!"

Hinawakan ni mommy ang braso ni daddy para pakalmahin ito. Ganoon din ang ginawa ni kuya. Agad namang kumalma si daddy pero kita mo pa rin ang galit sa mukha niya.

"You're so hardheaded! What if something bad happen to you, huh?" nakikita ko ang mukha ni kuyang gigil kanina sa mukha ngayon ni daddy na gigil na gigil na rin.

Nanatili akong tahimik. I don't want to talk. I don't want to interrupt. Lalo lang siyang magagalit kapag ginawa ko iyon. When daddy's talking, no one is allowed to interrupt him. That's kabastusan for him.. lack of right manners..

"We only want what's best for you," aniya na medyo kumakalma na. "At ang pagiinom mo ay hindi makabubuti sa 'yo, Atasha. I hope you understand that?" aniya at tinaasan ako ng kilay.

Tumango ako bilang sagot. I'm not always drunk. Semestral break kasi ngayon kaya napapadalas ang night out namin ng mga kaibigan ko pero pangatlong beses ko pa lang naman itong umuwi ng lasing. Hindi naman three consecutive nights pero hayan sila at galit pa rin.. I'm just enjoying my life. What's wrong with that?

"You're grounded for the whole sembreak. Did you get that? Kapag lalabas ka, you'll have with you your driver and your bodyguard. You're not allowed to drive. You're not allowed to party. You're not allowed to drink. Understand, Atasha?" ani daddy na dinig na dinig mo sa boses niyang pinal na ang desisyon niya at hindi na ito mababali o mapipigilan.

I know he'll say that. I already saw it coming. Nothing's new. Hindi ko na rin naman mabilang kung ilang beses kong naranasan ma-grounded simula bata pa lamang ako. Kulang siguro ang kamay at paa ko para mabilang iyon sa dami. I'm used to it, anyway. I'm not Atasha for no reason. I still can escape.

"Yes, dad. I'm sorry, again.."

Nag simula kaming kumain. Nag usap si mom at dad tungkol sa negosyo. Minsang sumisingit si kuya dahil sa ngayon ay tinetrain na siya nila na i-handle ang business namin. Kuya just graduated college a few months ago. Kaya ngayon ay tine-train na siya ni daddy at ni mommy. Sa pagkaka alam ko ay sa hotels and restaurants na business namin siya inatas ni daddy. Iba't iba ang business namin, marami ngunit iyon lamang ang alam ko, our chains of hotels and restaurants around Asia.

Nang matapos ay pinainom akong muli ni mommy ng gamot para daw sure na mawala na ang sakit ng ulo ko. Malambing talaga si mommy. She's really caring but like daddy, she's strict and authoritative too but not too much. Minsan ay inii-spoil pa rin ako sa mga kapritso ko.

"Kuya, can I go to the mall?"

Nasa kaniyang study ngayon si kuya at kanina ay nag decide ako na sumama kay Lara papuntang mall dahil ilang araw na akong nandito lang sa bahay. Kung hindi nagbababad sa laptop ay sa gym ako naglalagi o kaya minsan nagpapalipas ng oras sa pool. I'm so damn bored!

Tinitigan niya ako saglit bago ibaling ulit ang tingin sa kaniyang laptop. May dinial siya sa phone niya at hula ko'y si daddy iyon. Whatever! Napairap na lamang ako habang tinitignan siyang kausap si dad sa phone.

"Hello, dad... yes... it's about Atasha... no, no, dad... she's just asking if she can go to the mall? Alright, I'll ask her..."

Nakahalukipkip lamang ako habang nakasandal sa hamba ng pintuan ng study niya. Sinulyapan niya ako at bahagyang inilayo ang phone sa tainga.

"Dad's asking if who are you with? Lara?" tanong niya at tinaasan ako ng kilay.

"Yeah," sagot ko sa kaniya na ibinalik na muli ang phone sa tainga at kinausap si daddy.

Ilang minuto lang ay nag paalam na siya kay daddy at may tinawagan pa muli. Tinaasan ko siya ng kilay nang marinig kong banggitin niya ang pangalan ni Lara. Goodness! Talagang tumawag siya sa kila Lara?

"This is Andres, Atasha's brother.. may I speak to Lara?" aniya at sinulyapan ako inaantay kung aalma ako upang malamang nag sisinungaling lang akong kasama ko si Lara.

"Yes, Lara... are you going with Atasha? Sa mall? yeah... oh, alright! Bye... sorry for the call... just want to know... okay, thanks..."

Ibinaba na ni kuya ang phone niya at tinignan ako. Hindi ko alam kung oang ilang irap ko na ito. Lalabas lang ako papuntang mall pero inabot na ng siyam siyam, pagpapaalam pa lang!

"You'll bring your driver and your two bodyguards with you okay?"

Nanlaki ang mata ko dahil dalawang bodyguard? Seriously?

"Kuya! One bodyguard is enough! Bakit dalawa pa? This is too much! God!" sapo sapo ko na ang ulo ko dahil sa inis.

"Iyon ang bilin ni daddy. If you want him to lift the punishment as soon as possible, follow his terms. Now, you go and get ready. Lara's coming in any minute now." iyon ang huli niyang sinabi bago bumalik sa laptop niya.

God! I can't believe them! Padabog akong lumabas ng study niya at dumiretso sa aking kwarto para makapag palit ng damit.

Nang katukin ako ni yaya ay saka lamang ako bumaba. Lara's here!

"Tash!" Nagbeso kami at nag hug. After that night ay ngayon na lang ulit kami nag kita. You know, I'm grounded.

"Let's go?" pahakbang na kami palabas nang marinig namin si kuyang nagmamadaling bumaba.

Nilingon namin siya ni Lara at ang iritadong mukha niya ang sumalubing sa akin. What now?

"What's that?" iritadong tanong niya sa akin habang pinapasadahan ng tingin ang suot ko.

I'm wearing a white tube top and a high waist ripped jeans paired with my hermes belt and white sneakers.

"What about ny outfit, kuya?" tinaasan ko siya ng kilay.

Umiling iling siya at itinuro ang taas. "Go back to your room and change! What kind of top is that?" iritado niyang tinignan ang tube top ko.

Si Lara ay nakaupo lang sa sofa namin at busy sa kaniyang cellphone. She's used to this. Kuya being so over protective and possessive!

"God! Kuya! I brought my denim jacket!" sagot ko at ipinakita sa kaniya ang denim jacket na hawak.

I know this will happen that's why I'm ready.

"Then you wear that freaking jacket properly! Anong silbi niyan?"

Inirapan ko na lamang siya at isinuot agad ang jacket. "Okay na? Can we go now?"

Hindi ko na siya hinintay na sumagot at dire-diretsong lumabas. Kasunod ko na naman si Lara sa likod ko ngunit kasunod din pala namin si kuya.

"Mang Rene, before seven dapat narito na kayo."

Tss. Umirap ako bago pumasok sa loob ng sasakyan.

"Atasha, dito ka mag-dinner. Iyon ang bilin ni daddy."

Tumango na lang ako nang hindi siya tinitignan. Nandito kami sa back seat ni Lara. Inihatid lang siya ng kanilang driver at bumalik na din sa kanila.

Sa harap ay si Mang Rene ang driver namin at ang isa pang kasunod naming sasakyan ay naroon ang dalawang bodyguards na ipinasama ni kuya sa amin.

"Mukhang mas mahigpit yata sila ngayon sa 'yo unlike dati.." ani Lara nang nakalabas na kami ng gate at tumulak na papuntang mall.

Humalukipkip ako at umirap sa kawalan.

"Yeah, and it's annoying!" reklamo ko sa kaniya.

"I heard they sued that guy who harassed you. Dapat lang iyon sa kaniya. Sa mukha pa lang niya alam mong manyakis na! Kadiri!"

Dapat lang talaga sa kaniya iyon. Kung hindi niya ako hinalikan edi hindi sana ako kinaladkad ni kuya palabas ng bar. Sana masaya akong nag party that night. Sana hindi ako grounded ngayon.

"That night, your kuya was fuming mad! Lalo na noong nakita nila kayo sa gitna ng dance floor at hinahalikan ka na ng guy! He was with this guy that night.. siya iyong naunang sumuntok. God! Ang gwapo niya!"

Wait, oo nga pala? Dalawa silang sumundo sa akin noong gabing iyon. Tinignan ko si Lara na ngiting ngiti habang kinukwento kung paano nag flex ang muscles noong lalaking kasama ni kuya sa bar noong gabing iyon.

"Who's that guy?" tanong ko sa kaniya ngunit nag kibit balikat lamang siya.

"I don't know. I just know that the guy's drop dead gorgeous! And he's mad too that made him look so hot! His clenched jaw, tensed biceps and deep set raging eyes! Oh my gosh, Tash!" aniya at niyugyog ako nainis naman ako kaya lumayo ako sa kaniya.

Ano bang pinag sasabi nito. I'm sure that guy was just one of our bodyguards na isinama ni kuya sa pagkuha sa akin that night.

"You're so cheap! Baka isa lang sa mga bodyguards namin iyong nakita mo."

Ngumiwi naman siya sa sinabi ko at tinignan ako. "Kasama ba natin ngayon?"

Kinunutan ko siya ng noo dahil May excitement sa toni niya. What the hell?

"Siguro lasing na lasing ka that time kaya akala mo si Adonis iyon, 'no?"

Inirapan niya ako bumaling sa kay Mang Rene. "Mang Rene, May bodyguard ba sila na super gwapo and super tangkad?"

Natatawa naman siyang binalingan ni Mang Rene at umiling. Bumagsak ang balikat ni Lara at dismayadong bumaling sa akin.

"See? You were so drunk that night. Lahat ng nakikita mo akala mo gwapo!"

Tinawanan ko siya kaya naman tinarayan ako ng bruha. Wala na siguro sa wisyo noong gabing iyon kaya nag hallucinate! Umiling iling na lang ako..

"Mang Rene, pwede po pasabi sa dalawa na huwag masyadong lumapit sa amin ni Lara?"

I was referring to my two bodyguards. Bago kami bumaba ni Lara ng sasakyan ay binilin ko muna kay Mang Rene dahil ayokong sobrang lapit nila sa amin ni Lara. It's making me uncomfortable.

"Sige po, ma'am."

Pumasok na kami ng mall ni Lara. Luminga linga naman ako para hanapin kung nasaan ang dalawang body guard ko. Nasa malayo lang sila at tinatanaw tanaw ako. Magkahiwalay sila kaya doon lang sa aparatong nasa tainga nila sila naguusap.

"Anyway, Tash.. next week na iyong birthday ko! May isusuot ka na ba?" excited na tanong niya.

Right, I almost forgot about her birthday. It's her 20th birthday. I don't know why it's so grand to the point that we need to wear formal attires for the party. Hindi naman niya debut. Well, why do I care? They're rich. Baka trip lang talaga nilang engrande ito.

"Hmm, yeah. Mom asked her designer friend to design a dress for me. Hindi ko pa nakikita pero ang sabi naman ni mom ay malapit na itong matapos.."

Last month pa pinagawa ni mommy ang dress na iyon dahil last month pa din nagpeprepare si Lara for her birthday. See? It's really a grand celebration!

"Hay! May cake tasting nga ako later sa bahay, e. I really don't know why this celebration is so grand. Noong nineteenth ko naman ay nag out of town lang kami." aniya habang nagsusukat ng five inches gold heels.

Habang nag sasalita siya about sa party niya ay inabala ko na lang ang sarili ko sa pagpili ng sapatos na susuotin para sa gabing iyon. Light peach ang kulay ng susuotin ko kaya siguro silver or gray ang bibilhin kong heels.

Ilang sandali pa ako nag ikot sa shop na ito bago ako nakapili. Three inches heels lamang ito na kulay gray. It's plain but elegant that's why I liked it.

"Are you hungry?" tanong ko kay Lara nang makalabas kami doon sa shop ng isang sikat na brand ng mga sapatos at bags.

"Nah, how about you?"

Umiling ako. Hindi pa rin ako gutom.

"Coffee bean nalang tayo?" aniya na sinang ayunan ko naman.

Kaya naman dumiretso kami sa coffee bean at um-order ng frappe. At dahil masyadong maraming tao at wala kaming makitang bakanteng upuan ay nag pasya kami ni Lara na pagka order ay maglakad lakad na lang sa mall.

"I invited tito and tita, huh! Hope they come!" aniya habang naglalakad kami sa loob ng mall.

"I don't know if they're sure, Lara. They're quite busy, e. I'll ask them later when I got home.."

Lara's parents and my parents are good friends. Kaya nagkakilala kami ni Lara dahil sa kanila. We met when we were in high school. Hindi nga lang kami same ng school that time. Dahil friends nga ang magulang namin ay lagi silang bumibisita sa bahay kaya naging close na kami. At noong nag college kami, we decided to enter the same university. Magkaiba nga lang kami ng course. She's taking up business management while I am taking up fine arts. We're in second year now.

"Bitch!"

May sumigaw sa likod namin pero dinedma lamang namin ni Lara. Dire-diretso pa rin ang lakad namin.

"Hey, you bitch!" sigaw ulit ng babaeng hindi ko kilala at hindi ko pag aaksayahan ng oras na lingunin.

Hindi naman siguro kami ni Lara ang tinatawag niya, hindi ba? Pero bago pa man kami makahakbang muli ay may humili na ng braso ko. Hinawi ko kaagad ito ay hinarap ang kung sino mang mapangahas na humak sa braso ko.

"What's your problem?" iritado kong tanong sa babaeng nasa harapan ko na ngayon.

"Anong problema ko? Ikaw! Ikaw ang problema ko!"

Pinag taasan ko siya ng kilay at humalukipkip. Nagkatinginan kami ni Lara at nagkibit balikat. Lalakad na sana kami ulit ni Lara ng harangan niya ang dadaanan namin.

"Move." saad ko sa babaeng morenang nasa harapan ko.

She's not that tall. Magka sing height sila ni Lara. I'm 5'7 tall and Lara's 5'4. She's wearing a white lacy spaghetti strap dress. Naka single pony tail ang kaniyang kulay itim na buhok. She's pretty... pretty common iyong mukha niya. Tss..

"No! Napaka sama mo! Nilandi mo na nga iyong boyfriend ko tapos ikaw pa itong may ganang kasuhan siya!"

Nagkatinginan kami ni Lara. "What?" tanong niya sa morenang babaeng ito.

"You're a slut! Ang kapal ng mukha mong ipakulong ang boyfriend ko? Eh ikaw itong lumandi sa kaniya!"

Tinaasan ko siya ng kilay. May hula na ako sa kung saan nanggagaling ang babaeng ito.

"Hindi purkit mayaman ang pamilya mo eh kayang kaya mo ng gawin kung anong gusto mo!" singhal niya sa akin. Galit na galit siya na anytime pwede niya akong sabunutan.

Nakita ko namang papalapit na ang dalawang bodyguards ko pero sinenyasan ko silang huwag lalapit. I can do this my own.

"Stop accusing my bestfriend! Hindi niya nilandi ang boyfriend mo! Iyong boyfriend mo ang malandi at manyakis!" singhal ni Lara dito sa babae.

Hinawakan ko ang braso niya para pigilan siyang sugurin ang babae. Ang mga dumadaan ay napapatingin na sa amin. Ang iba naman ay deadma lang. Nasa likod ko na ang dalawang bodyguards ko.

"Shut up! He's not like that!" gigil na gigil na ang morenang babaeng ito.

Taas baba na ang kaniyang dibdib at mamula mula na ang kaniyang pisngi at leeg sa sobrang inis. Habang ako ay mahinahon pa rin at mataman lamang siyang tinitignan.

"Poor girl," simula ko habang umiiling na lumapit sa kaniya.

"B-bawiin mo iyong kasong sinampa ninyo sa kaniya!" Sigaw nito sa mukha ko nang makalapit na ako sa kaniya.

I'm towering over her. She look so small. What a pity..

"Paano kung ayoko?" tanong ko na may halong panunuya sa boses. "And, you're boyfriend deserves that.. she's nothing but a maniac jerk.."

Unamba siyang sasampalin ako ngunit napigilan ko na agad ito. Mahigpit kong hinawakan ang pala pulsuhan niya at tinaasan siya ng kilay.

"Don't you dare lay your hands on me. Sayang ang pa-facial ko kung madudumihan lang ng kamay mo."

Binitiwan ko iyon ng bigla kaya na-out of balance siya dahilan kung bakit napaupo siya sa sahig ng mall. Ngumisi ako.

"You're just wasting your time. Your boyfriend deserves it. And I can't do anything about it. Hindi naman ako ang nagpakulong sa kaniya. If you want, you can talk to my dad and to my kuya. Sa kanila ka mag reklamo. Sila ang nagsampa, not me.."

Tumayo siya at buong lakas pa din akong tinignan ng masama. Nangingilid na ang luha niya. Aww, poor girl.

"Now you're crying? Oh gosh! Ikaw itong ang lakas ng loob na sumugod sa amin tapos ikaw ang iiyak? Weak.." ani Lara sa tabi ko na inirapan ang babaeng ito.

"Bitch!" aniya sa kay Lara. "Ang sasama ng ugali ninyo!"

"You know what? Kanina pa ang dumi ng mga lumalabas diyan sa bibig mo." saad ko sa isang mahinahong tono.

Lumapit ulit ako sa kaniya. Hindi talaga siya natitinag. Masama padin ang kanyang tingin sa akin.

"Mas madudumi kay—.."

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya. Nag singhapan ang mga taong nakakita sa ginawa ko sa kaniya.

"Oh my gosh!" sigaw niya at agad pinunasan ang mukhang madungis dahil sa inumin kong isinaboy sa kaniya.

"Sayang, tunaw na kasi itong frappe ko. Instead of throwing it away, sayo ko na lang isasaboy. Masarap ba?" sarkastiko kong tanong sa huli.

Matalim niya akong tinignan at umambang aabutin ang buhok ko ngunit hindi na niya nagawa dahil tinapunan na rin siya ni Lara ng kaniyang inumin.

"Oops, sorry. I thought, you'll like mine. It's green tea, girl. It's good for the skin. Baka sakaling matanggal niyan ang mga dead skin cells sa bibig mo. You should thank me.." Ani Lara at nag hair flip muna bago ay hinila na ako palabas ng mall.

Hindi na naman kami nasundan ng babae na hula ko ay pinigilan din ng aking bodyguards. Habang pasakay kami sa sasakyan ay tawa kami ng tawa ni Lara.

"Did you see her face? Grabe! Priceless!"

Tumango ako at humagikgik na rin.

"How dare her? Ang lakas ng loob sumugod. Deserve naman ng boyfriend niya iyong nangyari! What a pity.." umiling iling si Lara habang nakatingin sa labas ng sasakyan.

"Tss. She's too blind to even see that her boyfriend is a jerk and is already cheating on her. Poor girl.." saad ko at humalukipkip nalamang sa loob ng sasakyan.

"Bold of her to assume na iuurong mo ang demanda sa boyfriend niyang manyak." umirap siya at umiling. "And, no one dares to mess up with you! I hate her guts!"

Ngumisi na lamang ako at sumandal sa upuan. Wala rin naman akong magagawa e, si Daddy at kuya ang nag sampa ng kaso. I know, hindi nila palalampasin ito. And knowing kuya? Tss. Buti nga nakapag pigil pa iyon e. Baka hindi sa kulungan ang bagsak nong lalaking iyon kundi sa ospital.

Alas sais y media na rin pala ng hapon kaya ayos lang na pauwi na rin kami. Ihahatid na lang muna namin si Lara sa kanilang bahay.

"Bye, Tash! I'll be busy for my party the next days so baka sa mismong party na lang ulit tayo mag kita.." aniya bago lumabas ng sasakyan.

Tumango ako at ngumiti. "It's alright, Lara. See you at your party, then?"

Tumango siya at nag wave na bago isinara ang pintuan ng back seat. Nang makapasok na siya sa gate nila ay saka lamang kami umalis pabalik ng bahay.

Nang makarating kami sa bahay ay saktong nasa hapag na si mommy, daddy at kuya. Hindi na ako nag abalang mag palit ng damit at dumiretso na ako sa dining room.

"Dad," hinalikan ko siya pisngi.

"Mom," ganoon din ang ginawa ko kay mommy pati kay kuya. "Kuya.."

Umupo na ako sa tabi ni mommy at pinag silbihan naman ako agad ng mga katulong namin.

"Where's Lara? You should've invited her for dinner.." ani mommy kaya nilingon ko siya at umiling.

"She's having a taste test for her birthday cake tonight, mom. So, she can't come.." sagot ko at inayos na ang table napkin sa aking hita.

"She also asked me to tell you about her party. Makakapunta po ba kayo?"

Tumikhim si daddy at umiling. Tumango naman ako at nag simula nang kumuha ng rice.

"Ramon invited us but we can't come. We will be going out of town next week. May aasikasuhin kami ng mommy mo para sa business.." ani daddy bago sumimsim sa kaniyang juice.

Tumango ako at nag patuloy sa paglalagay ng ulam sa aking plato.

"I already told Ramona that we can't come.." dagdag ni mommy. "By the way, your gown will be here this weekend. Are you excited to see it? It's your design, anyway.."

Nginitian ko si mommy. Yes, that's my idea. Ako ang nag design ng gown ko para sa party ni Lara. Gusto niyang ako ang mag design ng kaniya pero sabi ko sa professional na siya magpadesign para mas maganda.

"Of course, mom.."

"Andres, are you attending Lara's party? You should, you'll be Atasha's escort.."

Tinignan ko si kuya na uminom muna sa kaniyang juice bago mag salita.

"Sorry, dad. I can't. I have a meeting with the Chinese investors that day. Hapon ang dating nila sa araw na 'yon kaya baka hindi ako maka abot sa party. But, I'll still try.."

Yes! I'll be free sa gabing iyon!

"I know what you're thinking, Atasha.." ani daddy nang mapansin siguro ang pag ngisi ko sa sagot ni kuya.

Si kuya naman ay tinaasan ako ng kilay, ganoon din si daddy. Nag maang maangan naman ako at tinignan silang parang nagtataka.

"Isasama mo si Mang Rene at ang isa mong bodyguard."

Ngumuso ako sa sinabi ni dad. Akala ko naman magiging free ako sa gabing iyon. Kainis! Sinulyapan ko naman si kuya na nakangisi ngayon habang hinihiwa ang karneng nasa plato niya. Inirapan ko lang siya at nag patuloy na lang sa pagkain.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C1
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login