Download App

Chapter 3: II

*HARRA

Tulala akong nakatingin sa kawalan. Hindi makapaniwala sa mga nangyari. Napatingin ako kay Yul na payapang natutulog. Hindi ko siya kayang lokohin pero ayaw ko rin naman siyang mawala sa 'kin. Hindi niya ikatutuwa ang ang gagawin ko kung sakali. Baka kung sakaling magising siya at malaman niya ang gagawin ko ay baka mas naisin niya pang maratay ulit.

Nagbukas ang pinto ng kwarto ni Yul at iniluwa nun ang doktor ni Yul. Mukha itong may problema at mabigat ang aura nito.

"Doc, bakit po?" Tanong ko sa kanya. Napailing siya at humugot ng malalim na buntong hininga.

"I'm sorry. Pero kailangan mong bayaran ang bills ni Yul. Ngayon din mismo dahil kung hindi ay wala na kaming magagawa kundi... itigil ang makina," malungkot na saad nito. Napatanga naman ako sa harap niya at inabot ang bill na hawak niya. Nanlaki ang mata ko sa dami ng zero doon. Limang daang libong piso?! Kalahating milyon?!

"D-Doc, bakit naman po ganito kalaki? Hindi po ba dapat ay nababawasan na ito dahil nagbabayad naman ako?" hindi makapaniwalang tanong ko. Napailing na lang ang doktor at tumalikod sa kin saka lumabas ng kwarto ni Yul. Napasalampak ako sa sahig. Saan naman ako kukuha ng ganito kalaking pera?! Ngayon mismo? Nanlalabo ang mga mata ko at nanghihina. Napadako ang tingin ko kay Yul. Payapa siyang nakahiga dun na parang natutulog. Hindi ko siya dapat isuko. Litong-lito na ako at naghihisterya dahil baka mawala sa 'kin ang taong pinanghahawakan ko ng aking buhay.

"I'm sorry, Yul. Mahal kita at hindi ko kakayaning mawala ka. Mas gugustuhin ko pang magising ka kahit na kamuhian mo pa ko," naluluha kong sabi sa kanya. Hinalikan ko siya sa noo saka nanghihinang lumabas, nanlalabo ang mga mata ko sa luhang nagbabadyang tumulo. Paglabas ko ay may bulto ng lalaking nakatayo sa harap ng pinto ni Yul.

"Thanks. She's here now. I don't mind donating a few millions in this hospital, I appreciate your deeds," nakangisi niyang tinapos ang tawag habang nakatitig sa 'kin. "I suppose, the doctor told you. I came here just in case you'll need me... badly," walang emosyong saad niya. Hindi ko na namalayan na dumapo na ang palad ko sa pisngi niya. Bahagya siyang natigilan at napahaplos sa kanyang pisngi saka ako kinaladkad papasok sa kwarto ni Yul . Naupo siya sa maliit na sofa na naroon kaharap ang higaan. Mahigpit niyang hinawakan ang mga kamay ko palikod at paharap kay Yul habang kalong-kalong niya ako.

"Bitiwan mo ko!" asik ko sa kanya habang sinusubukang kumawala sa hawak niya.

"Kahit sumigaw ka pa at maubos man 'yang boses mo kakasigaw. Walang pupunta rito para tulungan ka. Not even your useless boyfriend," mapaglarong bulong niya sa tenga ko habang marahang kinagat-kagat pa 'yon. Nagtatayuan ang mga balahibo ko sa ginagawa niya. Nanlilimahid ang pakiramdam ko habang nakapangko ako sa kanya.

"P-please..." pakiusap ko. Napabuntong-hinga siya saka binitiwan ang mga kamay ko ngunit niyakap ng braso niya ang bewang ko samantalang ang isa niya pang kamay ay humahaplos sa mahaba kong buhok.

"Don't make it hard for you. You see? All you have to do is ask me and I'll do it. In return, you have to submit yourself, the whole duration of our contract," sabi pa niya. Naiiyak ako.

"Bakit ako? Ang daming babae?! Please sila na lang. Kung gusto mong lumuhod ako sa harap mo gagawin ko. Wag lang ako ang piliin mo," nagmamakaawa kong pakiusap sa kanya. Humigpit ang hawak niya sa 'kin.

"I don't want anything aside from you, signing the contract. Huwag mo 'kong pwersahin na pahirapan ka pa. Wala ka ng magagawa dahil ikaw ang napili ko at wala ka sa lugar na kwestyunin ang desisyon ko. I can fvck you here. With your boyfriend lying on that bed," kasabay nun ang paggawad niya ng mga munting halik sa aking batok. Alam kong mali ito ngunit wala akong mapagpipilian. Nandidiri ako sa pasimpleng pahaplos-haplos niya sa 'kin. Ayoko itong gawin, pero ayoko ring mawala ka sa 'kin Yul.

'I'm sorry, Yul.' Tuluyan nang bumagsak ang luha ko at kasabay nun ang pagsuko ko sa kamay ng demonyong ito.

---

3rd POV

"Neien, are you sure about this?" Tanong ng kanyang sekretarya.

"Wala ka sa posisyon na tanungin ako ng ganyan," sagot ng binata habang abala sa pagbabasa ng mga kontrata.

"I'm talking here as your half-brother," nasa boses nito ang pagkainis sa kapatid. Doon nakuha niya ang atensyon ng binata. Padabog nitong ibinaba ang papeles na binabasa.

"Darin! You are my brother not half. You are not an illigitimate child! Why are you staying with me anyway? I can give you the half of all of this. Just say it," naaasar na saad nito. Mapait na napangiti ang kapatid niya.

"Why are you so good to me? Di ba dapat ay galit ka rin sa 'kin? Dapat ay pinagdadamutan mo ako sa lahat ng mayroon ka dahil ikaw ang legal na anak?" Tipid ang ngiting sumusupil sa kanyang mga labi.

"Stop it, Darin. Isa pa at talagang sasapakin kita. Wala kang kasalanan sa pagtataksil ni Dad kay Mom. Biktima ka lang rin," seryosong tugon nito.

"Neien, tell me honestly... bakit napakadesperado mong makuha ang babaeng 'yon? Marami ang gustong mag-volunteer na anakan mo. Bakit siya pa? Did she do something to you?" Tanong ulit ni Darin.

"Because of that useless bastard. I will ruin him. Lahat ng may kinalaman sa kanya. Kulang pa ang ma-commatose siya. At hindi pa rin sapat kahit mamatay siya. Kulang na kulang pa rin," puno ng galit ang mga mata nito.

"Neien, you better not regret this," umiiling na sabi ni Darin.

"D, shut it. I'm not paying you to talk to me. Do your job," balik sa strikto ang boses nito.

"Oh, fvck that. Alam ko namang kahit humilata lang ako rito buong araw ay may sweldo pa rin ako. At kahit wala akong gawin ay laging may laman ang bank account ko na sobra-sobra para sa hamak na sekretarya ng isang topakin na katulad mo," palatak nito. Agad namang tumama sa kanya ang walang laman na cup ng mamahaling kape sa ulo niya.

"Tumigil ka or I'll fire you," pikon na sabi nito.

"Ika-597 beses mo ng sinabi yan," nakangising sagot nito habang abala sa ginagawa niyang pag-aayos ng mga folder sa kabilang mesa matapos niyang ayusin 'yon ay lumabas na ito para bumalik sa kanyang pwesto. Napailing na lamang ang kapatid nito. Bumalik na lamang siya sa trabaho. Hindi niya namalayan ang pagtakbo ng oras. Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at lumitaw roon ang babaeng kasintahan ng kinamumuhian niya. Napangisi siya. Sinuri niya ito mula ulo hanggang paa. Simple ito at maganda. Mukhang kagalang-galang. Naka-baby pink itong blouse na tinernuhan ng hanggang tuhod na palda. Amoy na amoy niya ang pabango nito.

"Boss, Ms. Harra is inside," napatingin siya sa tumunog nitong intercom. Nilapitan niya iyon at sinagot.

"Go have lunch. Be back after two hours," utos niya rito habang matiim na nakatitig sa dalaga. Nakayuko ito at medyo namumula ang mga pisngi.

"Got it," sagot ng kanyang sekretarya.

"Come here," tawag niya rito kahit alangan ay lumapit ito sa kanya. Marahan niya itong hinila paupo sa sofa na nasa kanyang opsina. Tahimik lang itong sumunod sa kanya.

"What brought you here?" tanong niya sa dalaga. Doon lamang nagtaas ng tingin ang dalaga at matamang tinitigan ang mga mata niya.

"P-pumapayag na ko," mahinang sambit nito ngunit sapat na iyon para kanyang marinig.

"I know you will," nakangising sagot niya. Hindi na siya nagulat sa sinabi ng dalaga ang totoo ay inaasahan na niya itong mangyari. Tumayo siya at kinuha ang kontrata sa kanyang drawer. Bumalik ito sa kinauupuan ng dalaga at iniabot ito sa kanya. Kinuha na lang iyon ng dalaga at agad na pinirmahan.

"You're not gonna read it?" manghang tanong ng binata.

"Basahin ko man yan at magreklamo man ako ay wala ring silbi dahil hindi na yan mapapalitan," bakas sa boses nito na labag ito sa kanyang kalooban. Napangiti ang binata at muling isinilid sa folder ang kontrata.

"Good girl. Now, let's seal it with a kiss," hindi na niya hinintay ang tugon ng dalaga at hinalikan na niya agad ito. Maiinit at mapagparusang halik.


CREATORS' THOUGHTS
Mirrage_Nim Mirrage_Nim

Hi, this is Mirrage!

Hope you enjoyed the story.

This story was originally from another platform and was published as a book.

You can grab a copy if you'd like.

I will be doing some revisions and this version will be different from it's original. So, if you have already read this... please don't be confused.

If not, enjoy the ride. Hang on tight~ ;)

You can follow me on instragram:

@_mxrrxgx

Happy New Year!!!

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login