Download App

Chapter 3: Sa Ngayon Ako Muna 1

Ilang years ka na bang single?

Ilang years ka na ba nung huli kang nagkaroon ng karelasyon?

Baka naman wala pang taon bago ka naging single ulit.

Baka naman kakabreak mo lang tapos hahanap ka na naman ulit ng bago.

Naisip mo ba bakit parang tila nag a-apply tayo sa maraming trabaho tapos sa huli hindi pala iyon ang para sa atin. Hindi pala tayo 'fit' sa ganong trabaho.

Parang sa karelasyon, sa dinadami-dami ng naging ex mo, masasabi mong may hindi ok at ok naman, pero bakit niisa don hindi nag work?

Bakit kahit anong gustuhin at ingat natin sa isang bagay eh nawawala na lang bigla?

Naranasan niyo na ba yon?

Ako, oo. Sa sobrang sabik ko sa ganong nararamdaman, kahit alam kong hindi iyon tama eh tinuloy ko. Kahit sabi ni God, Huwag muna. Pero heto nag go pa rin ako.

In the end. Walang nangyari. Iniwan ang ate mo.

Yung una sa listahan ng Sa Ngayon, Ako Muna ay paglilingkod sa Diyos.

Magsimba ka. Magbasa ng bibliya at isabuhay ang mga pangaral ng Diyos. Nang sa gayon alam mo ang patutunguhan mo.

Yang love life? Madali na yan. Ibibigay yan sa atin ni God ng hindi natin nalalaman. Nang hindi tayo kailangan magmadali basta magtiwala tayo sa kanya.

Minsan napaisip ka ba, bakit kaya ang dami ko nang nagiging jowa pero wala pa rin? Bakit same reason ang halos cause ng break up?

Bakit kaya ilang years na kami, maganda naman yung naging flow ng relasyon namin pero bakit hindi pa rin nauwi sa altar?

Ilang taon ka na ba?

Wala ka pa naman sigurong 30's.

Nakapagtapos ka na ba ng pag aaral?

Baka nga ang iba sa inyo, college palang.

Nakatulong ka na ba sa pamilya mo?

Eh baka naman puro ka pa reklamo kahit sa simpleng hugasin ng pinggan tapos sabik ka sa paghanap ng The One mo.

Kumusta ang relasyon mo sa Diyos?

Baka naman relihiyosong tao ka lang pero hindi mo in-apply yung mga salita niya sa buhay mo.

Kasi gusto ni God, maayos muna ang relasyon mo sa kanya. Gusto niya handa ka na bago na sumabak sa panibagong yugto ng buhay yan ang pakikipagrelasyon. Gusto ni God na hindi ka lang nakikipagrelasyon para sa sarili mo but also for him. Spread the love sabi nga nila. Yung relasyon kasi na dapat siya ang sentro. Hindi lang basta sa inyong dalawa umiikot iyon, dapat sa kanya.

Saka sabi nga kapag nag fail ang love, hindi yun love na matatawag kasi love never fails.

Huwag ka lang maging maka Diyos kasi gusto mo ng magandang love life. Mali agad yon! Alam ng Diyos kung ano ang iniisip natin at ang nasa puso natin.

Sa ngayon, ayusin mo muna ang relasyon mo sa Diyos. Domino effect yan, maniwala ka.

Pag alam niya ng ok ka na. Maayos ka na. Pwede ka na. Ibibigay niya yun sayo. Chill ka lang dyan.

Kung hindi ka man naniniwala sa Diyos kasi nagtatanong ka kung talagang may Diyos bakit kailangan mo pang sapitin ang ganyang bagay? Ipagpalit ka! Lokohin ka! Na plastik ka ng tropa! At kung ano pang problema.

Binigyan tayo ng Diyos ng free will. Kaya choice mo yan, ok? Choice yan. Hindi ko naman sinabing choice mong naloko ka.

Hindi yun. Ganito, bakit ka mag s-stick sa isang lalaki lang kapag nagpapaligaw ka damihan mo. Natural yan sa babae, dahil ang totoong lalaki papatunayan niya kung sino siya at kung ano talaga yung intensyon niya kahit gaano man kadami ang kakumpitensya niya.

Una sa lahat, paano mo malalaman kung sino ang para sayo kung isa lang ang pinagbigyan mong manligaw hindi ba? Tapos sa huli yung isang yun na napili mo pa eh niloko ka.

Paano kung isa lang gusto manligaw sayo? Background check girl. Alam mo yan! Alamin mo kung babaero ba siya o kung ganito ganyan ba siya.

Sa huli, manalangin ka sa Diyos. Kung talagang ayaw ibigay sayo ng Diyos wag mong ipagsapilitan. Kung para sayo, para sayo!

Basta sa ngayon, kapag parang nagbibigay si God ng signal na wag yan. Wag muna. Sarili muna ok?

#ConnectionkayGod


Load failed, please RETRY

New chapter is coming soon Write a review

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login