Download App

Chapter 2: CHAPTER 2.

DAHIL day off ni anna ngayon, mag isa lang siyang naglalakad papunta sa trabaho. Nang mapansin niya ang isang babae at isang lalaki na naghahalikan sa katabi ng kalsada. Nang papalapit na siya sa dalawa nakilala niya agad ito. Ang anak ng amo niya na si rick at ang babaing hindi pamilyar ang mukha sa kanya. Yumuko na lamang siya at nagdiritso diritso lang sa paglalakad hanggang sa malagpasan niya ito. Nilingun niya ang mgat ito, patuloy pa rin ito sa paglalampungan.

Naku naman. Hindi na ba talaga sila makapagpigil sa mga sarili nila at sa kalsada na lang naglalampungan. At sino na naman ang bagong babae ni rick saan nya naman kaya nakilala yon? Mahinang sabi niya.

Nilingi lingi na lamang niya ang kanyang ulo at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa nakarating siya sa kanyang pinagtatrabahuan.

Pag-kababa ng bag niya ay nagayus lang siya saglit at tumulong na siya sa magsesrbisyo sa mga kostumer nila. Dahil wala ang kaibigan niya ay sila lang ni grace ang duty. Si grace ang pinakamatagal sa kanila na nagtatrabaho sa lemon restaurant.

Maaga pa nakasimangot na yang mukha mo. Mamaya biglang nagsipagalisan mga guest natin. Sita sa kanya ni grace.

Tiningnan niya ito. Paano ba naman ate nakita si sir rick na may kalampungan na babae.

Tumingin naman ito sa kanya at ngumiti. Alam kasi nito na malaki ang pag kagusto niya kay rick.

Alam mo ella, hindi ko alam kong anu ang nagustuhan mo kay sir rick. Ei alam naman natin napakababaero nya. At pinagpatuloy nito ang pagliligpit ng mga plato.

Hindi ko din alam ate grace ei. Basta ang alam ko gusto ko sya.

Ang tanong gusto ka din ba? At iniwan siya nito para ihatid ang mga plato sa kusina.

Habang abala siya sa pagaasikaso ng mga guest nakita niya si rick at ang babaing kasama nito.

Ella saan ka na naman nakatingin, nagtatawag ang guest oh. Sita sa kanya ni grace na pinuntahan ang costumer.

Sorry ate. Hinging pasinsya niya. At inasikaso niya ang ibang guest.

Hindi sila gaanung busy, nakisama din ang mga ibang guest sa kanila dahil dalawa lang sila. Kaya kahit papaano ei nakapaghinga sila. Medyo maaga din kasi kumain ng breakfast ang mga naka-check in sa kanila kaya maaga din natapos. May pailan ilan din kumakain na ng tanghalian.

Hinilot hilot niya ang kanyng benti. Medyo masakit pa din kasi. Nang mapatingin siya sa isang babaing papalapit sa kanya at mataray na nagtanung.

Nasaan si rick?

Napatayo siya ng maayos at hinarap ang babaing naghahanap sa anak ng amo niya. Siya si samantha. Isa sa mga babae ni rick at naidala na nito sa kanyang room. May sarili kasi itong room sa hotel ng lemon resort and restaurant.

Ahh...magandang tanghali po maam. Bati niya rito.

Anung maganda sa umaga. At tinaasan siya ng kilay nito. Saan ang amo mo?

Ahh... maam wala pa po nakakabalik ei. Pagsisinungaling niya. Pag sinabi kasi niya dito na nakauwi na si rick at makita nito ang babaing kasama, baka magkagulo pa.

Tumaas ulit ito ng kilay. Are you sure.

Yes maam. Nginitian lamang niya ito at inalok na kumain.

Baka gusto nyo munang mag-lunch maam.

No thanks. Pakisabi sa amo mo pagdumating, pumunta ako at hinahanap ko sya. Mataray na sabi nito.

Ah sige po maam, sasabihin ko po. Sigurado po kayo na ayaw nyo po munang mag-lunch.

I'm not hungry. At tinalikuran na siya nito.

Umalis na ito. Napahinga siya ng malalim at hinimas himas ang dibdib.

Bakit hindi mo pa sinabi na naan dito na sir rick.

Sita sa kanya ni grace na hindi niya namalayang nasa tabi na niya. Nilingun pa niya si samantha hindi na niya ito makita.

Ate grace pag- sinabi kong naan dito na sya at makita niya ang babaing kasama ni sir rick, naku magkakagulo mabubulabog ang mga costumer natin.

Ayos dinamay mo pa mga costumer. Alam mo wag kang umasa na mapapansin ni sir rick yong mga effort na ginagawa mo para sa kanya. Naku masasaktan ka lang. Iniwan na siya nito.

Habang nagliligpit siya ng mga pinagkainan ng mga guest nakita niyang lumabas si rick at ang babae niya. Naka pang ligo ito. May swimming pool kasi ang resort nila. Nang makalusong na ang mga ito sa pool ay tinawag siya ni rick at agad naman siyang lumapit.

Bigyan mo nga kami ng bloody mary.

Utos nito at agad naman niyang sinunod. Nang maiserve na niya ito ay nakita na naman niya ang mga ito na naglalampungan.

Sige pakasawaan mo yang si sir rick dahil bukas hindi na ikaw ang kahalikan nyan. Sabi ng malikot niyang isip.

Paalis na siya ng tinawag siya ni rick. Miss pakisabi sa mga housekeeping linisan ang room ko.

Tumango lang siya at iniwan na niya ang mga ito.

Dumating na ang mga papalit sa kanila, malapit na naman ang uwiaan. Hindi pa din natatanggal ang sakit ng binti niya kaya napaupo siya.

Nang biglang tumunog ang telepono sa kanyang likuran. Sinagot niya ito si rick iyon. Pinapapunta siya sa room nito. Nakauwi na kasi ang babaing kalandian nito. Nagmamadali siyang pumunta kahit paika ika siya. Nang makarating ay agad siyang kumatok.

Sir si ella po ito. Pakilala niya.

Pinagbuksan siya nito ng pinto. Nakita niyang nakatualya pa ito walang sout na pang itaas. Kaya makikita mo ang mga pandisal nito.

May kailangan po ba kayo sir?

Pasimulang tanong niya. Nakaupo ito sa sofa at naka pangdikwatro. Nakatingin sa kanya. Hindi niya maintidihan ang mukha nito. Galit ba ito oh ano.

Pumunta si samantha dito kanina diba?

Ah....yes sir. Kinakabahang sagot niya dito. Na pinagpapawisan ang kamay niya at paa.

At sinabi mong wala ako.

Yes sir. Paano nyo ho nalaman? Mahinang tanong niya.

Tumawag siya sa akin. Then sabi nya wala pa ako ng pumunta sya dito. Sabi mo daw.

Yon nga po sinabi ko sir. May kasama ka po kasing babae kaya....

Very good.

Putol ni rick sa sinabi niya at tumayo ito at lumapit sa kanya. Yan ang mga gusto kong trabahanti. Wag kang kabahan yon lang itatanung ko. At ginulo ang buhok niya na para siyang isang bata. Sige na pwedi ka ng bumalik sa trabaho mo.

Sige ho sir. Papaalis na sana siya ng tinawag ulit siya nito.

Wait. What is your name again? Tanong nito.

Tinatanung nyo po pangalan ko?

Oo. Hindi ba pwedi?

Ah...ella po sir. Ella Baltazar po.

Ahh ok. Sige ella.

Tumango lang siya at mabilis na lumabas ng kwarto ni rick. Nang makalabas ay agad siyang pumunta sa restaurant at kumuha ng tissue. Lumabo kasi ang salamin niya sa subrang kaba at pinunasan ito.

Akala ko naman talaga may nagawa akong mali. Pwedi nya naman sabihin na lang sa telepono ei no. Kaloka. Mahinang sabi niya.

Pero kahit kinabahan siya ay napangiti siya kasi napansin na nito ang ginagawa niyang effort na dati nya pang ginagawa kapag may dala itong babae at may naghahanap dito na babae.

Papauwi na siya hindi pa din nawawala ang sakit ng binte niya, kaya paika ika siyang maglakad. Pasimple niyang hinawakan ang buhok niya habang nakangiti, dahil hinawakan iyon ni rick. At lalo siyang napangiti ng maalala na tinanung nito ang pangalan niya.

Friends na kaya kami? Kasi tinanung nya na ang pangalan ko tapos hinawakan nya pa buhok ko. Sabi ng malikot niyang isip.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login